EOPH2 Chapter 37: Dark Terror: The Corrupted One's
Dark Terror: The Corrupted One's
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015
"Zaphro's POV"
We succeeded to be able to strike Chaos a deadly blow. After the massive explosion nakita namin itong nakahiga. The island vanished because of the skills that we threw. Nagkaroon din siya ng malalang pinsala at damage sa HP. Nasa 70% na ito dahil sa ginawa naming unison attack.
"Damn! That was us man! Aw!" sigaw ni Slicer ng makitang malaki ang bawas ng HP ni Chaos.
"Forbidden skill? I wan one too!" sabi naman ni Eurpodioux sa akin.
"How did you get it?" usisa naman ni DeathXKairin.
"By slaying a High Intellect AI na level 0." matapat kong sagot.
"The abnormal mobs? Shit! Makapaghunt nga niyan minsan!" sabat ni Astarte.
"Shhh... Concentrate.. Buhay pa ang target. It's moving again.! Pukaw ni GM Kaizen sa amin.
Muling gumalaw ang katawan ni Chaos na halos nabuo na ulit. But his HP is slowly regenerating. Hindi mataas ang recovery skill niya kaya advantage namin yun. Kaagad na kumilos sila Ayana at Verillion. They both casted a curse to Chaos to stop it's regeneration ability. May itinaas silang field magic na bumabalot sa area na kung saan naandon si Chaos.
"I think it worked. His HP regeneration stoped. But that field can also affect all of you when you step inside it." sabi ni Ayana.
"I have high magic ressistance kaya it will be fine. Sa may mababang magic ressistance stay out of the field." sabi ko sabay tingin kina Accel at DarkZero.
We rushed forward kasama ng mga GM. Agad naming pinalibutan si Chaos at nagsimulang umatake. Tank parin sila GM Aero at Kaizen. Hindi ko pa napatamaan ng Blood Genesis ko si Chaos kaya nagmadali akong sinunggaban siya ng saksak sa likod. Bumaon ang kalahati ng malaki kong espada sa likod nito.
★Chaos armor has been reduced to 0 due to weapon effect. Status will last for 60 seconds.★
Tumalab nga ang chaotic effect ng sword ko kaya mas malaki na ang damage na nagagawa namin sa kanya.
Sumunod na ang iba sa pagsalakay gamit ng long ranged skills nila. Nangbumabot sa 50% ang HP bar ni Chaos ay may narinig kaming ugong. It was coming above the sky! Dahil sa hindi namin alam kung ano ito ay umatras na muna kaming lahat. Later on after a minute at bumagsak ang isang higanteng staff mula sa itaas. Kulay itim ito na may demon wings sa taas. Hinawakan kaagad ito ni Chaos at itinapat sa kalangitan.
Lumabas ang isang magic circle mula dito at unti-unting lumabas ang tatlong level 0 AI. Ang dalawa sa mga ito ay nakalaban na namin ni Dan noon at na one hit kami. Ang Fallen Seraphine pero may isa pang winged AI na kasama ang mga ito. Mas makapal ang suot na armor at angel type din, kulay itim at may dalawang hawak na black dagger. Dark Angel... Ito ang lumabas na pangalan nito...
"Panginoong Chaos! Ano ang maipaglilingkod namin?" sabay na sabi ng mga ito kay Chaos.
"Destroy those pest!" sagot ni Chaos sa kanilang tatlo.
"My pleasure! My Lord!" sagot nung dark angel.
AI info:
Dark Angel Vlad: The Corrupted One's
HP: 1,000,000
Def: 100,000
ATK: 75,600-90,000
Type: Agility
Skills: ????
Fallen Seraphine
HP: 1,000,000
Def: 70,000
ATK: 50,000-65,000
Type: Int
Skills: ????
Walang anuman babala ay mabilis na sinugod kami ng tatlong AI's. Hinarang sila ng limang GM pero nakalusot ang dalawa sa mga ito. Sobra silang mabilis nahigit pa sa nakaprogram sa kanila. Yes, parte sila ng Enigma Program pero ang mga ito ay tila corrupted programs at hawak sila ni Chaos.
