EOPH2 Chapter 36: Dark Terror: Incomplete Transformation


"Unison Attack"

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015

"Zaphro's POV"

Damang-dama namin ang lakas ng limang GM's habang naghahanda ang mga ito sa pagbabato ng mga skills. Naunang gumalaw si GM Aero, bigla itong nag shift bilang isang gigantic Mystical Dragon na may talim ng blue katana sa dulo ng buntot. Four times ang laki niya kumpara sa mga Sky Beast Successors Cloak. Kapantay nito ng laki ang nabubuong halimaw. Tumira kaagad ito ng concentated force mula sa bibig nito. Direkta nitong pinatamaan ang halimaw na dahilan ng pagkakahati nito sa itaas na parte ng katawan. Pero matapos ng atake niya ay muli lamang nabuo ang itim na bulto ng halimaw. We din't see any damage, ni hindi nga lumalabas ang HP bar nito. Sumunod kong nakita ay sina GM Kaizen at Sander na sabay nagload ng mga skills nila.

Nagliyab ang spear ni GM Kaizen at nagliwanag naman ang Ancient Stick ni GM Sander ng puti..

"Flame Rage: Red Spear!" GM Kaizen.

"Mystical Light: Holy Impact!" GM Sander.

Sabay nilang ibinato ang kanilang mga kapangyarihan sa kaaway. Domoble ang mga laki ng kanilang skills matapos nila itong pakawalan. Sa muli ay tumama ang mga skills at nagdulot ng pagsabog sa katawan ng halimaw pero nagagawa parin talaga nitong mabuong muli..

Kaagad na kumilos si GM Akil, gamit ng wind element niya ay naglabas siya ng isang ipo-ipo. Maliit lang ito nung una pero nang lumapag ito sa karagatan ay naging dambuhala ito.

"Wind Vortex!" sigaw ni GM Akik.

Nagawa nitong guluhin ang pagkabuo ng itim na pigura. Biglang nakarinig ng mga ungol ang lahat na nagmumula sa mga Unknown Spirits. Tila nagalit ang mga ito sa ginawa ng mga GMs. We then suddenly felt the change of aura energy output mula sa mga ito. I think it turned into offensive form. Bigla na lang nagpaulan ang mga ito ng dark matter orbs sa amin. Lahat sila ay tumira ng parehong skill.

"Let me take care of this!" nagsalita si Astarte_toki at binago ang hawak niyang weapon into bow.

"Thousand Arrows of the Sky Lord!" tumira ito ng bow skill na nagpalabas ng napakaraming palaso na nagmu-multiply to 10 after i-release mula sa pana. Kasing laki din ito ng sibat.

Sinagupa ng mga palaso niya ang mga dark orbs pero lubhang napakarami talaga ng mga ito at hindi niya maaaring maulit kaagad ang tirang iyon dahil sa CD pa ito.

"Aurora Blast!" biglang sumigaw si ar0012 kasabay ang pagpapakawala nito ng skill. Gamit nito ang launcher mode ng kanyang baril. Limang sunod-sunod na putok ang pinawawalan nito sa ibat-ibang direksiyon. Bawat isa ay may AOE ng sumabog ito sa ere, hinarang ng pagsabog nito ang mga natitirang dark orbs na hindi natamaan ni Astarte_toki.

.

Gumalaw narin ang isa pang GM na si Rowan. Hindi ko pa siya nakitang lumaban, kaya hindi ko alan kung ano ang kaya nitong gawin. Alam ko lang ay caster din ito na gaya ni Sander. Wala itong hawak na kahit na anong weapon kaya sa tingin ko ay Orb o Book ang gamit niya.

"Spirit Arrows!" kaagad na nagmanifest ang daan-dang palaso out of nowhere at lumipad tungo sa mga kaaway. Pero ang puntirya talaga nito ay ang nabubuong imahe ng kaaway.

.

