EOPH2 Chapter 13: A Dark Guild

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015

.

[This Chapter is dedicated to LuckyChaNcoXD]

.

.

"Someone's POV"

       Ilang araw na labg at magsisimula na ang preliminary match by districts at aburidong-aburido ako ngayon. Hindi kasi makapag-insayo ng maigi angmga guild members ko dahil sa panggugulo ng aming kaaway na guild. At ngayon pa talaga naisipan ng mga walang hiya na guluhin kami. Letche nila...

.

Ano na nga bang aasahan ko sa mga hiref assasin guilds? Puro PK lang ang alam! Metalophobia the assasin's guild... Nagkaroon talaga ng samahan ang mga lone assasins.. Nitong nakaraang update lang nabuo ang guild nila nang dahil sa isang grupo ng converted players na pinamumunuan ng isang fallen angel type player na may IGN na: Son_of_Lucifer. Balita ko isang tanyag na magaling na VRMMORPG player raw itong si Son, isang hitman din ito. Kaya naman yung mga kagaya niyang assasin players ay sumali sa guild niya. Birds with the same feathers flock together talaga.. Mas lalo tuloy dumami ang kaaway ng guild kong Warrior's Alliance.

.

.

.

Nga pala, I am Lennox Evardo 22 years old isang medical student sa isang institute dito sa Ronova Area/Sector. My game IGN is Lance isang human swordsman type na mayroon nang max level. Ako ang guild master ng Warrior's Alliance at ang vice leader ko naman ay si Lev Dela Torre or mas kilalang si Eurpodioux. Magkaibigan kami in real life and we are both taking up medicinal science dito sa capital city ng Ronova.

.

Sa ngayon nga ay salitan kami sa pag-online sa EOPH dahil magkaiba kami ng schedule. Tutok kami sa pagpapalakas at paghahanda sa nalalapit na tournament. Our goal is to win at patunayan na kami ang pinakamalakas na guild sa EOPH. And of course, sayang yung pot money at guild house na premyo!

.

"GL, may mga nanggugulo na namang players sa mga members natin." sabi sa akin ng isa sa mga commanders ko.

.

"Na naman?" kunot noo kong tanong. "Metalophobia ba?"

"Opo, tatlong member lang... Mukha namang mahina." sagot nito.

"Ihanda ang iba pang commanders na online, pk mode tayo!" mahigpit kong utos sa kanya.

"Right on it GL!" nagmadali na itong kumilos.

**********

Mga sparrow lang ang mga nakita kong mga nanggugulo.. Tatlong long-range players lang na pumuwesto sa malayo. Threat parin dahil puro mga heavy damager ang mga ito.

"Q3, ikaw na ang bahala sa kanila. Pull them out!" sabi ko sa archer type kong commander.

.

"Ok." sagot nito.

"Bravash, aurus Ekar... Triple String Shot!" nagbitaw ito ng bow skill.

Tatlong light arrow ang sabay nitong pinakawalan with white thin thread attached on each of them. Inasinta nito ang location ng mga kaaway kaya nagulat na lang ang mga ito nang tamaan ng skill.

Q3 was able to pull those three player out sa damuhang pinagtataguan nito using his skill. By just pulling the thin threads ay nagawa niya ito. Forcefuly nitong nahila ang tatlong players upang malantad sa aming paningin. We then took action at inatake ang mga ito hanggang sa ma-pk sila.

.

"Don't let your guard down. Tiyak na magsusumbong ang mga iyon." sabi ko.

"Yes, kami na ang bahala dito boss!" sabi ni Q3 sa akin.

Nandito kasi kami sa Cyther Outpost ng first map. Nagpapalakas ng mga buff at skills and at the same time humahanap ng magandang combo attack. Pinapalevel din namin ang mga low levels para mas mapalakas pa sila.

Ginagawa naming target ang mga mobs around the post kung saan matatagpuan ang apat na Neutral Silver Guards at para sa pagpapalevel ay yung mga mini boss sa area. Grainger MK-21 isang robotic mantis na kulay pula.

.

Agad na akong bumalik sa party na tinutulungan kong magpalevel.

"Moonlight Splitter!" sigaw ko sabay lundag sa itaas bago binitawan ang skill ko.

At dahil sa may AoE ang skill ko ay damay pati ang mga minions nito. Madali lang naming naubos ang mga minions at critical narin ang HP ng mini boss.

"Assault Stab!" isang skill mula dun sa isang warrior member ko.

Agad na nagfollow up attack ang iba para matalo na ang mini boss. Maagap namang nakabantay ang dalawang maxed level shielders namin para sumalag ng atake ng boss.

