EOPH2 Chapter 25: The Ancient Powers
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015
[Chapter is Dedicated to arruikeis]
Featured Must Read Story:
Otherworlder: The Man in Search for his Lost Memories
by: arruikeis
.
"Zaphro's POV"
Isang one-hit skill ang mabilis na bumulusok sa direksyon ni ar0012 ngayon. Sinubukan pa itong harangin ng skill ni Verillion na chrono sphere pero agad itong nabasag. Si ar0012 naman ay binabaril ang skill ng water dragon pero hindi talaga ito matinag. It's just a split seconds nang gumulong pakanan si ar0012 para iwasan ang atake pero sa kamalasan ay bahagyang dumaplis ang skill ng water dragon sa kaliwang binti nito. It resulted to ar0012's HP to drop at critical level (19%).
.
Agad na umaksyon ang aming mga caster guild members para iheal si ar0012. Gumamit si Leanne ng Melody of Healing while Ayana casted a healing buff kay ar0012 and Erik, Erenir and Verillion used the skill regenerate para mawala ang natamong sugat nito.
Agad na mabilis na tumaas ang hp ni ar0012 pero ganon din kabilis ang pagwawala ng monster sa lagoon. Pillars of bursting waters suddenly appeared. Isang AoE skill ito na target ang lahat ng directions.
Extreme Aqua Burst (one hit)
Isang panibagong one hit skill na naman! Agad kong pinalapit silang lahat sa likuran ko maliban kay Accel at ginamit ko ang aking skill na Hex to be invulnerable. Sinasalubong ko lahat ng mga water pillars na patungo sa amin para i-cancel ito using my skill. Gamit ko din ang blink to instantly be at the pillars location. Whil Accel just let a pillar hit him... Just like before to activate his special ability na Second Breath.
.
Halos nasira ang paligid ng lagoon dahil sa sunod-sunod na one hit skill ng halimaw. Ang unang skill ay nakagawa ng isang straight line damage sa terrain ng isla na nagmistulang daan. At ang second skill naman nito ay sumira sa paligid ng lagoon. Bahagya ngang napalayo ang grupo nila Nobunaga dahil baka madamay sila.
.
I saw Accel na nagbago na ang aura na nilalabas and was loading a skill.
"Black Lightning!" nagbato ito ng isang black card sa ulo ng halimaw.
Agad akong nagfollow up skill para sabayan ito since nasa invulnerable state parin ako.
"Freezing Stab!" mabilis ang pag dash ko patungo sa katawan nito at itinarak ko ang dalawang blade ko na umiilaw ng kulay blue.
.
"Amplify!" nagsupport buff si Leanne sa akin dahilan para tumaas ng 30% ang lahat ng stats ko.
"Frost Field!" agad kong ginamit ang AoE skill ko para mapagyelo ang buong lagoon at ang kalahati ng katawan ng halimaw na naka submerge sa ilalim.
.
Sunod-sunod ang skill na binato naming lahat sa water dragon na nahirapan sa pag-ilag dahil sa nagyelong lagoon. Kahit na mga malalakas na skill ang aming binitawan ay mababa parin ang bawas nito sa HP ng halimaw. 13% lang ang naibawas namin na kung tutuusin ay parang galos lang ito sa water dragon.
.
"Silence Shot!" agad na tinira ni ar0012 ng silence ang halimaw para maiwasan ang pagbabato nito ng malakas na skill.
.
1 minute lang ang duration nito kaya dapat naming sulitin.
Nagsalitan ang aming mga warriors at bladers sa pag-atake at ganon din ang mga support teamates namin. Kanya-kanyang pasabog ng skills ang ginawa nila. Kaso ang self regeneration ng water dragon ay sobrang superior kaya nababawi nito ang mawawalang HP na dulot ng aming attacks. We need to deal a series of critical blow sa water dragon para makadamage ng malaki-laki. At dapat sunod-sunod ang supporting attacks para hindi ito kaagad maka+heal.
.