Karamihan sa mga palaso ay tumama sa kanang braso ng halimaw. Biglang nalusaw ang bahaging iyon ng halimaw na tila nawalan ng control sa daloy ng mana. Maaaring may mana drain ang mga arrows ni GM Rowan kaya nangyari yun. This time ay bumagal ang restoration ng halimaw. Mabagal na nabubuong muli ang braso nito.

"We got his weakness! We need to drain those spirits of their mana para hindi nila mabuo ang beast.!" sabi ni GM Kaizen.

"Sino pa sa inyo ang may kahalintulad na ability?" tanong ni GM Akil sa amin.

Nagtaas ng kamay sina Erenir, Verillion, Ayana, Erik, at Xavier na parehong mga caster type players.

"Good, you'll be all in my team.." nagsilapitan na ang mga ito kay GM Rowan at naghanda na sa gagawing hakbang.

"Arghhhhh...... Grrrrr!" biglang umungol ng malakas ang dark beast. Mukhang may texture na ang pang-itaas nitong katawan. May mga sungay ito sa balikat at sa ulo. Meron din sa likod nito, kita na rin na may kulay abong gem sa dibdib nito na nagliliwanag.

"It's on his primature form. Nasa 50% na ang transformation niya ngayon." sabi ni Gwydox sa amin.

"Pa, ano na ang gagawin natin?" tanong ni Leanne..

"Kaya natin to, Ma. Magtiwala ka lang." sabi ko dito. Muli ay nag merge na kami ni Gwydox dahil kailangan ko ang lakas niya sa laban na ito. Hindi ko na hahayaang mangyari ang bagay na yun ngayon. Ang ibig kong sabihin ay yung incident ng Player Reaper.

"Accel, alam mo na ang gagawin.." sabi ko dito saka ngumiti sa kanya.

And for some reason ay nakuha nito ang aking ibig ipahiwatig. Agad ay nag unequip siya ng mga armors at humarap sa akin. Then that was my turn to react. Agad kong inilabas ang Blood Genesis sword ko and quickly strike Accel without any warning..

"Second Breath!" sigaw ni Accel bago ko maipatama ang aking blade sa kanya. Walang suicide sa game kaya we need to do it para maactivate ang kanyang ultimate ability. Nag drop to 1% ang HP niya pero bigla na lamang itong nanumbalik sa 100% in just 2 seconds.

Nagbalik kaagad ang mga equips niya at ngayon ay balot na siya ng purple aura with double stats. Sa estado nito ngayon ay halos kapantay na niya ang mga GM sa sobrang taas ng stats. We need his super imbalance power to win. Lahat ay dapat naming ibigay.

"Ginulat nyo kami ah. Friendly PK lang pala!" napatawa pa ang mga GM sa sinabi ni Lance.

Si DarkZero naman ay biglaang naglabas ng isang card sa deck nito. Inihagis niya ito sa itaas niya at ito'y lumaki.

"Copycat Card!" sigaw niya bago naglaho ang card na naging liwanag.

"Master Z! PK mo din ako.." sabi nito sa akin..

"Bakit?" tanong ko.

"Kinopya ko ang ultimate skill ni Accel." simpleng sagot niya kaya hindi na ako nag-atubiling gawin ang hiling niya.

Nag blink ako sa harap niya kasabay ng isang slash ng aking Blood Genesis. Nagkasugat ang dibdib niya but not loosing that much HP. Ginawa ko lang yun para tanggalin ang defensive armor niya ng 100%.

"Cold Fire!" inilagay ko sa aking binti ang skill sabay sipa sa kanya ng malakas..

The skill was enough to drop his HP to 1% and the Second Breath skill was activated...

.

"What the f*ck? Ganun-ganon na lang kadali nyang na-PK si DarkZero?" narinig kong sabi ni Astarte_toki.

"Ibig sabihin ay ganon nga talaga siya kalakas! Hindi nga kasinungalingan ang mga kumakalat na usap-usapan tungkol sa kanya. Remind me not to piss you off again Master Z." nakangiting wika ni DeathXKairin na kasama ang animus nitong si Aeolus.

