EOPH2 Chapter 11: Preparations
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015
.
[This Chapter is Dedicated to @erthou]
.
"Dan's POV"
Dalawang araw na lang at magsisimula na ang preliminary rounds ng per Sector districts. Unfortunately ay may kasabayan kaming guild na nakaregister sa Central City kaya kailangan muna namin silang matalo para maging representative kami ng aming area.
.
Black Pantheon ang guild name ng aming makakalaban. Isa itong guild na puro mga long range players lang ang kasali. The guild was run by a female player having the IGN: Amaterasu, human race gunner having an ultimate sub-class Speed Shooter. Dex and Int are it's base character build and is known as the ranker 25. Kahit kakapasok pa lang nito sa game ay mabilis na ang pag-angat nito sa ranking dahil sa hinahamon nito ang mga players na nasa ranking at tinatalo para makuha ang tittle nito. Siya yung tipo ng player na mahilig sa PvP.
.
Dahil din sa pagsikat niya ay madali na itong nakabuo ng guild at nakarecruite ng miyembro. Katamtaman lang ang tangkad nito na nasa 5ft. Wavy long luminous white hair at dalawang itim na pares na mga mata... Kilala ko siya ng personal.. I mean namumukhaan ko siya, anak siya ng isa sa mga commanding officer ng isang military facility dito sa Central City. Canon Summers ang totoo nitong identity and she's someone that I know way back.
.
Dahil sa nalaman namin na puro long range damager players ang unang makakalaban namin ay agad na kaming naghanda. At isa na dito ang pagsasaayos ng mga stats namin at pagpili ng tamang build.
,
Inayos ko uli ang stats ko para mas maging effective ako as assaulter and killer...
.
Ito ang naging Stats ko after kong mag reset:
IGN: Slicer_DM
Level: 200
Race: Human
Class: Blademaster
Ultimate Sub-class: Holy Blader
Stat Points Earned: 995
Hp: 37,400/37,400
Def: 6615/6615
Mp: 6540/6540
Sp: 4085/4085
Str: 20+ 100
Dex: 30+ 495
Int: 35+ 300
Vit: 25+ 100
ATK: 24,900
Dodge/Evasion: 35+ 5375
Movement: 100+ 1575 +50%
Magic Ressistance:
Fire: 100+2075
Ice: 100+2075
Water: 100+2075
Earth: 100+2075
Wind: 100+2075
Electric: 100+2075
Poison: 100+2075
.
Dex and Int are my base atribute stats... So I have boosted evasion and high attack damage... Plus I have additional range radius for my long ranged skills... Mataas din ang elemental magic ressistance ko kaya maigi talaga akong pang frontline.
.
And right now ay nagsosolo akong gumawa ng mga small time NPC quests para makakuha pa ng additional stat points as rewards. Hindi lang kasi sa paglelevel up nakakakuha ng stat points, pati rin sa mga quest ng mga village NPC's.
Kill 50 lone lions level 20.
Kill 100 desert scorpions level 40.
Collect 50 blue magical herbs for potion maker.
.
Mga ganyang tipo ng quest na kadalasan pang newbies.. Kaso dumeretso ako noon sa pagpapalevel at nakaligtaan ko na ang pagkuha ng quest sa mga NPC for additional stat points.
.
Balak ko kasing idagdag ang mga points na makukuha ko sa aking Dex para mas lalo skong maging Imba. Halos lahat ngayon sa amin ay pagpapaganda ng stats ang ginagawa at pagpapalevel ng mga damaging skills nila.
.
Ngayon nga ay kakapasok ko sa isang training house na for newbies. Dito ko na lang patataasin ang level ng mga gagamitin kong skills.
.
Namely:
Black Dragon Flame (Level 2): Long range skill ko with dark flame element. 1Hit Skill.
Vanishing Strike (Level 6): Ang isa sa pinakaunang weapon skill ko.
Regolus Impact (Level 5): Isa sa mga ultimate skill ko na long range at heavy damage.
Guardian Push (Level 6): Isa sa mga Guardian skill ko na nakakabasag ng ibang field magic.
