EOPH2 Chapter 32: Truth Behind Lies
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015
"Zahpro's POV"
Isang linggo na ang nakalipas at heto kaming muli sa village. Not to fight at the arena but to just take a rest or do some individual quest and party boosting. Nakapasok na kasi kami sa final phase ng tourmament. MaXiMuS, Emperial Armada, Pentagram, Second Sight at ang Avalon Crussaders. May isang guild pa kaming nakalaban along the preliminary round. Iyon ay ang Scarabax Guild.. Malakas sila at karamihan ay mga swordsman. Although wala naman masyadong special sa kanila like hero successors o beast successors, magaling lang talaga silang magformulate ng strategy. Group battle ang mga maging laban mamin sa kanila. And I decided to join the match nabore na kasi ako sa kakapanood. Sa isang 5 vs. 5 match na kasali ako at ang GL ng kabilang guild ay pinakiusapan ko sila Accel na ibigay na lang sa akin ang laban. Total sila lagi ang sumasabak sa laban lately, sabi ko time ko naman na gumalaw. I gave it my all. Krato's Mark, Legendary Hero Mode and God Form ko. Lima makakahap ko kaya kailangang handa. Hindi ko pa naman kasi nasusubukan ang lahat ng boost ko sa mga kapwa ko players. Last thing I remembered was that I used it to face a God category AI. Walang nagawa ang mga katunggali ko sa sobrang pagka overpower ng mga stats ko. My Guild won via Wipeout!
Everybody was almost at a shock state dahil sa ipinakita kong mga ability at sa pagiging Lesser God ng status ko. First time pa lang yata nilang makakita ng ganon kataas na level na ability bukod sa Hero at Beast status. To the rescue naman si GM Kaizen at nagawa pang maglecture sa mga manonood about sa mga modes at status na pwedeng ma-achieve ng isang player at pati narin sa second at third map. Lubha naman iyong ikinatuwa ng mga nakinig. Tila nainspire pa sila upang lalong magpalakas. Ang iba sa mga ka-guild ko ay hinihingan ng tulong ng mga low level players para makapagpalevel ng mabilis. Hindi tuloy namin matuloy-tuloy yung quest namin sa Sea of The Ancients...
Anyway heto nga kami ngayon ni Leanne along with Gwydox and Great_Kai. Tambay lang sa gilid ng village park at masayang nag-uusap regarding things.
.
"So, ano na ang progress sa trabaho mo insan? I heard na you're-" pinutol ko kaagad ang sasabihin ng pinsan ko by covering his mouth.
.
"Secret pa yun!" sabi ko.
"Aw, sorry lang! So totoo nga ang hinala ko." at napangiti pa ito.
"Lately ko lang din nalaman yan." biglang nagsalita si Leanne.
.
"Anyway since malapit naman kayo sa akin di ko na kailangang ilihim. Normal player parin naman ako." sabi ko sa kanilang dalawa.
.
Lately lang ay may isang bagay akong natuklasan patungkol sa game na ito. The secret behind it! We all know na real body natin ang ginagamit sa dimension na ito. Although may konting error lang doon, slight lang naman. Ang paliwanag ng game makers patungkol sa mga physical damage ay optical trick or illusion daw. Hindi pala yun totoo, kasi tunay ang mga nagiging pinsala na yun at hindi ilusyon lamang. At ang pain percentage ay nasa 80% talaga dahil sa isang powerful magic or force emanating this whole dimension. Parang built in sedative o pain releaver. The potions and magic spells na maaaring magamit ay totoong gumagana para pagalingin at mairestore ang nawalang status. It's so very not realistic for me noong una but lahat ng doubts ko ay aking napatunayan. As a programer and data traslator ko ay inisa-isa ko ang mga game programs na gamit ng EOPH. Wala doong command or sequence na kagaya ng sa mga vrmmorpg. Halos lahat ng mga nagaganap sa mundong ito na kakaiba ay walang kinalaman ang mga game admins. Magical force really do exist here inside EOPH at iyon ang nagpapagana sa lahat-lahat. Ang tanging contribution lang ng mga gumawa ng laro ay ang presence ng mga monsters with levels and classes. All of those were biomechanically engineered. That means totoo talaga sila, kaya nga may mga monsters na sumasabog at nagiging data bits at yung mga nananatili lang na nakabulagta sa lupa. Yung mga sumasabog at nagiging program ay mga real holographic mobs na pinoproject lang ng isang droid na singlaki ng holen.
.
Ang mga AI din ay gawa ng mga developers ng laro, including the NPC and taverns. The Towns and all the places found here na may NPC houses and city. Ang Quest System, Dungeons, and other similar traits ng vrmmorpg ay gawa nila. Alam niyo rin ba na may program na nangangalaga sa bawat players?
What I mean is that, mayroong life saver command o sequence ang game. Hanggang 1% lang pwedeng bumaba ang HP ng mga players, that prevents them (us) from dying here for real. Isa yun, pangalawa napansin ko narin na hindi gaanong tumatalab ang mga fatal point attacks sa may parteng puso at ulo ng players. Pati din sa parteng tiyan, ito ay dahil sa mga special protective force na kusang naa-activate when we are hit on those parts. Nakakatakot isipin, paano kung walang ganon? Isang chest attack lang with piercing power ay tiyak papatay sa amin instantly for real. 0% HP, it's almost imposible to have this pero posible parin ito. Walang perpekto sa mundo not even programs and sofwares. Paano kung magloko ang game system at mawala sa ayos ang lahat ng programs? Anong mangyayari diba?
.
"Idol! Lady Leanne!" napukaw ang atensiyon namin ng tumawag si Kobi23. Mukhang kararating lang nito sa village at patakbong tinungo ang kinaroroonan namin.