.

"Don't worry, I'm the neutral type. I don't engage to battles if not necessary." sagot ko sa kanya.

"Bati-bati na lang ganon? Lance and I have business to take care of!" sabi naman ni Son_of_Lucifer na masama ang tingin kay Lance.

"Whatever that issue between you two kalimutan nyo muna. It's not gonna help us in this situation!" mariin kong sabi kaya natahimik silang lahat.

"Tama na yan. Kumilos na tayo!" GM Kaizen cut our conversation dahil gumagalaw na naman ang kaaway. Ngayon ay buo na nga ang katawan nito. This time ay may lumabas ng pangalan sa itaas ng ulo nito.

Monster Info:

Name: Chaos: The Dark Calamity
Category: Terror
Level: 400+
HP: 8,000,000
Def: 400,000/400,000

Skills: ???????

Ito ang lumabas sa mga VS namin bilang pagkakakilala ng system sa kanya. And the category is not in the system files. Isang bagong category na mas malakas pa sa isang Ancient o Legendary type mobs. One of it's kind ito and his level is very high. Meron pang plus sign, ibig bang sabihin nito ay may mas itataas pa ang level nito?

Shit lang... Mas mataas pa sa mga GM ang level nito na lubhang ikinabahala naming lahat.

"Divide into two groups! Ang mga caster follow Rowan's lead. The rest follow me!" command ni GM Kaizen.

"Yes GM!" sabay naming sagot bago nagsikilusan.

Kaming apat ni Accel, DarkZero, at Leanne ay magkakasama. Habang ang apat na GM ay nasa unahan namin.

ar0012 and Astarte_toki ay nasa likod para sa long ranged attacks. Ang mga melee warriors naman namin ay nagsama-sama. Aryus, Jin, DeathXKairin, Lance, Eurpodioux, Shion, Son_of_Lucifer at SlicerDM. Kaagad naghudyat si GM Kaizen na sumugod na kami. Nauna silang apat na sumalakay, pumatong ang tatlong GM sa kanilang kasama na si GM Aero na anyong dragon. Nagbuga ito ng isang beam skill na sinangga lang ni Chaos gamit ng palad. Pumadyak ng malakas si GM Akil mula sa katawan ni GM Aero upang mas maging mabilis ang pagdash niya sa halimaw bitbit ang sandata nitong Higanteng maso.

"Wind Bash!" tumama ang paghampas ni GM Akil ng skill niya sa ulo ni Chaos. Na-out balanced ito at bahagyang napaatras.

Sumunod naman ang paghataw ni GM Kaizen ng kanyang Spear sa dibdib nito.

"Vulcan Blow!" inasinta niya ang crystal gem sa dibdib ni Chaos pero tila may protective barrier ito. Tumalbog lang ang skill niya pero nagdulot ng burn effect sa ibang parte ng katawan ng kaaway.

"Holy Curse!" gumamit si GM Sander ng isang spell removing Chaos armor to half. May inukit itong marka sa noo nito gamit ng kanyang GM Weapon.

.

Nakita kong tumira ng skill ang kabilang grupo na hinarang ng iilang mga unknown spirits na hindi nasali sa pagbuo ng katawan ni Chaos. Nagsisilbi silang harang ng halimaw at mukhang ang grupo nila GM Rowan lang ang hinaharangan nila. Malamang ay kagaya ni Enigma ay Special AI din si Chaos. Alam niya ang plano namin na sirain ang katawan niya.

"Accel, Zero tulungan nating makahanap ng butas ang grupo nila GM Rowan. Ma, dito ka lang." sabi ko at kaagad nag blink palayo, sumunod sa akin sina Accel at Zero.

"Second Form! Demon Prince!" nag-switch na ako kaagad into second form para mas maging malakas.

"Hell Scream!" agad kong binura sa daanan ang mga nakakalat na mga unknown spirit.

