EOPH2 Chapter 12: (Ayana vs. Amaterasu)

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015

.

"Ayana's POV"

'Ano ka ba ni shadow?'

'Ano ka ba ni shadow?'

Teka nga lang.... bakit ko ba paulit-ulit na iniisip yun? Nakakainis naman eh...

.

.

Ano nga ba ako ni Slicer? Simple lang.... Kaibigan, ka-guild.... Meron pa bang iba? Haller!..... He's not even my TYPE! Che!....

Napaaway pa ako ng dahil sa lokong yun!

Flashback!......

"Excuse me!" tumaas ang isang kilay ko sa tanong ni Amaterasu. "I'm his friend! And for your second question, kung gusto mo ng laban hindi kita aatrasan!." dadagdag ko sa mga sinabi ko.

.

"Very well then! Let's fight." matalim ang mga titig sa akin ng GL ng Black Pantheon. She then sent me a duel invitation

.

"What type of duel do you want? Aerial, land or both?" tanong ko habang tinititigan ang invitation.

"We can do both. It doesn't even matter." sagot nito. Tinanggap ko na ang duel invitation nito.

.

"Hoy Shadow! Tabi dyan baka madamay ka." pasigaw nitong sabi kay Slicer...

.

"Fine! Relax!" sabi ni Slicer na nakataas pa ang dalawang kamay. Tumayo na ito at dahan-dahang naglakad palayo. But before that ay bumulong muna ito sa akin.

"Kaya mo yan! May price ka sa akin kung matalo mo siya." tapos tumakbo ito ng mabilis para agad makalayo.

Huh?! Anong price ang pinagsasabi nun?

Mabilis akong naalerto dahil nagsimula na ang countdown.

9

8

7

6

5

Agad kong nilabas ang aking weapon. Ang Arcana's Scepter +10 at nag buff ng defensive at speed para sa sarili.

4

3

2

1

Fight!...

       Mabilis na pinaputukan kaagad ako ni Amaterasu ng kanyang dual rifles... Sobrang bilis talaga ng skill casting niya at normal attack. I can't manage to evade it all pero ayos lang dahil may defensive buff naman ako. Lightning ang major element ng weapon nito. Buti na lang at sobrang taas ng ressistance ko sa lightning.

Naglabas ako ng dalawang summon na may fire and water element at ito ang ginawa kong decoy para lituhin ito. My summons will only last for a minute and are faster than me.

"Raging Fire!' naglabas ng fire skill ang summon kong si Sol.

"Water Bullets!" water skill naman ng summon kong si Aquanos.

Gaya ng inaasahan ko ay mabilis na ulilag si Amaterasu sa mga iyon. Totally ignoring me... Kaya naman ay sinamantala ko ang pagkakataon para mag-blink sa likod niya..

"Poison Ivy!" agad akong nag-cast ng nature skill ko na may poison effect. Pero kasabayan din nun ang pagbibitaw niya ng skill..

"Percussive Slug!" may anim bullet slugs ang sabay na lumabas mula sa rifles nya. At sa gulat ko ay may dalawang bullets ang papunta sa akin. Meron yata siyang targeting mechanism na kapag naka lock na sayo ang tira ay susundan ka nito saan ka man mapunta.

Shit! Tumama sa akin ang skill niya at ganon din ang skill ko sa kanya... Na-block din ng skill niya ang mga skill ng summons ko.

ahhgggghhh......

Impit kong sigaw dahil masakit din kaya yung tama ko sa likod at binti..

Siya naman ay nasugatan din ng skill ko sa mga binti at braso... She's so much in trouble!...

"Sol, Aquanos! Full strike!" pasigaw kong command sa mga summons ko.

Agad na sumugod ang mga summons ko sa kanya using their strongest skills. Nagmadali akong lumayo sa kanya using flight mode dahil nagkaroon ng pamamanhid ang binti ko dahil sa skill niya.

.

Nakita ko siyang naroon parin sa spot na kinatatayuan niya at tumitig lang sa mga summons kong papasugod na sa kanya. Bigla ay nakita kong nagliwanag ang katawan nito... Isang self buff ang inactivate niya.

.

QuickSilver....

Then for just an instant ay sobrang bilis niyang nakapag-dash sa mga summons ko at tinira ito ng mga skills...

"Hyper Soul Shot!" isang explosive shot ang pinakawalan nito mula sa likod ng mga summons ko dahilan para maglaho ang mga ito.

Parang kidlat ito sa sobrang bilis nang mag-dash patungo sa akin. Buti na lang at nag-load na ang blink ko. I was able to blink away upang maiwasan siya.

.

"Lightning Strike!" agad kong bitaw ng skill. Akala ko ay tatamaan siya pero hindi parin nawawala ang kakaiba niyang bilis kaya nailagan niya ito.

.

"Huli ka!" ikinagulat ko ng makita ko siya sa harapan ko. Shit... Ang bilis talaga..!

Nakita kong pinagkabit niya ang hawak na dual rifle para maging isang rifle na lang...

"Pinning Shot!" agad akong  tinamaan ng mabilis na tirang iyon at mabilis na bumagsak sa ibaba...

Bagsak sa 47% na ang HP ko dahil sa mga natamo kong pinsala...