Sinalubong ko kaagad si Vlad at ginamit ang dual weapons ko na Titan at Deva sword para tapatan ang bilis nito. Nagsalubong kaagad ang aming mga espada.
"Inferno!" agad kong ginamit ang AOE skill ko para magkaroon siya ng burn effect.
"Hindi tatalab sa akin ang apoy. I'm immune to it!" sabi nito sa akin sabay bitaw ng skill niya.
"Shatter Slash!" tumama sa akin ang atakeng iyon but did not cause me any damage.
"I'm immune to void magic A-hole!" nagpalit ako ng sword. Pinalitan ko ang Deva ng Greivance to add more speed to my attack.
"Dark Limbo!" narinig ko si Accel na ginamit ang isa niyang skill. Lumitaq ito sa likod ni Vlad.
"Cursed Shadows!" may mga lumabas na mga galamay na yari sa anino mula sa skill ni Accel. Galing kay Zero ang skill na iyon na kaagad gumapos sa katawan ni Vlad.
"Heaven's Judgement!" ginamit ko ang aking judicator skill to damage him. Holy ang nature element nito kaya it will surely damage his HP.
"Void Armor!" sigaw nito.
"That won't work Vlad!" sigaw ni Leanne na ngayon ay naka bard mode na ulit.
"Verse of Holy! Heaven's Ray!" isang holy skill ang ginamit niya to negate the effect and totally nullify the effect of any void skill.
"Hinde! Vlad!" sigaw nung isang Seraph.
"Supernova Sphere!" naglabas ito ng atake patungo kay Leanne pero hinarang na ito nila Aryus ng kanilang barrier skills. Hindi kinaya ng shield nila Jin at Aryus ang naturang skill kaya tumalsik sila. Agad itinaas ni Verillion ang isang harang.
"Chrono Sphere!" ito ang nakipagbuno sa skill ng Seraphine.
"Crystal Shield!" tumulong naman ang animus ni DeathXKairin..
"Armor Shift: Speed God!" nag shift si Shion sa mas lite na armor at kaagad na naglaho. Dalawang slash ang tumama kaagad sa likod ng AI na dahilan upang matigil ang skill nito.
"Sky Beast Cloak!" muling binalik ni Shion ang beast form niya at muling inataki ang AI.
"Golden Dragon's Fang!" isang golden lightning ang tumama sa AI dahilan upang mapabagsak ito sa karagatan..
"Absolute Zero: Frozen Spikes!" pinagyelo ni DeathXKairin ang dagat na babagsakan ng AI with matching giant ice spikes. Doon tumama ang seraphine at nawasak ang nagyelong bahagi ng dagat sa lakas ng pagbagsak nito.
"Ano ka ngayon tiyanak!" pangungutya ni Slicer na nakahanda narin para sa pag-atake sa kalaban.
Samantalang ang mga GM naman ay abala kay Chaos at sa isa pangbasungot. Gumagamit na ng force attack ang halimaw na lubhang ikinabahala ko. Laging nababasag ang harang ng mga GM sa tuwing tatamaan ng skill. Ang seraphine kasi ay naging decoy para lituhin ang mga GM sa pag-atake. Mataas din ang skill power ng AI kaya hindi pwedeng balewalain na lang..
Ok na sana kung walang dumating na mga epal na AI. Mas lalo tuloy naging mahirap ang sitwasyon ngayon!..
.
"Narration..."
"You little pest!" biglang bulyaw ng nangangalit na si Chaos.
Bigla nitong ibinagsak ang dulo ng kanyang staff sa dagat at nagkaroon ulit ng isang shockwave na tumama sa kanila. Naitaas naman ng mga GM ang mga barriers at pati ng iba pero mas malakas ngayon ang skill na ito. Hindi rin sinanto ng skill ni Chaos ang tatlong AI dahil maging sila ay tinamaan din.
.
