EOPH2 Chapter 39: Dark Side of Enigma

All Rights Reserved ® TheoMamites Stories 2016

"Reclaiming The World"

"GM Kaizen's POV"

Dalawang araw narin ang lumipas magmula nung lumitaw ang Dark AI na si Chaos. Ikalawang araw ko narin bilang isang game data. Kakaiba pala sa pakiramdam dahil nararamdaman ko ang halos lahat ng mga bagay na konektado sa EOPH SYSTEM. Nagagawa kong harangan ang mga malicious programs and algorythems na pinakakalat ni Chaos. Para ako ngayong nagmistulang system Antivirus. Wala na akong pisikal na kaanyuan, I can be anything and anyone I wanted. Nakakaya kong makapunta sa ibat-ibang lugar dito sa loob ng sabay. Dahil nahahati-hati ko ang aking essence at kamalayan.

.

Naisalba ko ang tatlong major cities ng Enigma World. Frontier, Etherion, at Village Of Light laban sa masamang epekto ng kapangyarihan ni Chaos. Ligtas ang mga NPC dito o mas kilala sa tawag na local inhabitans of the realm. Akala lamang nila na mga programs sila na ginawa ng mga developers upang magbigay ng quest at humalili sa mga players. Pero ang lahat ng iyon ay kasinungalingan lamang. I don't want to repeat the mistakes of the past, so I released them.
.
.
Hinimok ko silang lahat na suportahan ang aking layunin upang isalba ang kanilang mundo. Kasama ng mga semi- AI programs na sina Heimdahl, Kratos, at Armagedon. Si Kratos ay itinalaga kong mamuno sa Human Village, Si Heimdahl naman ay sa Angel Village at sa mga Elf naman si Armagedon.

.
"Kaizen, lumalakas na ang dark energy sa madilim na parte ng Enigma Dimension." nagsalita si Kratos

.
"Nararamdaman ko rin Kratos, nalalapit na ang pagtutuos." tumingala ako sa kalangitan. Tanaw ko ang kumpol ng itim na ulap na may dalang kidlat. "Hihingi na ako tulong mula sa labas. May naisip na akong paraan para talunin si Chaos."

.

"Pero, hindi ba't lubhang mapanganib para sa kanila ang makisangkot sa gulong ito. Wala na ang game limitter na nagpoprotekta sa mga gamers. This time they can DIE!" sagot sa akin ni Heimdahl.
.

"Sa mga GM's lang ako hihingi ng tulong.. As much as posible ay ayokong isangkot ang nirmal players." sabi ko sa kanila.

.

"We should hope for a positive outcome." si Armagedon na naghahanda ng umalis. "Kailangan ko ng bumalik sa Etherion dahil dumadami na ang mga halimaw na sumusugod sa mga tarangkahan." dagdag nito bago tumapak sa isang teleportation platform na nilikha ko sa gitna ng bawat town.

.

Nagpaalam narin ang iba kong mga kasamahan at ako naman ay agad na sinimulan ang aking balak..

.
.

"Zeke's POV"

Walang araw ang pinalampas namin ng mga GM na hindi kami gumagawa ng paraan para makakonekta sa loob ng Enigma dimension. Pero wala parin kaming nahanap na solusiyon. Kakauwi ko lang ng pad ko galing sa opisina. Nadatnan ko pa ang aking kapatid na kumakain ng hapunan.

"Uy kuya, kumain ka muna." narinig kong nagsalita ito pero hindi ko na siya pinansin.

Pumanik na ako sa taas patungo sa kwarto ko. At malungkot na napahiga sa kama.. Inilapag ko ang mga gamit ko sa bedside table. Patulog na sana ako ng bigla kong napansin na may kakaibang nangyayari sa aking DS

"Ba't naman nagkailaw to?" nasabi ko bago dinampot ang device. Hindi ako nagdalawang isip na isuot ito at pinindot ang buton..

I had the same feeling of loging in pero instead na sa town ako ng mga angel race ay sa isang lugar na puro puti ako bumagsak. Ni hindi nga ako naka avatar form which is very odd.

"Zeke,.." may nagsalita mula sa aking likuran..

It was the other two GM's. Si Will at Darren na mga tatlo o apat na taon lang ang tanda sa akin.

"Kamuntikan ng namuti mata ko kakaantay sayo." isang pamilyar na tinig ang aking narinig. Akala ko ay hindi ko na ito maririnig pa.

"GM Kaizen!" nilapitan ko kaagad ito at niyakap.

"Uy, makayakap to. Parang ang tagal kong nawala ah." sabi nito sa pabirong tinig..

Pero pansin ko na may kakaiba sa kanya. Habang yakap ko siya ay hindi ako nakaramdam ng init. Kahit heartbeat ay wala.. Parang niyakap ko lang ang isang manikin.

"Wala na tayong sapat na oras GM Kaizen. We need to act quick before anything bad happen." sabi ni Will o GM Aero..

Kaagad na ipinaliwanag ni GM Kaizen ang lahat sa akin patungkol sa mga nangyayari sa loob ng Enigma Dimension. Nasa isang virtual realm lamang pala kami kaya parang iba ang pakiramdam ko. Isang realm na likha ni GM Kaizen upang doon kami mag-usap usap. Hindi ko inaakala na higit pa sa nasa isip ko ang mga nangyayari...

Hinihingi ni GM Kaizen ang aming koopirasyon sa binabalak niyang pagsugpo kay Chaos.

.
.
"Kukulangin tayo sa bilang tanda." sabat ni GM Darren o Akil.

"What are you pointing at? Na hihingi tayo ng tulong mula sa mga manlalaro?" seryosong tanong ni GM Will.

