EOPH Chapter 42: LEGACY
All Rights Reserved ® TheoMamites Stories 2016
*FINAL CHAPTER*
*PART3*
★Narration★
Nagliwanag ang mga katawan nila Kaizen (red), Aero (blue), Akil (green), Sander (white) at Rowan (brown). Bawat kulay ay may kinakatawan na elemento. Apoy si Kaizen, tubig si Aero, hangin si Akil, holy si Sander at lupa si Rowan. Sila ang kumakatawan sa limang elemento na makikita dito sa Enigma world.
"Mga kasama sabay-sabay tayong umatake sa kanya!" maotoridad na utos ni Kaizen sa mga kapwa GM.
"Green Wind!" naunang nagcast ng skill si Akil.
"Freezing Squal!" sinundan ni Aero ng isang water element range attack.
Nakalutang lang at hindi natinag si Chaos sa kinaroroonan nya. Tila wala itong balak umilag.. Agad namang sabay na gumalaw ang dalawang melee type GM's na si Rowan at Kaizen.
"Judgement Blow!" isang direct spear attact ang ginawa ni Kaizen samantalang si Rowan ay pumuwesto sa ibaba ni Chaos.
Naunang tumama ang skill nila Akil at Aero kay Chaos na hinarang lang ng mga braso nito. Sumunod ang sibat ni Kaizen na lumapat sa braso ni Chaos na sobrang tibay. Hindi man lang napenetrate ng spear ni Kaizen ang kaliskis nito.
"Kaizen umalis ka dyan!" sigaw ni Rowan.
"Wrecking Earth!" aoe skill agad ang ginamit ni Rowan mula sa ibaba.
Biglang nawasak ang lupa sa kinatatayuan nito at lumikha ng mga spikes na kay Chaos patungo. Pagkatama nito kay Chaos ay agaran itong natibag at nagkapira-piraso.
"Exceed!" agad na naging tatlo si Sander at pinalibutan si Chaos.
"Tri-Force Wave!" ito na naman ang holy magic ni Sander na nang-iipit ng kaaway gamit ng mga mabibilis na pagrelease ng mapangwasak na shochwaves..
At dahil sa perssistent ang skill ni Sander ay unti-unting napapababa ang HP bar ni Chaos. Tumatagos ang tri-force sa outer defense ng kaaway nila. Kaagad na gumalaw ang kanina'y nanonood lang na AI na si Armagedon.. Lumipad ito paitaas hanggang nakarating ito sa ulunan ni Chaos.
"Cosmo Dive!" gintong aura ang inilabas nito bago bumulusok paibaba.
Gumawa din ng isang skill si Kratos sa paanan ni Chaos na nagrerestrict sa kanyang gumalaw o umiwas sa loob ng sampung segundo. Kaagad na lumayo si Sander ng makitang pabagsak na si Armagedon.
Boooommm!...
Tinamaan nga si Chaos ng atake ni Armagedon. Agad na binalot ng kakaibang aura ang kinaroroonan ni Chaos. Pero ang nakapagtataka ay hindi makita si Armagedon. Nabalot din ito sa loob ng kakaibang aura. At ng mawala ito ay nakita nilang lahat na hawak na ng kanang kamay ni Chaos ang kasama. Sinasakal niya ito gamit ng kamay na nababalot ng itim na aura (void).
"Bitawan mo siya!" lumabas mula sa kanan ni Chaos si Heimdahl at tinaga ng golden sword nito ang braso ni Chaos na may hawak kay Armagedon.
Napabitaw dito si Chaos dahil pumunit sa depensa niya ang talim ng espada Heimdahl. Kaya nung muling gumalaw si Heimdahl upang gumawa pa ng isang slash ay nilatigo niya ito gamit ng kanyang matalas na buntot. Tinamaan sa likod si Heimdahl at bumagsak sa ibaba.
*Chaos HP: 86%*
Ito ang nakikita nila ngayon....
