EOPH2 Chapter 40: LEGACY
All Rights Reserved ® TheoMamites Stories 2016
*FINAL CHAPTER*
A/N: Bago ko simulan may ihahabol lang akong story to promote..
|FINAL:EVO| Heroes Comeback! by: iamQueso
Aero Gear Online by: Emmjj7
Death Of Game: Maneuver by: StoneLF
Kaya kung wala pa yan sa library niyo please do add it now... :)
#Sa haba ng chap na ito napagpasyahan kong gawing apat ang POV's at may mga narration parts din..
Logging in......
5
4
3
2
1
"Dan's POV"
Bigla na lang may sumabog mula sa kalangitan. Agad na nagkaroon ng warning sign sa aking VS. Parang umuulan ng mga bulalakaw kasabay ng pagdidilim ng kalangitan. Lalo pang lumakas ang kaba ko ng maramdaman ko ang isang malakas na enerhiya na nagmumula sa maitim na ulap.
"Dan, kumilos na tayo!" tinapik ako ni Ayana sa aking balikat.
"Lotus Shield!" lumikha siya ng isang heganteng harang upang salagin ang mga bulalakaw na tatama sa village.
Ganon din ang ginawa ng mga kasamahan kong mga players..
"Rage of Elements!" tinira ni Verillion ng skill ang isang malaking bulalakaw at nawasak ito.. Ang mga piraso nito ay hinarang naman ng Ice Griffin successor gamit ng sky beast cloak para hindi tamaan ang mga mamamayan ng Frontier.
"Ako ng bahala sa North Gate. Accel sa South Gate ka magbantay.." sigaw ni Erenir..
Sinusugod na kasi ng mga mabababang level na halimaw ang mga gates. Ang mga tao naman dito ay ginagawa ang kanilang makakaya upang tumulong. May mga likas na mandirigma at mga magic user din sa kanila. They help on repelling the monsters on both gates.
"Black Dragon Flame!" agad akong nagpakawalang SS skill ng makita ko ang isang may kalakihang mob sa North Gate. Boss type na yata ang isang iyon kaya inuna kong pinuntirya.
Argggghhh.... Hiyaw nito matapos tamaan ng aking skill...
"Crimson Rays!" agad na nag follow up skill si Erenir upang tapusin na ang halimaw. Nagkagutay-gutay ang katawan nito ng tumama ang magic ni Erenir. Not like the usual na nagiging data bits o programs, this time it was a real body.
"Grand Summon: Guardian of the scale Libra!" tinawag na ni Ayana ang summon niyang gumagamit ng gravity magic.
"Libra, pigilan mo ang mga mobs na makapasok sa mga gates!" utos pa nito kay Libra.
"Yes mistress!" sagot nito.
"Gravity Alter: Godly Push!" biglang nagkaroon ng pwersang tumutulak sa mga mobs na makalapit sa village. Tila may gravity wall na nakapalibot sa buong village..
"It will hold, but not for long." dinig kong nagsalita si GM Kaizen.
"Huh? Teka diba nandun po kayo kasama ng ibang GM's?" naguguluhan kong tanong..
"Alter ego ko lang to Slicer. Isa ito sa mga kaya kong gawin since I merge with this world." paliwanag ni GM sa akin.
"Crimson Edge!" mabilis na nawala sa harap ko si GM Kaizen. Nakita ko nalang siyang lumikha ng malaking pagsabog sa labas ng village.
Hindi ko mabilang kung ilang halimaw ang npabagsak nito sa tirang iyon.
"Crystal Dome!" nakita kong lumikha ng isang dome crystal ang anima ni DeathXkairin upang doon ikanlong ang mga batang NPC pati ang mga kababaihan na walang abilidad na lumaban.
"Good job Aeolus!" puri pa ni Death sa anima niya.
Maya-maya ay nakarinig kami ng malakas na pagsabog mula sa pinakasentro ng game dimension. Doon ang likasiyon nila GM at ng mga special AI.. Nayanig ng bahagya ang paligid kahit na medyo may kalayuan ito sa amin.