.
"Uy Kobi! Anong atin?" nakangiti kong tanong ng nasa harap na namin ito.
"Alam niyo bang nagkakagulo na ngayon sa Sea of the Ancients?" sagot nito sa akin. Seryoso ang mukha nitong nakatitig sa akin.
.
"Ows, talaga? Bakit naman?" sunod-sunod kong tanong. Si Leanne naman ay napaayos ng upo at sumeryoso ang mukha.
.
"Sa dami ng players ngyon doon ay nagkakaPK-han na!" sabi nito na umupo sa katapat na bench.
.
"Talaga? Gaano kalala?" nagtanong si Leanne.
"Sobrang lala na! Lahit sino na lang ang nagpapatayan dun. Kahit hindi PK players ay sumasali. Wala pang aksiyon ang mga GMs." sagot ni Kobi.
.
"Tara! Puntahan natin Ma?" sabi ko sa girlfriend ko.
.
"Pipigilan mong mag-isa?" tanong ni Leanne.
"Hindi, ng buong guild natin. At mukhang my GM tayong makakasama." sabi ko while nag pop-up ang message notification ni GM Kaizen.
.
"Huh? Sino?" tanong ni Kobi.
"Si Kaizen at Sander. Kakatanggap ko pa lang ng message nila. Pinapa-report ako sa area right away." tumayo na kaagad ako at nag-handa.
"Ma, paki messqgw ang buong guild pati sila Xavier at papuntahin sa entrance ng Sea of the Ancients.
"Ako na bahala sa guild ko insan punta na lang tayo dun." nagsalita ang kanina pang tahimik kong pinsan. Busy kakangata ng pinamiling street foods.
.
"Okay, follow me...!" sabi ko at naglakad sa hindi mataong parte ng village. Sa loob kami ng isang templo pumasok. Nag scan ako ng ilan sa mga GM functions na magagamit ko. And I found Mass Warp ability na kung saan ay kaya kong magpalipat-lipat ng area kasama ng tatlo hanggang limang players.
"Stay close, magwa-warp tayo dun." inactivate ko kaagad ang ability at nagfocus sa lugar na pupuntahan namin. Then a shining white light appeared bellow us as we slowly vanished.
.
Seconds after ay nandoon na kami sa labas ng malaking gate. Mayroong mga players sa labas na takot pumasok sa loob na nagulat sa grand entrance naming apat. Ilang samdali rin ay dumating sina GM Kaizen at Sander gamit ng isang kakaibang portal magic. Dumiretso si Sander na sumalpok na sa harang ng new area at tila tumagos lang ito.
.
Bumaba si GM Kaizen at kinausap ako.
"Hoy bata! Halika na! Bilis na...!" pautos nitong sabi sa akin. Hinila na ako nito at kagaya ng ginawa ni Sander ay tumagos na kami sa harang.
"Sumunod kayo mamaya sa loob kasama ng buong tropa. Mauuna na muna kami ok!" sabi ko nung makapasok na sa loob. "Gwydox sumunod ka sa akin, sa gate ka dumaan. I need your strength."
.
Sumunod na ako kaagad sa mga GM at pumunta sa unang isla. Malayo pa lang ay kita na ang mga players na tila sumasabak sa giyera. Kanya-kanyang sabog ng skills at espadahan. World War ba ito. May mga monsters din na malalaki sa ibaba ng isla at sa tubig. Mukhang paunahan sila sa pagpatay sa mga ito ah. Tinignan ko ang kanilang mga indicators at mukhang magkakaguild ang ilan sa mga ito. Tatlong guild ang natunugan ko at mukhang magkakaaway na guild pa yata sila. Metalophobia at Warriors Alliance. Kasali din ang Baying Wolves sa mga ito. Guild Riot na itong napasukan namin. Pero teka parang kilala ko ang ilan sa mga nandito ah.
"Lance, Eurpodioux?" sabi ko ng makita ang dalawa sa harapan ko.
.
WTF!.....
Troublemaker pala mga 'to eh!
.
End of Chapter....
AN: Short and unedited chapter lang ito.
Isisingit ko lang kasi ang mga bagay na gusto kong sabihin. Parang announcement lang po.
SLOW UPDATE PO MUNA ANG ENIGMA ONLINE PH. KASI MAY MGA INAASIKASO LANG AKONG BAGAY NA RELATED SA STORY.
example:
1. Chapter Edits (Starting Season 1)
2. Story Revising ang Polishing. (Slight lang)
3. Posible extra chapters. (Special Chapters)
4. Promoting the story. (Goal views 1M before this year ends)
YOU CAN ALSO HELP ME WITH THIS ONE! BUSOG NAMAN AKO SA MGA VOTES NIYO EH KAYA AYOS NA. NEED LANG MAEXPAND ANG READERS NG STORY FOR REASONS THAT I CAN'T TELL YOU YET.. HEHE...
May Wizards Chronicles naman na magkakaroon ng update per week. Basa na lang muna kayo nun. Balak kong gawing mixed genre yun na may Romance, Action, Fantasy, RPG, Drama, and Mature Contents (Wag masyadong Green Minded!) Slight lang naman eh.. Marami kaya akong minor readers! Kayo ha.
And lastly baka may boyxboy na genre na mahalo dito. Hindi pa siya final... Pinag-iisipan ko pa kasi nagsuggest kasi yung isa kong kaibigang beki na DOTA player. Pero di yung malaswang boyxboy ha, di ko kaya yun. .
.
O sya... Baka next month na uli ang next update ko ha.
.
Help me promote ok! ;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top