EOPH2 Chapter 27: The First Victory

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015

"xx_Leanne_xx POV"

Isa ako ngayon sa mga lumalaban sa aming guild. We are facing four Black Pantheon members namely Lady_rouge isang gun slinger, Xtian isa din sa mga gun slinger class.. Two of them are power acrchers, sina Arcolon (orange armor) at DragGan (yellow armor). Sila ang mas dapat naming pagtuunan ng pansin ni ar0012 dahil hinayaan na namin kina Jin at Aryus ang dalawang gun slingers. The goal is to kill them if necessary or if we have no choice. Either way we can get points. Hindi naman ito sa pataasan ng points eh. It's about defeating the opponent and winning the match.

.

"Veyrs yoorn, naeve gralm!" I chanted an  S rank skill to strengthen my magical defense. Dahil nakita kong tinitira na ng mga archers ng kaaway ang mga high damage skills nila. And one aims to eliminate me first.

Tumipa ako ng kwerdas ng hawak kong bard weapon at naglabas ito ng matinis na tunog. It echoed everywhere but created an invisible energy barrier on top of each of us four.

"Don't dodge! I had you all covered! Atake lang mga kasama..." mahinahon kong sabi sa kanila.

.

"Ok, sabi mo eh!" nakangiti si Jin na sumagot sa akin. Nagpatuloy lang sila Aryus sa pagsugod sa mga kalaban kahit umuulan ng mga arrows mula sa kalabang archer. Sa akin naman ay tumama na ang Blazing Arrow ng isa pang archer. Pero wala itong naging ipekto sa akin. My incantations are supperior compare to elves and human race players kaya hindi basta-basta na mabasag ang mga protection skills ko. Hindi ako dapat huminto sa pagtugtog para patuloy lang ang barrier na pumoprotekta sa amin. It consumes mana but I have plenty of it dahil masyadong mataas na ang INT ko dahil sa mga added stats ng guild quest namin. I can last untill seven minutes na hindi tumitigil sa paggamit ng barrier spell.

Ar0012 is now counter attacking the archers...

"Twin Shot!" inasinta nito ang dalawang archers na nasa malayo and after taking the shot ay nag-iiba agad ng target.

Ang bilis na kasi nitong mag-shift ng skills. Agad niyang inasinta ang dalawang mga gun slingers na kaharap nila Jin at Aryus.

.

"Rapid bolt shot!" dahil sa naging pabaya ang dalawang kaaway namin ay hindi nito nailagan ang bala ng skill ni ar0012 kaya natamaan ito. Natumba ang babaeng gun slinger na kaharap ni Jin na si Lady_rouge. Nagkaroon tuloy ng pagkakataon si Jin na makalapit dito. Nag shield bash ito sa harap ni Lady_rouge at mabilis na na frontal stab. Susundan pa sana niya ito ng isa pang skill pero bigla ay naitulak na siya ng mga malakas na pagsabog ng skill ni Xtian na nagsupport sa kasama na nagtamo ng 45% hp damage. Dahil doon ay malaki ang nabawas sa aking MP. But in exchange ay walang damage na natamo si Jin. Agad namang bumawi ang mga archers ng Black Pantheon ng magkakasabay na one-hit skill. Bigla kasing nagwarning ang VS namin kaya naalarma kami.

"Mga tol, ilag!" sigaw ni ar0012 kina Jin.

Dahil malayo ang dalawang archers ay sakto lang na nailagan nila Jin at Aryus ang mga nangangalit na mga arrow ng dalawang kaaway. Hininto ko muna ang protective spell para magrecharge ng mp to prepare another skill.

"Heaven's Armament" nag buff ako para sa aming lahat to give us +1000 armor that will last for five minutes.

"Angelic Hands!" nag cast pa ulit ako ng isa pang buff giving us 45% boost of health points and 15% agility.

"Be careful guys! Wag patama ng mga high damage skill. It could be your end if you do." malumanay kong pagkakasabi.

"Are you shifting to offensive?" tanong ni Aryus pero di ko nagawang sagutin dahil umatake na ang dalawang gun slingers.

"Shooting Star!" si Xtian.

"Dark Shot!" si Lady_rogue.