"Wala ka naman palang sinabi eh!" nakangiting sabi nito sa akin ni Amaterasu. "I'll finish this!" sabi pa niya at nagload na ng isang skill.

"Bloody Shot!" isang red beam ang mabilis na patungo sa akin galing sa weapon nito. Siguradong kapag tumama ang skill na ito sa akin ay talo na ako...

.

But I'm not that easy to be defeated. Sorry na lang sya.

"Grand Summon: Twin Guardian Pisces!" agad na lumabas ang dalawang water elemental summons ko upang harangin ang skill niya.

"Grand Summon: Guardian of the Scale Libra!" lumabas ang isa sa mga zodiac summon ko na may ability na magmanipula ng gravity.

"Libra, Gravity bind kay Amaterasu!" agad kong utos rito.

.

Umilaw ang mga mata ni Libra at agad na at agad na tinapat ang hawak nitong scale kay Amaterasu.

Gravity Bind!

Agad kong nakita si Amaterasu na bumagsak sa lupa na wari isang mabigat na bagay. Nalibing pa nga ito ng bahagya dahil sa ginawa ni Libra.

.

"Arcana's Curse!" agad kong pinagana ang special skill ng weapon ko na nagpa-paralyzed ng katawan ng aking katunggali...

.

Nasa 72% ang HP niya pero sa ngayon ay hawak ko na ang advantage. Hindi na ito makakilos pa. A player is useless kung di naman siya makagalaw.

.

"Dark Bloom!" agad ko siyang tinira ng skill ko. Isang direct hit at nagpasabog sa terrain na kinaroroonan niya..

.

"Pisces, frontal attack. Libra, ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo!" agad namang sumunod ang dalawang spearmen ko at inatake si Amaterasu... At dahil patuloy si Libra sa ginagawa niya ay hindi siya makailag o makaganti man lang...

.

Ako naman ay hindi na makagamit ng ibang skill dahil ito ang restrictions ng combo skill ko. I can only use one S-class skill after summoning Pisces and Libra. It will last up to three minutes. I can only command them to attack the enemy. Ako naman ay normal attack lang ang magagamit.

.

Hindi na ako nagdalawang isip pa. I rushed to attack her. "Hyaahhh!" ginawa kong baseball bat ang scepter ko at pinalo siya ng buong lakas.

"Libra, cast Focal Point now!" agad kong utos sa summon ko.

Ang focal point ay supreme skill ni Libra na nangangailangan ng 50% ng MP niya. Sa skill na ito ay nagiging epicenter of gravity ang target and as a result ay hinihigop nito ang mga bato, lupa at lahat ng nasa paligid ng sakop nitong radius. Tatambakan siya ng mga debries at ito ang dadamage sa kanyang HP.

.

Hindi ako apektado ng skill dahil nasa tabi ko si Libra at neutral ang gravitational force sa area namin. Kita kong tinabunan na ng gadambuhalang mga bato si Amaterasu hanggang sa tumigil na ang skill ni Libra.

.

Isang gigantic sphere of rock ang nakalutang sa itaas... It then slowly cracked open revealing the player that was traped inside it...

.

Umalingawngaw ang malakas ng tunog ng bell.

Duel Result: Ayana Won!

Hindi ako makapaniwala..... Akala ko nga talo na ako dahil sa aminado akong wala akong panama sa bilis niya. Damage lang at ressistance lamang ko at pati narin sa mga summons. Buti na lang at summoner ako....

.

Napaluhod ako sa lupa at napakapit sa binti ni Libra... Doon ko lang naramdaman ang pananakit ng katawan... Although mabilis na umaangat ang bawat stats ko dahil katatapos lang ng duel ay ramdam ko parin ang aftershock ng mga tama ko. Focused kasi ang tama ng baril kumpara sa weapon ko. Para din akong natamaan ng totoong baril!..

.

"Hey! You alright?" mabilis kong naramdaman si Slicer sa tabi ko. Agad niya akong inalalayan dahil nawala na ang summons ko...

"Thanks, but I'm fine!" kumawala ako sa mga bisig nito at tumayo ng matueid.

Muli kong tinignan ang kinaroroonan ni Amaterasu. Nakapaligid na rin sa kanya ang mga kasamahan niya. Sa tingin ko eh gaya ko ay iniinda parin niya ang ginawa kong pinsala sa kanya..

.

After several minutes ay lumapit ito sa amin. "You just got lucky! Nasurpresa mo lang ako sa mga ability mo. At hindi na yun mauulit!"

Nilampasan niya kami kasama ng mga guild members niya. Ang sasama ng tingin ng mga ito sa amin. Hoy! Hindi kami ang nagpasimula ng gulo! Ang guild nyo kaya, mga engot to!...

.

"See you sa tournament Slicer!" makahulugang salita ni Amaterasu bago ito makalayo...

.

End of Flashback....

.

Ewan ko ba, bakit parang may kung ano sa dalawang yun!...

Do they know each other personally?

.

End of chapter....

Sorry for the long wait guys! I just got busy eh...

Untill now busy parin so di muna makaka update ng madalas...

Sana maunawaan nyo po...

Enjoy reading and thank you for the support!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top