EOPH2 Chapter 33: Mass Execution
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015
.
No edits at the moment..
Tamad ako ngayon...
Sa pasko na'ko mag edit nito.. Haha...
Tagal no? ;)
This chap also has no further description. Since Narration lang ito so hindi need ang detailed informations. Kasi kung iisa-isahin ko pa ang mga nangayayari eh baka hahaba at tatagal pa bago matapos ang Guild Riot. Hehe...
Narration:
Tatlong GM's ang rumisponde sa malawakang Guild Riot sa unstable map sa Meldivar. Iyon ay sina Sander, Kaizen at ang secret GM na si Zaphro. Nasa tinatayang mahigit dalawandaan ang bilang ng mga naglalabang mga players dito. Tatlong guilds ang mas nangingibabaw at ang iba ay mga guildless players. Malala na ang nagaganap na labanan sa pagitan ng bawat guilds. Halos lahat sila ay naging pula na ang mga IGN dahil sa may mga na-PK na sila. Ang Sea of the Ancients ay may sariling respawn area na located malapit sa entrance gate. Doon nagre-respawn ang mga natalong players kaya madaling nakakabalik ang mga ito sa lugar ng labanan.
.
"Lance! Ano toh?" tanong ni Zaphro sa kakilala.
.
"Hindi kami ang pasimuno nito tol. Sila ang naunang naghamon sa amin. Umupa pa sila ng ilang mga assasin players para lumaban sa amin. Yun yung mga walang guilds." sumagot ang player na nagngangalang Lance.
.
"This Guild War is not approved! Bakit niyo parin pinagpatuloy ito?" nagsalita si GM Kaizen.
.
"Yeah, we know GM kaya nga nag Guild quest na lang kami sa map na ito. Pero inambangan kami dito ng Metalophobia at PK kung PK talaga ang gusto nila. We had no choice but to defend our guild." ang sumagot nito ay si Eurpodioux.
.
"Kaizen we need to make a move now! Mukhang hindi na sila madadala sa pakiusap." si Sander ay inilabas na ang kanyang GM weapon at humanda na.
.
"What? Tatalunin natin sila ng isa-isa ganon?" tanong ni Zaphro.
"I will post a GENERAL WARNING kapag hindi sila nakinig alam niyo na ang gagawin. Implement CODE 13 (Mass Execution)." pinal na disisyon ni GM Kaizen.
»World Notification: Attention all players involved in the Guild Riot. Stop this as soon as possible or you will be punished accordingly!«
"Let's give them 5 minutes....!" si GM Kaizen.
.
"Gwydox, estimate the numbers or possible involved players." sabi ni Zaphro sa kanyang animus.
"Yes papa!" sumagot ito
"Estimated number of players is 136 but it's decreasing fast. 4 players per minute.."
.
"Sabi ko sayo hindi sila titigil eh!" si GM Sander.
.
"May tatlong minuto pa, maghintay pa tayo Sander." kalmadong sagot ni Kaizen.
.
"Uy tol! Ano ng balita dito?" dumating na sila Slicer at ang iba pang kasamahan ni Zaphro.
"Oo nga insan?" si Great Kai.
"Aero, do me a favor. Disable all the respawn area sa buong Meldivar map for two hours then cancel the scheduled matches for this day. Magreport kayo nila Rowan at Akil dito sa amin right away!" with authority na tono ng boses ni Kaizen habang kausap sa linya si Aero.
.
"GM tutulong din kami!" nagsalita si Leanne.
.
"That's good! I will provide you all a PK Pass for 12 hours and 5 revival runes. Maraming malalakas sa tatlong guilds na nandito so do your best!" matapos sabihin ito ni Kaizen ay tumipa na ito sa kanyang VS at after a while ay natanggap na nila ang mga nasabing special functions and items.
"Hindi ko pa naman gustong gawin ito, but they are giving me no choice! Ilabas niyo na mga sandata niyo, this will be very exciting!" nagbago ang set na gamit nito at lumabas ang malakas nitong GM weapon na Ragnarok Lance. Mas malakas ang kulay maroon na liwanag na nagmumula sa plated armor ni Kaizen ngayon. It's like an upgraded state.
Si Sander ay ganon narin, bahagyang lumakas ang mga glowing aura ng set at weapon niya at seryoso na ang mukha. Yung tila handang-handa na para sa umaatikabong labanan.