"Ano ng nangyayari dun?" tanong ni Accel..
"Wag niyo ng alalahanin ang mga nagaganap doon. Focus on what's happening here." sita sa amin ng alter ego ni GM Kaizen.
Pero kahit paano ay di ko mapigilang mag-alala sa grupo nila..
"Demon Form!" inilabas na ni Accel ang full transformation nito dahil sa biglaang pagsulpot ng mga boss mobs.
"Eternal Grudge!" binalot ng itim na anino ang buong katawan ni Accel at biglang bumulusok sa direksiyon ng mga boss monsters. At isa-isa itong pinatumba gamit ng isang itim na kidlat.
Dark limbo ang ginamit nito para mkabalik sa loob ng village dahil naitutulak din siya ng skill ni Libra...
Ako naman ay nag transform na bilang Fire Lord at pinagsusunog ko ang mga makikitang kumpol ng halimaw..
Hindi kami maaaring matalo...
Hindi kami susuko.!
.
.
"Kaito/Great_Kai POV"
Eterion, my home village.. Hindi ko inaasahan na magkakaroon ako ng malaking role dito. Akala ko supporting character lang ako dito? Hehe.. Nagbibiro lang. Baka batukan pa ako ni author.
So ito nga, andito kami ni pareng Xavier sa Village ng mga Elf class. Not like the other village mas madami ang population ng Etherion at mas organize sila dito. May mga gate guardians na ents at warrior elves na nakakalat sa perimeter ng village. May mga healers and archers na naka-standby. Marami ding mga mensahero na abala sa paghahatid ng mga utos ng elders.
"Mga Ginoo.. Mukhang may masamang nagaganap sa kalapit na mga bayan!" pukaw sa amin ng isang scout..
Hindi kasi namin kaagad napansin dahil ang Etherion ay nakatayo sa isang malaking punong kahoy. Natatabunan ng mga sanga at dahon ang loob ng village. Nang sumilip ako sa labas ay nakita kong namumula ang kalangitan at umuulan na mga nagbabagang bato.
"Bilis ialerto ang mga nasa ibaba. Mukhang may mga high level mobs na patungo dito." utos ni Xavier sa mga mensahero.
"Ako na ang bahala sa ibaba. Wala akong papapasukin kahit isa." nagpresenta na ang Dragon Slayer successor.
Ang isang Sky Beast successor ay kaagad na naging Beast Form at lumipad upang wasakin at harangin ang mga meteors gamit ng kanyang ice element.
"Freezing Wind!" nagpakawala ito ng ice magic na tumama sa dalawang malalaking meteors na papalapit.
"Whirlwind Blast!" si Xavier ang gumawa ng paraan upang mawasak ang mga nagyelong meteors.
"Hydro Wall!" kaagad na nagtaas ng harang si Erik upang hindi tumama ang mga wasak na parte ng meteor sa village..
"Xavier samahan mo ako sa itaas dun sa obelisk. Erik, kayo ng dalawa bahala dito ha." sabi ko sa kanila.
Umakyat kami sa taas ni Xavier at doon mas nakikita namin ang mga nagaganap. Natanaw namin ang malaking nagbabagang bato na nakalutang sa himpapawid.
Grrrrahhh....
Biglang may lumitaw na isang flying type mobs sa harapan ko...
Sasakmalin na sana ako nito pero-
"Ice Spears!" agad na nagpakawala ng skill ang aming kasamang Sky Beast Successor.
"Wind Blessing!" agad na nag buff si Xavier.
"Pupusta ako, si Chaos yan." nasabi ko.
"Loko, sumeryoso ka nga dyan tol." puna ni Xavier sa akin.
"Corruption Orb!" agad kong ibibato ang aking best pvp skill sa isang boss type monster.
"Sonic Roar!" sinundan ko ng isang offensive skill para tapusin na ang kaaway..
Agad naman itong natalo dahil nawalan na ito ng defense ability dahil sa corruption skill ko na tumama sa kanya kanina.
"Sinong hindi seryoso?" tanong ko kay Xavier.
"Wala..." sabi lang niya.
