EOPH2 Chapter 17: Mirage Dimension
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015
.
"Zaphro's POV"
Tinatahak namin ang daan sa gitna na napili namin ni Gwydox. Medyo makitid ito at malamig ang simoy ng hangin dito. Malamang may isang malawak na espasyo sa unahan kung saan may source ng oxygen na nagpapalamig ng temperatura. Could be a small body of water, like a spring.
.
"Papa, malapit na ang dulo." pukaw sa aking atensyon ni Gwydox. Himala, dahil mukhang good mood ang animus ko. Walang sumpong....
"Go first and check the area." sabi ko dito.
Agad nitong tinungo ang lagusan palabas. Maghintay pa muna ako ng ilang sandali bago lumabas. I was amaze dahil hindi madilim dito sa loob. May mga umiilaw kasing mga crystals na nakakalat around the huge area. Walang monsters dito, isang lake lang ang nakita ko. The small lake is located at the center of the area. Kumikinang ang surface nito na parang ang daming mga precious stones na ikimalat dito. A perfect place to just admire nature. Meron kayang ganitong lugar noon sa mundo before ito nasira ng tao?
.
"Papa, look!" may tinuro sa akin si Gwydox sa bandang kanan mamin.
It was a small platform na hawig sa portal papuntang second map. Kaya lang kulay light blue ito at mas maliit kumpara sa portal ng second map.
"Malamang yan na ang portal patungong Mirage Dimension." sinenyasan ko si Gwydox para sabay na kaming tumungo doon. He then sat at my right shoulder.
"Don't use flight. Just stay hidden dahil wala lang mark baka umatake ang mga monsters dyan sa loob." paalala ko sa kanya.
"Yes,Papa!" sagot nito.
Pumaloob na ako sa pabilog na platform at nagsimula nang umilaw ang mga ancient marking nito. After a bright light illuminated me ay naramdaman ko na agad ang pagbabago ng paligid. Naramdaman kong bigla ang mga presensya ng malalakas na uri ng monsters. Yung pakiramdam na may isang epic boss category monsters.
.
"Papa, tignan mo po. Diba mga boss monsters yan?" bulong ni Gwydox sa tenga ko. Nakatago lang siya sa bandang batok ko.
.
Sinuyod ko ng tingin ang buong paligid at makita ko ang lugar na napuntahan namin. Para itong isang malawak na maze. Matayog ang pader nito at nang subukan kong tignan ang itaas ay di ko makita ang dulo ng pader. Ganon katayog yun!
On my way sa kaliwa ay may epic boss.. Ang Mermedion na nauna maming natalo ni Slicer noon sa enchanted lake. On my right ay ang Dark Garuda na di namin alam kung sino ang nakatalo noon. May daan sa harapan kaya minabuti naming tahakin yon. Sinubukan kong liparin ang dulo ng pader pero parang wala itong dulo. It's like I'm inside an infinite loop! Isang kakaibang area na balot ng hiwaga...
Wow! Naexcite ako tuloy...
"Papa, mark the spot na madaanan natin. Bawat kanto na lilikuan natin, we might get lost sa area na ito.!" suhistyon ni Gwydox.
"You're right maaaring maligaw tayo dito at di na makalabas pa." sabi ko.
Natakot ako bigla dun sa nasabi ko ah. Hindi kasi pwede ang TP dito sa loob. Kaka-check ko lang sa VS. Ignored din pala lahat ng cooldown rate ng skills dito kaya pwedeng paulit-ulit ang mga skills. Sheet! Kung ganon tiyak pahirapan ang pagpatay ng boss dito dahil sa abnormal status ng terrain. Or dimension....
"Masama to Gwydox. Diba dapat talunin natin ang hero na nandito?" sabi ko.
"Yes, but we need to try. May weakness din yun I'm sure Papa." sagot nito.
Sana nga may kahinaan sya...
Nakailang liko na kami ni Gwydox at wala paring sign nung hero na hinahanap namin. Meron kaming nadadaanan pero mga epic bosses lang. Mga boss na di ko pa nakikita noon.
Level 150: Nightmare Crimson Dragon
Level 90: Poisoned Humanoid Plant
Level 130: Robotic Black Angel,
Level 200: Peach Black Shadow Wolf .
Ilan lang ang mga ito sa mga nasalubong namin. Di ko alam if sa first map o sa second na yun matatagpuan. Titignan ko na lang pagkatapos ng quest ko.
.
Minamarkahan ko ng cold fire ang bawat madaanan naming intersection para madaling ma-trace back ang daanbpabalik. May mga daan kaming hindi binagtas. We only have to chose either right or left. At wala sa option ang maghiwalay. Kapag may deadend ay agad naming binabalikan ang daan at sinusubukan yung ibang daan. Hindi nga ako inaatake ng mga boss kahit napapalapit na ako sa mga ito. Parang wala lang sa kanila ang presensya ko kaya malaya kaming nakakadaan ni Gwydox.