Pinagpatuloy lang namin ang paglure ng mini boss. Meron kasing limang katulad nun dito sa area kaya hindi na namin kailangang lumayo. Iwas PK narin dahil malapit sa safezone.

.

Mukhang ok naman ang paligid at walang sawsaw.....

Hindi ko tuloy maiwasan ang mapag-isip. Nung isang araw kasi nakasalubong ko ang pinakainiiwasan kong tao. Si Devin Ryan Arinzol my mortal enemy!

Flashback........

"Hoy! Tigil!" narinig kong sita ng isang lalaki.

Papunta na ako nun sa institute at medyo late na ako. So di ko maiwasang magmadali, nasagi ko yata sya. Nang lumingon ako ay bigla akong natulala. Isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin.

"Ryan?" mahina kong sabi.

Nagulat din ito ng makilala ako..

"Akalain mo nga naman at dito pa tayo nagkita ulit, Lennox." sabi nito na nakakunot ang noo.

Shet! Sa dami ng pwedeng makabunggo ko siya pa?!

"Sorry for that, but I have to go." tipid kong sagot.

"Your sorry is not enough! And don't think that I've forgotten it!" galit ito.

"Pwede ba Ryan, this is not the right time and place for this!" medyo tumaas narin ang tono nga pananalita ko. "And can you just move on! Hindi na kita ginugulo." dagdag ko.

.

"That's what you think! Kailan man hindi ako matatahimik hanggang di nagiging miserable ang buhay mo! I have my eyes on you! And I'm closer than you think!" pagkasabi nun ay agad na niya akong iniwan.

.

Makahulugan ang mga huling sinabi nito sa akin. Pero wala akong balak isipin pa iyon dahil late na ako...

End of Flashback....

"End of Lance POV"

.

.

.

.

.

"Son_of_Lucifer POV"

        May nareport na naman sa aking member ko. Nabisto kasi nila Lance ang pagmamanman nila. Mga inutil naman kasi yung mga yun. Hindi ko sinabihang mang-pk, pero hindi nakinig ang mga loko.

Medyo personal ang galit ko sa guild ni Lance. I wan't to destroy them, crushed them. At gawing kaawa-awa ang guild nila lalo na ang kanilang Guild Master. Lumipat ako dito sa EOPH dahillang sa layuning iyon at wala nang iba.

"Ryan, di ba tayo magpapadala ng team dun sa location ng Warrior's Alliance?" tanong ng isa kong commander. He is calling me by my real name dahil kaibigan ko siya sa labas ng laro.

I'm Devin Ryan Arinzol and I am Son_of_Lucifer ang diablong gugulo sa buhay ng mortal kong kaaway na si Lance. Siya ang nag-umpisa ng hidwaang ito kaya magbabayad siya ng mahal.

.

We are as close as brothers before, sabay kaming lumaki. Kahit na hindi sila mayaman ay hindi yun naging hadlang para di kami maging kaibigan. Social status was not an issue in the first place. Lahat ng meron ako ay sini-share ko sa kanya. Laruan, pera, pagkain, sapatos, damit at marami pang bagay. Masaya kaming magkaibigan hanggang sa lumaki na kami. Pumasok ako as a district law inforcer agent dahil ito ang gusto ng papa ko na isang military commander. Sya naman ay piniling maging doktor dahil noon pa man ito na ang gusto niya.

.

Ok na sana eh kung di lang dumating ang araw na nagkairingan kami. Nang dahil lang sa isang bagay na yun nagkalamat ang aming pagkakaibigan. Ni minsan ay wala pang iisang bagay na pinag-agawan. Lagi kaming nagbibigayan, but this one is totally different.

We fell in love with the same woman! And this time I don't want to share anymore! Sira na ba ulo niya?

Yun ang dahilan ng pagtatapos ng pagkakaibigan namin. We became worst enemies since then and until now. Kaya naman ngayon ginagawa ko ang lahat para matalo siya at patunayang ako ang mas magaling.

.

Gamit ng guild ko ay tatalunin ko siya. Magkikita kami sa tournament at doon ko tatapusin ang lahat. Ibabagsak ko sya kasama ng lahat ng miyembro ng guild niya.

.

.

End of Chapter....

Medyo napaikli lang mga dude kasi medyo sira ang connection ko...

Side story ito for Lance and Son_of_Lucifer.

Character Credits:

@LuckyChaNcoXD: Son_of_Lucifer
@Blannkk: Lance
@JarielJamesdro: Eurpodioux

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top