"Hindi kakayanin ng depensa sa ibaba. Sa lahat ng village dito sa Etherion ang may pinakamaraming dungeon. Nabulabog ang mga halimaw doon at patungo na dito dahil sa utos ni Chaos." sabi ni GM Kaizen na bigla na lang lumitaw out of nowhere.
"Ako na ang pupunta GM" nagpresenta si Xavier.
"Wag na, ako na lang. Mas kailangan ka dito Xavier." tumango lang si Xavier at si GM Kaizen naman ay biglang nahati sa apat.
"Cloning...." bulong ko.. Muntik pa akong magtaka kung bakit siya nandito. Yun pala clone lang ang nandito.. Astig na GM talaga ni GM Kaizen.
"Protect the obelisk no mater what. Ako ang magbibigay ng signal para sa phase 2 ng plano." sabi ulit ng isang clone ni GM na naiwan dito sa amin.
"Makakaasa ka sa amin GM. Hindi ka namin bibiguin! Promise yan!" sabi ko dito.
Isang malakas na pagsabog ang aming narinig mula sa location nila GM. Kasunod nito ang isang malakas na shockwave na nagpayanig ng buong ENIGMA dimension. Sabay kaming napatingin sa direksiyon ng pagsabog.
"F*ck, ano ng nangyayari dun?" biglang napamura si Xavier.
"Let's just hope na okay lang sila pare. That is the best we can do now." sabi ko sa kaibigan habang abala ako kakabato ng skill sa mga halimaw.
"Nauubusan na ako ng MP sa dami ng kaaway." reklamo ni Erik na nakalutang sa ere. Lagi kasi niyang ginagamit ang barrier spell niya upang balutin ang buong Etherion. And that consumes huge amount of MP.
"Yun din ang problema ko." sabat naman ng Ice Griffin successor.
Puro HP at stamina regeneration lang kasi ang beast cloak nila. It can't recover MP...
"Sorry! Hindi rin ako support type mga dre." sagot ko sa kanila.
Kaagad kong nakitang nag cast si Xavier ng restoration skill sa kanilang dalawa upang magregen ang kanilang mp. Pero hindi gaanong kalaki ang itinataas.
"Yan lang ang kaya ko, pasensiya na." paghingi ni Xavier ng paumanhin.
"Holy Blessings!" bigla ay may narinig kaming boses ng babae na nag-cast ng isang spell.
Napalingon kaming tatlo sa pinanggalingan ng boses at nakita namin ang isang magandang elf na may hawak na orb. Isa siyang people of the land o ang mga NPC dito sa Enigma. Hindi siya ordinaryo dahil lubhang malakas ang effect ng skill niya na nagawang punuin ang mga MP gauge ng aming mga kasamahan.
"Let me take care of your MP, Enchanter ako ng Etherion village. I'm Lydia the daughter of Elder Runjo.
"O ano? Problem solved." maikling salita mula kay GM..
"Ah,.. Eh.. Di.. Wow!" nasabi ko na lang.
.
.
.
"NARRATION"
Dumako naman tayo sa grupo ng mga GM at ni Chaos. Dito nagaganap ang pinaka matinding labanan. Lahat ng mga GM ay hindi nagpapatalo sa pwersa ni Chaos. Buong lakas nilang kinakalaban ang mga dark creatures na gawa ni Chaos. Kanya kanyang bato sila ng mga malalakas na skills.
"Wag kang magtago jan Chaos!" sigaw ni Aero sa nagliliyab na bato sa kalangitan.
"Serpent Blade!" isang skill ang binitawan niya gamit ng kanyang buntot. Naka Dragon form pa kasi si GM Aero.
Isang blue aura ang kumawala mula sa blade ng GM at pinuntirya ang kinaroroonan ni Chaos. Mabilis na nagkaroon ng dark element barrier na humarang ng skill niya pero tumagos lang dito ang kanyang skill.
Agad na tumama ang ginawang pag-atake ng GM sa shell na pinagtataguan ng kaaway. Unti-unting nag crack ito at naglabas ng reddish aura. Sa pagkakataong ito ay naubos na ng ibang GM kasama nila Heimdahl ang mga dark creatures sa paligid.
