EOPH2 Chapter 14: Trouble by the Lake

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015

.

Dedications:

[Zumoto21 & ZEROTM]

"Astarte_toki POV"

         Grabe almost one month narin pala akong player ng EOPH. Naalala ko pa nung una kong dating dito. Sobrang manibago ako sa game environment. Pero kalaunan ay nagawa ko namang mag-adjust. Gaya ng dati ay solo player parin ako. Ilag ako sa mga ibang players maliban na lang kung may itatanong ako or for PvP. Tsaka sa mga info breaker gaya ni kobi23 na lagi akong ginugulat. Malaking tulong sa akin ang mga impormasyong binibenta niya sa akin. Nagawa kong mag-hunt ng mga rare to epic usable items gaya ng mga rings at armlet.

.

Detailed kasi ang mga info ni kobi23 kaya di na ako nahihirapang mahanap ang mga mobs na nagda-drop ng mga ito. I got two Ring of the Forgotten One na isang epic accessory at dalawang Armlet of  Nightmare na epic item din. STR and DEX ang main build ng character ko at mas napataas pa ang Dex ko ng bago kong mga items.

.

For back item I got Mystic Orbs na talagang super astig tignan. Hindi kasi ito attached sa likod ko. It's more like hovering around me. Tatlong light orbs ang itsura nito (Red,blue,yellow). It still provide the ability to fly but it also can be used for defense. It has the ability to block an attack or skill on it's own. Automatic itong gumagalaw dipende sa sitwasyon.

.

O_o Amazing right!?

Meron narin akong pet. Isang flying type pet na anyong ibon. Green colored giant bird with sharp talons and having the wind as its base element. I named it Vastro.

**********

       Ngayon ay naglilibot lang ako sa paligid ng Ftontier village para maghanap ng rare monsters. Mga liblib na lugar ang pinapasok ko. Iniiwasan ko rin ang ibang mga players na nagpapalevel. Ang iba ay abala sa paghahanda sa nalalapit na tournament na gaganapin two days from now. Gusto kong sumali kaso nga lang wala akong guild at malabong makahanap ako agad ng guild na sasalihan.

Clifford Saturnino nga pala ang real name ko. 22 years old guy na happy go lucky na tambay... Di, joke lang. I work at the Sierra Sector private transport station as a maintenance technician. Night shift ang duty ko kaya free ako to play tuwing umaga. At balak kong maging full-pledge gamer dito sa EOPH since we can earn money while playing.

.

Napadako ako sa isang unexplored area ng map. Shanzue Lake ito ang sabi sa aking VS nang makatapak ako sa boundery nito. Para itong isang dormant volcano dahil sa kakaibang land formation nitong parang cone. Nasa gitna ang lawa at ang tanging entrance nito by land ay ang isang yungib. Wala namang monster pagkapasok ko. Right now ay nakatayo ako sa harap ng malawak na lawa. Ano kayang nandito sa lugar na ito? Pinagmasdan ko ang paligid, may mga nakita akong steam holes na every minutes ay naglalabas ng mainit na hangin. Mainit din ang teperatura dito.

.

"Nice area you have here!" bigla ay narinig kong may nagsalita mula sa likuran ko. Shet may ibang player na nakasunod sa akin.

Agad akong humarap sa kanya using my combat stance. Kita ko sa mga mata nito ang pagkabigla. Napahinto ang player na ito sa paglapit sa akin at mataman akong tinitigan.

"Whoa! Di ako kaaway pre kaya chill ka lang." sabi nito at nakataas pa ang dalawang kamay.

.

"Sino ka? Tsaka how did you get here? Sinundan mo ba ako?" sunod-sunod kong tanong.

"Pwede isa-isa lang pre? DarkZero nga pala. Sinundan kita kanina nung dumaan sa sa area na binabantayan ko." sagot nito.

.

"Bakit moko sinundan?"

"Wala lang, kahinahinala ka kasing player. So I decided to follow you. Isa akong defender, target ko ang mga PK players dito. Lately kasi tumataas ang bilang ng napi-pk sa area na ito ng mga pk players kaya naisipan kong magbantay." mahaba nitong sagot.

.

"Ganon ba? Nabalitaan ko narin yan. Hindi ako isang pk player, isa lang akong solo player na nagha-hunt ng rare monsters." sabi ko.

.

"I figured that out already." sabi nito at lumapit sa akin.

