EOPH2 Chapter 4: Alliance Guild
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015
"Zaphro's POV"
Mga 7:30 pm na nang bumalik kami sa Village of Light. Madilim na ang buong paligid ng village at tanging mga nakasinding poste na lang ang nagbibigay tanglaw sa buong village. Pero ng mga sandaling iyon ay marami paring players sa paligid.
.
"Nandito na tayo sa wedding planner tavern papa." sabi ni Gwydox sa amin.
"Ano bang gagawin natin dito?" tanong ni Leanne.
"You need to get a pair of rings na magiging tanda ng inyong pagiging mag-asawa dito sa game. Then you need to get the schedulled date para sa ceremony. And as the usuall wedding dapat may ninong at ninang din. Di baling wala nang bestman o bridesmaid."
.
Kailangan talagang may ganon?
We just complied to the NPC and then decided to have dinner to a nearby food tavern in the village.
After that ay nagpaalam na ang iba sa mga kasamahan namin. Ako, si Leanne, at si Slicer na lang ang naiwan na naka log in.
"Una narin ako tol. May gagawin pa ako sa bahay eh. Kita na lang ulit bukas." at matapos sabihin yun ay nag log out na siya.
.
"Leanne, halika muna dito." tinawag ko si Leanne.
"Bakit?" tanong niya.
"I'll upgrade your set and weapon to +7" sabi ko at nilabas ko ang aking upgrader.
"Sige, thank you ha!" nakangiti nitong sabi sa akin.
Matapos naming gawin iyon ay nagpasya narin kaming mag log out. But before that ay hiningi ko ang contact info niya para naman macontact ko siya sa outside world. Sinabi kong gusto ko siyang makilala sa personal pero tumanggi sya. For what reason ay di ko alam. Siguro ay hindi pa siya ganon ka palagay ang loob sa akin. Anyways hindi ko naman sya pipiliting makipagkita if ayaw nya eh.
.
"Ingat ka Leanne! Have a good night ok." sabi ko sabay pindot ng log out button.
**********************************
.
Dumaan ang dalawang araw at sa tingin ko naman ay panatag na ang loob sa akin ni Leanne. Lagi ba naman kaming magkasama eh. Tinutulungan ko siya sa pagpapataas ng level niya. At dahil sa may epic set at weapon na siya ay mas napabilis ang paglevel niya. Hindi na siya nag-aalinlangan na mag frontline at makipag close combar sa mga high-level monsters at mini-boss sa Extinction Forest. Ngayon nga ay nasa level 84 na siya at ako naman ay level 132.
.
Namaster narin niya hanggang level 5 ang mga buffs at offensive skills niya. Meron narin siyang mga DPS skills at mga panibagong unique skills dahil sa nakakuha na siya ng panibagong secondary sub-class.
.
Ang kanyang 32-Hit combo ay nasa level 6 na at may panibagong combo pa siyang minamaster. Ang Sheva's Palm na may 64-Hit combo. Ito ay katumbas ng isang 1-hit skill at kapag nagamitan ka nito ay tiyak na malalagay sa alanganin ang HP mo. Dahil sa tuwing ginagamit niya ito ay nagkakaroon siya ng 100% critical hit chance. Sure kill talaga ito.
.
Two days from now ay nakatakda ang ceremony ng aming kasal. Si GM kaizen ang gagawa nun. Ngayon ay busy din kami sa pag-iimbita ng mga players na dumalo sa ceremony. Panay nga greet nung mga nakakasalubong namin sa village. In a way ay nasanay na kami dun at parang normal na lamang.
.
"Idol!" bigla ay narinig ko ang pamilyar na tinig ng isang player.
"Kobi!" kumaway ako sa kanya ng makita ko siya sa isang stall malapit sa dadaanan namin.
.
.
"Uy, congrats sa engagement mo kay Lady Leanne." sabi nito.
.
Lady Leanne ang tawag ng karamihan sa nga nakakakilala sa amin. Dahil daw they considered me as one of the EOPH royalty at isa sa mga pinaka malalakas.
.
"Salamat. Nga pala ba't ka nandito?" tanong ko.
.
"May ibabalita ako sayo, idol. Isang top secret information." siyempre may bayad yun.
.
"Ganon ba?" lumingon muna ako kay Leanne para magpaalam na kakausapin muna si Kobi.
.
"Go ahead I'll wait here."
.
Pumunta kami sa medyo liblib na spot sa village at doon nag-usap. Nasabi niya sa akin na may rumored Tournament. Pero hindi pa sure kung kailan gaganapin. Nakuha niya ito sa isang mapagkakatiwalaang source. Kung magkaganon man ay tiyak na maraming players ang magtitipon para sa event.
Isa pa sa mga nasabi ni Kobi sa akin ay ang paglitaw ng apat na kakaibang angel type players na tinatawag ang kanilang sarili na mga Elite Knights. Kakaiba dahil tila wala silang weakness. Speed, agility, combo skills at skill accuracy. Huli silang nakitang nasa second map... Pini-PK nila ang mga players na kanilang makita. Ang apat na ito ay parehong max level na na level 200.
.
"May naaamoy akong hindi maganda sa apat na iyon idol. Tingin ko hindi sila ordinaryong players. Pakiramdam ko may isang malaking grupong nasa likod ng apat na yun." sabi nito sa akin.
.
"Bakit mo naman yun nasabi?"
