Chapter 39: Level 300 Player Reaper

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015

[Dark AI]

"Zeke's POV"

       Di ko na namalayan ang mga araw na lumipas kasi nga ay sobrang naging abala ako sa paaralan. Wala rin akong ganang mag online kasi nga nasa recovery pa si Gwydox. Six days na mula nung huli akong nasa game, ano na kayang balita dun?

       Kinukulit ako ni Dan at ni Accel nung mga nakaraang araw na samahan sila pero lagi akong nagdadahilan. Pero ngayon mukhang naubusan na ako ng idadahilan dahil alam naman ni Dan na marami na akong free time ngayon. Diba nga magkaklase kami? Haha.....

"Oo na, sasama ako mamaya sa game. Invite nyo narin ang iba para madami tayo." sagot ko kay Dan.

Nasa sector 8 kami ngayon, dito sa isang pamilihan ng mga game consoles at data chips. May bago kasing console ng EOPH na inilabas ngayong araw. Para kasi ito dun sa bagong patch upgrade ng game. Naka-load na dito ang mga bagong updates at modifications. Bukas ila-launch ang new version kaya maraming excited at dagsa ang mga players dito sa mga gaming stores.

"Grabe bukas na yung bagong game patch! Nakaka-kaba naman.!" narinig kong sabi ng lalaking nasa likod ko.

"Ano bang meron sa new game modifications?" medyo napalakas kong sabi. Kaya naman ay nakuha ko ang atensyon ng karamihan.

Tumitig lang sila sa akin na para bang ina-identify ako.

"Teka lang......" nilapitan ako ng isang matangkad na lalaking may mahabang nakatirintas na buhok sa likod. "You seem familiar. Hmmm!" sabi nito at napatingin ang mata sa taas.

"Ikaw si, Z-zaphro diba?" ok na sana eh kung hininaan lang niya. Kaso medyo napalakas.

       At hayun nga at medyo naging magulo sa loob ng shop. Hindi po ako artista pero bakit ganito tong mga to. Halos malukot na damit ko sa ginawa nila. Ang resulta eh napauwi ng wala sa oras... hayy naku mga gamer nga naman sa panahong ito.... :|

*********-†††***********

"Grabe tol! Nakita mo ba yung isang chick kanina. Ang ganda at ang sexy!" biglang bulalas ni Dan nang makarating kami sa pad ko.

"Manahimik ka nga dyan tol, puro chicks yang nasa utak mo." saway ko sa kanya.

"You can't blame me... Sikat tayo eh!" binigyang diin pa niya yung SIKAT daw kami.

"Kumain na nga lang tayo gutom lang yan."

Pumasok na ako sa kusina at iniwan si Dan na nakaupo sa living room ng pad at nanonood ng TV.

"Lights On!" sabi ko sa katamtamang boses para magbukas ang ilaw ng kusina.

Naghiwa ako ng mga gulay at nagsalang narin ako ng hotdog. May nakaprepare ng kanin sa cooker so no need nang magsaing. Nang matapos maghiwa ay binuksan ko ang fridge upang kumuha ng maiinom. Orange juice lang ang kinuha ko at nilagay ito sa lamesa.

        Ginisa ko ang mga gulay at hinintay na maluto ang hotdog bago ito i-serve.

"Hoy Dan, kakain na." tawag ko dito.

       Mabilis naman itong nakinig at sumunod sa dining area.... Habang kumakain ay panay ang kwento niya sa mga nangyari sa kanila ni Accel sa loob ng game nitong mga nakaraan. Dun lang pala sila sa Lost Village nagpalevel. Nadako raw sila sa isang templo na kung saan ay may mga nagkukutang mini-boss at isang boss category monster. Dahil dalawa lang sila ay nahirapan silang harapin yung boss. Kinailangan pa nilang takbuhan ang boss. Nangalap ng mga party members sa town at bumalik sa area ng full-party.

"Mukhang nag-enjoy kayong dalawa ah." sabi ko.

"Oo naman! Pero iba parin kapag kayo ng tropa ang kasama namin." huminto ito sa pagsasalita upang uminom ng juice.