.
"Implement Countdown!"
Nagkaroon agad ng 1 minute countdown na nakadisplay sa kanilang VS. Naging parang isang party silang lahat kasama ng mga GM. 16 silang lahat at si Kaizen ang leader ng party na iyon.
GM's Party List
Kaizen Level 300 (GM)
Sander Level 300 (GM)
Zaphro Level 200 (Secret GM)
SlicerDM Level 200
Shion_rio Level 200
Great_kai Level 200
Accel Level 200
xxLeannexx Level 200
Ayana Level 200
Verillion Level 200
Xavier Level 200
Erenir Level 200
Erik_hertz Level 200
Aryus Level 200
Jin Level 200
ar0012 Level 200
Agad na nag-buff si GM Kaizen para sa lahat isang GM buff na may mataas na boost ng stats. GM's Blessing ang rumehistro sa kanilang VS providing them extra boost of stats:
Str: 300
Dex: 300
Int: 300
Vit: 3000
Infinite ang effect nito kaya walang time limit. Mawawala lamang ang epekto nito kung i-deactivate ito ng caster. Kaya naman ngayon ay lubhang na-boost ang HP nila ng mahigit 45% halos lahat sila ngayon ay lagpas 100,000 HP.
9
8
7
6
4
"Get Ready!" sigaw ni GM Kaizen.
3
2
1
"Time's Up! MOVE NOW! ELIMINATE THEM!" war cry ni Sander saka biglang naglaho gamit ng pambihirang bilis.
.
Ganoon din ang ginawa ng lahat, bumulusok sila pasugod sa mga nagkakagulong players. Naunang nakarating sina Sander at Kaizen at ang mga nasalubong lilang players ay sinugod nila. Nagliyab ng apoy ang lance ni Kaizen at ito ang ginamit niya na panaksak sa mga kawawang players. Puro critical hit ang mga tama nito at ang iba ay 1-hit lang. Burning Edge pa lang ang gamit nitong skill na siyang pinaka basic niya. Basic skill lang din ang gamit ni Sander na Halo blast at Shining Edge pero kitang-kita na 1-hit talaga ang sinumang tamaan. Halimaw sa lakas talaga ang damage mg mga GMs dahil sa 100 levels na gap nito sa mga players. Imba kung imba. Unfair kung unfair pero diba nga nag warning na sila at walang nakinig! They deserve to be punished for not following GM's command.
.
"Hell Scream!" inasinta ni Zaphro ang tatlong players na naglalaban na naabutan niya. Dalawa sa mga ito ay natamaan niya at bagsak agad sa kalahati ang mga HP. Tatlong blink ang kinailangan niya to finish them off. First blink ay doon siya sa isang di niya tinamaan.
"Cold Fire!" isang critical hit ang natamo nito with extreme burning effect.
Second blink ay dun sa isang player na kalahati na ang HP.
"Demon's talon!" tumama sa dibdib nito ang atake niya at ginamit niya ito para mapunta sa isa pang player.
"Inferno!" sumabog ang nangangalit na mangitim-ngitim na apoy mula sa katawan niya dahilan para matamaan ang tatlo ng sabay sa AOE nito.
.
Sina Ayana, Slicer, ar0012 at Shion ay nagpasyang magsama-sama.
Tag-team ang trip nila..
Ayana&SlicerDM
ar0012&Shion_rio
.
Inilabas nila ang kanilang mga heroic at beastly form dahil pareho silang mga successors.
Slicer as Legendary Flame Lord.
Ayana as Legendary Forest Goddess.
ar0012 as Lightning Garuda Successor.
Shion_rio as Golden Sky Dragon Successor.
.
Ginamit kaagad nila ang kanilang mga second form kaya naman naging agaw-pansin narin sila sa himpapawid. Matingkad na green ang aura ni Ayana habang si Slicer ay dark purple ang nagliliyab nitong armor. Habang ang dalawa naman ay gadambuhalang beast cloack naman ang gamit.
.
