EOPH2 Chapter 34: God vs. Hero

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015

.

Featured Story:

Gamer's Tale Online
By: a_heart

Just discovered this story.. Let's give him our support guys.. AWO inspired story, hindi pulido ang pagkakasulat but it's not without TALENT!

Add niyo ito agad sa RL niyo and DO FOLLOW the author...

"Zaphro's POV"

Naghamon si Zyphyroth ng laban kaya pinagbigyan ko na lang. Gusto ko nga sana sa sa isang duel at hindi sa ganitong pagkakataon. But not everything is going accordingly to what we want. Ngayon ko sinubukan ang isang unique skill ko to morph with my animus. Hindi ko ine-expect na ganito iyon kalakas. Ang conciousness ni Gwydox ay nasa subconcious ko. Nakakausap ko parin siya na tila parte na siya ng isipan ko. Abot ko kaagad ang status na HERO kahit hindi ko pa lubusang pinapakawalan ang legend hero mode. Wala pa nga ako sa first transformation kong Demon. Sa ngayon ay tatlo na transformations ang kaya kong gawin.

DEMON: x2 Attack Damage and speed.

DEMON PRINCE: +50% Dodge rate, +100% speed, +80% defense and x2 attack damage.

LEGEND HERO/ DEMON GOD MODE:

Status Boost

Str: 1000
Dex: 300
Int: 200
Vit: 500

+active blink (0.5 second CD)
+1000 HP per second heal (Dark God Aura)

.

Inilayo namin ang aming sarili para mas maging maganda ang aming maging laban. Napadpad kaming dalawa sa ikalawang island, ang scorpion island. This is my second visit here at mukhang pati ang islang ito ay infested narin ng mga ancient beast. Mga naglalakihang mga reptillian species, mga lizard-like at dragon types at mga dominant armor shell type beast na hawig sa mga alakdan!

.

"Ok na dito! Malayo na ito at solo natin ang buong isla." sabi ko sa kanya.

.

"What's with you and the GM's, tuta ka ba nila?" halata sa tono nito ang pagkainis sa akin.

.

"Wala naman, I just happen to be a concerned player na ayaw sa mga ganitong kaguluhan." matino kong sagot sa kanya.

.

"You know what Master Z?! Masyado kang playing-safe. Masyado kang mapagmalinis, pretending to be a hero that saves everyone!" tumaas ang tono ng boses nito ng sabihin yon. "Tsk!" he chuckles.. "Pathetic!"

.

"Ano bang problema mo tol? Alam mo let's just get this thing over! I don't have time for bullshits!" lumapag ako sa isang talampas at hinugot ang dalawa kong espada. Ang DEVA at ang TITAN swords pa ang equips ko dahil masyadong malaki ang Blood Genesis. Pansamantala rin ito for me to have a blink skill dahil wala pa ako sa Hero mode.

.

"Berserk Aura!" a reddish aura enveloped my body increasing my skill damage.

.

"Galaxy Strike!" bagong skill ko ito gamit ng pinagsanib naming ability ni Gwydox. Malakas ang pwersa ng pagkaka buwelo ko kaya nawasak ang tinapakan kong talampas mabilis akong bumulusok papalapit kay Zyphyroth. Nakita kong mabilis ang naging tugon niya sa ginawa kong move. Nahugot kaagad nito ang dalawa rin niyang sword at iniharang sa apat na sunod-sunod kong slash. Mabilis ang galawan naming dalawa na tumagal lang ng 2 seconds. Paikot ang bawat atake ko sa kanya. Isa sa harap isa din sa taas at sa bawat gilid pero nasalo niyang lahat yun which is good.

.

Ng makaatras ako after matapos ang aking skill ay siya namang pagbitaw niya ng skill niya.

"Doom Slash!" dalawang magkakasunod na slash ang ginawa niya na may mga lumabas na dark rotating wind-like force.

.

"Crystal Hex!" gamit ng skill ni Gwydox ay na-block ko ang isang wave at muli ay nag-cast ako ng isa pang skill.