.
*********
Almost one hour na kaming naglalakad at pansin kong parang walang katapusan itong ginagawa namin.
"Helloooooooo!" di ko napigilang sumigaw ng malakas...
"Bakit ka sumigaw papa?" tanong ni Gwydox.
"Wala lang, malay mo kusang magpakita sa atin yung Hero...." humugot ako ng hininga at muling sumigaw..
"Hoooooyyyyyy! Any body home.....?"
Lumipad ako at nagdash patungo sa harap then cast a fire skill.
"Engulfing Flame!" it hit the wall in front and burn it with blue flame.
Then for an instant ay may bigla akong naramdaman na presence ng isang player or AI sa paligid. Palapit ng palapit ito sa amin.
.
"See! Kung di pa ako nagwala edi di tayo papansinin." sabi ko kay Gwydox.
.
"Sino ka?" holy molly! Ang bilis niya na nakarating sa likod ko ah.
"Ah, hello po." sabi ko. E sa wala akong maisip isagot.
"Sino ka?" inulit lang nito ang kanyang tanong..
Isa itong lalaking AI na medyo payat ang pangangatawan. Balot ng gintong armor na may simbulong phoinix sa dibdib na gaya ng marka ni Kratos sa akin.
"Ako po si Zaphro. I'm here for the quest. Hinahamon po kita sa isang duel." tapatan kong sagot.
"Wala akong panahon para dyan. Umalis ka na!" matigas na boses nitong pahayag.
Grabe ang AI na ito sobrang realistic kung mag-isip. Or maybe?
"Pero I needed this quest Sir. Armagedon." giit ko.
"I said no! Be gone!" sabi nito na agad naglaho sa harapan ko. Wow! How did that happen?
"Hey wait!" sigaw ko pero walang sumagot.
"Pano na yan papa, ayaw nya?" sabi ni Gwydox.
Bigla akong napaisip.... Kung di makuha sa santong dasalan, e di daanin sa santong paspasan!
I then Transformed into Demonic Prince at nagwala sa paligid. Si Gwydox naman ay pinanood lang ako at nagmamasid lang sa paligid for any signs of Armagedon the Gate Keeper.
Since ignored ang cooldown ay paulit-ulit kong nagagamit ang mga long ranged force skills ko.
"Hell Scream!"
"Demonic Wrath!"
Nakagawa ako ng ilang pagsabog na nagdulot ng pagyanig ng paligid. Natatamaan ko din ang ibang mga boss na malapit sa area pero hindi ito gumaganti o naa-aggro sa akin.
.
"Papa, ilag!" biglang sabi ni Gwydox.
Sa bandang kanan ko ay may isang light skill na mabilis na bumulusok.
"Hex!" hindi ko na ito inilagan at hinayaan kong tumama lang.
The skill just hit me and then dispersed itself dahil sa invulnerable ako for 2 minutes. Agad na akong gumamit ng blink. But this time pwedeng double-blink o multiple blink ang gawin. I went to the skills point of origin at di nga ako nabigo dahil nandoon si Armagedon.
"Demonic Blow!" without warning, I attacked him.
Nakailag din sya dahil meron din itong blink ability..
Putekk.... Anak ng blink o!
"Hell Sream!" muli kong ginamit yun para patamaan ito.
Hindi nito nagawang mag blink away pero may hinarang itong frontal barrier na yari sa energy wave. Anti-skill barrier ability!
Isang wand lang ang hawak niya na kasinlaki lang ng ruler. Kulay puti ito at may aura na sumisingaw dito. Bigla ay may binunot pa itong isa pang wand. A red one na may dark aura sa kaliwang kamay nito. Sheet, dual weilder din sya. Pero bakit magician. Parang imba naman yata yun!?
.
"Curse of the Keeper!" nagbitaw ito ng spell using the red wand. Bigla ay nawala ang effect ng Hex ko.
Isang debuffing spell....
"Vacum Core!" nag follow up skill pa ito na ikinaalarma ko.
.
"Hex!" tinangka kong gumamit ng hex pero hindi umobra. Hindi active ang skill ko na yun ngayon. Malamang dahil sa debuffing skill nito.
"Hexagonal Prism Barrier!" agad kong nakita si Gwydox na naglabas ng barrier skill.
.
"Will of the Keeper!" nagliwanag ng pula at itim ang katawan ng AI at biglang mas naging malakas ang nilalabas nitong energy.
"Fission Wave!" isang beem skill ang pinakawalan nito patungo sa amin.
"Freezing Titan Slash!" sinalubong ko ang skill nito ng maibaba ni Gwydox ang harang.
.
Nagsalubong ang dalawang skill namin at nagkaroon ng pagsabog. Parehas kaming tumalsik sa magkabilang gilid. Kasama ko si Gwydox, at nagkaroon ako ng hp damage. 90% na lang ang hp ko dahil may dumaplis na konti sa skill niya.