Sword Explosion (Level 4): Isa sa mga sword skill ko na may restraining ability.
Holy Stab (Level 3): Another of my 1-hit skill na minsan ko lang din nagagamit.
.
Iilan lang to sa mga skills na meron ako sa aking skill book. Basically ay mayroong 30 skill slots na pwedeng magamit ang isang character. Yung mga bang skills ko ay nag max na at ang iba ay hindi ko naman nagagamit. The rest of the skills are buffs....
.
"How may I help you young warrior?" tanong sa akin ng NPC na nagngangalang Aguitar The Trainor.
"I just want to train." sagot ko dito.
"Good thing your here! We have various traning fields here." at tinuro nito sa akin ang mga training area. At pinili ko ang area na puno ng mga dummy na yari sa dayami.
.
Ito ang balak kong maging training targets... Marami ding mga players na nagt-train dito na mix low to high level players.
.
Agad kong inilabas ang aking sword.
Black Flame Sword+7.
Agad akong pumuwesto to cast a skill patungo sa mga dummies sa harapan ko.
"Vanishing Strike!" agad akong mabilis na nagdash patungo sa limang dummies at naglalaho in the mid-air leaving slash marks sa mga targets ko. Dahil sa dummies lang ang mga ito ay agad itong na 1-hit.
.
"Hala! Diba si shadow yan?" narinig kong bulungan sa paligid ko. Una isa pa lang, tapos naging dalawa at dumami na sila... Hindi tuloy ako makapag concentrate sa training.. Pinapanood nila akong paulit-ulit na gamitin ang vanishing strike ko. Nakaka 50 dummies na ako ng may marinig akong pumalakpak sa likuran ko. I din't bother to look back and instead load my 1-hit skill sa mga dummies sa harapan ko.
.
.
"Black Dragon Flame!" nagliyab ng nangangalit na itim na apoy ang aking espada at nagpagulat sa mga nanonood. Ano to karnabal? May show?!
.
I released the skill and it devour massive numbers of dummy sa area na iyon. Naka 30 kill yata ako sa isang bigwas ng skill na iyon.
.
Sinundan ko ito ng ilang series of skills para makarami ako. May reward kasi kapag naka 500 kills ka in half an hour sa NPC trainor. Additional stat points and stamina points. At ayun nga after 30 minutes ay nasa 673 dummies na ako... Haha... ayos to..!
.
Tumigil na muna ako sa ginagawa dahil sa lumapit sa akin ang NPC na si Aguitar. Binigay niya na sa akin ang aking rewards..
.
Rewards:
Str: 7
Dex: 5
Int: 3
Vit: 5
Sp: 50
Di na masama diba? 20 points agad ang nadagdag sa akin that is equivalent to 4 levels.
.
"Not bad!" sabi ko at isinukbit ang aking sword sa aking baywang.
.
"Show off much!.... tss!" narinig kong reaksyon ng isang babaeng player. Nang lingunin ko ay nakita ko siya. Canon Summers........
.
Since may maskara ako ay hindi nya ako makikilala so ok lang.
"Excuse me?" pasimple kong sabi nang makalapit sa kanya.
.
"Sabi ko masyado kang pasikat!" pabalang nitong sagot. Sungit talaga nito kahit kelan
.
"You think so!?" sarcastic kong sagot. "FYI miss Amaterasu nagpapalevel ako ng skills ko and at the same time getting additional stat points. So if you think masyadong pasikat ang ginagawa ko, e di wag kang manood." inilapit ko ang ulo ko sa kanya.
.
"Bukas ang pinto ng training area. Your free to get out." makahulugan kong sabi.
.
Bahala siya kung mainis siya. Siya kaya ang naunang mang-inis! Hindi ako yung tipong nagpapautang. Kaya kapag kinanti ako asahang gaganti ako.
.
*******************************
.
"Ayana's POV"
Two days to go at Preliminary match per Sectors. At ngayon nga ay busy kaming lahat sa ibat-ibang bagay at mga paghahanda namin. Online ako ngayon, si Slicer, si Shion, Verillion, at Accel. Pero nagkanya kanya muna kami para mag-ayos ng stat points at character builds namin.