"Elemental Demons!" narinig kong sigaw ni Zero. Sabay paglabas ng apat na malalaking halimaw na kasinglaki ng mga boss. Blue, red, white at brown ang mga ito at tingin ko malalakas talaga sila. Ito ang humarap sa ibat-ibang grupo ng mga unknown spirits.

"Black Lightning!" nagpalabas ng kidlat si Accel na patungo sa direksyon ni Chaos. Dahil sa abala ito sa grupo nila GM Kaizen ay natamaan ito ng kidlat. Hindi ito ininda ng halimaw dahil parang wala lang itong epekto sa kanya.

Kanya-kanyang sugod din sila Slicer at ang mga melee players na kasama niya. Nakapulupot ang buntot ni GM Aero sa kanang binti ni Chaos at yun ang inaatake ng karamihan. The other GM's became the tank and distraction.

Nang makahanap ng butas sila GM Sander ay sabay-sabay silang umatake sa halimaw.

Tumama kaagad sa tagiliran ni Chaos ang skills nila at doon ay napasigaw na ito sa sakit. Nagkaroon ng malaking pinsala ang parteng ito ng katawan ni Chaos. Nagwala ito at nahablot ang leeg ng nasa dragon form na si GM Aero at sinakal niya ito.

Nagkabawas kaagad ang HP ni GM Aero ng hindi bababa sa 100k damage o 40%. Agad napabitiw ang buntot nito sa pagkakapulupot sa binti ni Chaos. Inilipat nito iyon sa leeg ng halimaw. Sumabay narin sina GM Kaizen at Akil na umatake. Ngunit biglang bumilis ang reflex ni Chaos at natamaan silang dalawa ng kanang braso nito at tumalsik. Ibinalibag naman niya si GM Aero sa dagat.

"Naloko na! Lumalakas siya!" sabi ni GM Sander.

Matapos sabihin yun ni GM Sander ay nagpakawala ng skill si Chaos na ikinagulat naming lahat!

"Chaos Core!" wika nito gamit ng isang malalim na tinig.

Isang dark wave ang mabilis na lumabas sa kanyang katawan. Mabuti na lang at naitaas kaagad ng mga GM ang Crimson Barrier na kayang sumangga ng kahit na anong uri at lakas ng atake. Binalutan kaming isa-isa ng nasabing harang kaya hindi kami tinablan. Tumalsik lang kami dahil sa lakas ng push ng wave na nilabas niya.

I noticed that somehow the barrier had cracked. Nagkaroon ng lamat ang harang naming mga GM?. Imposible!? It was disigned to withstand any destructive force, even one hit skills. Nangangahulugan lang nito na sa susunod na maglabas ng skill itong si Chaos na higit na mas mataas pa na level ay maaaring masira ang barrier namin.

.

"The barrier is not that strong compare to what his skill level is! Maging alerto, sa susunod na magbitaw yan ng skill pagsasamahin natin ang lahat ng barrier skills to deflect the attack! Got it!?" sabi ni GM Kaizen. Balik na ulit sa full HP sina GM Aero, Kaizen at Akil.

"MaXiMus! Mga Successors! Humanda kayo sa pagbabato ng pinakamalakas niyong tira.. Be at your full strength. Wait for my signal!" sabi ko sa aking mga kasama.

"Sige!" sabay nilang sagot.

"Ayana, ilabas mo si Libra at Gemini. Ipagaya mo si Libra kay Gemini, I need them as backup and decoy." utos ko kay Ayana.

Inilabas nya naman ito kaagad at sinabihang sumunod sa akin as back up.
"GM Kaizen, will Chaotic skill work on him?" tanong ko.

"Hindi ko alam. But you are free to try kid!" sagot nito sa akin.

Tumango lang ako tsaka lumipad na palapit sa halimaw.

"Libra, Gemini! Use gravity alteration para hindi niya ako maistorbo. I need to load a very dangerous skill!"

"Yes your Lordship!" chorus nilang sagot sa akin.

