EOPH2 Chapter 21: Escape
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015
.
"Zaphro's POV"
Kahit na anong isip ang gawin ko ay hindi ko talaga makuha kung bakit hindi siya apektado ng mga atake namin ni GM Sander. Pati yung unknown status nito ay hindi namin maipaliwanag. Meron ding kakaiba sa kanya dahil kagaya nung level 300 Reaper ay may black aura din sya na humahalo sa gintong aura niya.
Sunod-sunod ang mga combo attacks ang ginahawa namin sa kanya na halos bigay todong lakas na. Panay sabog ang madidinig mo sa buong paligid dahil sa mga pagsasalubong ng aming mga sandata at skills. Pero wala talagang makadamage ng malubha sa amin. Hanggang 20% lang ang nagagawa nitong pinsala sa akin dahil kalimitan sa mga tira nito ay mintis. Nakailang bato na ito ng one-hit skill sa amin pero nagagawan namin ng paraan na mailagan ito.
.
Hindi pa ulit ito umaatake gamit ng isang AoE skill gaya ng Guardian Force. Pero sa tingin ko ay marami itong malalakas na skill kaso hindi pa nito ginagamit yon. Si GM Sander naman na noon ay akala ko support type ay nakikisabayan ng close range combat at magaling ito sa malapitang laban. Madami itong melee skill na nakakapagpataas ng attack damage, speed at defense gauge nito. Yung level naman nito..... well 300 lang naman yung level nya. I think yun ang max level for third map. At siguro itong si Heimdall ay level 300 din.
.
"Exceed!" inulit na naman nito ang skill na nakakalikha ng dalawang copy image niya.
Sumalakay ito ng sabay kay Heimdall gamit ng mga sandata nito..
"Tri-Force Wave!" muli na naman niyang inulit ang skill na iyon. Ito marahil ang combo skill niya...
Hindi ko magawang lumapit dahil sa tindi ng nilalabas niya shockwave na bumabayo sa paligid. Talo pa namin ang nakikipaglaban sa Tournament nito. Pero kung nasa arena kami malamang nasira na pati ang stadium. Buti na lang at yari sa ginto ang ruins dito kaya ang lupa at bato lang ang nawawasak.
"Apollo's Might!" gumamit si Sander ng panibagong skill.. Isang impowering skill. Muli ay binalutang ang katawan nito ng blue light but this time mas nakakasilaw ito.
.
"Solar Sphere!" binitawan ni Sander ang skill na ito nang mapagitnaan niya si Heimdall.
...
.
Nandoon parin ang effect ng Tri-force wave dahilan para maipit sa gitna ang target at ang bagong skill naman nito ay naglalabas ng mainit na pabilog na harang na nilulusaw ang mga bato at debries sa malapit. Shit! Parang gyera lang ang nagaganap. I got to witnessed the true power of the GM. Sobrang layo pa talaga sa lakas na taglay ko ngayon.
"Zaphro, Gwydox brace yourselves. This is my AoE one-hit strike... Use crimson barrier, nasa GM extra command mo Zaphro.!" biglang utos sa akin ni GM Sander.
.
"Ok, Gwydox lumapit ka dito." nagmadali ako para iactivate ang isang GM protective barrier. Isang invulnerable shield.
Tama lang ang pagkakaactivate ko ng harang at naicast na ni GM Sander ang skill niya.
"Solar Explosion!" ang sphere na naglalabas ng nakakalusaw na init ay biglang sumabog. Ang mga gintong pader at haligi sa paligid ay agad nalusaw at nakita kong tumatsik si Heimdal sa malayo.
...
Kahit hindi tinatablan ang shield namin ay dama ko parin ang lakas ng skill ni Sander. Ang skill na iyon ay may malaking range na may lawak na 800-1000 meter radius. O halos kasinlaki ng isang international football field.
.
Nakita ko nga na nabulabog ang mga naninirahang mobs sa buong isla. May mga malalaking ibon at mga dragon type monsters na nagliparan sa himpapawid. Binaba ko ang harang at lumapit kay Sander.
"Did we won?" tanong ko.
"I don't know... Last seconds nung tamaam ito ng skill ko ay binalot siya ng dark aura. It might lessen the effect of my attack." sagot nito.
"Tignan nyo Papa!" tinuro ni Gwydox ang kinaroroonan ni Heimdall.
.
Nasa ere ito malapit sa boundery ng isla. At kitang-kita ko na parang balot ng itim na usok at kuryente ang katawan nito. Bahagha din na nakikita ang isang barrier na nasa likuran nito.
"Isang restrictive barrier ang nasa likuran niya. It restricts him from going outside this teritory." humugot ito ng malalim na hininga bagi muling nagsalita.
"Hindi tayo mananalo sa kanya... We can't even damage him. Let's just leave this island at bumalik with extra help.." sabi nito.
"Mabuti pa nga siguro dahil napapagod na ako sa kakaiwas sa kanya." sabi ko.
"On my count mag dash tayo ng mabilis palabas ng barrier ng isla. Makakalusot tayo jan dahil hindi naman yan ginawa para sa atin." ito ang plano ni Sander.
.
"Sige...." agad nang kumapit sa likod ko si Gwydox at naghanda.
"Three"
"Two"
"One"
"Dash!"
Agad kaming mabilis na nag dash paharap habang nasa itaas lang ang protector ng isla. Si Gwydox ang bahalang umalerto sa amin sakaling sumalakay si Heimdall. Nagsonic boom si Sander kaya naunahan niya ako...
"Papa, si Heimdall!"
Agad itong humarang sa daanan ko kaya gumamit ako ng blink para malagpasan siya. Paharap ako sa likod nito nang mag blink at tumira ng Hell Scream para mag accelerate ang momontum ko at para din maitulak ko ito palayo...
Sa isang iglap lang ay naitulak na ako ng skill ko palabas ng isla. Nakita kong tinangka ni Heimdall na sumunod pero hindi siya hinayaan ng harang na makalabas. Nakita ko si Sander na tila malalim ang iniisip.
.
"Ok ka lang ba?" tanong ko dito.
"Yeah... May iniisip lang ako.." sagot nito.
"Might wanna share it?"
"Saka na, magpapatawag na lang ako ng meeting one of this days regarding this problem. Doon na natin pag-uusapan lahat...." sagot niya.
.
"Ok, ikaw ang bahala.."
"It's still early.. Libutin muna natin ang kabuuan ng area na ito." sabi niya na muling bumalik sa dati ang mood.
At yun nga ay pinagpatuloy namin ang paglilibot sa karagatan naming and recording data about it. Mga three hours din kaming nahlibot before kami natapos sa task. Dahil sa gutom ay nagpaalam na kami sa isat-isa... Sabi niya ay magla-log out na muna daw siya. Ako naman ay babalik ng Village of Light to eat. I used TP scroll para mapadali na ang pagbalik ko dun, wala eh gutom lang ako...... ;)
.
Ginugulo parin ako ng mga nangyari dun sa StormCloud Island...
Mukhang sobrang complicated naman yata ng problema ng larong ito. Mabuti na lang kako at hindi pa ito alam ng mga players dahil baka may matakot sa kanila....
.
Ano ba tong pinasok kong trabaho?
Nakaka-stress!.......
End of Chapter....
Maikling update for now...
Di makapag concentrate dahil laban ni pambansang kamao!....
Go PacMan!!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top