"Humanda kayo! Lumalakas ang enerhiya na nasa loob ng shell!" babala ni GM Kaizen.
"Pentagonal Formation now!" si GM Rowan na ang nagsalita.
Mabilis na pinalibutan ng limang GM si Chaos habang nasa labas ng formation ang tatlong AI's. Ang pentagonal formation nila ay unang hakbang para sa kanilang naisip na plano.
"Ngayon na!" sigaw ni GM Kaizen ng maramdamang sasabog na ang enerhiyang iniipon ng kaaway.
"CRIMSON PENTAGONAL BARRIER!" sabay-sabay nilang sambit ng GM skill.
Kaagad na naitaas ang harang kasabay ng pagsambulat ng kapangyarihan ni Chaos. Pero alam naman nating higit na malakas ang kaaway sa kanila kaya saglit ang ang itinagal ng kanilang ginawang harang. Nag crack kaagad ito at agarang nawasak kaya naman ay tinamaan sila ng skill ng kaaway. At dahil sa nasira na ang game system ng EOPH ay 100% na ang sakit na kanilang nadama sa pagtama ng atake ng kaaway.
"Aahhrggg...." hiyaw ng limang GM..
"GUARDIAN!" sila Heimdahl, Kratos at Armagedon naman na naka triangular formation ang nagtaas ng ginintuang harang.
Nakita pa nilang tumama ang mga katawan nila GM Kaizen sa ginawa nilang harang bago niyanig ng skill ni Chaos ang kanilang defensive wall..
"Masyadong mataas ang level ng skill. Di tayo tatagal!" sabi ni Kratos.
Tama nga ang sinabi ni Kratos. Nabasag din ang shield nila pero nagawa nilang mapahina ang explosion at nailigtas ang mga villages sa bagsik ni Chaos.
Binalot ng alikabok ang paligid at nawala ang mga GM, maging sina Kratos ay hindi mahagilap sa paligid. Ang dating gubat ngayon ay nagmistulang buhay na impiyerno dahil sa bakas ng pagkasunog.
"Hindi niyo mapipigilan ang lakas ko!" nagsalita na si Chaos na nagpakita na ng totoong anyo nito.
Isang winged figure ang nagpakita na medyo may anyong dragon na may makinang na kakiskis. Dragonoid ang tawag sa ganitong uri ng halimaw na rare type at minsan Epic pa.
"Huwag kang pakasaya Chaos. Hindi pa kami talo..." sagot ni GM Akil na kakabangon lang mula sa mga tipak ng bato kung saan siya natabunan.
Full plated man ang baluti nito ay makikita mo parin ang tindi ng pinsalang natamo niya. May dugo pang tumutulo mula sa kanang braso nito.
"Nagsisimula pa lang ang laban Chaos!" si GM Kaizen na bigla na lang nagliliwanag na lumitaw sa harapan ng kaaway. Ikinumpas nito ang kaliwang kamay at nagkaroon ng mahinang pagsabog sa kinaroroonan ng mga kasamahan niyang GM at AI. Tinanggal niya ang mga debrie na tumatabon sa mga ito. Lubhang nanghina sila Akil, Aero, Rowan at si Sander dahil sa sobrang lakas ng tumamang skill sa kanilang katawan.
.
.
Nanginginig at nahihirapang makatayo ang mga ito at lubhang bumaba ang mga HP bar nila.. Lahat sila ay nasa 35% ang HP..
Itianaas ni Kratos ang hawak na wand at nagcast ng HEALING spell para sa lahat..
"Cosmo Radiance!" nag massive buff si Heimdahl sa kanilang lahat.
Ito ay skill na kungsaan magkakaroon ng reflective capability ang isang player. Kaagad silang nag re-group at naghanda para sa muling pagsalakay.
.
.
.
****ITUTULOY!****
A/N: Ayan, naka kalahati din ako sa final chap..
Post ko kaagad para di kayo mainip kakahintay ng UD..
The other half of this will be posted by monday or tuesday..
#Your Author: TheoMamites
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top