"We don't have a choice, do we?" sarkastikong sagot nito.

Medyo napahaba ang aming usapan at bahagyang pagtatalo dahil sa hindi magkakasundong opinyon. But in the end napagkasunduan namin na hingin ang tulong ng ilan sa mga Sky Beast at Hero Successors. Nagpresenta akong ako na ang bahalang makipag-usap sa mga ito.

.

The plan is very crucial, isa lang ang sumablay tiyak na mababalewala ang lahat. Life and death situation na nga kung matatawag ito. Maging ako ay natatakot sa mga maaaring maganap..

*****************

"30 minutes left...."

"GM Kaizen's POV"

Hindi ko inaasahan na maraming tutugon sa aming paghingi ng tulong. Ito ang ilan sa maituturing na pinakamalalakas na EOPH players. Anim sa mga SKY BEAST successors ang nahimok ni Zeke upang tumulong. Apat naman sa mga Legendary Hero successors, isa na dito ang matalik na kaibigan ni Zeke na si Dan at ang kanyang kasintahan na si Leanne. Naririto rin ang ilan sa mga miyembro ng guild ni Zeke. Ngayon natitiyak kong may laban kami...

"It's almost time. May namumuong abnormality sa himpapawid." nagbalik ako sa kasalukuyan ng pukawin ni Sander ang aking atensiyon.

"Tiyak na si Chaos na yan tanda." kahit kailan talaga walang respeto tong si Akil. Juskong bata toh!..

"Bilis pumunta na kayo sa mga town na naka-asign sa inyo. No matter what, walang aalis sa location ninyo. Ako lang at kasama ng mga AI, Akil, Aero, Sander at Rowan ang haharap kay Chaos." mariin kong sabi sa kanila.

"Pero, GM Kaizen baka makatulong ang lakas namin." wika ni Zaphro.

"Stick to the plan Zeke! No matter what happen your main goal is to save everyone except the ones at the frontline. Do you understand me!" pinangdilatan ko ito ng mga mata.

Sa labang ito ayoko ng may madamay pang iba...

"Opo... Naiintindihan ko.." tumungo ito saka agad na tumalima ng takbo papasok ng port...

He's destined to something more heroic than this....

Nagsimula ng kumalat ang maitim na mamula-mulang kaulapan sa bawat main villages. Dinig narin ang mga ungol ng mga dark mobs na nasa panig ni Chaos. Nalalapit na ang gyera...

Hinati ko ang mga kasama sa apat na grupo. Three groups will defend each village na assigned sa kanila. At ang last group, which is me and the GM's ang frontline. Kami ang haharap kay Chaos sa core ng ENIGMA world. Naoapagitnaan ito ng tatlong main village...

Si Zaphro ay nasa Village of light kasama ni Leanne (Forest Goddess), Shion_rio (Golden Sky Dragon) at ar0012 (Lightning Garuda). Kasama din nila si Aryus at Jin.

Si Dan o SlicerDM naman at Ayana ang nasa Frontier Village. Kasama nila Erenir, Verillion at Accel.. Nandun din ang Shadow Dragon successor at ang Frost Guardian..

Samantalang sina Great_kai at Xavier ay nasa Etherion kasama ng mga hero at sky beast successor ng Ice Griffin at Dragon Slayer.. Kasama din nila si Erik..

Main objective nila ay protektahan ang mga inhabitants na nasa bawat village. At hindi papasukin ang mga alagad ni Chaos. And second of all ay maaari nilang mai-link sa akin ang kanilang lakas. Gamit ng crystal obelisk na itinayo ko sa mga village. Sa paraang ito maaari nila akong tulungan sa laban kay Chaos...

"Nagsimula na!" pukaw sa amin ni Heimdahl.

Tumingala ako sa kalangitan at nakita ko ang mga nagliliyab na bato na pabulusok sa ibat-ibang direksiyon.

"Rain of Fire!" ito ang nakita kong rumehistro sa aking VS. Isang AoE magic skill mula sa unknown caster.

"Tayo na! Lusob...!" sigaw ko sabay nagsimulang tumakbo pasulong.

Natanaw ko pa na nagkagulo ang mga tao sa Frontier habang nakatitig sa kalangitan. Kaagad na nagtransform ang mga hero at sky beast successors sa ultimate form nila. Isa-isang nagtaasan ang mga barriers mula sa kanila at binalot ang buong village saktong kakalabas lang namin..

Ipinauubaya ko na sa kanila ang mga villages. Alam kong ligtas sa panganib ang mga local inhabitants dahil sa kanila.

Naging dambuhala na si Aero at winawasak angblahat na masalubong na fire magic. Naglabas narin ng kanikaniyang kapangyarhan ang aking mga kasamahan. Hanggang sa mahawi ang kumpol ng mga dark mobs at makita namin ang pinagmumulan ng negatibong enerhiya.

"Anong-" gulat sa nakita si Sander..

Isang malaking nagbabagang bato ang nakalutang sa himpapawid...

.

"At last GM's we meet again!" isang malalim na tinig ang umalingawngaw sa himpapawid...

Hindi ako maaaring magkamali...
Nasa loob nito si Chaos....

Sumpain ka Dark AI!....

.

.

-ITUTULOY-

A/N: Haha... Pabitin talaga ako no?
Di bale sa next and final chap ng Season2 di ko na kayo bibitinin...

I'm preparing for the action scenes kasi. Gagandahan ko para worth the wait..

Hala... Lapit na matapos..
Ano sa tingin niyo ang mangyayari?
Basta may mawawalang character sa ending...

(Spoiler?) Hindi kasi magiging maganda kung walang mamamatay eh.. (brutal ko naman)...
.
.
Abangan....

Your author: TheoMamites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top