Chapter 8 (The Unexpected Terror!)
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015
Narration:
Sinimulan nang pasukin ng dalawa ang looban. Gaya ng plano ay iiwasan lang nila ang mga mobs. Inisa-isa nila ang bawal madaanang spot. Kinikilatis ang itsura ng mga mobs. Nakakatakot ang mga anyo ng mga mobs dito, may parang zombie, merong duguang bata at kung anu-ano pang gory creatures na sa horror movie lang makikita. Hindi napigilang panindigan ng balahibo si Slicer, nakakatakot naman kasi talaga. May mga aggressive sa mga ito at nanghahabol na mas lalong nakakatakot. Hindi naman sila nagagawang abutan ng mga ito. Wala parin silang nakitang boss sa paligid. Inisa-isa na nila ang mga rides at mga buildings. Isa na lang ang di nila napapasok at iyon ay ang malaking building sa bandang dulo ng Happy Land.
Walang kagatol-gatol na pinasok nila ito. Sa bungad pa lang ay may mga clown mobs na silang nakita. Evil Clown Level 60 may hawak itong dalawang pares ng gunting sa magkabilang kamay. Gaya ng iba ay mga duguan din ang mga ito at nanlilisik ang mga mata. Hindi nila ito magawang lampasan dahil napakaliit ng pintuan. Nakaharang ang halos 20 na mobs. No other option but to force their way in.
"Spinning Malice" tumira agad si Slicer ng skill niya. Level 3 na ang Spinning Malice niya kaya triple narin ang lakas. Nangalahati agad ang HP ng limang tinamaan na Evill Clown. "Frost Field" nag-cast naman ng AOE skill si Zaphro. Na-freeze ang karamihan sa mga ito at ang iba ay na one HIT. Nagkaroon ulit si Slicer ng opening para sa susunod na atake 'Vanishing Strike' sigaw niya sabay sa biglaan niyang paglalaho at paglitaw nito sa likuran ng isa sa mga mobs. Bigla-bigla na lang niyang inuundayan ng saksak ang mga mobs. Mabilis ang mga pangyayari, nagkakaroon ng parang split image kapag nakalipat si Slicer sa ibat-ibang monster location. Tumba agad ang lahat ng Evil Clown sa ginawa niya. Mastered na ang skill na iyon kaya halos hindi na makita ang bawat galaw ng katawan niya. Dagdag bilis rin ang stats na bigay ng dalawang Ring of Imortal sa kanya. Tiyak one-HIT ang isang mobs kapag tinamaan nito dahil sa weak spot ito pinatatamaan ni Slicer. Mastered narin nito ang passive skill na Spot kaya kitang kita niya ang weak points ng bawat monster na nakakalaban.
"Astig tol" sabi pa ni Zaphro.
"Ako pa!" pagyayabang naman ni Slicer.
Pumasok na sila sa loob at nagsimulang umabante. Dinudurog nila ang mga monsters na humaharang sa kanila gamit lang ng mga common skills. Hanggang sa may isang monster na nakatawag ng kanilang atensiyon. "Sa stadium pre. Ang boss na yan!" sigaw ni Slicer.
Nakita na kasi niya ang hinahanap sa gitna ng Stadium. Wala masyadong mobs sa paligid nito kaya halatang-halata ang presensiya nito. May hawak itong Rubics Cube na siyang primary weapon nito. Minadali agad nila Zaphro ang pagtalo sa mga mobs na kinakalaban. Agad na lumipad na si Zaphro upang sugurin ang boss. Hindi na siya nagdalawang isip pa, isang pamatay na tira agad ang ginawa niya. "Angelic Wrath!" sapul agad ang boss sa ginawa niyang atake. "Frost Field"
Hindi na niya binigyan ng pagkakataon na makabawi ang boss. Hindi na ito makagalaw sa ginawa ni Zaphro. Agad namang sumugod si Slicer dahil alam niyang ubos ang MP at SP ni Zaphro sa ginawang combo attack. 'Vanishing Strike'
Direct Hit uli ito sa boss, bagsak sa 50% ang HP nito at nababawasan pa. Agad siyang gumamit ng isang bagong weapon skill "Dark Flame Dragon" sigaw ni Slicer. Lumundag siya paitaas at biglang buong lakas na iwinasiwas ang sandata. Mula sa blade niya ay lumabas ang korteng dragon na apoy at nilamon nito ang boss. Nangangalit ang apoy na pinapakawalan nito. Patuloy na bimababa ang HP ng boss at hindi man lang ito naka-hit sa kanila. Nakabawi na si Zaphro sa nangyari kaya nag charge uli siya ng isa pang skill. Nagliyab ng bughaw na apoy ang espada niya nag charge iyon ng mga 1.5 seconds. "Engulfing Flame" ibinato nito ang skill sa kinaroroonan ng boss. Kasalukuyan parin itong nilalapa ng itim na dragon nang tamaan ng skill niya. Ngayon ay naghahalong itim at bughaw na apoy ang kumakain sa katawan ng boss hanggang sa nag-drop ang HP nito sa 0.