Mabilis nilang inararo ang mga players na bumangga sa kanilang daanan. Karamihan sa mga ito ay napatay kaagad nila at tuluyan ng naglaho. Madidisconnect kasi ang mga maP-PK nila dahil deactivated ang respawn. Ang mga malalakas na players ay hindi basta-bastang natatalo nila pero magaling at coordinated ang bawat galaw nilang apat. ar0012 is using sniper skill while shion is the frontal attacker! Ayana is using her summons as distraction para malure ang mga kawawang kalaban. Si Slicer naman ay parang naging caster dahil sa purong flame manipulation ang ginagamit. Balot ng apoy ang katawan nito na sadyang nakakapaso sa mga kaaway na napapalapit sa kanya. Halos parang naging apoy na lang tignan ang espada niya dahil sa kanyang pagiging Flame Lord. Ang bangis din ng passive niya dahil hindi siya natatablan ng blade skill. Tumatagos lang sa katawan niya ang mga ito.
.
Sa kabilang dako naman ay sina Accel at ang kuya nitong si Xavier ay magkasama. Purong wind magic ang gamit ni Xavier ngayon dahil sa may bago siyang weapon. Ang Whirlwind Staff na epic category. Mga paikot na hangin ang pinapakawalan niya sa mga malapit ng kalaban habang si Accel ay ang tagatapos sa mga ito gamit ng void element. Sobrang bilis na niyang magbato ng cards na halos matapatan na ang gunner skill sa bilis ng casting speed. Gumagamit din siya ng dark limbo para makalipat ng lokasyon na parang blink. Hindi rin nawawala ang black lightning niya na sadyang mapangwasak. Nakakailang 1-hit narin siya sa mga mahihinang players at mga ilang flying type monsters na nagsilabasan sa paligid.
.
"Black Lightning!" sigaw ni Accel sabay bato nito ng skill sa dalawang archer players ng Second Sight guild.
.
"Air Shaft!" support skill ni Xavier. Humalo ito sa skill ni Accel kaya nagi Black Lightning Whirlwind ang skill nila.
.
Sapul ang dalawang archers at sabay na naglaho sa ere. Na 1-hit sila ng combo skill ng dalawa. Sobrang taas na kasi ng damage nila dahil sa mga buff na bigay ng mga GM's. Bukod kasi sa GM's Blessing ay meron din silang Frost Armor (+3000 def/from Zaphro/), Holy Aura (+30% ATK Damage /from Sander/), at Rage (+30% ATK Damage and +30% movement /from Accel/).
Marami pang ibang support buff na meron sila kaya hindi kataka-takang sobrang imbalance na ng stats nilang lahat. Naabot na nga nila ang status category na HERO eh maliban sa BEAST (for Sky Beast Successors), LESSER GOD (for Zaphro) at GOD category na kina Kaizen at Sander. Sobrang naging nakakatakot sila ngayon. May mga players na kaagad nakapansin sa ginagawa nila na nasindak at nagsiatrasan na. Ang iba ay na-challenge dahil sa lakas nila. Ang iba ay tinimbrehan nila ang mga GL nila at commanders sa aksiyon na ginawa ng mga GMs.
.
"70 more players ti go!" si Sander na gumamit na ng Tri-force magic na ikinagulat ng karamihan.
.
Si Kaizen naman ay nagwala narin at naglabas ng isang malawakang skill. Isang red wave ang bigla na lang kumawala sa katawan niya dealing burning and minus-armor effect to enemies and +45% critical chance for allied players. Ang skill na ito ay tinatawag na Fire Hex.
.
Bigla ay umulan naman ng meteors mula sa kalanitan. Ito ay gawa naman ni Great_kai gamit ng weapon niya. Tapos may biglaang pag-ulan, mga maliliit na droplets ng tubig lang naman. Ang ulan na ito ay nagdudulot ng slow effect sa mga kaaway, ito naman ay gawa ni Erik_hertz. Sobrang naging malawak ang mga AOE nila dahil sa mga buffs na tulong ng mga GM. Hindi nila ito magagawa without it!
.
The rest of the group were busy fighting those PK players na mga walang guilds. Mga bayarang assassins at mga nakikigulo lang sa laban ang mga ito. Dito naging mas mahirap dahil ang ilan sa mga ito ay mga successors din.
Dark Hero: Zyphyroth
Frost Guardian: DeathXKairin
Sky Lord: Astarte_toki
Shadow Dragon: DarkZero
Ito ang mga IGN ng ilan sa mga guildless players na malalakas. Tatlong hero siccessors at isang sky beast successor player. Nahirapan tuloy sina Verillion, Jin, Aryus at Erenir sa mga ito.
