EOPH2 Chapter 22: Event during an Event

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015

.

"ar0012 POV"

Third day ng preliminary rounds at hindi magkamayaw ang mga players ng EOPH kung manonood ba ng laban o magboboss hunting. Ang nalalabing oras na lang kasi ay 28:36h, mahigit isang araw na lang at matatapos na event. Haha... lucky for me dahil sa pagsawsaw ko dun sa isang demon player ay nakakuha ako ng scroll.

Beast of the Sky Quest #1

Ito ang pangalan ng scroll..

Binasa ko ang mga nilalaman nito at mukhang hindi madali... Pero mukhang maganda ang reward... Hindi item kundi major boost ng stats...

Kaya naman ay naisipan kong magpatulong kay GL. Baka may alam yun sa mga ganitong Quest.

Sakto online ito ngayon.....

10AM....

»Boss... nasaan ka ngayon?.. patulong naman oh...«

Yan ang message ko sa kanya....

»Sige ba... Kumakain pa ako... Punta ka nalang dito sa Village of Light. Sa South Gate...« ito ang reply niya...

.

Nasa malapit lang ako sa Frontier Village, dito kasi ako huling nag log out. I opened my inventory at kumuha ng Home Return Scroll para mag TP sa main village namin...

Agad akong binalot ng liwanag at sa isang iglap I'm already gone! Nag-appear ako sa town hall ng village, di na ako nag-aksaya ng panahon at tinungo ko na ang South Gate.. Konting lakad lang ang ginawa ko..

...

Tinignan ko din ang aking VS at nakita ko ang mga nasa friend list ko.

.

Magkakasama sina Slicer, Accel, Ayana, Verillion at Jin sa Happy Land.... Creepy name for a place kasi nung napadpad ako dyan minsan eh andaming gory creatures... Di bagay sa anyo ng lugar ang pangalan nito.

Nung tanungin ko through pm ay wala akong natanggap na reply. Malamang ay nakikipaglaban yun ngayon. Nakikievent din!

Ganun din ang iba... Shion, Aryus, Leanne, Erik, Erenir at pati si Xavier. Busy sila sa boss hunting.... Pero itong si GL eh parang chill lang... At ito ang wierd nasa unknown area ito buong maghapon nung isang araw. Hindi pwedeng mag tp sa location niya at di rin pwede ang pm.

.

Nakarating na ako sa lugar na napagkasunduan namin. Since wala pa sya ay naupo na lang muna ako sa isang rebulto ng warrior angel sa may gilid ng malaking gate. At hindi nyo paniniwalaan kung sino ang nakita ko! Si..... Zyphyroth, I mean yung muntikan ko nang maagawan ng kill kahapon..

.

Nasa itaas ako ng balikat nung rebulto kaya naka side view ito ng konti nung pumasok siya sa gate. Nag wave ako at binati ito ng magandang araw..

Lumingon naman siya at bahagyang ngumiti sa akin. Slight lang naman, halatang ilag ito sa ibang mga players.

"San punta natin brad?" sabi ko pa..

"Dyan lang sa loob.." tipid nitong sagot.

"Ah, di ka ba makikisali sa on going na event ngayon?" tanong ko.

"Hinde eh... May iba akong gagawin." sagot nito na bahagyang tumalikod at nag-umpisang maglakad palayo.

.

"Ah, siguro meron ka nang Quest Scroll. Swerte mo naman brad!" painosente kong sabi sabay lean ng aking balikat sa ulo ng rebulto.

Hindi ito sumagot at nagpatuloy lang maglakad... So I continued...

"Whoever deafeated that boss yesterday was not that strong. I think sinuwerte lang sya..." sabi ko in a not so loud voice. Yung tama lang na marinig niya..

.

Bigla siyang napahinto sa paglalakad matapos ko iyong sabihin. Nainsulto yata... He was about to say something nang saktong dumating si GL.

"Uy boss GL! Dito sa taas!" masigla akong tumayo at kumaway-kaway dito.

.

"O, ano bang plano mo ngayon na kailangan ng tulong ko?" tanong nito mula sa tabi ni Zyphyroth. Oo nandon parin siya at nakatayo lang.. Magkatabi pa nga sila ni Master Z eh. Bigla tuloy nafocus ang atensyon ng ibang mga players sa kanilang dalawa. Parehas kasing magagara ang armors nila. Si Zyphyroth ay naka dark gray with black metalic plated armor wala nga lang helmet. Yung pakpak niya masyadong malaki na kulay mahogany at kapansin pansin din yung dual blades na nasa likuran nito. Kulay itim at pula...

.