Kasunod nito ay nakita nilang lumiwanag ang kalangitan sa gawi ng Village Of Light. Tila nagkaroon ng isang maatikabong salpukan ng enerhiya mula dito.
"Walang Utak na AI!" biglang napalatak si Chaos.
"O paano pa yan Chaos. Mukhang nasira ang plano mo laban sa mga main villages." kutya ni Kaizen sa kanya.
Naka link kasi siya sa mga clone niya sa lahat ng mga village. Alam na niya na natigil na ang paglusob ng mga mobs sa mga kinaroroonan ng ibang kasama.
"Kung hindi kaya ng tuta ko, pwes ako na ang gagawa!" sabi ni Chaos sabay naglabas ng dark energy.
Tatlong itim na orb ang nabuo na nakapalibot sa kanya. Unti-unti itong lumalaki habang tumatagal.
"Void Of Destruction!" sa wang anu-ano ay pinakawalan niya ang mga orb.
Puntirya nito ang bawat village.
"Hindi pwede!" napasigaw si Akil sa nakita..
"Maghanda sa phase 2!" sigaw ni Kaizen sa lahat.
"Kratos ilabas mo na ang mga crystal towers!" dagdag pa nito.
Hindi na alam ng ibang mga GM ang planong ito ni Kaizen. Tanging siya lamang at ang mga AI ang may alam nito. Itinaas ni Kratos ang hawak na wand at parang instant na nagsilabasan ang mga naka conceal na tore na bumuo ng hugis bilog paikot sa kinaroroonan nila.
Samantala.....
Ang bawat clone naman ni Kaizen sa bawat village ay tumayo sa tabi ng obelisk. Lahat sila ay nagliwanag at isa-isang sumanib sa obelisk. Ngayon ay ang mga obelisk naman ay naglabas ng kulay puting enerhiya patungo sa kalangitan. Ang mga villages ay nagkaroon kaagad ng isang malakas na force field na yari sa kaparehong liwanag na inilalabas ng obelisk.
"Anong nangyayari?" tanong ni Zaphro.
Nagulantang na lang sila dahil biglang nagkaroon ng pagyanig sa paligid. Agad nilang nakita na may tumamang dark orb sa barrier ng village. But at the look of it ay mukhang walang balak magpatinag ang bagong barrier ng bayan..
"Ngayon ko kailangan ng cooperation ninyo bata." tinig ni Kaizen na naririnig nilang lahat through mind link.
Kaagad na may mga platform na lumitaw paikot ng mga obelisk.
"That platform can only hold one player. By steping on it at maibahagi niyo sa akin main body ang inyong taglay na lakas." paliwanag muli ng tinig ni Kaizen sa kanila.
.
.
*Frontline*
"Sa tingin mo sapat na ang mga yan para pigilan ako Kaizen.?" nagsalitang muli si Chaos.
"Tama ng satsat, laban na!" biglang mabilisang sinugod nila Aero, Rowan, Akil at Sander si Chaos.
Pero para lang silang langam na pinagbabalya ni Chaos gamit ng skill nito. Pero paulit-ulit paring bumabangon ang mga kawawang GM at lumalaban. Maging ang dalawang AI na sina Heimdahl at Armagedon ay napalaban narin. Kahit papaano ay nakakatama din sila sa kaaway. Ngunit bakas parin sa mga mukha nila ang hirap. Duguan at parehas na ang mga itong nanghihina. Kahit ginagamot sila ni Kratos ay hindi parin sila lubusang nagiging maayos.
Hindi pa nasasaklolohan ni Kaizen ang mga kasama dahil nasa transformation phase pa siya gawa ng pagkakaugnay niya sa mga player na nakatapak sa stone platform na nasa mga village.
*Final Form Conplete!* ito ang nakita ni Kaizen sa VS niya.