"Sword of Divinity Hyper Slash!" isang mas improve 1-hit skill ang pinakawalan ni Jin gamit ng kanyang Gladiator Sword. Imbes na one strike lang ang kaya nitong gawin ay may karagdagan pang rotating motion ito. Mas kita narin ang korte at anyo ng force blade niya na may habang 20 meters at may kapal na tatlong metro. Balak nitong patamaan si Zyphyroth kaso nakailag ito kaya iba ang tinamaan ng skill niya na agad na 1-hit.
.
"Ang bagal naman niyan!" panunuya ni Zyphyroth.
"Mabagal pala ha! Ito tanggapin mo!" medyo naging mas mabilis ang galaw ni Jin na hindi parin naglalaho ang higanteng espada. Hindi parin tumama sa target pero dumaplis sa buntot ng aura ni DarkZero at natagpas ito ng walang kahirap-hirap.
.
"Oy bakit moko dinadamay ha?" reklamo nito. Kanina kasi mukhang ang mga ito ang naglalaban-laban. Two on two ang laban nila.
Astarte_toki&DarkZero
Vs.
DeathXKairin&Zyphyroth
.
"Utos ng GM na tapusin kayong lahat. Tigas kasi ng mga ulo niyo!" sumabat si Erenir sa usapan.
.
"May basbas ng GMs kaya matapang ang mga yan!" nang-iinsultong sabi ni Zyphyroth. "Pwe! Nakakahiya kayo!" dagdag pa nito.
.
"No time for chittchat guys. Just like we said, trabaho lang to at walang personalan!" nagsalita si Verillion sabay pinaikot-ikot ang sandatang hawak. Pagkahinto nito ay itinutok sa apat na successors ang dulo nito at nagpakawala ng skill.
"Elemental Fusion Blast!" ito ay skill na pinaghalong fire, wind ,water at earth element. Bumulwak mula sa dulo ng weapon niya ang mala-kuryenteng liwanag na may rainbow colors na may unstable form. Parang kidlat ito na dumidikit kaagad sa kung sinuman ang nasa malapit.
Hindi nagawang umilag ng apat na successors dahil sa sobrang bilis ng skill ni Verillion. Dahil sa mataas ang HP at armors nila ay 20-25% lang ang bawas nito sa mga buhay nila.
"Meron silang frozen status! Samantalahin niyo!" sigaw ni Verillion sa mga kasama.
"Who wants to play baseball?!" pagkasabi ni Jin nito ay hinambalos niya ng giant sword si Zyphyroth at Astarte_toki na magkalapit lang. Hindi niya ito sa talim pinatamaan kundi sa katawan lang ng blade. Sa lakas ng impact ay bumulusok sa ibaba ang dalawa at nagtuloy sa dagat. Sumunod si Jin at kasama si Erenir sa mga ito sa ibaba. While Aryus used a Lance skill na tumama kay DeathXKairin.
.
"Calamity Strike!" nasa ilalim ni DeathXKairin nagmula si Aryus at paitaas ang direksiyon ng skill niya na parang pa-uppercut. Tumama ito sa katawan ng kaaway at nagkaroon ng pagsabog. Bumulusok paitaas ang katawan ni DeathXKairin dahil sa skill at balot ng usok.
.
"Flaming Edge Triple Strike!" bagong skill mula kay Verillion na parang kahalintulad sa skill ni GM Kaizen. Tatlong beses niyang sinaksak si DarkZero sa mga vital spots.
Walang nagawa ang apat dahil sa negative status nila kaya parehong nagsibagsakan sa kalahati ang kanilang mga buhay. Hindi kasi biro ang mga damages nila Verillion dahil sa GM boost na tila mas lumakas pa. Nang maibaling ni Aryus ang paningin sa kanyang VS ay may napansin pa siyang isang bagong party boost. GOD'S FAVOR! Ito ay may Double stats effect na lubhang ikinataas ng kanilang mga status. May cooldown ito na 20 minutes at hindi nakalagay kung sino ang caster nito. Basta na lang itong nag-appear sa buffs nila.
.
"Mukhang umaayon ang mga Diyos sa ating layunin! Ang saya nito. O, may dagdag regalo ako sa lahat!" sabi ni Sander sa kanila sa pamamagitan ng isang telepathic message.
.
