EOPH2 Chapter 6: Bird Hunt at Death Woods Part 2

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015

.

[This Chapter is Dedicated to @ar0012]
.

"SlicerDM POV"

        Ikinagulat ng team namin ang narinig naming mga pagsabog ibaba. Alam na kaagad namin na mula iyon sa grupo nila Zaphro. Tumagal din ang mga pagsabog ng mga limang minuto. Kitang kita nga namin na nabawasan ang HP nila ng 30% at magka-stun effect.

.

Medyo may kataasan ang lipad namin para mas makita namin ang buong paligid. Palinga-linga kami sa paligid hoping to find what we are up to. Kaso walang sign ng ibon na hinahanap namin. I don't even know kung anong itsura nito. Dahil walang data patungkol dito. Wala pang nakakakita at nakakaharap nito.

.

"Sigeh tol, maghahanap ulit kami." sagot ko kay Zaphro sa kabilang linya.

.

Agad kaming umusad pang muli papunta sa bandang gitna ng gubat. Sana naman nadon ang boss para makalaban na ako. I mean, walang thrill kung walang action na mangyayari diba?

.

And then wala paring sign ng boss.. Buti pa sa ibaba na lang ako sumama dahil may thrill pa dun. Pero right now I am stuck in this team. .

"Naiinip na ako. Asan na ba kasi ang ibong yun?" naiinis kong sabi

.

"Wag kang magreklamo. Mahahanap din natin yun, just keep looking." saway ni Ayana sa akin. Naku kung di ko lang to crush?  

.

"Whatever you say." padabog kong sagot.

.

"Shush! Nariring nyo ba yun?" biglang nagsalita si Accel.

.

"Ha? Ano?" nalilitong tanong ni Erik..

"May ingay sa himpapawid. North-west direction. Super sonic speed..." sagot ni Accel.

.

"Naririnig ko rin. Medyo faint lang." narinig kong sabi ni Verillion.

.

       Mas malakas kasi ang sensibility ni Accel at Zaphro kumpara sa aming lahat dahil narin sa kanilang abnormal status.

"Tol, may naririnig kaming kakaibang tunog dito sa itaas. It could be the bird." muli kong tinawagan si Zaphro.

.

"Naririnig ko rin. Just stay put pupunta kami dyan." ito ang sagot nito sa akin.

.

Habang lumilipas ang bawat minuto ay naririnig ko narin ang sinasabi nilang tunog.  Parang may kung anong malaking bagay ang nagdudulot nun.

.

"Guys, tignan nyo yun!" biglang may tinuro si Aryus sa amin.

.

Nung una akala namin ay isang bulalakaw o skill lang ng isang player pero nung lumapit na ito ay napagtanto ko na isa pala itong lumilipad na ibon. Nag-aapoy na ibon na masyadong malaki. Halos kasinlaki ito ng legendary boss sa Extinction forest. Or at least half of it's size.

.

"Yan na ba yun?" tanong ni Erik.

"Yes, that's the bird." nakating na sila Zaphro.

"Ayos! Mapapalaban na tayo nito!" sabi ni Jin na medyo masaya..

.

"Brace yourselves dahil hindi to magiging madali.!" sabi ni Verillion.

.

"Well, ano pa nga ba? Let's get it ON!" masiglang sabi ni Shion..

[Monster Information]

Name:  Skylar Firebird (Agility Type)
Category: Legendary Boss
HP: 1,000,000/1,000,000
Def: 150,000/150,000
Element: Fire

Skills: ??????
Drops: ??????
Reward: Fire Stone of Kryptos (Legendary Item)

***************---********-------******

.

"Zaphro's POV"

        Nagulat kaming lahat dahil ang boss na hinahanap namin at hindi pala talaga ordinaryo. Isang Legendary boss na naman pala. Though mababa ang level nito ay hindi parin ito pwedeng maliitin. Kita mo naman ang stats nya. Ang kunat kaya nito at I don't think we can easily beat this.

.

"Guys alam na ang gagawin! Go to your specific teams. I'm sure magkakaroon ng habulan mamaya." bigla ay nakita ko ang boss na dumaan sa harap namin. Mga 1000 meters away from us na sobrang bilis. "Or, uhm... maybe now!" agad na akong bumulusok ng lipad para habulin ang boss. Aerial chase ang gusto mo ha!?

.

Naramdaman kong nakasunod na sa akin kaagad si Accel, Shion at Slicer the rest were left very far behind us. They couldn't keep up sa bilis namin. Nag-switch kasi ako into chaos items para mas lalong bumilis at maging agile. Hindi pwedeng mawala pa itong boss dahil baka mahirapan na naman kaming hanapin ito.

