Chapter 7 (Who are they?)

 All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015

Narration:

      Naactivate ang isang system event nang matalo ang isang Epic Boss category monster. Ito ay sa kadahilanang ang bawat isa sa anim na Epic Boss ay susi upang makapagbukas ng isang event, mystery NPC, at kung anu-ano pa. Anim ang tinaguriang Epic Boss sa buong mapa ng Meldivar at isa nga dito ang Level 100 na si Mermidion. Isa sa mga epic boss na ito ay ang siyang makapagbubukas sa Hiden Realm o sa second dimension ng game na EOP. Ang event naman ngayon ay ang Pitboss Marathon kung saan ay magsisilabasan ang lahat ng mga common bosses ng game sa lahat ng maps na nasa Meldivar. Ngunit hindi included ang mga Epic Boss Categories dahil palipat-lipat sila ng location. Naka-format ito ng ganon para madagdagan ang thrill na maeexperience ng mga gamers.

     Isang araw nang nagsimula ang event at mas lalong dumami ang mga naka OL na players. Laman ng mga usap-usapin na may dalawang players daw na nakatalo sa Epic Boss ng walang tulong ng ibang players. Binansagan silang Black Shadow at Blue Lightning. Hindi masyadong nakita ng mga saksi ang mga mukha pati ang IGN ng mga ito. Ang tanging malinaw lang sa mga ito ay kulay itim yung isa at blue armored naman ang isa na may parehong di masukat na movement speed. Sabi pa ng ilan ay mga halimaw daw ang lakas ng mga ito dahil nagawang paglasog-lasugin ang katawan ng boss sa isang tirahan lang. Marami pang chismis ang kumalat at ito ay usap-usapan kahit sa outside world.

     Nakarating narin ito sa kaalaman nila Slicer at Zaphro kaya naman matindi and pag-iingat na ginagawa nila. Hindi sila namamalagi sa isang mataong lugar gaya ng mga village. Nagsusuot din sila ng black cloak para di agad sila makilala ng mga players. Maaari kasi silang huntingin ng ibang players sa ginawa nila. Kaya naman para makasiguro ay pumunta sila sa isang NPC at pina-bind ang mahahalagang item na meron sila. Ang pina-bind ni Zaphro ay ang mga rings at ang armlet lang niya. Character bound na kasi ang Armor, wing at weapon niya. 30M ang gold na nagamit niya para sa anim na item na iyon. Samantalang si Slicer ay halos namulubi sa mahal ng nagastos niya. Lahat ng items niya ay kanyang pina-bind. Mga 11 items lahat kaya gumastos siya ng 55M dahil 5M kada isa. 6 million na lang ang gold niya sa inventory dahil doon. Ang Crystals naman ay pinag-hatian nila dahil mahalaga din iyon sa game. Dalawang ring of imortal at dalawang armlet of imortal ang mga accessories ni Slicer lahat yun ay character bound na. Mataas na stats ang dagdag ng mga iyon sa kanya. Iyon na kasi ang pinakamalakas na accessory item ng game kaya isang kayamanan yun sa kanya. Sa kanya rin napunta ang isang Set ng Armor of The Death God at ang Black Flame Sword na may attack damage na 2500-3000, kasinlakas ito ng sandata ni Zaphro na ancient reaper. Ang kaibahan nga lang ay black ang kulay ng apoy ng espada niya at ang kay Zaphro ay pinaghalong Ice at Cold Fire na kulay blue two elements ang taglay nito. Kung ihahambing ang kanilang lakas na dalawa ay tiyak mas malakas parin si Zaphro dahil sa Angelic Class ito nabibilang.

"Tol, mukhang ang ang lalim ng iniisip ah?" sabi ni Zaphro sa kaibigan. "Kung iniisip mo ang gold mo makakaipon karin uli nun!" dagdag pa nito.

"Hindi naman ganun ang iniisip ko ah, loko toh.! Iniisip ko lang kung anong susunod nating gawin. Kasalukuyang may event ngayon, sasali ba tayo?" sagot nito.

"Eh ano pa ba naman diba. Isang linggo din ang event kaya marami pang oras. Para ma-clear ang Meldivar map kailangang mapaslang ng mga common boss. Pero mukhang konti pa lang ang mga malalakas na players dito sa game." sagot nito sa tanong ni Slicer.

