EOPH2 Chapter 1: New Game Era

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015

.

*************

At exactly 12 noon ay muling binuksan ang link sa mundo ng EOPH sa mga players. March 23, 2346 ng kasalukuyang yaon. Big event ang araw na ito dahil nga sa mga bagong idadagdag sa game.

***********

.

Isa na dito ay ang mga gunner type players o yung mga players that use guns and rifles as primary weapon. Also weapons that has dual function are now availabe. Gaya ng bowgun, swordbow, shieldbow at swordgun. Naging diverse ang weaponry ng buong laro at nadagdag na ang pagka-craft ng unique weapons.

.

Pero ang pinakapasabog ng update ay ang pag a-allow ng mga converted accounts. Ito ay mga charaters na galing sa ibang VRMMORPG.

.

**********

.

As expected ay marami ang nagpaconvert ng mga accounts para makalaro ng EOPH. Majority of these people ay mga bihasang players na. Some of them are up for the money only. Kasi nga naman pwede kang magkapera sa paglalaro nito dahil pwedeng ipa-convert to real cash ang game money mo. Though meron din namang iba na ang hanap lang ay thrill at enjoyment sa laro.....

.

"Kobi23"
.

Whoa! biglang dumami ang mga players ngayong araw. Parang fiesta naman yata sa dami. Dito pa lang sa Frontier yan. Iba na talaga kumpara nung kabubukas pa lang nitong game.

"Yo guys! Muzta na?" bati ko sa mga ka guild ko. Kinamusta ko sila saglit at nagtanong ng mga kung anu-anong bagay.

.

Nagpalitan kami ng mga impormasyon kasi. Nalaman ko nga sa kanila na may kaguluhan dito kahapon na sangkot sila idol Zaphro ko. Masabi din nila na dinagdagan ang mga SANCTIFIED ZONE o yung mga safezone sa lahat ng map locations. Para daw to ensure the safety of newbies.

.

Pero sa tingin ko ay precautionary meassure nila ito if baka sakaling maulit ang nasabing insidente.

.

Nagpatuloy pa ako sa aking paglilibot or shall I say pangangalap ng datus.... Maigi kong pinagmamatyagan ang aking paligid para sa mga kahina-hinalang bagay o manlalaro. Nang mapalapit ako sa starting point dito sa Frontier ay naupo ako sa isang malaking bato.

.

I just waited there for a few minutes. Nang biglang may nag apparate na isang player sa mismong starting area. Base sa anyo nito ay batid mo nang mataas na ang level nya. Pero halata din sa mukha nito na tila naninibago sa paligid. Nakakatuwa sya dahil kinurot-kurot pa nito ang pisngi.

.

"Masakit talaga yan! Kaya tigilan mo na ang kakatesting." sinusubukan siguro niya ang 60% real pain sensation ng laro.

         Napalingon naman agad siya sa akin nung sabihin ko yun.

"Pasenya na tol convert kasi ako eh. Medyo naninibago lang." pakamot-kamot pa ito ng ulo. "Para pala talagang nasa real world lang no?" mangha niyang sabi.

.

"This place is real dude. Hindi ito virtual reality, this is as much as the real thing." sabi ko sa kanya.

.

       Medyo napakunot ang noo niya sa nasabi ko. Kaya naman I had to explain everything sa kanya. At dahil dun ay nalaman kong level 200 na pala agad ang charater nya. Isang hybrid type player na parehong may Archer at Swordsman ability... Unique din ang weapon nito na swordbow dahil may dalawang modes.

Sword mode at Bow mode ang kaya nitong gawin. Wow naman talaga kapag convert player kasi pati items mo with upgrade narin. All of his items are +8, that includes the armor set, weapons and back item.

Nagkaroon din ako ng chance na masilip ang character equips niya at nakita ko na kulang sya sa mga accessories gaya ng ring, necklace/pendant at armlet. Wala pang laman yung mga item slots na iyon. At ang starting game gold lang niya ay 10Million lang....