"Ahh! Shit!..." sigaw ni Erenir bago tuluyang bumagsak sa 1% ang HP nito.
Sunod-sunod na nag drop to 1% ang mga HP nila Xavier, Erik, Jin, Aryus at Verillion. Hindi nila kinaya ang lakas ng skill kahit may mga barrier skills sila. Leanne managed to blink away dahil may shared blink ability ito mula sa asawang si Zaphro. Critical naman ang ilan sa mga successors na sina Slicer, Lance, Eurpodioux, Son_Of_Lucifer at Ayana. Slicer and Ayana was able to activate their defensive skills. Ang lotus barrier at ang Seismic barrier pero agad itong nabasag leaving their HP to 20%.
Nangalahati naman ang HP ng mga GM sa skill na iyon at sila Zaphro ay himalang hindi nagalusan. Naitaas kasi ni DarkZero ang kanyang Reflector skill. Nagawa nitong maideflect pabalik ang wave na tumama sa kanila.
Dahil sa mataas ang HP ng mga AI ay hindi gaanong nagalusan ang dalawang Seraphine. But the dark angel did suffer really worse damage. Nasa 5% na ang HP nito dahil tinamaan siya ng wave while having 0 armor.
"Zaphro! Accel! Move now!" utos nang muli ni Kaizen sa kanila.
Kaagad na tinapos nilang dalawa ni Accel si Vlad na tila nanghihina na. Isang mabilis na galaw ang sabay nilang ginawa na dahilan ng pagkahati ng katawan ni Vlad sa dalawa at tsaka sumabog.
Notification:
Dark Angel Vlad: The Corrupted One has been defeated by a party.
Gold Reward: 100,000,00
Drops:
Crystal Box 3x
Golden Box 1pcs. (each player)
Chaotic Box 1pcs. (each player)
Skill Box 1pcs. (each player)
Ito ang lumabas na notif sa bawat isa sa kanila. Hindi naglaho sina Verillion dahil sa mayroon silang resurrection stones they were immediately revived by it. Mabuti na lang at nabigyan sila dng mga GM ng ganitong klaseng item bago nagsimula ang gulo.
Agad na gumamit ng healing magic sina Ayana, Xavier at Verillion para panumbalikin ang nawalang HP ng mga successors. Tumulong din si Leanne by buffing a vitality aura sa bawat isa sa kanila. Likas namang malakas ang regeneration ability ng beast successors kaya mabilis nilang nabawi ang nawalang HP.
"We're not yet finish here!" sumigaw ang isa sa mga seraphine. Ngayon ay magkatabi na sila at mukhang gagawa ng combo attack.
.
Pamilyar ito kina Zaphro dahil ganitong-ganito din ang stance ng dalawa gaya noong una nila itong nakaharap. Isang pulang orb ang nilikha ng dalawa. Isang twin Supernova Explosion...
Dahil sa hindi pa handa ang mga kasamahan mula sa natamong pinsala ay walang ibang aasahan kundi silang tatlo lang ni Accel at DarkZero. Ang mga GM naman ay muling hinarap ang terror na si Chaos.
.
"Lumang moves na yan mga panget!" sigaw ni Zaphro bago ginamit ang Hex ability nito. Sinugod niya ng direkta ang dalawang kaaway habang nakasunod sina Accel at DarkZero sa kanya.
"Twin Supernova Blast!" isang matinding pulang kapangyarihan ang sumabog patungo kina Zaphro!
Saglit lang na gumana ang ability ni Zaphro na maging invulnerable dahil may canceling effect ang skill ng dalawang kaaway. Tanging mga espada niya na lamang ang ginamit niyang panangga sa skill. Ginamit naman ni Accel ang card walls niya at ginamit ni DarkZero ang beast cloak para protektahan silang tatlo laban sa pulang enerhiya.
"Tang 'na! Bibigay na ang baluti ng shadow dragon. CD pa ang ultimate ko!" pagmumura ni Zero.
Naunang mawala ang cards ni Accel kaya mas lalong binayo ng skill ng mga seraphine ang cloak ni Zero.