"Gravity Void!" agad sinalakay ng dalawang summons ni Ayana si Chaos ng gravity manipulation. Pinipigilan ng malakas na gravity ang galaw ng kaaway sa pamamagitan ng pagpapabigat dito ng isang daang porsyento...

Kaagad kong ginamit ang Blood Genesis sword at nag switch to Demon God Form. Mas mabangis na ngayon ang anyo ko dahil ginamit ko na ang halos lahat ng kapangyarihang maaari kong gamitin. Pati ang GM boost ay inactivate ko. Lumabas ang gadambuhala kong itim na mga pakpak at nagtatalasang kuko at talons. Nagkaroon din ako ng buntot na nagliliyab ng itim na apoy.

"Forbidden Skill: Eternal Devourer!" sa pagtaas ko ng aking espada ay nagsimulang maipon ang itim na kapangyarihan sa itaas ko. Muling sumama ang panahon dahil dun at naging mapaminsala ang pagbayo ng hangin. Kaya naman muling nilagyan ng mga GM ng Barriers ang bawat isa, maging ang mga summons ni Ayana.

Hinihintay ko pang mapuno ang rage at max power ng skill ko. Hindi ko dapat ito ibato ng kulang sa lakas dahil baka masayang lang.

"Malapit na itong mapuno! Ako ang mauunang magbato ng skill tapos sabay niyong ibato ang sa inyo. Naiintindihan niyo ba?" muli akong nagsalita para sa final instruction ko.

"Gravity Alter 200x!" mas pinaigting pa nila Libra ang ginagawang pagpigil kay Chaos dahil madali itong nakakapag adjust sa gravity.

"Ayana, unsummon them, ibabato ko na!" sabi ko. Pagkawala nila Libra ay kaagad kong ibinato ang Eternal Devourer sa katawan ni Chaos. Nahigop itong bigla dahil sa lakas ng puwersa ng gravity at tumama kay Chaos.

"Do it now!" sigaw ko sabay blink palayo sa beast.

"Doom Slash of the Dark Flame Dragon!" sikill ni Son_of_Lucifer.

"Dragon Slayer: Star Burst Extreme!" skill ni Lance.

"Dragon Rage of the Sky Lord!" skill ni Astarte_toki.

"Mighty Bomb of the Lightning Garuda!" skill ni ar0012.

"Golden Dragon Fang!" skill ni Shion.

"Rainbow Blast!" skill ni Verillion.

"Sword of Divinity!" skill ni Jin.

"Darkness Dragon of the flame!" skill ni Slicer.

"Shield Strike!" skill ni Aryus.

"Crimson Apocalypse!" skill ni Erenir.

"Aqua Rage!" skill ni Erik.

"Sheeva's Palm!" skill naman ni Leanne.

"Nature's Madness!" skill ni Ayana.

"Aerial Slash of the Frost Guardian!" skill ni DeathXKairin.

"Comet Drop!" si Great_kai.

"Elemental Bomb!" si Xavier.

"Demon's Swarm!" si Accel.

"Shadow Hand!" Si DarkZero.

Bago lumikha ng isang cyclone orb ang chaotic skill ko ay tumama na ang mga skills nilang lahat sa katawan ni Chaos! Agad umugong ang malakas na tunog ng pagsabog na sa tingin ko ay nagpayanig ng buong Meldivar map. Maging sa himpapawid ay ramdam ang lakas ng pinagsama naming kapangyarihan.

Lumayo kami sa kinaroroonan ni Chaos dahil sa baka hindi kayanin pa ng barrier ang aming UNISON ATTACK! Nagkalamat na nga ang shield sa simpleng singaw ng cyclone orb. Ako man ay nagkaroon ng damage sa HP dahil wala akong kahit na anong defensive barrier. Buti na lang at my blink ability ako kaya agaran akong nakalayo.

.

End of chapter...

AN: Oh anong say nyo sa chapter na ito?
Pinag-isipan ko tong mabuti ha. Sana naman nagustuhan niyong lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top