"Nga pala bakit di mo na lang ginawang max upgrade lahat ng items mo?" tanong ko.

"May kamahalan kasi ang fee tol. Kulang ang naipon ko kaya hanggang +8 lang. Balak ko na dito nalang sa loob ng game mag-upgrade to +10." nakangiti niyang sagot sa akin.

"Ah ganon ba dude?" sabi ko sabay alok ng aking kamay sa kanya. "Kobi23 nga pla."

.

"Astarte_toki nga pala tol. Nice meeting you!" at nagkamayan kami.

.

"Oh well I have to go dude. Alam mo na kailangang magpalakas. Hindi na kita aaloking sumama, mukha kasing solo-player type ka eh." naglalad na ako palayo sa kanya at bahagya akong nagwave sa kanya habang nakatalikod.

.

I walked back patungo sa sentro ng Frontier dun sa mga taverns. Pansin ko kaagad na may mga nadagdag na NPC. Meron nang Balistic Trader for guns and ammo.. At may bagong blacksmith for unique item creation.

Una akong tumingin sa mga bilihan ng gunner type weapons. Tumambad kaagad sa akin pagpasok pa lang ang ibat-ibang matataas na uri ng baril na hindi ko pa nakita. Merong XB2000 rifle na dual wield. Meron ding XK6900 sniper rifle na two-handed weapon dahil sa sobrang laki nito, at batid kong mabigat din yun! At ang mas mabangis sa lahat ay ang XG54N Grenade Launcher na nagtataglay ng malakas na damage rate.

XB2000-XB6000: Ito ang mga dual rifle models na available sa tavern.

XK6900-XK9900: Ito naman ang mga sniper rifles.

XG54N-XG-94N: Para naman sa mga launchers...

Price range is from 50M-500M lang naman....

.

************

Nang matapos ako sa kakatingin ng mga items na bago ay napadpad ako sa training area... Madami ding players dito na nagsasanay. Kadalasan yung mga newbies kasi mahirap kayang gumamit ng mga weapons dito lalo na ang pagrelease ng skill. You need to have the right posture at angle to cast a certain skill. Walang system guide na tutulong sayo dito. At hindi sapat na sabihin mo lang ang pangalan ng skill to cast it correctly. May mastery levels na dapat mong maabot para magawa mo ng tama. Just follow the voice or written instruction na nakalagay sa skill book mo to perform the skill at kailangan mong ulit-ulitin yun para tumaas ang mastery level mo.

Dito din sa loob ng game ay napapagod din ang players avatar body kaya dapat laging may baong SP potions para mapabilis ang stamina recovery mo.

***********

4PM.........

"Zeke's POV"

        Katatapos lang ng last subject namin ngayong araw at kalalabas ko lang ng silid kasama ni Dan.  Papunta kami sa locker room para iwanan doon ang aming mga gamit.

"Bagal mo maglakad tol. Bilis na nang makapaglaro na tayo." medyo kunot pa ang noo na sabi ni Dan.


.

"Excited ka masyado, at masyado kang panira ng moment. Kitang malalim ang iniisip ko eh." inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko sa aking balikat.

"Naman excited na ako talaga! Ikaw di ka ba excited diba na makita ulit si Gwydox.?" biglang sumeryoso ang mukha ko sa sinabi ni Dan.

****

Oo nga pala ano? Ngayon na nga pala ang ika 7th day na nagpahinga si Gwydox to recover his damage.

Mabilis akong sumabay sa paglalakad ni Dan...

"O, sinong excited ngayon sa'ten?"

.

.

» Logging in «....


Lumitaw ako sa aking racetown sa Village of Light ng mag-isa. Nag-pm na lang ako kay Slicer na magkita kami sa Frontier after an hour. I just need to be alone for a while. Namiss ko rin to, ang mag solo-play.. Nagsimula na akong malakad sa kalye.. Suot ko parin pala ang Chaotic Set ko kaya naisipan kong gamitin ulit yung old set at wings ko.. Along the way ay marami akong nadaanang mga newbies na hindi magkamayaw sa paglilibot sa village doing NPC quest and asking other players for some little help.