.
My Current stats:
IGN: Ayana
Level: 200
Race: Human
Class: Caster
Ultimate Sub-class: Summoner Mage
Hp: 30,150/30,150
Def: 5665/5665
Mp: 10,140
Sp: 4130
Str: 20+200
Dex: 20+100
Int: 35+650
Vit: 15+45
ATK: 26,800
Dodge/evasion: 1250+50
Movement Speed: 360+50% +30%
Magic Ressistance:
Fire: 100+3570
Ice: 100+3570
Water: 100+3570
Wind: 100+3570
Earth: 100+3570
Electric: 100+3570
Poison: 100+3570
.
Pure Int ang build na napili ko para mas maging effective damager at support ako.
I'm at the town plaza ngayon dito sa frontier village. Naglalakad lakad lang.. Parang namamasyal lang sa park ang peg! Tinatamad kasi akong mag farm ng gold mag-isa or makipag PvP. Hindi ko feel ang ganon...
.
Si Slicer ay nandito rin sa village. Nasa isang training tavern. Sineseryoso talaga ang paghahanda ah... Hindi ko namamalayan na dinadala na pala ako ng mga paa ko sa training tavern. At nang nasa harapan na ako ng lugar ay pansin kong hindi magkamayaw ang mga players. Wow ha, ang dami nila.!
.
Hindi ko tuloy maiwasan na makinig sa mga usap-usapan ng mga nandoon.
.
"Talaga?!" biglang narinig kong impit na napasigaw ang isang female archer. "Hinamon ng duel ng GL ng Black Pantheon si Shadow?" tanong nito sa babaeng kausap.
.
Ha? Si Slicer nakabangga ang guild leader ng makakalaban naming Guild sa Tournament.
.
Dahil dun sa narinig ko ay agad akong nagmadaling pumasok sa loob. Nakasalubong ko ang maraming mga ka guild ng Black Pantheon.
.
"Padaan! Pwede?" inis kong sabi sa mga nakaharang sa daan ko. Agad naman silang tumabi dahil napalakas ko yata ang boses ko eh. At nang makarating ako sa harapan ay tumambad sa akin ang dalawang player na naglalaban sa gitna ng isang malawak na training field. Amaterasu vs. Slicer_DM.
.
Si Amaterasu ay isang gunner type player.. Agility at intelligence type din ito dahil halata sa mga movements niya. Mabibilis ang casting nito ng skills at maliksi sa takbuhan at pag-ilag. Walang habas nitong pinapaulanan ng skill si Slicer. Lahat puro long range pero madali itong naiiwasan ni Slicer. Mukhang naging mas mataas na ang dodge ability nito sa bago niyang stats. Not bad!. Mas mataas pa ang dodge rate niya kumpara kay Zaphro na Strength/Dex type.
.
"Rapid Fire Strike!" gumamit ulit ng fast skill si Amaterasu laban kay Slicer.
.
Ang akala ko ay si Slicer ang target nito pero hindi. Tinatarget nito ang terrain na kung saan ang ginagalawan ni Slicer. Nakalikha ito ng mga mahihinang pagsabog leaving Slicer cornered sa isang sulok ng area na yun.
.
"Magnetic Discharge!" isang mabilis na lightning attack ang ginawa ni Amaterasu at hindi ito naiwasan ni Slicer dahil sa pagsabog na ginawa ng unang skill nito sa paligid.
.
Nasa 50 meters ang layo ni Amaterasu sa kinalalagyan ni Slicer nang tumama ang skill nito. Nakita kong tumalsik si Slicer ng halos mga sampung metro. Balot ito ng lightning sparks ng makabangon at nasa 80% na ang HP nito. Walang pinalampas na pagkakataon si Slicer at mabilis na lumusob sa kinaroroonan ni Amaterasu.
.
Sinasalubong nito ang mga projectiles na pinakakawalan ng katunggali except for weapon skills. Mas mabilis ang movement ni Slicer kaysa sa kaaway kaya nagawa nitong makalapit. He was able to hit her using normal attack ng dalawang beses. Bakit normal attack lang? Kung gumamit siya ng skill ay tiyak malaki ang damage na magagawa niya rito.