"Accel, kapag nabasag ang cloak gamitin niyo ang dark limbo para umiwas. May gagawin akong kakaiba!" sabi ni Zaphro sa kanilang dalawa.
"Sige kuya!" sagot ni Accel.
Gaya nga ng inaasahan ay nabasag ang cloak. Lumayo kaagad ang dalawa gamit ng skill ni Accel. Naiwan si Zaphro na hinaharang ang skill....
"Relapse!" ginamit ni Zaphro ang ultimate skill ng isang Demon God class.
Tila tumigil ang oras at unti-unting nagrerewind. Nagawa ni Zaphro na makaiwas sa skill at mag blink sa likod ng mga AI at tinapyas ang mga braso nitong ginamit para sa skill. Ang grievance sword ang gamit niya kaya nagkaroon ng
pag bounce back effect na parehong tumama sa kanilang tatlo. Nalagay sa alanganin ang kanilang mga HP dahil doon.
Sumigaw si Zaphro ng malakas sabay naglabas ng frost aura na may halong black and white flames. Umipekto naman ang passive heal niya kaya mabilis na bumabalik ang kanyang HP. Naging kulay itim ang frost aura niya at tuluyang naging glacial spikes na pumapalibot sa kanya. It has both fire and ice element at mukhang combo skill niya ito.
"Element Fusion: Dark Ice!" pagkasabi nito ay mabilis na nawala si Zaphro kasabay ng pagiging yelo ng dalawang AI. Yelong itim ang bumalot sa katawan nila at ito ang tumapos sa kanilang mga buhay. Sumabog ang kanilang mga katawan ar nagkapirapiraso.
It lasted for 15 seconds bago sumabog ang katawan ng dalawa at naging particles na lamang. Lumitaw si Zaphro sa di kalayuan na kasama ni Gwydox. Hindi na sila magkasanib ngayon dahil naabot na nila ang limit ng bawat transformation.
.
Hingal na hingal itong lumipad palapit kina Accel at DarkZero.
★Notification:
Fallen Seraphine (2x) has been defeated by a team!
Gold Reward: 400,000,000
Drops:
Crystal Box 6x
Golden Box 2pcs. (each player)
Chaotic Box 2pcs. (each player)
Skill Box (chaotic) 2pcs. (each player)
"Ito na ang simula ng bagong mundo! Wala kayong laban sa akin, at walang tutulong sa inyo. Not even the GODS of the third realm!" dinig nilang sabi ni Chaos.
Muli ay may bahagyang pagbabago sa itsura nito. Unti-unti itong nababawasan ng laki. But the level is increasing each minutes!
"Anong nangyayari?" tanong ni GM Akil kay Kaizen.
"The transformation is continuing! It's trying to reach his final form!" sagot ni Gwydox.
"Hindi pa ba yan final form niya?" tanong ni Slicer.
"Yun ang alam ko. Hindi pa talaga yan si Chaos. It's just a part of him!" sagot na muli ni Gwydox.
.
"Lintik! Gaano ba yan kalakas!?" pagmumura ni Son_of_Lucifer.
"Rowan, how's the summoning system? Gumagana pa ba?" pagtatanong ni Kaizen sa kasama.
"Medyo corrupted but I can still manage to fix it." sagot nito.
"Summon some Lesser Gods around this map." utos nito kay Rowan.
"Copy that!" agad na kumumpas si Rowan gamit ng kanang kamay niya.
Sa itaas ng langit ay may lumitaw na magic circle. A summoning circle kung saan may mga liwanag na lumalabas. Lima ang mga ito at mukhang humanoid.
"Hindi ko yan mapapayagan!" mabilis ni inasinta ni Chaos ang magic circle ng kanyang dark force dahilan para madistort ang naturang bilog.
"Nawalan ako ng kontrol sa summoning circle Kaizen.!" sigaw ni Rowan.