Ipinadyak nito ang kanang paa upang magkaroon ng pagyanig. Gamit ng bilis ay lumundag ito pataas at ginamit ang kamao upang suntukin si Chaos. Ikinagulat ito ng mga kasama niya dahil mistulang naging sobrang iba na ang anyo at antas ng kapangyarihan nito kumpara sa dati.
GM Kaizen New Profile:
Name: (OMNI) Kaizen
Level: 300
Race: God
Class: Omnipotent
HP: 500,000
Mp: ∞
Sp: ∞
Def: ????
Type: Agility, Intelligence, Strength
Element: All Element
"Masama na ang lagay ninyo. Kratos alam mo na ang gagawin." nagsalita ito gamit ng isang pinaghalo-halong boses.
Tumango si Kratos dito at ijinumpas ang wand to create a teleporting circle. Balak niyang ilayo ang mga kasama sa frontline upang hindi na ito madamay sa mangyayari.
"Anong?... Hindi pwede to!" mariing tinutulan ni Akil ang gusto ni Kaizen pero kahit na anong gawin niyang alis ay hinihila parin siya ng mahika ni Kratos.
"Walang ibang dapat na madamay pa sa labang ito kundi ako lang. Hindi na kakayanin pa ng mga katawan ninyo ang shock.." sabi ni Kaizen sa kanila.
"Hoy tanda! Wag mong gawin to! Wag kang magdrama jan. Kaya natin ito ng tulong-tulong, ano ba?" sigaw ni Akil.
Kita naman ang lungkot sa mga mukha nila Aero at Rowan sa narinig. Samantalang nakatungo lang si Sander na tila tinatanggap na ang nangyayari.
"Akil, mag-isip ka. Magiging pabigat lang tayo kay Kaizen kapag ipinilit mo ang gusto mo!" mahinahong sabi ni Sander kay Akil.
"At ano? Wala tayong gagawin, ganon?!" bulyaw nito sa kasamang GM.
"Archangel Form!" sigaw ni Kaizen na biglang nagbago ng kaanyuan. Tinubuan ito ng dalawang pares ng pakpak na naglalabas ng aurang kagaya ng mga Sky Beast at Heroes.
Sinalag nito ang ibinugang itim na skill ni Chaos.
"Kratos, umalis na kayo!" utos nito kay Kratos.
"Paalam, kaibigan...!" mahinang wika ni Kratos bago sila naglaho at nalipat sa Village of Light.
Nagliwag pa ng mas malakas ang mga obelisk at crystal towers. Pero hindi lang ito ang nangyari dahil may isang simbolo itong iginuhit. Ito ay ang solomon's triangle. Ito ay ang seal na Triangle na may bilog sa gitna. See manong google for more info.
Ilang minuto ng nagpapalitan ng atake sina Kaizen at Chaos pero halatang nakakalamang parin si Chaos.
"Wala ka paring magagawa Kaizen!" sabi ni Chaos.
"Yun ang inaakala mo. Nakikita mo ba ang buong paligid Chaos.?" ganting sagot ni Kaizen.
Ng mabuo ang seal ay kaagad na sumigaw si Kaizen.
"Seal of Heaven!" ang seal ay biglang binalot ng triangular na harang ang buong paligid. Naipaloob dito ang tatlong main villages.
"Anong ginagawa mo?" bakas sa boses ni Chaos ang takot.
Ito ay sa kadahilanang naputol ang kuneksiyon nito sa labas at sa pinagkukunan niya ng lakas. Ngayon ay maaaring malamangan na siya ni Kaizen sa laban. Nagbunga narin ang pagmamatyag ni Kaizen sa kilos ni Chaos at natuklasan ang kahinaan niya.
"Kung ganon ay humanda ka Kaizen!" sigaw ni Chaos tapos lumipad pataas.
"Tatapusin na kita hanggang hindi mo pa ako nauunahan!" dagdag pa nito. Inilabas na niya ang madilim niyang aura at naghanda na para sa final attack.
....
.
.
.