"Kahit naman tayo eh, kailangan pang magpalevel 3rd sub-class pa lang ang nakukuha natin. To reach our potential we need to be level 80." paliwanag ni Slicer.

"Malakas na tayo kahit low level pa lang tayo. Yun ang sigurado ako tol, nakaya nga natin ang Epic Boss diba?" paninigurado ni Zaphro.

"Swerte lang tayo sa luck item mo. " sagot ni Slicer sabay tawa.

"Maiba ako, napapansin mo ba ang mga dark area ng Game Map?" pag-iiba ng topic ni Zaphro.

"Oo, ano bang meron diyan?"

"Ito ang mga unexprored area ng Meldivar. Ibig sabihin wala pang player na nakapunta doon. Maaaring may mga Boss sa area na ito na wala pang nakakakita." sagot ni Zaphro.

     Nakuha agad ni Slicer ang trip ng kaibigan. Balak nito mag-hunt ng boss sa unexplored area ng mapa. Sa ganitong paraan walang saw-saw o solo nila ang boss. Malaki rin ang tiyansa na mga Epic Boss ang ma-hunt nila. Pag nagkataon ay baka mabuksan ang daanan papuntang Hiden Realm. "Gets ko na pre." sabi ni Slicer

"Dito tayo magsimula." dagdag ni Zaphro sabay turo sa location sa virtual map.

"Dito lang malapit yan sa village niyo. Go na to." tumayo si Slicer at umaktong parang excited sa gagawin.

     Ang lugar na tinuro ni Zaphro ay di kalayuan sa village mga 20 minutes lang silang tumakbo para marating ang lugar.  Isang malaking gate ang sumalubong sa kanila. "Welcome to Happy Land" iyon ang nakasulat sa itaas.

     Mukha itong horror version ng  Enchanted Kingdom. Nakakatakot ang lugar na balot pa ng fog at umaambon ang kalangitan sa parteng ito ng mapa.

"Baka may multo dito!" mahinang sabi ni Slicer.

"Bakit, takot ka ba sa multo tol?" tanong ng kaibigan.

"Ah, eh,. hindi naman." pagsisinungaling nito.

"So, what are you waiting for golets na!" nangingiting paanyaya ni Zaphro.

Bigla na lamang kusang bumukas ang malaking gate. "Ito na nga bang sinasabi ko eh." bulong ni Slicer.

"Anong sinabi mo tol?" tanong ni Zaphro.

"Wala, pasok na tayo." at humakbang na ito ng una papunta sa loob. Nang makapasok na silang dalawa ay nilingon ni Slicer ang gate. Laking pasalamat niya ng nanatili itong bukas.

Ang location kung nasaan sila ngayon ay ang Happy Land. May difficulty itong Level 45-65. Mayroong Boss sa lugar na ito ang Unhappy Clown, isa ito sa mga common boss na na-summon ng special event. Ito ang information nang muli nilang tinignan ang game manual. Kusang nag a-update ang manual kung narating ng isang player ang isang unexplored area ng map.

"Ayos, solo natin ang boss dito." excited na sabi ni Zaphro.

"Ang laki ng lugar na ito. San natin hahanapin.?" tanong ni Slicer.

"Basta. Iisa-isahin natin ang mga spot dito hanggang papasok tayo sa looban. Tiyak nasa tagong spot iyan sa loob." sabi ni Zaphro. "Takbo at dodge lang  ang gawin natin sa mga low level mobs. Madali naman sigurong makita yun dahil naka-clown costume. Tiyak malaki din yun at agaw pansin." dagdag pa nito.

Maayos nilang pinagplanuhan ang bawat move nila. Planadong-planado nila ang gagawin.

Ang mahanap at mapatay ang Unhappy Clown.. Yun lang ang objective!

"Laban na!" sabay nilang sigaw at nagsimulang tumakbo papasok.

Category Boss
Level 100 Unhappy Clown
HP: 40,000/40,000
DEF: 6,000
Gold Reward: 80,000,000
Item Drop:
rare crystals (5 kinds)
epic to rare eggs (Pet/ride/courrier)
Divine Pendant (Ultra-rare)
Common to Rare Armors Set
Slight possibility of dropping back item (Wings/Cape/Jet booster)

End of Chapter

Till next update.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top