.

"Accel, kaya mo bang patamaan!?" pasigaw kong sabi.

.

"I'll try!" sagot niya.

Then he draw a card from his deck at nagbato ng skill patungo sa boss.

"Dark Ray!" isang beam form attack ito pero hindi tumama sa boss.

.

"Hindi ko makuha ang timing kuya. Masyadong mabagal ang speed ng skill ko." sabi nito.

.

"We need at least an Archer or gunner class Zaphro to land a sure hit." sabi ni Shion.

.

"Yun lang, we don't have archers or gunner sa grupo natin." si Slicer.

.

May point nga si Slicer dun. Sa mga situwasyong ito we badly need some air support na tanging mga archer o gunner lang ang makakagawa. Shet, bakit ko nakaligtaan yung idea na yun!? Now we have to deal with this.

.

************************

"Another player's POV"

         Naku mukhang need nila ng help ko. Hindi talaga nila matatamaan yang ibon na yan with caster skills. Too slow to have a chance to hit the target. Shunga lang mga ito!

So no choice ang lolo nyo but to assist. Ito naman kasi ang dahilan ko kung bakit ako nag convert ng account. Mas may thrill dito sa AOPH. Inilabas ko ang aking XK9900 Version 2.0 Particle Sniper Rifle at pumatong ako sa pinakamatayog ng puno dito sa Death Woods.

.

At my angle ay kitang-kita ko ang nagliliyab na boss at ang mga humahabol dito.

"500 meters..." sabi ko

.

"450 meters..."

.

"400 meters... Gotcha!" kinalabit ko kaagad an gatilyo ng aking weapon para patamaan ang boss.

.

"Piercing Shot!" agad lumabas mula sa dulo ng aking rifle ang red particle beam na dulot ng aking gunner skill. 0.3 seconds and speed nito kay kaagad tinaamaan ang ulo ng boss. "Yes! Sapul na sapul!" your the man ar0012!
.

Kaagad itong nawalan ng control sa kanyang lipad. Nawalan ng momentum dahil sa ginawa ko kaya bumagsak ito sa mga puno sa ibaba. Malapit lang ito sa kinalalagyan ko kaya hindi na ako umalis sa pwesto ko.

.

Agad kong nakita ng malapitan ang boss. Wow ha... Ang laki lang nya.

"Hoy! ikaw!" biglang narinig ko yung isang mama na nakamaskara na nagsalita.

.

"Ah, a-ako ba tinutukoy mo?" tanong ko. Yabang nito ah.

.

"Bakit, may ba ka pa bang kasama?" aba nakakadalawa ka na ha.! bad cheetah!

"Wala.... But don't get me wrong mga dre I just wanted to help." honest kong sabi. Ang bait ko lang.... :)

.

"Salamat nga pala sayo. Pwede bang favor?" si kuyang naka silver armor naman yung nagsalita.

.

"Hmmm... Ano naman?" tanong ko.

.

"Can you help us kill the boss. We need someone like your class to imobilize the boss." sagot nito.

.

"Ano naman ang kapalit if pumayag ako?"

"40% ng gold reward ay sayo." diretso nitong sagol.

"Ayoko ng gold reward." matigas kong sagot.

"Anong gusto mo, item drops? Dude magandang offer na yung 40% gold, why don't you just accept it?" feeling ko naiinis na tong si kuyang nakamaskara...

.

"Ayoko ng gold o ng loots!" nang-iinis lang naman ako.

.

"Eh ano bang gusto mo kasi!?" sinigawan na ako ng loko!

"Isali nyo ko sa guild nyo. Yun ay kung okay lang sa inyo." sabihin nyo nang wala akong sense o mababaw ako. Eh, sa gusto ko lang maging parte ng isang guild anong magagawa nyo.? :3

.

"Yun lang ba?" binuksan ni kuyang naka silver armor ang helm niya para makita ko ang mukha niya. "I'm Zaphro, ako ang GL ng MaXiMus guild. You're in!" sabi niya at pagkatapos nun ay nakatanggap ako ng isang guild invitation.

.

"Thanks!" tipid kong sagot at pinindot ko ang accept button.

.

"So pa'no,.... manghuli na tayo ng ibon?" muli nitong tanong sa akin sabay abot ng kamay nito.

.

"Sige ba!" sabi ko at tinanggap ang kamay nito.

.

End of chapter.....

May part 3 pa po so stay tuned!

:) Happy Reading....

Character Credits:

@ar0012: ar0012- Fallen Angel class, Level 200 male gunner.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top