Isang malaking force shot ang lumabas sa baril ng mga ito na patungo kay Aryus. Agad kong tinipa ang hawak kong sandata.

"Radiant Force!" naglabas ng liwanag ang weapon ko at ito ang bumangga sa skill nung dalawang gun slingers. In response ay lumayo sila Aryus sa mga ito at lumapit sa amin. Nagkaroon ng malakas na pagsabog nang magsalubong ang skill ko at nung dalawa.

"Broken Sword!" agad kong narinig na nag skill si Jin. Out of nowhere ay tumalsik ang dalawang gun slingers sa malayo having critical HP.

.

"Huli kayo! ar0012! Tapusin mo ma sila!" sabi ni Jin.

Hindi ko namalayan na inaanticipate pala nito ang mga galawan ng dalawang slinger at nagawa nitong ma-predict ang galaw nila after casting those skills. Kaya tumama ang skill niya sa mga ito kahit balot ng alikabok ang paligid.

"Hydrogen Bomb!" mabilis na nakapag switch si ar0012 sa launcher mode at nagcast ng AoE skill. Walang nagawa ang dalawang archers ng Black Pantheon para iligtas ang dalawang kasama.

.

I then used the time to attack the archers. Tumakbo ako patungo sa kinaroroonan ng mga ito habang si ar0012 ay nagco-cover shot para sa akin. Aryus and Jin was just tailing at me.

"Destructive Melody!" nagpatama ako ng limang magkakasunod na light orbs mula sa aking weapon papunta sa dalawa. Umiilag ang mga ito at gumaganti ng skill. Fire and ice ang gamit nila at sa akin lahat nila ito binubuhos.

"Seal Shot!" tumira ng isang sniper skill si ar0012 para i-restrain ang galaw ng mga ito. Jin and Aryus cast a skill to somehow destract them. Lalo na ngayon na nagulat sila sa pagkawala ng kanilang kasama.

Binato ni Aryus ang hawak na lance matapos umikot ng tatlong beses. It glowed a green light at naglabas cleave nung tumama sa lupa. Nagkaroon din ito ng shockwave na nagpabagal ng galaw ng mga archers para lumusot ang tira ni ar0012. And it did! Binalutan sila ng magical strings nang tumama ang seal shot leaving them defenseless.

"Fighter's Will!" I used my fighter buff and shifted my weapon to knuckle mode.

Binalot ako ng red aura that gives me additional dodge rate, agility and melee damage. Mabilis akong nag dash in front of them and vanish with a wink of an eye.

"Blood Rain!"

Their HP droped to 1% without them even knowing it. Lumapag akong bahagyang nakayuko sa likuran ng dalawang archer na kita sa mukha ang pagkagulat sa mga nangyari. Ganun din ang mga nanonood ng match.

Hindi sila kaagad nakapagreact sa mabilisang pagkaubos ng 90%+ Hp ng dalawang archers na inatake ko...

"We have a winner!" malakas na sigaw ni GM Kaizen matapos tumunog ang duel buzzer..

Kasunod nun ay ang paghiyawan ng mga manonood sa paligid.

.

"Yeah!!! Ang bangis mo Lady Leanne, ar0012, Jin,at Aryus!...." narinig kong sigaw ng mga grupo ng player sa itaas ng arena.

.

"Huuuuuu! Crush na kita Lady Leanne! Sorry Master Z...! Crush lang naman!" narinig ko ulit na may sumigaw na lalaki.

.

Match Result:

MaXiMus: 40 points
Black Pantheon: 0 points

.

Second match will start after 20 minutes...

.....

End of Chapter....

Another short update...
Karugtong lang ito nung last update...

Hope you all enjoyed the match!

Another side story ang susunod na chapter...

May bagong character bang lalabas?
May bagong beast successors bang magpapakita?

Paano naman yung Legendary Hero successors?

Sinu-sino ba sila?

Abangan!...

Tweet up your reactions or prediction sa
EOPH sa twitter I'll be following the #EOPH2wattpad tags....

Join the fb group:

Theo Mamites Stories (watty)

Or add me up sa fb....

Comment, vote?

Go ahead if you feel like doing it!

;)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top