"ar0012, accel, shion, at Slicer take charge sa main attack. Aryus, Jin, Erik and Erenir kayo sa support attacks and the rest take care at restoring our MP gauge. Hindi kami maaaring huminto sa attack sequence. May susubukan ako... After my first hit, simulan nyo na ang sinabi ko." mabilis kong kinalikot ang inventory ko and switch to a new weapon.
"Requip! Blood Genesis Sword!" sigaw ko at automatic na napalitan ang gamit kong weapon.
"Third Form! Demon God Transformation!" nagpalit narin ako ng mode para mas maayos kong magamit ang new weapon ko.
.
"Hyaaaaa!" pasigaw kong sinugod ang water dragon na ngayon ay nakawala na sa pagkakayelo ng kalahating katawan nito.
Isa sa mga major effects ng chaotic sword na Blood Genesis Sword ay ang pagtatanggal nito sa armor ng kaaway on first hit. Nagtagumpay ako na tamaan ito sa ulo niya.
May notif agad na lumabas sa vs namin.
Water Dragon Armor has dropped to 0 due to a weapon effect. Last 60 seconds....
"Now guys!" hudyat ko sa kanila.
"Ayos yun ah!" sabi ni Aryus na malapit sa akin.
"Ganda ng sword. Gusto ko rin ng ganyan tol!" sabi naman ni Slicer after casting an S ranked skill.
.
"Kaya kaba nagsosolo this past days, Pa?" tanong ni Leanne.
"Sort of... Yes." tipid kong sagot.
.
**************************
"xx_Leanne_xx POV"
We now managed to affect the boss seriously by heavy damage skills dahil narin sa epekto ng newly equiped weapon at status ni Zaphro. Third form.... Hindi ko alam na meron na siyang ganon. Sobrang maging mataas na ang stats niya dahil nakikita ko ito. Joint account kaya kami kaya makikita ko ang stats nito.. And shit! Sobrang taas! Lagpas 1000 ang mga dagdag sa mga attributes nito. Str,dex,int at vit kung hindi ko lang ito kilala ng personal ay baka isipin kong gumagamit ito ng cheat.
.
Nagbuff ako ng Magic Viel para sa lahat at Flairy Orb na nagpataas sa mga attack damage at magic nila. Then I shifted to another mode to inflict massive damage since naka silence pa ang water dragon.
"Knuckle mode!" agad nagbago ang weapon ko at naging dual knuckle na may tatlong 3inches long sharp blades. Binalot ako ng mapulang liwanag na nagpataas ng aking melee skills, attack speed at dodge rate.
.
"Ako naman!" sabi ko at agad na bumulusok sa harap ng boss. Sinugod ako ng buntot nito (normal skill) pero kaagad akong nakailag sa gilid at sinugatan ang bahagi ng buntot niya gamit ng mga blades ng knuckle ko then I casted my 32-hit combo skill ko.
.
"Blood Rain!"
80% of my Mp was consumed by that skill. Binabayo ko ito ng suntok sa ulo at katawan dealing 8,000 HP damage per punch and to sum it up ay umabot ng 54% o 256,000 critical hit damage.
Bagsak sa 35% agad ang HP ng water dragon at mas lalo itong nagwala at bumubilis ang kilos. Nag dive ito pailalim ng tubig pero agad ring napapaahon dahil pinapaulanan nila Verillion ang tubig ng lightning skill. Hindi pa kaagad ako nakabawi sa ginawa kong move nang biglang umahon ang water dragon sa harapan ko. At wala na ang silence effect ng skill ni ar0012. Umilaw ang dalawang bughaw nitong mga mata at biglang may malakas ng puwersang lumabas sa katawan nito pushing us hard. Lahat kami ay nahagip ng AoE nito, buti na lang at hindi ito one hit skill. Nasa orang color lang ang mga hp namin after that skill. But I saw Zaphro and Accel na parang hindi man lang tinablan ng atake ng halimaw. Green parin ang health bars nila at ganon din si ar0012 na tila may gintong aura na unti-unting bumabalot sa kanya.
.
Gwydox healed me very quick at pumatong lang sa balikat ko.
"Ang galing mo po, Mama!" puri nito sa akin.