Parehong nanghihina ang dalawa dahil sa mga high class skill o SS ang pinakawalan nila.
"Level 100 Unhappy Clown has been slain by a party!" ito ang lumabas na general announcement.
"Party reward gold 80,000,000g
Item Drops:
Divine Pendant (3pcs. Epic Item)
Titannium Alloy War Set (Rare Armor)
Molten Axe (Rare Weapon)
Crystals:
40 pcs. Jade Crystal
40 pcs. Ruby Crystal
40 pcs. Amethyst Crystal
40 pcs. Emerald Crystal
20 pcs. Diamond Crystal
Unique Item Drop:
Blue Sky Egg (Epic)
Grey Terra Egg (Epic)
Cape of the Divine Guardian (Back Item Epic)
Ito ang rewards na nakuha nila sa boss. Maraming item drops ang boss dahil narin sa lucky item ni Zaphro na Ring of Faith. Malaki ang percetage rate na magkaroon ng Rare to epic items ang mada-drop ng mga monsters kapag naka-equip ito sa isang player.
Natural ay pinaghatian uli nila ang mga items. Ang set at weapon ay hiningi niya kay Slicer dahil may pagbibigyan daw siya nito. Ang crystals naman ay pinaghatian nila dahil magagamit ito upang makabili ng item upgrader. Napunta ang blue Sky egg kay Zaphro at ang Terra egg naman ang kay Slicer.
Ipinaubaya na ni Zaphro kay Slicer ang back item para may fligh ability narin ito. Ang pendant naman ay tig-isa sila at ang isang natitira ay ibibebnta nila para dumami pa ang gold nila. Nakalagay lang muna ang mga items na iyon sa inventory nila. Nakangiti ang mga ito dahil walang kahirap-hirap nilang natalo ang boss. Paalis na sana sila ng biglang nagbago ang ambiance sa paligid. Tila may panganib na nag-aabang.
"Nararamdaman mo ba tol?" tanong ni Zaphro.
"Oo pre. Kinakabahan ako!" sagot ni Slicer.
Mula sa likuran nila ay may kun-anong lumabas. Mabilis ito at walang kaabog-abog na binalya silang dalawa dahilan upang tumilapon sila sa malayo. "Ahhhgggg!" ang tanging narinig mula kina Zaphro. Critical HIT ang dalawa na kapwa nasa 20% ang HP. Pulang-pula ang HP bar nila. Dama nila ang sakit at pagkahilo sa sobrang lakas na tumama sa kanila.
Nilingon nila ang may gawa nito, laking gulat nila dahil may dalawang mobs silang nakita.
Hellbound Seraphine
Wala itong level indicator nang tignan nila. Kasing laki lang ito ng player at may anim na mahahabang pakpak. Itim ang buong kasuotan nito at namumula ang mga mata. Dalawang ganito ang sumalakay sa kanila. Ngayon ay nakatayo lamang ang mga ito sa dating spot ng boss pero alam nito na nandoon sila. Nagsimulang magpalabas ng skill ang dalawang UNKNOWN mobs, itinutok nito ang mga palad nito sa kanilang direksiyon at maya-maya ay nilamon sila ng nakakasilaw na pulang liwanag na tumama sa kanila. Skill yun at ang tanging alam nila ay tiyak sa respawn area ang bagsak nilang dalawa. Biglang nagdilim ang kanilang paningin bago nawala ang kanilang malay.
"Supernova Blast" ito ang skill na pinakawalan ng dalawang Unknown Monster.
Hellbound Seraphine
Level Unknown
HP: 1,000,000
Def: 70,000
No DATA available
(Rummors said that these monsters are powerful that Category Boss monster. Also known as player Assasinator. No exact spot in any maps. No player has ever suvived or even inflict damage on the said mobs.)
Oh ayan. complete na ang chapter nato. Till next update.
Chapter 9 (Identity Revealed)
@Theo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top