EOPH2 Chapter 24: Guild Quest (Sea of the Ancients)

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015

.

[Chapter is Dedicated to AkoJohn]

Must READ: SWORD DANCE ONLINE by: AkoJohn

Read the story, you won't regret it!

"Zaphro's POV"

Nakatulog ako ng mga 12am na dahil tinapos ko na muna ang mga nakatoka kong gawain. Kahit inaantok ay nagising parin ako ng maaga. Mga 7:30am sapat lang na oras ng pagtulog.. Hindi ko na naman kailangang magluto dahil ang kapatid ko na ang gumagawa nun. Naligo ako at kumain ng agahan. I stayed for half an hour and have some conversations with Levi regarding his erollment sa SPC. Then nung mag quarter to nine na ay nagpaalam na ako sa kapatid ko. Nainform ko na ang lahat kagabi na magkikita kami ngayon sa town hall. Before I logged in ay binasa ko ang mensahe ni GM Kaizen sa akin.

"Bukas na ang new area starting 9am sharp. NPC's were assigned to some islands." sabi ng isa sa mga pm nito.

Well good timing! We'll be the first guild to enter it. Nagmadali na ako at nag log in. Nagpadala agad ako ng guild notice para agad nilang mabasa kapag nag online sila. Sabi ko dito na mag tp sila sa aking location ASAP. Then I used TP scroll para makapuntang Etherion village. Para akong isang magnanakaw na biglang kumaripas ng takbo after kong mag-appear sa townhall nila. Nagulat pa nga ang ilan dahil sa ginawa kong move. Agad akong lumabas sa west gate nila at nag airborn gamit ng pambihirang flying speed, kailangan kong mapuntahan agad ang entrance ng new area para doon na sila hintayin. May itinayong gate kasi na magsisilbing entrance at exit sa bagong map. Walang barrier ang bahaging ito.

May mga ilang players akong nakita na nakasunod sa akin. Malamang alam na nila na bukas na ang Sea of the Ancients. Kaya mas lalo ko pang binilisan ang lipad. Gwydox manifested on my shoulder at napakapit ng mahigpit.

"Nagmamadali ka na naman papa?" tanong nito.

"Medyo lang..." pabiro kong sagot. After five minutes ay narating ko na ang nasabing gate. Wala pang player dun, sakto lang ang dating ko. I landed at the center of the closed gate at tumayo doon ng matuwid.

.

"Whoa! Napagod ako dun ah! Ang bilis mo po sir! Ang hirap mong habulin." sabi nung isang player na Ren ang IGN. Isa itong elf wizard at may kasama itong tatlong elf warriors na tiyak kong mga max level na.

.

"Sino ba kasi ang may sabi sa inyo na sundan ako?" kunot noong tanong ko sa mga ito.

"We've heared that there will be a new map opened. Nasa announcement din ito kanina." sagot nito.

"I see.. So you're after the new map? And with only four of you in a team?" sagot ko dito.

"Parating na ang iba pang kasama namin Sir. Isang guild kami... Mga mahigit sampu ang bilang namin na papasok..." honest nitong tugon sa akin.

.

"Same here... My guild will be here any moment from now. Ano bang guild name nyo Ren?" tanong ko.

"Pentagram..." sagot niya.

.

Kaya maman pala... Isa sa pinakasikat na guild sa EOPH ang guild nila.

"Ok, but I came here first. So my guild will enter the gate first. Nga pala sasali ba si Nobunaga sa inyo ngayon. I was refering to their GL na isang Elf Lancer.

"Yes, and of course mauuna kayo Master Z! First come first serve basis." It sounded wierd when he addressed me as Master Z. Hindi talaga ako sanay sa bansag na yan.

Ngumiti lang ako sa mga ito. After a minute ay isa-isa nang nagsidatingan ang guild members ko. Nauna dito si xxLeanneXx na dumating tapos nagsunod-sunod na.

"Sino sila?" ito agad ang tanong ni Leanne sa akin.

"Mga taga Pentagram guild." tipid kong sagot.

"Tol, anong gagawin natin dito? Kaka-log in ko pa lang kasi." si Slicer.

"Bagong game map." si ar0012 ang sumagot.

"Watery area. Mukhang malakas ang mga mobs dito." komento ni Verillion.

"Mukhang madami ding rare drops dito." si Shion_rio.

"We don't know it yet mga tol. But we're about to discover in ten seconds." sabi ko at tila nagnilang ng countdown.

.

After ten seconds ay biglang nawala ang harang na bumabalot sa gate at bumukas ang higanteng pinto. And as discussed ay kami ng guild ko ang unang pumasok sa bagong area. Nakita kong dumating narin ang GL ng PENTAGRAM. Tinanguan ko siya tanda ng pagkilala at kinawayan.

"We'll go first.." sabi ko.

"Make it fast.... we'll be waiting Zaphro." he replied with an authoritative voice.