»New Unique Skill Learned: Blinding Stare Level 1«
Ito ang lumabas sa mga VS nilang lahat maliban kina Zaphro, Kaizen at Sander. Isa itong eye skill na kayang bulagin ang isang kaaway by just staring at their eyes for 30 seconds. .
"Isang ancient mysticism skill ang binigay sa inyo Mama!" sabi ni Gwydox na nasa likuran lang ni Leanne.
Abala rin sa pakikipaglaban si Leanne sa mga kalaban. Naka fighter mode na nga siya at to her surprice ay sobrang taas ng MP at SP gauge niya kaya hindi siya nakakaramdam ng panghihina kahit nakailang malalakas na skill na ang kanyang binitawan.
.
"Ganon ba? Well, let's try it then!" matigas nitong pagkakasabi. Ginamit kaad niya ito laban sa isang player. Panay ilag lang siya sa tira nito habang tumititig sa mga mata ng target.
"Blinding Stare!" mabilis na inactivate ni Leanne ang skill at tila nagulat ang katunggali nito dahil sa pagdilim ng kanyang paningin.
.
"Bulag na siya mama! Two minutes ang duration bago yan mawala." nagsalita muli si Gwydox.
"Galaxy Force!" si Gwydox na ang tumapos sa kalaban gamit ng AOE ng skill niya ay nadali rin nito ang ilan pang player na malapit.
.
"Sheeva's Palm!" ginamit naman ni Leanne ang kanyang pamatay na tira na mayroong 64 hit combo. At dahil nasa itaas siya ng himpapawid ay gahiganteng hugis palad at kamao ang pinaulan niya sa ibat-ibang target. Halos isa-isa silang nagsibagsakan sa dagat at sa first island dahil sa skill na iyon. Wala siyang pinatawad kahit mga GL ng bawat Guilds ay pinatamaan nito. Mataas na kasi ang targeting o aiming ability niya dahil sa nag-uumapaw na boost sa stats niya.
The farther the target, the stronger and greater damage they will receive. Yun ang isa sa secreto ng skill niya. Gumuhit ang mga hugis palad at kamao sa dagat at humulma sa parte ng isla na natamaan niya.
.
"Whoa! What do we have here?!" biglang puna ng namumunong GM na si Kaizen.
.
"NICE MOVES YOU GOT!" puri ni Sander. "Lakas ng ASAWA mo Zaphro ah!" dagdag pa nito.
.
"Kaya nga LOVE ko yan eh!" biglang sumagot si Zaphro.
.
"KS siya, pero di na masama ha! Konti na lang ang natira oh!" kumento ni Great_kai. "O, ano paunahan na?"
.
"Ulol! Wag pakampante, malalakas na players ang naiwan. Nandon pa sila Lance at Eurpodioux, diba kakilala mo din sila?" nagsalita si Zaphro.
Naglapit silang lahat pababa upang tignan ang mga players na nakasurvive sa pananalasa ng meteors at giant palm/fist. Nakita nila sina Erenir at Jin na katapat ang dalawang Hero Successors na sina Zyphyroth at Astarte_toki.
"O, ayos lang ba kayo dito?" kinamusta ni SlicerDM sila na binalewala ang dalawang kaaway.
.
"Yakang-yaka to!" pagyayabang ni Jin.
"Talaga lang ha? Sali ako para mapadali na ito gusto ko rin masubukang kumalaban ng HERO player eh." sagot ni Slicer.
.
"Tsk! Mayabang ka lang dahil boosted na ang stats mo! Kung wala yan, wala kang laban!" bulyaw ni Zyphyroth sa kanya.
.
"Oo na nandun na ako! Pwede naman kasing magdebuff eh! Just to make it fare diba?" lumingon siya saglit sa mga GM.
.
"Yep, pwede mong gawin yan bata! We have all the time here. You can go and play around if you want!" si GM Sander ang nagsalita.
.
"Sorry ha, pero hindi ikaw ang gusto kong makalaban! Si Zaphro!" biglang sabi ni Zyphyroth.
.
"Ano?! Bakit naman?" nagulat na tanong ni Slicer
"Naalala ko na bosing! Siya yung player na ang sama ng tingin sayo noon sa village." sumingit si ar0012.
.
"Yeah, I remember him. Uhmm, if that's what you want pagbibigyan kita pre." ito ang sinagot ni Zaphro.
.
Nagpout nalang si Slicer dahil naunahan na siya ng bestfriend sa kaaway.