"Don't stop attaking... Nagreregen na ang water dragon!" napukaw ako sa sinabi ni Zaphro.
I saw Slicer na kakarecover lang ng health na nagcast ng isang powerful skill. It's a black flame skill.
"Black Dragon Flame!" sigaw nito and slash his sword towards the monster. Pero bago tumama ang skill nito ay may parang harang na itinaas ang halimaw.
Ancient Bubble Shield
Ito ang lumabas sa VS namin...
A skill that can block even one-hit skills. Last 120 seconds.
Mukhang masasayang pa yata ang pinagpaguran namin dahil by that time ay baka nag full health na ang halimaw na ito.
"Ano nang gagawin natin? We can't break it!" tarantang tanong ni Shion.
"Gagawan nam-" naputol ang sasabihin ni Zaphro nang biglang naglabas ng paulit-ulit na ripple wave ang barrier ng dragon. Dps ang skill niya dealing higher damage kapag mas malayo ang target.
"Divine Vanguard!" si Jin.
"Shock Blocker!" si Aryus.
Hinarang nila ang waves na bumabayo sa amin using their shields. Pero hindi parin ito sapat at nayayanig parin kami. Zaphro and Accel started to move..
Binabalya nila ng malalakas na skill ang barrier ng water dragon na ngayon ay nasa 42% na ang HP. Pansin ko na bumagal o humina ang regenerative skill nito after dealing huge damage. Isa sa flaws ng halimaw na ito...
.
"Isang point lang ang atakihin natin hanggang sa magkalamat!" suggestion ni Slicer na sumigod narin.
Isa-isa nilang binitawan ang kani-kanyang mga one hit skill. Nauna si Slicer, sinundan ni Jin at Aryus.. Sumasabay din sila Erik at Erenir pati si Ayana gamit ng mga summon nito. ar0012 is on his sniper mode at nagpapaulan ng focused shots. But nothing happen... Ubos na halos ang mga mp nila dahil sa walang humpay na pagbabato ng skills. Verillion cannot handle all of them dahil kapos narin ito sa mana. Nakailang lagok narin ito ng mp potions pero kinukulang parin. Natatagalan din ang cooldown ng skills nito... At ako ay nagrerecover pa ng mp. Nasa 45% pa ang mp gauge ko at si Gwydox ay kasalukuyang nasa offensive mode.
.
"Tigil!.... Walang patutunguhan to.. Everybody step back." maawtoridad na sabi ni Zaphro sa amin. "Even you accel." dagdag niya dahil hindi gumalaw si Accel.
"Sige..." agad na pumunta sa amin si Accel at tumingin sa kinaroroonan ni Zaphro.
Naiwan kasi ito sa harap ng barrier ng water dragon na nasa 60% na ang HP. "Get at far as 650 meters, I'm going to use a forbidden skill!"
.
"What? Anong forbidden? Like a cheat?" biglang singit ni Nobunaga.
"Hinde..! It's just called a forbidden skill because it's powerful than a one-hit skill." paliwanag ni Gwydox dito.
"Ar-ar.... I'm going to destroy the barrier... You take the final shot. Use everything that you got Lightning Garuda Successor!" bulalas nito bago itinaas ang hawak na Blood Genesis Sword paharap sa kalangitan.
.
"Eternal Devourer!"
Malayo na ang narating namin at halos lumiit na sa paningin namin si Zaphro. Sama din sila Nobunaga sa amin...
Biglang lumakas ang hangin na tila may namumuong bagyo. Then a red and black aura sphere manifest atop Zaphro's blade. Dito nagmumula ang nakakatakot na puwersa na mabilis na umiikot. Nang lumaki ito ng halos triple ay marahas itong ibinato ni Zaphro sa harap at tumama sa harang... I saw him blinked away before a massive sphere of dark and red force appeared completely covering the entire lagoon and raging havoc to the entire island. Natabunan nito ang water dragon na hindi ko alam kong buhay pa o patay na. Nawala kasi ang isip ko at nagfocus sa skill na ginamit ni Zaphro. Kaya pala forbidden! Dahil pati ang caster ay lalamunin nito!