Ngayon ay nakita ko na ang itsura nito ng maigi. Isang Angel Race na may itim na buhok at isang pares ng mitim na mga mata. Fare complexion, matangkad mga nasa 5'6 or 5'7 at medyo muscular ang build ng katawan. Nakasuot ng isang dark green plated set, walang helmet pero may head gear na nakakabit sa puno ng tenga nito patungo sa likod ng ulo. May mga malalaking pakpak din ito na kulay mahogany. Tingin ko ay max upgrade na ang mga gamit nito. Sinipat ko kung ano ang weapon niya pero ang tanging nakita ko ay ang dalawang pockets sa magkabila nitong baywang. Slinger type siya......

"I'm astarte_toki. Nice to meet you defender!" sabi ko ng makalapit na siya sa akin.

       Nakipagkamay ako sa kanya at muling binaling ang tingin sa paligid. "May iba ka pa bang kasama Dark?"

"Mag-isa lang ako. Like you I work alone." napangiti pa ito.

"Talaga? Mapanganib kaya yun. Paano kung ma outnumbered ka ng mga pk players?" tanong ko.

"Edi lalabanan ko. Ganon lang ka simple." sagot niya na parang wala lang. Sanay sa rambulan to!

.

"Sira, haha..." natawa pa ako. "Maiba ako, anong alam mo dito sa area na ito?" tanong ko.

.

"Wala, I've never been here!" sabi niya na ngiti. "Ganito na lang, tutulungan kita dito total wala namang mga nanggugulo ngayon na PK players eh. Rumors said na baka may Epic Boss dito sa lawang ito." dagdag pa niya.

.

"Ito ang facts talaga, mayroong seven Epic Bosses sa Meldivar map. Three of it was already been defeated, Mermedion, Black Garuda and Ferullian Hydra ang mga pangalan nito. Meron pang apat na di parin natatagpuan until now. Yung third boss na nasabi ko ay ang key sa second dimension kaya nabuksan ang Helliopolis map. May mga maaangas na rewards ang mga epic bosses dito kaya swerte kung may makahanap at makatalo nito."

.

"Nabasa ko nga sa game guide. Pero kung tama ang nasabi mo na may epic boss dito edi sana marami nang mga players dito?" tama naman ako. Dapat dinarayo na ang lugar na ito ng mga malalakas na players.

.

"You have a point, pero kasi may mga naganap dito sa game na ikinatakot ng iilang players kaya natigil ang pagha-hunt nila. Isa na dito yung dark matter clouds at mga high intellect AI na nanggulo before the major update happen." paliwanag pa nito. Nilagpasan niya ako at lumapit sa may tabing lawa. Yumuko ito at dinama ang tubig sa mga daliri nito.

"Hindi masyadong mainit. Maaaring may mga monsters sa ganitong klaseng environment. Baka water type ang monsters na nandito." sabi niya.

.

Sasagot pa sana ako nang bigla na lang siyang nag dive sa tubig. Pagkaahon nito ay tinawag niya ako para sumunod sa kanya.

"Halika, ang sarap ng tubig!" sus akala ko kung ano na sasabihin.

.

"Sige." agad na akong sumunod sa kanya.

Lumangoy kami pailalim at ginalugad ang paligid ng lawa. Medyo malinaw naman ang tubig kaso may kadiliman. Buti na lang ay umiilaw ang aming mga set na nagsilbing tanglaw namin sa paligid. I can't hold my breath for long kaya kada 45 seconds ay umaahon kami. May mga kung anong water monsters na kaming nakita at napatay. Gumamit ako ng bow mode para mas madali ang pag kill ko sa ilalim ng tubig.

,

"May isang malalim na parte sa bandang kaliwa natin. Paulanan natin ng skill para bulabugin ang kung anumang nandun." sabi ni Dark.

.

"Pwede!" agad na kaming gumamit ng flight mode at pumuwesto sa bandang taas ng spot na iyon.

I positioned myself to cast a bow skill.

"Phoinix Shot!" ang phoinix shot ay isang multi arrow akill na may massive area of effect. Nasa mga 25 arrow ang kaya nitong ipalabas. Mataas din ang damage nito na may critical chance na 20%.

.

"Descending Blow!" nagbato ng isang black card si DarkZero at huminto ito mga dalawang metro sa itaas ng tubig. May lumabas na magic circle sa card at nag expand. Isang dark beam ang lumabas mula dito dahilan upang magkaroon ng isang pagsabog.