"Village of Light"
"Bwiset! Ibalik mo kami dun Kratos!" nagsisiaigaw na si Akil.
Nakita ito nila Zaphro na bigla na lamang lumitaw gamit ng isang summoning circle sa sentro ng village malapit sa kanila.
"Hindi ko na magagawa yun Akil. Isang beses ko lang itong nagagamit sa isang araw." sagot ni Kratos.
Walang pag-aalinlangan na tinangkang wasakin ang harang sa kagustuhan nitong makabalik sa kinaroroonan ni Kaizen.
"GM Kaizen! Ano ng nangyayari dyan?" tanong ni Zaphro kay Kaizen dahil magkalink parin sila.
"Sabihin mo sa lahat na ipaubaya sa akin ang lahat nilang lakas!" sagot ni Kaizen.
.
.
"Frontline"
Nagkaroon ng isang higanteng void orb sa itaas na gawa ni Chaos. Sobrang laki nito na halos triple ng sukat ng mga naunang orbs. Mukhang ibinuhos na dito ni Chaos ang lahat-lahat.
"Galaxy Crusher!" ito ang isinigaw ni Chaos.
_____________
"Guys, itodo niyo na ang lahat! Kailangan ni GM Kaizen ng lakas natin." sabi ni Zaphro sa mga kasamang nakatapak sa platform.
__________
Walang takot na hinarap ni Kaizen ang papabagsak na skill ni Chaos gamit ng kanyang skill.
"Art Of Sealing: Heavenly Sigil!"
Nakataas ang dalawang kamay ni Kaizen at sinalo nito ang higanteng void irb ni Chaos. Gumuhit dito ang isang magic circle na tila nagmistulang harang. Nabalot nito ang halos kalahati ng orb at napatigil ito sa pagbagsak. May mga sampung hugis espadang bagay na lumabas sa seal at pinalibutan mismo si Chaos. It slowly radiates a suppressing energy and a blue sphere!
Binabalot nito si Chaos na tila ba ikinukulong ito.
"Malapit na.." mahinang sabi ni Kaizen.
Isang bilog na simbolo pa ang lumitaw paikot kay Chaos na ginuguhit ang kaparehong seal mark na Solomon's Triangle. Ngunit bigla ay may pagbabago ng kulay sa sphere. Nabahiran ito ng kulay itim ngayon..
"Grrrrrahhhhh!!!!" isang sigaw ang bumasag sa seal na nagmula kay Chaos.
"Mamatay ka na!" isang skill pa ulit ang binitawan ni Chaos na humalo sa unang skill na ginawa niya.
Dahil sa ginawang ito ni Chaos ay mabilis na naigupo ng skill niya si Kaizen. Itinulak siya ng orb papunta sa ibaba. Nawasak ang pangunahing pananggalang ni Kaizen at nagtuloy itong tumana sa lupa. Mabilis na bumababa ang HP niya..
"Hindi pa a-ako t-tapos! Hahhhhh!" sigaw ni Kaizen na pilit itinutulak pataas ang orb.
Tila naramdaman ni Zaphro ang matinding pangangailangan ni Kaizen ng Lakas. Kaya naman ay nakipag fuse na siya kay Gwydox at nagpalit sa kanyang final form. Inilabas na niya ang lahat-lahat ng enerhiya...
"Magaling bata!. Inihahabilin ko sa'yo ang lahat. Hanggang sa muli, Zeke!" ito ang huling nasambit ni Kaizen bago nagkaroon ng malawakang pagsabog sa kinaroroonan niya at ni Chaos.
.
***End of Final Chapter***
A/N: whew! Natapos ko rin tong bakbakan na ending!. NO EDITS AT THE MOMENT. Tamad ako eh..
FEEL FREE TO POST YOUR COMMENT (OR REACTIONS).
May Epilogue pa kaya hindi pa natatapos dito mga tol!
I'll post the epilogue soon!
Enjoy reading....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top