Nagmadaling ibinato ni Kaizen ang hawak na weapon sa kamay ni Chaos na may hawak ng staff. Nagliliyab ito ng tumama sa braso ng kalaban. Naibaling nito sa ibang direksiyon ang itim na kapangyarihan dahil sa lakas ng pwersa ng skill ni Kaizen.
Si Akil naman ay bumulusok na lang ng mabilis gamit ng higanteng maso nito ng harangin siya ng isang malakas na harang! Hahatawin na sana niya ng sandata ang ulo ni Chaos. Medyo masama ang pagkakasalpok nito sa barrier kaya medyo nahilo at nawala sa huwisyo nito ang binatang GM.
.
Tatlo na lang ang matagumpay na naisummon ni Rowan na mga back up.
Kratos: Mystic Merchant
Level: 300
HP: 800,000
Def: 200,000
ATK: 120,000-160,000
Class: Wizard
Category: Lesser God
Armagedon: Mirage Realm Guardian
Level: ?????
HP: 1,000,000
Def: 220,000
ATK: 250,000-300,000
Class: Guardian
Category: Lesser God
Heimdall: The Gate Keeper
Level: 300
HP: 1,500,000
Def: ???
ATK: ????
Class: Protector
Category: God
Silang tatlo ang matagumpay na lumabas ng summoning circle dahil napigilan ni Chaos ang paglabas pa ng dalawa.
"What is it this time GMs?" tanong ni Kratos.
"We need back up. We need your strength." sagot ni Kaizen.
"We are neutral AI's. We don't take sides Kaizen." sabi ni Heimdall.
"I know but if you don't choose which side are you on, maaaring pati ikaw ay maging corrupted or worst be gone. Sinisira ng halimaw na ito ang realm ng mundong ito at ng laro. This is your home now, right? Defend it!" maangas na sagot ni Kaizen na tila hindi na binigyan ng choice ang mga ito.
"Pft! Well I guess you all know our answers then!?" nagsalita si Armagedon.
"Let's get this over with! I'm getting bored!" sabi ni Kratos sabay nagbago ang kasuotan at lumabas ang weapon nitong wand.
Isang tira ang kumawala sa wand niya na ikinaluhod ng kalaban. 5% damage ang naidulot nito sa kanya sabay nagkaroon ng negative status!
"Devine Corruption!"
Isang curse ito na nagbabawal sa tinamaang monster na gumamit ng ultimate skill. Totally blocking the regenerative ability ng monster and negate all passive skills. Pero makakalaban parin ito kahit papaano..
"How did you manage to damage him this far?!" tanong ni Heimdall.
"We gamble our luck. And of course, we're not that weak Heimdall." sagot ni Zaphro.
"Really, last thing I remembered was that I kicked your ass once!" pabalang nitong sagot.
"That was the old me. I changed, I got strong!" sagot ulit nito.
"Marami ka pang kakaining bigas bata!" sabat ni Armagedon na natatawa..
Nagkibit-balikat lang si Zaphro at tinignan ang kaaway na muling bumabangon.
"Focus! Mamaya na ang daldalan. Ilibing na natin 'to!" sabat ni Kratos.
"Kratos Mark Full Force!" sumingaw si Kratos na dahilan ng pag-ilaw ng mga marka na nasa mga armor ng limang GMs at ni Zaphro.
"The mark is now 10x powerful than it is. That should be enough to boost your powers!" sabi ni Kratos sa kanilang anim.
"The rest should just stay back! Magiging mas malala na ang laban, just stay alert!" paalala ni Kaizen sa ibang mga players.
Silang siyam na lang ang pumalibot sa kaaway dahil lumayo na ng bahagya sa kanila ang mga successors.
Nasa 60% na ang pagbabago ng katawan ni Chaos. Nawawala na ang mga nagtataasang sungay nito sa likod at maging sa ulo. Nagkakaroon narin ito ng metalic armor at nagbabago ang kulay ng kanyang balat. Nagiging dark blue na ito na medyo malakristal.
.
"Sugod na!" sigaw ni Heimdall...
End of Chapter....
AN: Dito na lang muna ha... May konting aberya lang si wattpad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top