Si Boss Zaphro naman ay gamit na ang chaotic armor nito na kulay puti na plated with helmet pa. At yung pakpak nito ay dalawang pares na pinaghalong purple, maroon at blue... At teka lang... May bago sa armor nito! May marka ng phoinix sa dibdib niya ma umiilaw ng ginto. Tapos ngayon yung weapons niya ay ang Titan at Deva sword na parehong may ice element at chaotic items din. Mas cool tignan si GL kaysa dun sa katabi niya..

.

Nakita ko pang nag bow ang iilan sa mga players sa paligid. Grabe ang peymus na talaga ni bosing!

.

"Mamaya ko na sasabihin, sibat na muna tayo dito boss.!" sagot ko.

"Zaphro's POV"

.

Nakatayo ako ngayon dito sa may tapat ng south gate kaharap ng isang demon player na gaya ko. Hindi ko alam kung anong problema nya pero ang sama ng tingin nito sa akin. Di ko naman siya kilala...

.

"Bosing... Halika na." si ar0012

"Papa, tawag ka na ni ar0012. Galaw-galaw naman!" si Gwydox.

.

"Ano ba kasi yun Ar-ar?" lumakad ako patungo sa rebultong kinatatayuan niya pero bigla na lang humarang yung demon class player na may IGN na Zyphyroth.

.

Dahil sa ginawa niya ay napilitan akong mag blink sa tabi ni ar-ar. Wala akong time sa kung anumang trip niya sa buhay. Di tuloy naiwasan na magkaroon ng bulungan sa mga nakakitang players.

.

"Ikaw ba si Zaphro?" nagtanong ito sa akin.

.

"Oo, bakit may kailangang ka ba pre?" pasimple kong tanong.

.

"Wala lang... Kinikilala ko lang ang magiging kaaway ko." simple pero makahulugan nitong sagot.

.

"If you want to duel me pwede bang i-reschedule muna natin yan sa ibang araw. May gagawin pa kasi akong iba eh... Sorry ha..!" sabi ko rito.

.

"Yeah, some other time Master Z! Besides meron din akong importanteng business na gagawin ngayon." after saying that ay naglakad na itong palayo sa amin.

.

Bulungan na naman ang mga nakakita. Para namang di ko sila narinig na nagsasalita...

.

"Mukhang malakas yung isang yun Papa." puna ni Gwydox.

"Mukha nga...." nakangiti kong sabi.

"Naku, wala yung panama sayo bosing! Ikaw kaya ang number 1 dito!" kumpyansang sabi ni ar-ar.

.

"Sus, eto naman binola pa ako.!" nangingiti kong sabi.

"So anong ipapatulong mo?" dugtong ko.

"May special quest ako.. Papatulong lang sana." sagot nito na medyo nahihiya pa.

.

"Oo naman... Free ako ngayon kaya ok na ok lang!" I tap his shoulder para i-assure sya na ayos lang talaga sa akin.

"Tara, sa ere na natin yan pag-usapan bosing!" sabi ni Ar-ar bago lumipad.

Sumunod na ako para mapag-usapan na namin ni ar-ar ang quest niya....

.

Lucky one at naunang makahanap ng special quest. Ano kayang makukuha ni Ar-ar dito?

Hula ko panibagong boost sa stats! Gaya ng sa quest ko na only for GM.

Masaya to!....

Nung nasa himpapawid na kami ay pinag-usapan namin ang tungkol sa quest nito.

Beast of the Sky Quest #1
.

Quest Information:

Legend said that seven Sky Beast once ruled the Meldivar Dimension. These beast were considered as powerful as Gods. They possess powers beyond imagination. Up to these Era their legends lived. It is said that their power was captured into a number of ancient artifacts scatered around the map. Whoever finds it will inherit the power of the Godly Beast.

.

"Uy! Sobrang cool ng quest mo Ar-ar ah!" sabi ko.

"Buti na lang at libre ka ngayon mapapadali ang quest ko." sabi nito.

"What are the other details of the quest?" tanong ni Gwydox dito.

"Teka lang babasahin ko.." si ar0012.

.

#1: Find Lucian The Legend Teller
† Talk to Lucian and give the scroll.
† Next task will be coming from Lucian...

Clue: Search the the depths of Beast Mountain.

.

"Yun lang ang unang dapat gawin...

"Okay na yun. We just have to go to that mountain." sabi ko..

.

Ang bundok na iyon ay matatagpuan dito sa bandang south ng Meldivar map just near our village. Para itong mount Everest sa sobrang tayog at laki. Wala pa kaming nababalitaang nangahas na umakyat o nag-explore sa lugar na ito. 30% pa nga lang ang explored area ng bundok and the rest remained unexplored.

.

Madali naming narating ang bundok. Agad naming hinanap ang nasabing NPC sa unang step ng quest. We stayed low para mas mapadali ang paghahanap namin. Dun kami sa hindi pa napupuntahang parte nito. Naisip ko na baka nasa isang templo ito or sa isang secret NPC house kaya naghanap kami ng mga ganitong tavern.