.

Napahinto ako sa tapat ng malaking lamp post upang kalikutin ang aking VS. Napunta ako sa Character section at ini-activate ko ang aking anima. Pinindot ko ank ok button bago sinara ang lahat ng options. As instant ay lumitaw sa harap ko ang aking dark fairy animus na si Gwydox.

"Papa!" sabi niya in a deep voice at pumaikot ikot sa akin.

"Ayos ka na ba Gwydox?" tanong ko dito.

"I'm fine papa. Naninibago lang ako." sabi niya na parang walang gana... What would I expect eh ganito na tong animus ko, bugnutin pag may time. "Teka may nabago yata papa."


.

"New game patch." nakigaya narin ako sa pananalita at tono ng boses nya.

.

"Ay ang CUTEEEEE!" nabigla tuloy ako dahil sa may narinig akong nagsalita sa tabi ko. Isang babaeng player. Pink haired na nka ponytail with blue eyes and fair complexion. Matangkad ito na tingin ko nasa 5'7-5'8 yata.

"Pet mo yan kuya?" tanong niya.


.

Bigla ay nagsalubong ang kilay ko at nag-pout... Ganun din ang ginawa ni Gwydox.

"Hoy! Babae, hindi ako pet." biglang sabi ni Gwydox.

"Hala! nagsasalita ang pet mo kuya! Ang cute talaga! Pwede pahawak ako?!" sunod-sunod niyang sabi.

.

Hindi lang ako umimik, naiinis parin kasi ako sa animus ko.

"Nakakadalawa ka nang babae ka ha! Hindi ka ba marunong makinig, sabing hindi ako pet eh!" tila umuusok na sa inis itong si Gwydox. Kulang nalang batuhin nya ng skill niya ang babae.

.

"Hindi yan pet miss. Animus ko yan, isang Artificial intelligence." sagot ko na medyo inis parin.

.

"Ah, I see... Pero in fareness ha pareho kayo ng ugali. Sobrang cute!" malapad ang ngiti nitong sabi.

Ano naman ang cute dun? Tsaka hindi sya connected noh?

"xx_Leanne_xx nga pala." inilahad nito ang palad sa akin.

Dahil dun ay medyo nawala ang pagkainis ko. Kaya tuloy nakaisip ako ng isang magandang bagay. Since nagagandahan ako sa kanya kaya kinuha ko ang palad niya at ngumiti with puppy eyes. Lumuhod ako at hinalikan ko ang likod ng palad niya. "I'm Zaphro, Nice meeting you Leanne!" at kumindat pa ako sa kanya.

Dahil dun sa ginawa ko ay nakuha namin ang atensyon ng karamihan. Nakita kong medyo naconcious ang itsura niya. Nag-blush siya... Ang Cute naman! ;)

"Hala! Angsweet nila oh!" narinig kong sabi ng isang babaeng player sa di kalayuan.

.

Then out of nowhere ay may nagsaboy ng rose petals sa amin. Ngayon tuloy ay umuulan ng bulaklak sa paligid namin. Part ba to ng game system? Then nakita ko si Gwydox na nag face palm....

Then I heard ringings of a bell... Yung tipong pangkasal.... I don't like this anymore.! Ano bang ginawa ko?.

Tinitigan ko si Gwydox hoping to find an aswer. "Papa, you just gestured a wedding proposal."

.

Wtf? Ano daw? Ano daw ginawa ko?...

Patay kang bata ka! Malay ko bang merong ganito?   :(


.

*************

.

Ps: Magkaka love life na ang bida natin! Hahaha...

.

End of Chapter....

This one is somewhat new... Puro na lang kasi tayo labanan at game kaya eto hahaluan natin ng konting kiligan... To balance the story...

New Character Credits:
@Zumoto21: as astarte_toki

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top