"Hex!" sinalpok ko lang ang second wave na hindi nagtamo ng kahit na anong damage sa aking HP.

"Weapon switch, Grievance! Equip!" pinalitan ko ang TITAN sword ng Grievance na isa sa mga unused chaotic weapon ko. Ito ay one-handed sword na may 5-7k attack damage. But the catch here is that may 25% bounceback damage ito at high critical chance and attack speed due to it's wind elemental enhancement.

.

Weapon Info

Grievance (chaotic sword)
Atk: 6600
Element: Wind

Effects:

35% attack speed
25% chance for bounce back damage

Description: A sword used to slay Gods.

Simple lang ang anyo ng espada na halos walang glow effect at di kalakasan ang damage. Hindi kasi pwedeng i-upgrade eh pero ang special effects nito ang mapanganib. Kaya nitong ibalik ang parehong damage na tatama dito.

.

"Spinning Blade!" lumilipad paatras si Zyphyroth ng mga sandaling iyon dahil sa iniwasan nito ang skill ko. But that was not enough dahil may blink nga ako diba. Nag-blink ako at nagulat siya dahil sa naabot ko na siya ng skill ko. Tumama ang talim ng Grievance sa dibdib niya at handa ng sugatan siya ng malubha. But that did not happen dahil may itim na usok na nag-ipon sa bahaging iyon ng katawan niya. Yun ang Dark Hero aura niya. Tumalsik ito na hindi masyadong nagtamo ng damage dahil daplis lang naman. Mataas kasi ang depensa ng HERO category kaya makunat.

.

"Dark Hero Force!" sigaw nito kasabay ng paglalabas nito ng isang black shockwave na bumayo sa akin at sa mga kalapit na talampas. AOE ang skill nito buti na lang at naiharang ko ang dalawa kong espada at yon ang nag-absorb ng impact. Wasak ang mga natamaang matatayog na talamas sa skill niyang iyon. Gumana naman ang bounce back ng weapon ko kaya natamaan din siya.

6% lang ang naibawas nito sa HP ko dahil sa sobrang taas na ng def ko na aabot na ng 30k. Pang Epic Boss category ang level nito kaya masasabi kong unfair para sa kanya ang laban naming ito. Defense pa lang ay doble na ang sa akin kumpara sa kanya. God AI lang ang kaya akong pahirapan ng mabuti kagaya ni Heimdhal.

.

"Demon Form!" hindi ko na pinatagal pa at ginamit ko na ang first form ko. Nagdash ako ng sobrang bilis at may kasamang blink pa patungo sa harapan niya at hinataw ito ng dalawang normal attack. Masyadong blunt ang aking ginawang attake na humiwa sa magkabila niyang balikat. Medyo tumagos na ang atake ko sa aura at makapal niyang armor kaya napapasigaw siya sa sakit.

.

"Infernal Flame Dragon!" parang wand ang pagkakagamit ko sa DEVA at itinapat sa kanya. Nagliliyab na itim na apoy na dragon ang lumabas mula rito at walang awang dinakma ang kanyang katawan.

.

"Infernal Strike!" kahit out of angle ang posisyon niya habang pabagsak sa ibaba ay nagawa niyang i-cast ang skill niya. Sa bibig ng flame dragon niya ito ibinato. Agad na nahiwa sa kalahati ang likha kong dragon at naglaho.

.

Pambihira talaga ang player na ito. Looks like may potential siya na maging mas malakas pa. Inulit niya kaagad ang parehong skill ng humarap sa akin. Mas asintado at mas may pwersa ngayon ang ginawa niyang move. Hindi ako nag-atubiling umilag, bagkus ay inipon ko sa Grievance sword ang kalahati ng aking MP at gumamit narin ng black and blue flame manipulation. Inabangan ko ang aura ng tira niya at sinalubong ko gamit ng isang slash from my weapon. Naitulak ako ng bahagya sa lakas ng pwersa ng skill niya. Nagawa ko itong mai-deflect dahil sa bounce back effect pero hindi siya natamaan dahil sa lumihis ito ng bahagya.