.

We found a house in the darkest part of the forest. Agad namin itong tinungo at kinatok ni Ar-ar.

"Tao po!" marahan itong kumatok sa pinto.

It took five minutes bago ito nagbukas ng pinto.

"Oh, who dare visit me at this hour?" bungad ng isang balbas saradong matanda na naka suot ng kulay berdeng damit.

"I am Lucian The Legend Teller. Come inside my house young warriors." paanyaya nito.

Nagpakilala kami ni ar-ar sa kanya at agad nagtanong tungkol sa quest.

"You are the first to be here regarding this quest. I shall help you then." naglakad ito sa tabi ng mga bookshelves at kumuha ng pitong bukod tanging mga libro na may ibat-ibang kulay ng hiyas sa cover at mga simbolo. Inilatag niya ito sa isang pahabang lamesa bago muling nagsalita.

"Choose one book young warrior." sabi nito. Hula ko ay itong mga libro ang kumakatawan sa pitong Sky Beast.

.

Pinili ni Ar-ar ang isang librong may kulay dilaw na hiyas. May simboli ito ng ibon na may taglay na lightning element.

"Wise choice! Now I will read the legend of the Lightning Garuda."

.

Nasabi ni Lucian na ang power ng nasabing ibon ay nakakulong sa loob ng isang golden dagger. Dapat hanapin ito at madala sa tuktok ng bundok na ito upang makuha ang kapangyarihan ng ibon.

"There's a ruined temple near here at the mountain, locate it and find the dagger. Take the item ito the peak of the mountain to activate it's power." dagdag ni Lucian.

.

"Thank you Lucian. We have to leave then and search for it." sabi ko dito.

.

"Well then, good luck to you guys! But beware, a safe path will depend upon your decisions." bilin pa nito.

.

Agad na kaming nagpaalam dito at hinanap ang templo na sinasabi nito. Sa bandang gitna na ng bundok namin ito natagpuan. Mataas narin ang kinaroroonan namin dahil may mga fogs na sa area na ito. Hirap ng makita ang daan kasi sa mga fog buti na lang at matalas ang paningin namin ni Ar-ar.

.

"Ito na yata yung templo. Tignan mo ang marka ng ibon katulad na latulad dun sa libro." sabi ko sa aking mga kasama.

"Pasukin na natin yan bosing..." sabi ni ar0012 na excited na naunang pumasok.

Maliit lang ang templo at makikita mo kaagad ang isang maliit na altar. Sa magkabilang dulo ay mayroong pinto. The door are numbered 1 and 2. May maikling warning sign na nakalagay sa isang libro.

.

"Dalawang pintong walang kasiguraduhan. Pumili ng isa upang iyong malaman. Tanging isa lamang ang may laman ng bagay na iyong inaasam. Habang ang isa namay naglalaman ng kapahamakan."

.

"It's clear na isa sa mga ito ang naglalaman ng golden dagger. Pero which door is it?" tanong ko sa kanilang dalawa.

.

"Let's try......" nagsalita si ar-ar at dahan-dahang lumapit sa unang pinto. "This one!" hinila nito ang knob ng pinto para mabuksan. .

"Uy, teka lang..!..." but I was too late to stop him. Nabuksan na niya ang pinto. At sa kamalasan pa nito ay isang monster ang laman ng door #1.

.

Level 200 Stone Behimoth

Category: Boss
Hp: 100,000
Def: 31,000
Type: Strenght (melee)

.

Ito yung sabi sa warning sign so ibig sabihin lang e nasa door 2 ang dagger. Isang laban na naman ito...

.

"Atras muna, wag dito sa loob. Medyo masikip dito eh..." suggestion ko..

.

Mabilis kaming lumabas sa templo at nag team up. Nag buff narin kami para humanda sa pag-atake.

.

"Andyan na ang first attack niya. Force wave!.. five seconds..." warning ni Gwydox.

Kaya naman ay nakaalis kami sa range ng skill nito. Pumaling si Ar-ar sa kanan at ako naman ay nag-blink sa itaas. Si Gwydox ay dun naman sa kaliwa.

.

"Ice Wall!" agad kong bitaw ng skill para harangan ang paningin nito.

"Ar-ar pumuwesto ka na sa malayo. Sniper mode ka muna, tank ako." sabi ko

"Sige ba!" agad itong nagkubli sa itaas ng isang puno mga 230 meters ang layo sa amin.

"Glacial Spikes!" tumama ang atake ko sa boss at umangat ito sa ere ng bahagya.