.

Agad naman kaming lumayo ng bahagya dahil sa biglang nagkaroon ng whirpool sa area na tinarget namin.

"Looks like this is it?" sabi ni DarkZero.

"Ako handa na, ika ba?" nakangiti kong sabi rito. Agad kong nilabas ang aking pet na si Vastro for support attack at decoy narin.

.

"Lalabas na, mukhang malaking halimaw to!" tinuro ni DarkZero ang isang anino ng halimaw na paahon na mula sa ilalim ng lawa.

Ilang segundo lang ay biglang bumulwak ang tubig sa parteng iyon at iniluwa ang isang dambuhalang boss.

.

Boss Information:

Name: Amphibicus Jinyu Rex
Level: 100
Hp: 120,000/120,000
Def: 22,000/22,000
Category: Epic Boss
Element: Water
Type: Int and agility monster

Gold Reward: 50,000,000 gold
Item Drop: Legendary Dragon's Heart

other Drops: 30 crystals (all types)
Rare-epic items

.

         Ang anyo nito ay isanghiganteng butiki, yung parang comodo dragon na dalawampung beses ang laki. May mahahabang kuko at bladed tail... May mga spikes din ang likod niya na sa tingin ko ay sobrang matalas. Wala itong pakpak pero isa itong Dragon Type boss na isa sa mga pinaka delikadong bosses dito sa EOPH. Sakay ito ng isang water element wave ito ang nagsisilbing sasakyan nito para makalutang sa ere. Hanep din tong boss na ito, may hovering device?

"Vastro! Wind Gale now!" utos ko sa pet ko. Agad nitong pinagaspas ang mga pakpag upang lumabas ang isang malakas na namuong hangin.

.

Hindi man lang umilag ang boss, bagkus ay hinintay nito ang skill tsaka gumawa ng water bubble para ipangharang dito. Agad naming inundayan ng atake ang boss using normal hit. Tumatama lang sa barrier nito ang mga atake namin, di man lang nagkalamat ang harang.

.

"Astarte, mag focus shot ka naka sakaling masira ang harang niya." suhistyon ni DarkZero.

"Sige!" agad akong dumistansya at nagbuff ng Eagle Eyes! Isang self buff na tinataasan ang aking aiming ability para makalayo ako sa range ng kaaway at makagawa parin ng atake. Dumoble kasi ang aking range.

"Focus Shot!" agad kong pinakawalan ang palaso ko at mabilis na bumulosok ito sa target. Life size ang laki ng arrow ko na maihahalintulad mo sa isang spear.

.

Tumama ang arrow sa barrier at sumabog. Pero nung mawala ang usok ay nandoon parin ang harang nito. Pero sa tingin ko ay di na ito gaanong ganoon katindi.

"Card Bomb!" skill naman ni DarkZero ang tumama dito.

Kulang parin yun para mabasag ang harang. Matibay talaga ang skill nito... Isa pang skill ang hinahanda ko.

"Raging Arrows!" sunod-sunod akong nagbitaw ng mga palaso. Nadagdagan kasi ang attack speed ko using this special skill. May critical chance din ito kapag duccessful na tumama sa target.

.

Limang palaso ang sunod-sunod na tumama sa barrier niya at may iba pang parating. After the seventh arrow ay sa wakas nabasag rin ang harang kaya sa katawan na ng boss tumama ang pitong arrows na sunod kong binitawan.

.

Huh! Nakabawas rin kahit papaano!..

"Ayos yung skill mo pre ah! Special skill mo ba yun?" sabi ni DarkZero.

.

"Oo, isa sa mga special skill ko yun." agad kong binago ang mode ng weapon ko to sword mode at lumapit sa kinaroroonan ng boss. "Piercing Blow!" mabilis akong bumulusok patungo sa boss.

.

Pero nung malapit na ako ay agad na may water sprout na tumama sa akin mula sa ibaba. That resulted into a miss. Pumaling kasi ako sa ibang direction at doon tumama ang skill ko. I was submerge into the waters sa nangyaring iyon.  Bawas din ang HP ko ng 10%, nagmadali akong umahon para huminga. Pag-ahon ko ay kaagad na sumalubong sa akin ang matulis na buntot ng boss. Tail Strike! Dahil sa hindi ako handa ay tumama sa akin ang skill nito. Buti na lang ay sinangga ng Mystic Orbs ko ang isang iyon kaya wala akong natamong damage.