Nagkaroon ng 40% damage si Zaphro nang makalapit sa aming lahat.
.
"ar0012 your turn... Buhay pa yan.. Magbabantay ako, baka may makialam kasi!" at pasimpleng tinignan si Nobunaga.
.
Agad na lumapit ng bahagya si ar0012 sa area. Tama lang para maabot ng range niya ang spot ng water dragon. He then bursted a golden yellow aura.
"Sky Beast Cloack!" sambit nito.
Ngayon ay mas naging malinaw ang aura na bumabalot sa kanya. Isang dambuhalang gintong ibon ang anyo nito at nasa bandang ulo si ar0012. So ito pala ang mga kaya ng isang beast successor! Grabe... I want one!
.
**************************
"ar0012 POV"
Kaya ko ito.. Alam kong may reason kung bakit ipinaubaya ni GL sa akin ang final blow. I searched my new acquired skills in my skill book. Kanina ko pa kasi napapansin na may sumisingaw na golden yellow aura sa katawan ko. Beast Aura ang nakalagay sa VS ko na dahilan ng pagkakaligtas ko sa hagupit ng one hit skill ng water dragon. It has an added defense at dodge rate of +35% kaya ako nakailag ng sobrang bilis. Dapat ay nakill na ako sa pagkakadaplis ng water bullet pero hinde. Tumaas ang damage reduction ko ng 60% kaya nag critical lang ang aking HP.
.
Nakita ko ang advance form ng aura ko... Sky Beast Cloack. Kaya kaagad kong ginamit at heto nga at nagtransform ako na parang isang dambuhalang ibon. Kahawig ng lightning garuda na medyo transparent nga lang at nasa loob ako. Tumingin ako sa aking VS at naka display doon ang Beast Mode!
Str: +2000
Dex: +1200
Int: +500
Vit: +250
Ito ang temporary stat boost ko sa beast mode. Sobrang lakas na ng attack damage ko. Nakita ko rin ang isang bagong weapon na bigay nito sa akin. Garuda Great Rifle. At may dual mode din ito. I switched to launcher at lumabas pa ang isang notification.
New Skill Available:
Lightning Garuda Bomb Blast (One Hit)
Skill info:
A pure energy blast with the power of Lightning Garuda that can destroy enemies in one focused hit.
Hindi na ako nagdalawang isip at ginamit ang bagong skill.
"Lightning Garuda Bomb Blast!"
Bumuka ang tuka ng beast cloack ko at ipinutok ko ang launcher sa direction ng water dragon na ngayon ay wala nang depensa at nagtamo ng burn effect due to Zaphro's skill. Nawala narin ang lagoon at puro na lang lupa ang area. There's no way that this monster can hide.
.
My skill directly hit the target at napasabog ito pati ang terrain.. No doubt, I got him! Haha.....
World Notification
Level 300 Levinar The Water Dragon (Ancient) has been defeated by MaXiMuS guild.
Personal Notification
Rewards per guild members
Str: 200
Dex: 150
Int: 500
Vit: 100
General Reward: 5 Black Pearls
.
"Woooooohhhh! Ang bangis mo dude!" bati sa akin ng mga kaibigan ko.
.
"You did great Ar-ar! Galing! Tsaka ang astig nung beast form mo!" Si Zaphro na tinapik-tapik pa ako sa balikat.
.
Walang humpay na batian at tawanan ang nangyari. Sobrang saya namin dahil sa nakakakuha din pala ng xp si Leanne. Di pa kasi ito max level.. Ang sabi niya ay nag level up siya ng anim na level after killing the dragon.
.
"Let's get going guys! Our business here is done!" sabi ni Verillion sa aming lahat.
.
Iniwan na namin ang Pentagram guild na hindi umiimik sa kinaroroonan nila. Malamang nagulat sa mga nakita nila. Now they know what we can do.... We are enemy guilds after all!.
.
End of Chapter.....
O heto na ang mahabang karugtong nung last chap kagabi.
Hope you liked it!..
Vote and COMMENT po... ;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top