.
Mabilis din siyang nakakapag blink kaya wala siyang kahit na anomang pinsala. Lubhang mataas ang agility nito kaya lamang na lamang ito. Lintek na yan!...
"One solid hit!" bigla ay narinig kong sabi nito.
.
"Ano?" tanong ko.
"One solid hit. If you can do that, panalo ka na." sagot nito. Then a formal duel invitation was sent to me.
I accepted it and waited for the countdown...
9
8
7
6
5
4
3
2
1
Fight!
"Hell Strike!" gumamit kaagad ako ng dual sword skill. Habang siya ay nagbabato ng magic skill na nasasalag ko ng sword ko pero may nakakalusot talaga at ikinapabagal ng movement ko.
I was able to blink close to him pero agad itong na multiple blink palayo sa akin. Binato ko parin ang skill pero hindi na tumama. Hirap talaga...
.
"Hexagonal Prism Seal!" nag support skill si Gwydox para sana hulihin ito. Sumabay din ako para i-divert ang atensyon nito. Sinugod ko ito ng cold fire at Inferno. Pero nagawa niya akong maisahan. He tricked me, he pretended to cast a skill para salubungin ang skill ko pero yun pala ay nagblink ito sa gilid ko. He kicked me hard sa tagiliran at napatalsik ako at tatama sana sa pader kung di lang dahil sa blink ko.
.
He's getting into my nerve na talaga.
"Naiinis na ako!" sigaw ko.
"Pikon!" pangungutya nito. Enough trashtalk.
"Sword of Devouring Flame!" I casted one of my 1-hit skill. Sign na galit na talaga ako.
"Gate Keeper's Seal!" gumanti ito ng skill using both of his wands. Dual spiral force ang pinakawalan nito para salubungin ang skill ko.
.
"Galaxy Force!" isang magic circle ang lumitaw sa itaas ni Armagedon. Gawa ito ni Gwydox dahil sinamantala nito ang paglalaban namin.
Galaxy Force is a skill that sucks the target's force and drain MP.. It will result to weakening the target for five minutes.
.
Nang magtama ang mga skill namin ay nagagawa pa ako nitong itulak pero kalaunan ay humina ito. This is it, one solid hit!
Hyaaaaaa! tinodo ko na ang skill ko leaving my MP almost drained. I don't need to kill him. I just need to damaged him a little. Dahil mukhang imposible itong mangyari dahil sa sobrang taas ng pagkakaiba ng stats namin. Kaya nga sya isang Legendary Hero eh....
.
Dahil sa effect ng skill ni Gwydox ay nagawa kong patamaan siya ng one-hit skill ko sa katawan. Kung tutuosin ay daplis lang din ang tama nito deducting 34% of his HP.
.
"Hmmm... not bad!" then he surrendered and I won the duel.
"If not for your animus you wouldn't stand a chance Zaphro." sabi pa nito.
.
"I don't think about that. The fight has many possibilities. We can't predict the outcome of the fight." sagot ko.
.
"If you say so!" at nagkibit-balikat ito. "Come here for your reward."
.
Lumapit ako sa kanya at tumayo sa harapan nito. He wave both of his wand at may mga ilaw na pumalibot sa akin.
Notification: Legend Force has been acquired.
Passive Skill that gives the following stat boost.
STR: 500
DEX: 500
INT: 200
VIT: 800
Hala, ang astig ng bigay nitong reward. Sobrang taas na ng stats ko nito ngayon... Ngayon ay may idea na ako kung gaano kalakas ang mga GM's. Meron siguro silang mga gantong klaseng special skills.
.
"Do you have the item?" bigla ay tanong nito.
"Ha? Anong item po?" lito kong tanong.
"The chaotic skill box. For a chaotic skill, remember the quest?" paliwanag nito.
.
"Yes, I have three pieces of it."
"Three pieces? But how?" gulat nitong tanong.
"Drop of SkylarBird." simple kong sagot.
"Ah, I see... A unique drop was acquired as well, correct?" si Armagedon.
"Yeah.. A fire stone."
"Come back here some other time for that stone. But for now let's open that box. You can only open the chaos skill box here at Mirage Dimension." paliwanag nito.
.
I see it now. Di ko kasi binasa o tinignan man lang ang mga nakuha kong items. Hindi ko nga nagagamit yung ibang malakas na items ko.
I opened my inventory at kinuha ang isa sa mga box. I hand it over kay Armagedon for him to open it for me....
.
He manually and slowly opened the box....
May hinugot itong scroll mula dito and he unrolled it to see what skill it was.......
.
.
End of Chapter........
Hehehe.... pabitin lang ulit...
Ano kayang makukuha ni Zaphro.
Magiging ganap na kaya siyang GM?
Abangan!.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top