.

"Burning Chaos!" dahil sa pag-experiment ko sa mga elemental affiliations ko ay nabuo ang isang bagong skill.

.

Isang wavy line-like flame (blue and black) ang nagawa ng espada ko at sa kanya ito papunta. Para itong latigong apoy na nakakabit parin sa dulo ng sword ko. Unang hagupit ay hindi tumama sa kanya dahil mabilis din si Zyphyroth sa ilagan. Kaya sinubukan ko ang aking naisip at hinatak ang latigong apoy pabalik. Nagagamit ko nga ito na parang latigo at nakailang hagupit ako bago ito naglaho. Walang tumama sa kanya pero wasak ang buong paligid at madaming mobs ang napatay ko giving me more boost than ever.

.

"You're making me stronger dahil sa pag-ilag mo alam mo ba yun?" sabi ko sa kanya.

.

"Ulol! Pag di ako umilag tiyak ako ang madadale ng skill mo!" uhm tama nga din naman siya sa sinabi niya. But what I'm telling him ay umatake siya. Hay naku!

.

"Gravity Bind!" iyon ang suggested skill ni Gwydox at sakto nga at nahagip siya ng AOE nito. Nakalutang lang siya sa ere at restricted ang movement dahil sa skill ko.

.

"Demon Prince Transformation!" nag-shift na ako to a much offensive form kaya nag-iba na ulit ang anyo ko. May sungay na na tumubo sa ulo ko. Wala ito before kasi level 1 pa lang ang skill na ito dati.

.

"Demonic Rampage!" nagliyab ako ng purong dark flames at naglaho ang dalawa kong sword at ang pumalit ay ang mga mahahaba at matatalim na kuko!.

Naging active parin ang aking blink kaya kaagad na nakarating ako sa harapan niya.

.

"Seryoso na ako!" nalipat ako sa likod niya using blink at ni-lock ko ang mga braso niya at napangiti.

.

"Let's fly up!" nag super sonic ang lipad ko karga-karga siya paitaas.

Naabot namin ang itaas ng mga ulap at nasinagan kami ng nakakasilaw na sinag ng araw. After a while ay nag charge ako ng isang mapanganib na skill.

.

"Dark Meteorite!" mas lalo akong nagliyab ng itim na apoy at pabigla kong binaliktad ang lipad namin.

90 degrees ang aming anggulo na sobrang bilis na pagbulusok. Nagkaroon na siya ng burning effect na umuubos sa HP niya ng 1000 per seconds at maging ako din ay nababawasan. 1000 HP per seconds din pero nalabanan ko ito by changing to Legend Hero/Demon God form ko. 200,000 mahigit ang aking naging max HP at umabot ako sa GOD category ng hindi ko sinasadya.

.

"Ah! Bitawan moko!" nagpupumiglas si Zyphyroth dahil nawala na ang negative status niya.

.

"Ayoko nga! Kumawala ka kung kaya mo!" pagmamatigas ko. Mas lalo ko pang hinigpitan ang kapit ko para mas lalo siyang hindi makagalaw.

"Dark Hero Dark Matter Explosion!" nagpumilit na nagpakawala ng skill si Zyphyroth kahit magkadikit ang katawan namin. Pero balewala na ang lakas ng skill niya na pumunit sa 30% ng HP ko dahil hindi ko talaga siya binitiwan.

Umabot na sa critical ang HP niya. Pero hanggang 10% lang ito at tumigil kaagad sa pagbaba.

.

"Borrowed Time!" muli siyang sumigaw at napansin ko kaagad na tumataas ng mabilis ang HP gauge niya at tila nako-convert to HP niya ang damage na naibibigay ko sa kanya.

.

"Special Skill! Pwede na rin!" naexcite ako dahil palaban talaga ang character ma ito. Malakas talaga siya!

.