        Marami pa syang sinabi sa akin, kabilang na dun ang game anomaly at ang upcoming patch. After eating and cleaning the mess ay nagpasya na kamig mag log in. Tumawag muna kami sa iba para maabisuhan sila.

******†††******†††******

In Game.......

Doon ako nag-appear sa Town square ng Lost Village. Wala nang bakas ng naganap na laban dahil naghilom na ang mga sira sa terrain. Maaga pa naman, 1pm pa lang kasi. Sabado kaya walang pasok.

»Nasaan na kayo?«

Nagpadala ako ng personal message kay Slicer.

»Frontier«

Sagot nito sa akin.

»Ok, TP ako jan.«

        Pero bago ako gumamit ng TP scroll patungong Frontier ay binuksan ko muna ang inventory ko. Doon ko nakita ang mga bagong items na nakuha ko sa special AI.

"Chaotic Box (special)" Ano naman kaya laman nitong box.

Pinili ko ang box at pinindot ang ok button to open it. At laking pagtataka ko dahil hindi lang isang item ang laman nito. Anim na random Chaotic Items. Untradable at character bound ang bawat isa. Ibig sabihin I can't sell it, drop it or trade it to another players.

Oh my shomayyyy! E, ang lalakas ng mga ito ah!? Joke ba to?

A:N-- malamang hinde!...

"Ay author bakit ka nakisali?"  Zaphro.

A:N-- kinakausap mo kasi sarili mo. para kang ewan dyan.

"Ay sorry naman. Di na uulitin." Zaphro.

A:N-- ok sige alis na ako ha.

       Napukaw ang pansin ko ng isang chaotic item. Masuot nga ito.

******††******††******

       Nang makarating ako sa frontier ay napatingin agad ang karamihan sa mga naglalakad na players doon. Tila huminto ang oras nila nang makita ako sa bagong item na equip ko. Dahil dito ay mas gumaan ang pakiramdam ko at pakiramdam ko mas mabilis ako kumpara sa dati.

Nang slilipin ko ang aking stats ay umaabot sa 60,000 ang maximum HP ko at may dagdag na 2500 ang movement speed ko at 1500 sa dodge. Wow lang ha...

"Uy tol, ano yang gamit mong wings? Ang bangis ng porma ah, pang demon na talaga." sabi ni Slicer.

"Wow, ang gara ng wings oh!" dinig kong sabi nung ibang players.

"Yan ba yung drop ng special AI?" tanong ni Verillion.

"Oo, tol... Chaotic Wings (Wings of Satan)." sagot ko.

Dinig ito ng lahat kaya nagulat sila. Marami rin pala ang walang alam patungkol sa mga chaotic items. Marami tuloy nagtanong kung sa anong monster ko ito nakuha. Siyempre sinagot ko sila ng totoo...

Hinintay pa namin si Ayana at Xavier dahil wala pa sila. Nakatayo kami ngayon sa harap ng north gate sa Frontier. Kitang-kita namin ang isang malawak na kakahuyan sa malayo. Ang Forest of Enderham kuta ng mga rare monsters dito.

"Hey, ano yun?!" biglang sigaw ng isang warrior na may brown armor.

       Tinignan ko ang tinuturo niya, para yung maitim na ulap na papalapit sa main village. May mga dala itong kidlat at wind cones o tornados. Sa ngayon ay nasa area pa ito ng gubat pero mabilis ang pag-usad nito patungo dito.

"Hala! Ang Dark Matter Cloud!" bulalas ng isang babaeng archer sa likuran ko.

       Dumating narin sila Ayana at Xavier at nagulat din ang mga ito sa nakikita. Ano na naman kaya ito?

"Get ready everyone! Dito papunta yan. Mga newbies, take shelter sa mga taverns. Wag kayong lalabas." bigla ay utos ko sa ibang mga players.

Kung anuman to, tiyak kong hindi maganda........

       Nagmadali na ang iba sa pagtatago sa mga NPC houses para maiwasan ang storm. Invulnerable kasi ang status ng mga ito. The other players stayed outside at nakikiramdam lang.