"Meron pa namang ibang successors dito kuya may lima pa bukod sa kanya." sabat ni Accel.
"Talaga insan?" biglang naging ok na ulit ang expression nito. It's like nothing happenned.
.
"Jin tol, ipaubaya niyo na sa akin ito. Take care of the rest," tinignan nito ng seryoso sina Jin at Erenir. "Gwydox sumama ka muna sa akin." tawag nito sa kanyang animus. Nagkalikot kaagad siya sa kanyang vs at pagkatapos ay biglang na-debuff lahat ng buff na meron siya.
.
"Gagamit ako ng mga buffs na meron sa skill book ko to make it somehow fare! I will use all my aura and possible status na kaya kong maabot. No holding back ika nga nila!" malumanay na sabi nito sa makakatunggaling player.
.
"Sige ba! Yan nga ang gusto ko eh!" sagot ni Zyphyroth.
.
"Gwydox, ready to morph!" seryosong sabi ni Zaphro.
"Yes, Papa!" sagot ni Gwydox na nagsimulang maging dark violet gigantic orb.
.
"Ngayon ko lang ito magagamit, kaya wag na kayong magulat!" lumutang si Zaphro palapit sa orb at pumikit.
"ANIMORPH!" sinigaw nito ang pangalan ng skill at bigla ay nagsanib sila ng liwanag at nang makalabas dito ay iba na ang suot nitong set at iba na ang aura na nilalabas niya.
Humaba at naaging kulay grey ang dating maikling buhok niya. Ang puting armor nito ay naging dark violet na may patches of silver and his wing also changed. Naging parang usok na lang ito na anyong pakpag. Parang concealed wings ang dating niya. At imbes na helm ang nasa ulo niya ay naging pulang tela na lang na may mahabang manggas. Nakatakip ito mula ilong hanggang sa bibig niya na gaya ng sa kanyang animus.
.
"Mag-heal ka na at full buff para matapos na ito kaagad!" this time ay bago narin ang boses niya. Medyo cold at nakakatakot pakinggan.
.
"Pa! Ikaw ba yan?" biglang tanong ni Leanne.
"Oo naman, nag-merge lang kaming dalawa ni Gwydox, Ma!" cold parin ang boses nito pero halatang siya parin si Zaphro. Pakamot-kamot pa nga siya sa ulo eh. "Sige na, ako na dito. Walang makikialam sa amin."
.
"Tinakot niyo ko dun! Sige na nga, basta promise me! Mananalo ka, dahil kung hindi tatadtarin ko kayong dalawa ni Gwydox ng 64 hit combo ko!" hirit pa ni Leanne bago naunang lumipad palayo.
.
"Good luck!" tinapik ni Slicer ang balikat ni Zaphro bago sumunod sa iba.
.
"Akin tong isa bosing!" si ar0012 na ang tinutukoy ay ang isang Archer/gunner player na si Astarte_toki.
"I'll back you up dude!" sabi naman ni Erenir kay ar0012.
.
"Sige ba!" sagot ni ar0012.
Nag-debuff narin ang dalawa para hindi maging unfair sa makakalaban. Mataas narin kasi ang normal stats nila dahil along the way ay nakapatay sila ng mga monsters na nagsilabasan. Bawat monsters na iyon ay may dagdag stats sa kanila.
.
"Ok, ready na ba tayong lahat?" tanong ni Zaphro.
.
"Kanina pa nga ako ready eh!" si Zyphyroth.
.
"Kayong tatlo, stay here. Zyphyroth, follow me!" after sabihin yun ni Zaphro ay lumipad na ito palayo sa kanila ar0012.
.
End of Chapter....
AN:
Ok updated na ulit!
I tried to make it up to 4k words kaso di ko kinakaya eh. 3.7k lang ito I hope nagustuhan niyo.
Meron pang karugtong ito na mga dalawang chapters. Three chapters ang goal ko for this week eh para sulit ang paghihintay ninyo ng update.
Nga pala guys, nalalapit na ang Season Ending nitong EOPH.
Mga 6 long chapters na lang po!
Season 3 is coming up na, and that includes the second part of the GUILD CLASH Tournament and possible openning of the 3rd map (not sure yet!)
Wait for the next update ok!
Vote, comment and share na lang mga dre!.
Sa SUNDAY na yung dalawang chapters. Busy ako ngayon eh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top