.
"Kasi may balita sq outside world na may grupong nagbabalak maagaw ang kontrol sa game world. Usaping illegal idol! Drugs, human trafficking, terrorist movements." nagulat ako sa mga nasabi nito.
.
Posible nga ang mga sinasabi niya. Dahil pwedeng maging hideout ang game for illegal movements group. Kung tutuosin ay maraming pwedeng gawin sa loob ng game na hindi maganda kaya hindi dapat mapunta sa masasamang loob ang control sa game.
.
"Ganon ba Kobi. Sige salamat sa info, nga pala if matutuloy ang tournament sasali ka ba?" iniba ko ang usapan.
.
"Hindi siguro... Hindi ko trip ang mga ganyan idol." sagot niya.
.
"Talaga...? Ako sasali syempre. Pagkakataon yun para magpataas ng ranking at sayang yung reward na matatanggap." ako naman.
.
"Hindi pa naman yun final idol. Baka magbago pa isip ko. O sya, sibat na ako at may mga transactions pa ako." nauna na itong maglakad palayo.
.
Ako naman ay binalikan na si Leanne sa spot na kung saan ko sya iniwan. Nakita kong masaya siyang nakikipag-usap sa mga babaeng players na kasama niya. Kasama din niya si Gwydox na nakikipag-usap sa mga ito.
.
"Pinag-antay ba kita?"
.
"Nope, hindi naman." sagot niya.
.
"Tara na, grind ulit tayo!" at hinawakan ko ang kamay niya.
"Excuse us ladies." sabi ko sa mga kasama niya.
Ngumiti lang ang mga ito at tumango... Then we left...
.
************************-********
.
2 Days After....
Natapos na ang kasal namin ni Leanne at ngayon ay ganap nang magkaisa ang mga accounts namin.
flashback.....
Si Slicer at si Ayana ang naging ninong namin. Sila narin ang naging bestman at bridesmaid. Maraming players ang dumalo sa lahat ng race. Napuno ang mga upuan sa wedding hall.
Not the typical wedding ay walang kiss na naganap. Simpleng announcement lang ang naganap. Pagkasuot ng aming mga rings ay agad naging joint account ang aming mga accounts ni Leanne. Connected narin ang aming tracker at kaya naming mahanap ang isat-isa kahit hindi kami naka party mode.
.
******************---******
"Guys nasabi ko na sa inyo diba na baka magkaroon ng tournament. Sasali tayo dun..." sabi ko.
"So anong balak natin?" nagtanong su Ayana.
.
"Balak kong bumuo ng guild. Dahil tiyak na magiging by guild ang labanan sa tournament. We need to have at least two separate guilds." paliwanag ko sa kanila.
.
"Kaya pala pinatawag mo ako dito insan?" narinig ko si Kai.
.
"Hmmmm.... Sort of." ngumiti ako bago muling nagsalita. "I need you to be the other guild leader. Form another guild composed of at least ten members."
.
"Ok, no problem insan. So magiging alliance guild ang mga guilds natin tama?" si Kai.
.
"Tama!"
Ang napili kong makasama sa guild ay si Slicer bilang vice Guild Leader. Si Ayana, Verillion at Shion ang mga commanders. Accel, Aryus, Jin, Erik, Erenir at Leanne ang mga miyembro.
.
Kay Kai naman ay si Xavier ang naging vice guild leader. May mga narecruit agad siyang nga kakilalang players. Si Arthurius na isang male elf shielder ay isa sa mga commander. Lancelot, na isang gunner type male elf at Valkyrie na isang fighter type female elf player.
Ang mga members naman nila ay ang mga sumusunod.
1. Noah2xM male elf swordsman
2. Joker_face male human caster
3. Cute_skuld female angel gunner
4. Aeshma_19 female elf archer
5. DemiGod_32 male human shielder
Ang mga levels nila ay parehong lagpas ng 110 kaya tiyak kong malalakas na sila.
.
Ang guild ko ay pinangalanan kong "MaXiMus". At ang kay Great_Kai ay "Emperial Armada"
A/N: Ang mga guild names po na iyan ay ang mga pangalan ng guilds na naging Guild Leader po ako. Sa larong RF Online po yan na mga guilds. I'll attach some photos of it sa mga susunod na chapters.
Ang nga Guild Names na gagamitin ko po ay mga sikat o pamosong guild sa mga mmorpg games na nalaro ko. ;)
.
.
Dahil sa hindi pa naman ina-announce na magkakaroon ng tournament ay naisipan na muna naming mag Boss Hunting sa Meldivar map... Susuyurin namin ang lahat ng high level boss area para narin mas lumakas kami. Parang training narin ang gagawin namin. By guild ang pagha-hunt namin....
.
Ayos to! Panibagong Boss Hunting na naman. Bigla ko tuloy naalala yung pambihirang ibon na nakita ko sa ere malapit sa Death Woods sa east section ng first map. Skylar Firebird Level 150..... Mukhang mahirap siyang i-hunt dahil flying type.
.
Huhulihin ka naming ibon ka! :)
.
End of chapter......
Oh, so yun na.... Medyo fast forward lang para maintroduce ko ang guild tournament at boss hunt...
Nga pala yung mga new additional characters ay lalabas narin dito...
Lalo na pag nag-umpisa na ang EOPH guild battle tournament....
Abangan!......
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top