"Ang lawak ng area na sakop nito Zaphro. Paano natin ito iiwasan?" tanong ni Ayana.

"Di ko alam. Pero alerto kayo at dikit lang sa mga NPC houses at yung malapit sa respawn area para sa safety natin."

Narinig yun ng lahat at tumango lang sila... Pinutol ng isang matalim na kidlat ang aming pagpaplano. Tumama ito sa mismong harapan ng gate. Tila natuon ang aming atensiyon sa isang lumulutang na dark cloud sa itaas. Pansin din na huminto sa pagalaw ang mga dark matter cloud at napirme sa kinaroroonan nito.

       Ang akala naming nakahiwalay na dark cloud ay biglang nagbago ng anyo. Sheet na malagket! Ito yung parang si kamatayan ah. Dun sa extinction forest.

"Ano uri ng monster ba yan?" nagtanong na ang iba pang mga players.

.

Monster Details:

Level 300 Player Reaper [Legendary Boss]

HP: 1,000,000/1,000,00
Def: 100,000/100,000
MP: ∞
SP: ∞
Movement Speed: 8,000/8,000
Evasion: 5,500/5,500
ATK: 50,000/50,000
Critical ATK: 80,000/80,000

Ito ang nakita naming information tungkol sa monster na ito. Nahintakutan tuloy ang karamihan na nandito... Sino bang hindi takot e 1 hit kami nito kapag tamaan kami.

Nagpapanic na ang iba at nagsitago sa mga NPC houses. Nakadungaw ang ilan sa mga low level sa mga bintana at glass doors. Pinapanood nila kami mula rito ng may pag-aalala.



"Guys, if you want to take shelter sa mga NPC tavern maiintindihan ko." sabi ko sa lahat hindi lang sa mga kaibigan ko.


"Hoy wag kang madrama jan. Hindi ka namin iiwan mag-isa dito uy!" si Slicer.

"Oo nga kuya! Hindi cool kapag iniwan ka namin dito." si Accel.

Ngumiti naman sila Ayana , Verillion at Xavier sa akin. Na touch naman ako!

"Lalaban din kami Sir!" sabi nung isang player.

"Oo nga, kami din. Di ka namin iiwan dito." sabi naman nung isang girl archer na maraming kasamang ka-guild yata nya.

        Sunod-sunod nang nagsabi ang iba na lalaban din sila......

Bigla bigla namang may ilang mga players ang dumating sa magkakaibang direksyon. Dalawa ay mga Human Blademaster class. The third one was an Elf at sa anyo nito ay malamang elemental caster. Pero teka kilala ko tong mukhang to ah.

"K-kaito?" bigla kong bulalas sa pangalan niya.

"I-insan?" tanging sagot niya.

Magsasalita pa sana ako kayalang ay nakaramdam ako ng isang skill signature. Mabilis ang pinakawalang Electro Vortex ng boss at muntik ko nang di mailagan.

Umuusok pa ang mga paa ko sa sobrang bilis na aking pagkilos ng muli akong tumayo. Nawasak ang malaking gate nang tamaan ng skill niya at nagkaroon ng malawak na sira-sirang bahagi sa lupa.

Whew! pinagpawisan ako bigla ah. Kakayanin ba namin to? Isang perfect boss ang kaharap namin! Ano na?



.

End of Chapter......

Nga pala guys! Announcement lang po.... SINO DITO SA INYO ANG NAGBABASA NG

(GRAY BURST ONLINE) ni Blannkk?

Nabura kasi yun sa wattpad at sinusulat muli ng author....

New tittle po nito ay:

††Silver Tale Online††

si Blannkk parin po ang author nito.

Check niyo po ulit sa works niya ha....



Last two chapters na lang at SEASON 2 na tayo! One more Extreme Action scene ang magaganap po kaya antabayanan ninyong lahat.

Makakaya kaya nila ang Legendary Boss na ito?

Nasaan ang mga GM bakit hindi sila nakikialam sa mga nagaganap na ito?

Enjoy Reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top