.
But then I just realized, hindi pa nawawala ang lightning element sa katawan niya. Malamang hindi niya kayang gumamit ng skill dahil sa kagagawan ng skill ni Amaterasu. Pero naging pabaya rin si Amaterasu dahil may kakaibang effect ang weapon ni Slicer. Binabawasan nito ng 50% ang lahat ng elemental ressistance ng sinumang tamaan ng talim nito at may 25% chance to deal critical hit. At oras na makalapit si Slicer ay nababawasan ang movement ng kaaway dahil sa passive skill nito...
.
"My turn!" narinig kong nagsalita si Slicer.
Bilang range type player ay kailangan makalayo muna kami before kami makapagbitaw ng accurate skill. Pero dahil sa ginagawa ni Slicer na pagpapanatili ng malapitang distansya nilang dalawa ay nahihirapan si Amaterasu na gumanti sa mga attacks ni Slicer.
.
Nakailang taga rin si Slicer sa katunggali nito at napapanatili ang distansya nila. Nang biglang nawala ang ipekto ng skill ni Amaterasu ay biglang mas bumilis ang galaw ni Slicer. Umilaw ang itim nitong espada at bigla na lang itong naglaho sa harapan ni Amaterasu. And for split seconds ay nagkaroon ng pagsabog. Gumuhit ang mga marka ng slash ni Slicer sa katawan ni Amaterasu. Nagpakawala ito ng impit na sigaw dahil sa natamong pinsala. Hindi pa nakuntento si Slicer at nagpakawala pa ng isang force skill...
.
"Regolus Impact!" a golden light glow manifest into Slicer's left fist and isa itong holy blader skill na maihahalintulad sa mga beam skill ng mga caster type.
.
Tinamaan sa katawan nito si Amaterasu pero bago tumama ang skill ni Slicer ay nakapagpalabas pa ito ng skill. Tatlong projectile na parang mini missiles. Tumama ang katawan ni Amaterasu sa pader at marahas na bumalya sa lupa. Samantalang iniiwasan ni Slicer ang mga missiles. Hindi ito tumitigil hanggang sa hindi matamaan ang target. Bumibilis din ito sa paglipas ng sandali at natamaan si Slicer ng dalawang missiles pero bago tumama ang pangatlo ay naitaas na nito ang kanyang Seismic Barrier.
.
Agad na tumunog ang isang malakas na bell. Tanda na natapos na ang duel...
.
Duel Result: Draw
.
Ito ay dahil sa umabot na sa time limit ang laban at wala pang natatalo sa kanila...
Whew! Kinabahan ako dun ah... Grabe! Ang puso ko parang kakawala na sa rib cage ko.
.
"Hoy! Napag-isa ka lang, kung anu-ano nang ginagawa mo!" sabi ko ng makalapit kay Slicer. Tinulungan ko siyang tumayo ng maayos dahil nakaupo pa ito sa lupa.
.
"Asus! Nag-alala ka lang eh!" tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Kaya naman ay tinulak ko siya pabalik para mapahiga.
.
"Sinuswerte ka!" sabi ko.
"Hey! You!" sigaw ni Amaterasu.
Napasimangot akong lumingon sa kanya. "Pwede ba, don't shout!" bulyaw ko rito.
.
"Hindi ikaw ang kausap ko! So get lost!" aba nakakainis na tong babaeng ito ha.
.
"Ka-guild ko ang kinakalaban mo! I have all the rights na makialam. Besides may tamang oras para maghamon ng laban. Sa tournament na ninyo yan ituloy ok!" sagot ko dito.
.
"Ano ka ba ni Shadow, Girlfriend?! Sa aming dalawa to ni Shadow. Labas ang guild natin dito, o baka gusto mong ikaw ang lumaban sa akin?"
Nakakadalawa na to ah. Papatulan ko na talaga to!...
.
End of Chapter
Oopps! Bibitinn muna natin ito ha....
Haha....
Next chapter abangan....
Papatulan ba ni Ayana si Amaterasu..
Character Credits:
@erthou: Amaterasu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top