Nakita ko si DarkZero na lumilipad sa likuran ng boss. Humahanap siguro ng tamang angle para umatake. Muling umatake si Vastro sa boss at tumatama ito pero binalewala ito ng boss at patuloy lang akong inaatake. Sinasalag at iniilagan ko ang mga bigwas nito nang biglang nag dive ito pailalim.

.

Agad akong lumayo sa malapit sa surface ng lawa. Si DarkZero naman ay lumapit sa akin at naghanda ng isang atake. Sabay naming naramdaman ang paahon na boss sa ilalim namin.

"Ako nang bahala!" sabi nito sa akin.

"Reflector Shield!" isang barrier ang itinaas niya mula sa aming paanan. Sakto namang lumabas ang boss na bumubuga ng isang water skill.

.

Water Slicer Shot..... nagkaroon ng warning sa VS namin. Ito ay dahil sa 1-Hit skill ito ng boss.

.

Pero wala ng oras para umilag pa dahil gahol na sa oras. Shet! Unang death ko to sa game! Napapikit na lang ako...........

1

2

3

4

5......

Teka!? five seconds na ang dumaan pero bakit wala paring tumatama sa amin. Marahan akong nagmulat ng mata...... Anyare? Bakit parang ang boss yata ang nasaktan?

.

"What happened?" tanong ko.

.

"Dahil yun sa skill ko. It's my special skill, it deflects any forms of attack. Including 1-hit skill at ibinabalik nito ang atake sa caster ng doble ang lakas." paliwanag ni DarkZero.

.

"Grabeee! E, IMBA ka pala eh!" di ko napigilan at niyugyog ko pa siya nang mahawakan ko ang magkabila nitong balikat.

.

"Papatayin mo ba ako sa pagkahilo pre?" reklamo nito.

"Sorry naman, na carried away lang tol!" hinging paumanhin ko.

        Nasa 18% na lang kasi anh HP ng boss dahil sa ginawa ni DarkZero. Kaya pala hindi agad ako tinulungan dahil hinihintay lang nito ang skill ng boss. Mautak din tong isang to...

"Let's finish this!" sabi niya.

"Vastro aerial scream!" utos kong muli sa pet ko. Ito ay may slow and silence effect kaya GG na ang boss na ito. "Bow Mode!" binago kong muli ang weapon ko at dumistansya na. While DarkZero is using heavy damaging card skills. Sunod-sunod ang ginawa kong atake at lahat ng iyon ay tumatama...

.

Muli akong nagdash patungo sa boss, hinayaan naman ako ni DarkZero. Sinipa ko ang boss sa ulo nito at napaangat ito. I then used my close ranged bow skill. Tumapat ako sa harap ng bunganga ng boss at binitawan ang skill.

"Lifeline Shot" lahat ng MP ko ang ginamit ko sa skill na yon. A large reddish arrows was produced by that skill. Pasok ito sa bibig ng boss at nagtuloy-tuloy hanggang sa tumagos sa katawan niya...

Agad na pinasakay ako ni Vastro sa likod niya. Dahil sa di ko na magawa pang lumipad, gumagamit kasi ng mana ang back item ko kaya without mp ay wala ring kwenta ang back item.

.

System Announcement: Epic Boss Amphibicus Jinyu Rex Level 100 has been defeated by solo.

Oo nga pala, hindi kami nagteam up ni DarkZero kaya sa akin ang credits ng kill.

.

"Galing nung huli mong stunt! Not bad! IMBA ka rin pala pa-humble ka pa!" puri ni DarkZero sa akin.

.

Agad na nagflash sa vs ko ang reward ko. Bilang pasasalamat ay hinatian ko siya sa game gold at binigay ko narin sa kanya yung ibang rare armor at weapon na drops. I kept the crystals at yung main drop ng boss, yung Legendary Dragon Heart. Isa itong crafting material pero hindi ko alam kung para saan.

.

"So, pano pre... Friends na tayo?" tanong nito.

"Sure, why not!" at nagtawanan na lang kami...

Mukhang di na ako mag-iisa nito sa paglalaro dahil may isang kaibigan na akong makakasama. May sanggang-dikit na ako! ;)

.

End of chapter.....

Character Credits to:

@Zumoto21: astarte_toki
@ZEROTM: DarkZero

†††

Another side story....
Hope it satisfy you all guys!
See you sa tournament...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top