"Bolt Shot!" tumira si Ar-ar ng gunner skill niya na may electric effect. Tumama ito sa ulo ng boss dealing only 3% damage. Ang damage naman na nagawa ko sa aking minor skill ay 4% lang. Sobrang kapal kasi ng balat nitong Behimoth. Yari sa matibay na bato body coating niya.

.

Umungol ito at sumugod sa akin dala ng axe nito. Pinaikot-ikot nito ang sandata niya.

"Spin Attack!" ito ang ginamit niyang skill.

Agad akong nag blink sa taas nito at nagbitaw ng skill. Fatal Slash!" gamit ko ang Titan Sword sa skill na ito kaya bahagyang na freeze ang boss nung nagbanggaan ang mga skill namin at nabawasan pa ng another 9% ang hp nito.

.

Deactivated kasi ang Legendary Hero attributes ko kaya hindi ganoon kalaki ang damage ko. Pero sa tingin ko naman di ko pa yun kakailanganin sa mga ganitong sitwasyon.

.

"Gravity Defy!" pinatigil ni Gwydox ang galaw ng boss for Ar-ar to strike a skill.

.

"Piercing Shot!" tumama ang skill nito sa likod ng boss na nagkaroon ng critical damage of 23%.

.

Down to 71% na ang hp ng boss sa ginawang atake ni ar0012. "Tirahin mo pa ng isa!" sabi ko rito dahil hindi pa nawawala ang skill ni Gwydox.

.

"Rapid Fire!" sunod-sunod na putok ang narinig ko sa baril ni ar0012 at kasabay ang mga maliliit na pagsabog sa katawan ng boss.

"Silence Shot!" nagpatama na ito ng silence shot kaya normal na lang ang kaya ng boss ngayon..

.

"Launcher mode Ar-ar! Aalalay lang kami ni Gwydox!" sabi ko dito.

Agad itong lumabas sa pinagtataguan niya bitbit ng launcher gun nito.

"Hydrogen Bomb!" sigaw nito.

Tumama sa boss ang heavy damage skill nito at nakagawa ng malawakang pagsabog ng apoy.

.

Napaatras kami para di madamay sa skill. I concentrated my eyes para gumana ang enhance vision ko. I saw the boss na nagsisimula ng tumayo at mag regenerate ng HP.

I loaded a skill to stop it from recovering...

"Engulfing Flame!" ako.

"Vacum Wave!" si Gwydox..

.

Both of our skills hit the boss kaya naman ay bumagsak ulit ito and having 24% hp. Critical na kaya kayang-kaya na ni ar0012 ito.

"Sayong-sayo na sya Ar-ar!" bulalas ko. "LH mo na!"

.

"Ayos! Tapos ka na!" sigaw nito at nagload ng skill.

"Shadow Bomb!" isang black orb ang lumabas sa launcher nito at marahas na tumama sa boss. And explode right after hit draining the boss HP.

.

World Notification: Level 200 Stone Behimoth has been defeated by party!

.

Reward:

Gold: 200,000,000g
Crystal Gift Box: 5pcs.

Item:

Behimoth Axe (Terra) [Legendary]

Behimoth Heart Stone (Usable Item)

...

"Nice kill!" bati ko pa sa kanya.

"Haha... salamat bosing!" sabi nito.

.

"Let's get your dagger and activate it!" si Gwydox na nakangiti.

"Tara! Excited na ako ah!" masayang tugon ni ar0012.

.

Nang buksan namin yung pinto ay agad bumulaga sa amin ang dagger. Kinuha agad ito ni Ar-ar at mabilis na naming tinungo ang tuktok ng bundok. Lipad lang kami ng lipad dahil sobrang excited ng kasama ko.

May isang platform dun na kasya lang ang isang player. Actually pitong bilog na platform for each beast successors ang nandoon. Agad na tumayo si Ar-ar sa platform ng napili niyang sky beast. Itinapat nito sa langit ang dagger at unti-unti itong lumiwanag. May magic circle na lumabas mula sa mga ulap at nagmanifest dito ang lightning garuda.

.

"Well done hero you had found the dagger. Now I will bestow you my power as my successor. Use my power wisely and take this simple gift...."

Naglaho ang garuda at nag-iwan ng isang yellow orb na sumanib kay ar0012. May pinindot na controls si Ar-ar sa kanyang VS bago lumingon sa amin ni Gwydox.

"Natapos ko na ang quest!" palundag lundag pa ito.

.

World Notification:

The power of the lightning beast has been passed to ar0012. And is now the Lightning Garuda Successor!

End of Chapter.....

Another chapter to ponder your thoughts...

Don't be shy to post your comments po..

Naiinspire ako lalo kapag maraming reviews ang mga chapters..

Wag maging silent reader...
Para naman makilala ko kayo...
Pede nyo kong maging friend...

Hindi po ako nangangagat...

:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top