.

Nang makapasok kami ay agad na may holographic NPC na humarang sa aming daan. A wooden pathway was built para magsilbing daanan ng mga papasok na players.

"Greetings warriors! I am the guard of this gate Zorgen. You should choose first the mode that you want before you proceed."

Sabi nito sa akin kasabay ng paglabas ng mga options sa harapan namin.

(Solo Play: 1 player)
(Tag Team: 2 players)
(Team Play: 1 full party)
(Guild Play: 1 guild)

.

Ito ang mga modes na pagpipilian namin. Pinili ko ang Guild Play para pwede kaming lahat. Agad namang may lumabas sa aming mga VS after kung piliin ang mode na iyon.

Notification:

Quest Activated: Kill And Explore

objectives:

1. Kill Unknown monsters
2. Explore the area
3. Collect 100 Black Pearls

Reward:

Stat Points

Str:?
Dex:?
Int:?
Vit:?

(Depends on the monster difficulty.)

Each players will recieve stat bonuses after each monster kill.

Each player will only recieve the stat points boost once for the said monster. No more point reward at second kill.

Naks! Stat boost.. Ibig sabihin ay may mga makukuha kaming additional boost kada monsters na mapatay namin. Pero isang beses lang ang reward boost per monster. Kailangan maming pumatay ng ibang uri ng halimaw to have a boost reward. Take note, permanent ang boost na makukuha mamin!.

.

Yung pearl ay hindi sinabi kung para saan pero nanduon sa objective ng guild quest. Siguradong importante din yun...

.

"Anong mga monsters ba ang mga nandito dude?" umakbay si Jin sa akin.

"I don't know. But I've heard those were unknown monsters. Very rare and dangerous ones!" sagot ko.

"Talaga? Kaya ba boost ang rewards nila?" si Erik.

"Probably!" at nagkibit-balikat ako.

"O di ano pang ginagawa natin dito? Sibat na tayo!" excited na sabi ni Erenir.

.

Agad na kaming nagliparan to search the whole area. We headed to the first island which is the Sea Serpent Island. Agad na rumihistro sa mga VS namin ang pangalan ng lugar at ang unang objective. Kill unknown monsters....

We set foot at the island premises at agad na naggalugad sa buong paligid for any signs of monsters or anything that might help us. Tahimik lang kami ni Gwydox at hindi pinapaalam sa kanilang nanggaling na kami dito at ako ang nakaisip ng pangalan ng isla.

Binase ko lang naman ito sa mga markings na nasa isla. This markings means something or pointing us to somewhere. First mark was a snakelike monster.. Nasa isang bato ito sa may dalampasigan.. We followed the same rock markings and it led us into a cave entrance. It was almost at the center of the island near a small body of water like a small lagoon. We hesitated to go inside the hole because it's too small for all of us to fit in.

"Sure ba kayong dito talaga?" tanong ni Ayana.

"Baka may nakakaligtaan tayo dito." napaisip si Leanne. "Aha! Gwydox... There are ancient markings, can you read it?" dugtong nito.

"Opo, mama..." lumapit si Gwydox sa mga marka na nasa gilid ng butas..

.

"The lagoon! This hole is the entrance to the monsters nest. But the lagoon is where the monster live. A water serpent!" sabi ni Gwydox sa amin.

"Talaga? Is this a boss or just a normal one?" si Accel.

"Sa tingin ko, mas higit pa sa boss category Accel. An Ancient monster." sagot ko.

Kita ko sa mga mukha nila ang pagkabigla at pagka-excite. Halo-halo na... Excitement dahil may makalaban na naman kaming hindi pangkaraniwan. Agad kaming nagtungo sa gilid ng lagoon at nagplano. We saw Nobunaga's guild coming kaya nahinto kami sa pagpaplano.

"Hey!.. We came first to this spot. First come, first serve." bungad ko sa GL nila.

"I know, napadaan lang kami. We are looking for something else." sagot nito at may pinakitang scale.

"That could belonh to the same thing that we found here." si Leanne..

"Oo nga naman. Pwedeng iisang monster lang ang may-ari niyan." pagsang-ayon naman ni Slicer.

"We are sure that this is not your monster. It's tracks are going that way." at tinuro nito ang pahinagang bahagi ng isla.

"But ah.. don't you mind if we stay for a while here while you do your thing." dugtong nito.

.

"Studying your opponent as early as now, Nobunaga?" tanong ni Verillion dito.

"Perhapse Verillion..." makahulugan nitong sagot.

"Gawin mo ang gusto mo. You can be an observer, but don't try to do something like KS (KILL STEAL) or I'll not hesitate to even the score!" I warn them clearly.

"Are you threatning me Zaphro?" ganting tanong nito.

"It depends if you are.." sarkastiko kung sagot. Medyo hindi na ako komportable sa presensya nito.

