EOPH Season II: Prolgue
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015
.
(Una sa lahat: WELCOME SA SEASON 2! Dalhin natin ang kwento sa ibang level naman ha. New updates, new ememies and folks. New Archnemesis at mga kontrabida.)
Haha..... may bagong kaabang-abang na twist na dito sa season na ito na dapat talagang abangan!
I now formally OPEN the season 2.
[EOPH: Clash of Warriors]
Prologue.....
"Sierra Sector, District 8"
Marahang naglalakad sa hallway ng hotel na kanyang kinaroroonan ang isang hindi katangkarang binata bitbit ang mga pagkaing pinamimi nito sa isang food stall sa labas ng hotel. Patungo siya ngayon sa room 306 na nasa 30th floor pa. Bumili siya ng burger, sandwich, at mga fruit drinks.
Nang makarating sa harap ng malaking pinto ng elevator ay pinindot nya ang button para magbukas ito. Nang magbukas ang elevator ay nagmadali na itong pumasok. Nalaglag pa nga ang school ID na nakaipit sa gilid ng bulsa niya. Nilapag niya muna sa loob ang dalang paper bags at pinulot ang nahulog na ID.
ID: Ivan Sarmiento
3rd year: Advance Computer Engineering
SPC
Pinindot na nito ang numero ng floor na pupuntahan nito. After a minute ay nakarating na ito sa 30th floor. Ang binatang ito ay isang manlalaro ng Enigma Online PH. Ito ay dahil sa may nakasuot sa kanyang kanang tenga na DS (Dimension Splitter).
Nang marating ang kwarto ay kumatok ito sa pinto. Isang babae ang nagbukas ng pintuan. Typical woman, long hair, fair complexion, sexy at may magandang pares ng mga mata.
"Tagal mong mamili Ivan ha!" biglang bungad ng isang matabang lalaki na may isang tribal dragon tattoo sa kanang balikat.
"Kung sumama si Rusty sa akin di sana napadali." pabalang nitong sagot.
"Alam mo namang tamad yang si Rusty eh. Ano pa bang inaasahan mo?" ang babae naman ang nagsalita.
"Aba grabe ka naman Stef kung maka TAMAD ka dyan, wagas.!" reklamo ng nagngangalang Rusty.
.
"Tama na yan guys. Let's eat, gutom na ako. And we need to review the plan para di tayo mapagalitan ni Boss. Di pa tayo mabayaran!" nakasimangot na sabi ng matabang lalaki.
"Tim is right, We need to be ready for this job. Future natin ang nakataya dito guys." sabi ni Stef.
**************
.
.
Witout any arguements ay kumain na lamang sila. Actually snack na nila ito dahil kakatapos lang din nilang magpadeliver ng pagkain two hours ago.
"So, sa tingin nyo gaano ba kalakas tong new avatars natin?" nagtanong si Ivan matapos uminom ng pineapple juice drink.
"Basta malalaman nalang natin yun mamaya!" makahulugang sagot ni Tim.
"We'll see when we get there ang peg?" pagjojoke ni Stef..
.
.
Ano nga ba itong pinag-uusapan nilang apat? What avatar are this? At sino yung tinutukoy nilang boss?
Any Clue?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top