"Meron pa akong isang alas!!" nagsalita na itong muli.

.

"Death's Mark!" nagliwanag ang isang magic circle sa harap namin at tumagos ito papasok sa amin leaving a small mark at my armor.

.

Pansin ko rin na bagsak sa mga 20% na lang ulit ang HP niya and in return ay nagkaroon ako ng negative status.

.

"Death Mark? Clever move!" sabi ko dahil sa naglaho ang charged skill ko dahil sa silence effect ng marka. Meron din akong slow status and HP deduction na hindi ko masyadong ramdam dahil sa bilis ng passive heal ko.

.

"Nawala nga ang skill ko, pero hindi ibig-sabihin ay bibitawan na kita! Sa tingin mo sino ang makakasurvive sa atin kapag bumayo tayo with an enormous force sa lupa?" sabi ko sa kanya dahil tanaw ko na ang ibaba.

.

"No, SHIT!"

.

"Oh Yeah! Kuha mo na ba ang ibig kong sabihin?" sagot ko.

.

"Get off meee!" sobrang pagpumiglas na niya pero walang nagawa iyon.

.

Tinatanggap ko ang bawat aura burst na pinapakawalan niya na masakit din talaga.
"Ito na ang katapusan ng laban na ito Zyphyroth! Your a worthy opponnent pero hindi yun sapat to beat my GOD status!" muli ay nag super sonic dash ako downwards at bago kami sumalpok sa ibaba ay may sinabi pa ako sa kanya.

.

"See you sa Guild Clash!" and after that ay isang malabagyong pwersa ang sumabog. Parang asteroid na sumalpok sa lupa ang mga katawan namin dealing havoc into the second island.

.

Maging ako nga ay kamuntikan ng mawalan ng malay dahil sa lakas ng pagsalpok namin sa bato at lupa. Nagkaroon nga ako ng dizzy status at para akong lasing na hindi makatayo ng maayos. Lumipad na lang ako paitaas at sinipat ang pinsala na nagawa ng pagbagsak namin. Butas ang gitnang parte ng isla at mukhang naPK na si Zyphyroth dahil hindi ko na siya nakita pa.

Ang daming notifications tuloy ang nakita ko sa aking VS dahil sa mga napatay na mobs ng pangyayaring yon! Mahigit na 40 mobs na may mataas na leve at isang ancient beast ang napaslang ko.

Ancient Scorpion Beast Herodium Level 200

Stat Reward

Str: 100
Dex: 100
Int: 800
Vit:50

"Tinamaan ng direkta yan kanina, Papa!" sabi ni Gwydox na humiwalay na sa pagkakasanib sa akin.

.

"Talaga, hindi ko na namalayan eh. Kamusta na kaya ang iba Gwydox?" sabi ko dito.

"Hindi ko alam papa, mabuti pa ay puntahan na natin sila." sagot nito.

.

"Mabuti pa nga..." bumuntong hininga ako bago nagsimulang lumipad patungo sa first island kung nasaan ang ibang mga naglalaban.

.

End of Chapter...

AN:

Short chap, kasi kay Zaphro at Zyphyroth na laban lang po ito...

Next update ay ang katapusan na ng Guid Riot kaya medyo mahabang update yun ok...

Abangan!...

Don't forget to also read my other new story. WIZARDS CHRONICLES...

VOTE AND COMMENT PO...

Nalalapit na ang SEASON 2 ENDING kaya itodo na ang suporta ninyo ha!

Para maipost ko din kaagad ang SEASON 3..

BUT IT WILL BE IN A DIFFERENT BOOK o hiwalay po dito.

Meron na pong STORY COVER yun nagawan ko na. After ng SEASON 2 epilogue ay ang prequel ng SEASON 3 as bonus chapter!...

Isulong natin ang RPG/VRMMORPG genre of stories dito sa wattpad! Number one supporter at promoter na ako. Kaya natin ito, kaya kung gusto niyong sumulat ng kaparehong genre ay tiyak isa ako sa susuporta!

.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top