"Heyyy! Chill lang lang kayo." awat ni Slicer sa amin. Si Leanne naman ay humawak sa braso ko.

"What my friend is saying.. Is that pwede kayong manood. Yun lang, audience lang and nothing more, tapos ang usapan." dagdag ni Slicer.

I jusy totally ignored him at ibinalik ang atensyon sa pagpaplano. Kami ni Accel, ako, si Shion, Slicer at Verillion ang sa frontal attack habang sina Aryus at Jin ang sa depensa while Leanne, Ayana, Erik, at Erenir ay sa support pero pwede rin silang umatake if may chance. Habang si ar0012 ang sa range damage... and posible last hitter namin.

"Remember the plan.. Switch position if necessary." final words ko sa kanila before going in.

.

We hover at the top of the lagoon while ar0012 remained at the bank. Doon na ito pumuwesto near Nobunaga's guild. Naging mapagmasid kami sa paligid. Malabo ang tubig kaya nahihirapan kaming makita ang monster. Siguradong nandito lang yun kasi nararamdaman ko ang presensya nito sa ilalim ng tubig. Nagkakaroon pa ng current dahil sa pagpagaspas ng mga pakpak namin but somehow it gave me an idea. Lumapit ako sa tubig just enough to dip the tip of my feet sa surface ng tubig. The rest flew up living me acting as a bait. At dahil sa nararamdaman ko ang presence nito ay nagawakong mag blink bago ako lamunin ng halimaw. Marahas itong umahon mula sa ilalim ng tubig at kita ang kalahati ng katawan nito. Nung umilag ako ay timing na tinira ito ni Ar-ar ng stun shot niya kaya hindi na ito makagalaw ngayon for 5 seconds.

"Now!" agad kong sabi sa kanila para umatake.

Kaliwa't kanang skills ang pinakawalan namin nila Accel, Shion, Slicer, at Verillion. Lahat ay puro major skills. Verillion used wind elemen habang si Accel ay gumamit ng darkness. Slicer and Shion teamed up to use sword skills at pinagtataga ang katawan ng monster. At ako naman ay gumamit ng blue flame while Gwydox used light element to hit the monster's head. Naipatama mamin iyon lahat bago mawala ang stun nito.

Tumba ang serpent pabalik sa tubig at na nagpakawala ng malakas na atungal. Agad kaming lumayo muna para sa depensa dahil tiyak na gaganti ito. Marahas na gumalaw ang halimaw at this time ay lumabas na ang pangalan nito at level.

Level 300

Levinar The Water Dragon

Lumabas din ang information nito sa VS namin.

Hp: 500,000
Def: 65,000
Type: Dragon (Int)
Category: Ancient (New)

Kill Reward:

Str: 200
Dex: 150
Int: 500
Vit: 100

Black Pearl: 5

May 5% damage na ang hp nito dahil sa ginawa namin nina Verillion. Makunat ito masyado at hindi basta-bastang kaaway. Ancient category.... hindi kami maaaring maging kumpyansa. We don't know what these types of mobs are capable of.

This is a tough challenge to face....

Sayang ang reward kung palalampasin lang namin!.....

Rambol na to!.... Laban kung laban!...

"It'rapidly regenerating hp!" puna ni Ayana ng makitang umaagyat ang hp gauge ng halimaw.

"Guys sunod-sunod nating atakihin. Wag hayaang magkaroon ng time yan to heal." sabi ko.

"Boss I'm ready when you are!" sigaw ni ar0012 sa malayo. Nakita kong nagpalit ito ng weapon. Ibang rifle na ang gamit nito. A golden yellow one bearing the sign of the sky beast lightning garuda. I used my finger to countdown to three..

"Now Ar-ar,!" agad itong magpakawala ng skill.

"Mighty shot of Lightning Garuda!" isang matinis na tunog ang kaakibat nito at gintong liwanag. Tumama ito katawan ng water dragon at sumabog ang skill na may kasamang lightning effect. Malakas ang impact nito at niyanig ang katawan ng malaahas na halimaw. It dealt 7% hp damage sa water dragon knowing that it was a special skill na may mataas na damage.

Dahil sa out of range si ar0012 sa halimaw ay hindi ito gumanti o sumalakay. Or hindi pa... Nagpalinga linga ito to seek for it's attacker. Then it stoped.... Lumanas ang buntot nito at nakita namin na medyo kakaiba ang buntot niya. Itinuro nito ang buntot sa eksaktong kinaroroonan ni ar0012. Then it just shoots a water element sphere na kasinlaki ng kotse towards ar-ar's spot.

"Ar-ar!" agad kong bulalas habang tititignan ang skill ng water dragon.

Focused Water Bullet (one-hit)

Ito ang rumihistro sa aming screen!

Naloko na to!....

End of Chapter....

May karugtong ito bukas ha...
Medyo pagod lang si author nyo...

Habaan ko bukas promise!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top