Chapter 37: The Rain Maker
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015
"Dan (SlicerDM) POV"
Lumipas ang dalawang araw magmula nung huli kaming nag online sa EOPH ay naging abala kami sa mga gawaing pampaaralan. Si Zeke ay naging busy sa tungkulin niya sa student council. Mukhang dinamdam nya yata ang nangyari kay Gwydox. Grabe naman din kasi yung nangyari, kung minalas ay baka wala na ngayon si Gwydox.
Minsan ay nagkakaoras akong mag online tuwing gabi. Wala lang, parang parte na kasi ng buhay ko ang EOPH. Nakikibalita lang ako sa tuwing napupunta doon. Gaya kagabi, sa town lang ako naglakad lakad at paminsan-minsan ay nakikihalubilo sa ibang players. Mas lalo pang lumala ang balita tungkol dun sa dark matter cloud. Marami na daw ang nabiktima nito sa loob ng isang araw. Marami na ang nakakita nito na kadalasan mga newbie players. Now I'm surfing the internet, I logged in sa official website ng EOPH at may post doon na kinumpirma na totoo ang napapabalitang dark matter cloud. Ito ay galing mismo kay GM Aero na syang online ngayon.
Ayon dito isa daw itong game dimension anomaly. Parang bug na unstable at unpredictable. Ang mga players na nabiktima nito ay nakaranas ng mild nervous breakdown. According to the test ay inaatake ng bug na ito ang parte ng central nervous system kung saan nandoon pino-proseso ang mga emosyon.
Hindi naman daw permanent ang epekto sa katunayan nga ay maayos na ngayon ang mga nabiktima pero ang mga accounts nila ay nabura sa system. They have to start again from scratch kung gusto nilang maglaro ulit.
Nakipag chat din ako kay GM Aero at nagtanong ng ilang mga bagay. Tungkol sa mga AI mobs, at pati narin sa mga items na kakaiba. Naitanong ko rin ang tungkol sa Chaotic Items.
Ito daw ay sobrang rare at may napakaliit na chance na mag-drop sa mga epic boss at boss monsters. 35% lang din ang chance na ma-drop ito sa isang Special AI.
These items are considered dangerous or forbidden. Kasi ang mga ito ay mga prototype weapons na hindi naperfect during weapon creation. Ito ang mga items ng game world na bunga ng maliit na pagkakamali ng mga creators. Hindi na ito pwedeng sirain o i-delete dahil nga sa pinaghalong data at actual materials ang mga ito.
Naunawaan ko rin ng maayos ang lahat. Kaya pala may mga mobs na sumasabog at nagiging bits of data at yung iba ay hindi at bumabagsak lang sa lupa. Blood dripping at nagkakaroon ng masamang amoy and sign of decomposition.
Ang mundo ng EOPH ay totoong mundo rin. Pinapalabas lang ito na parang virtual game environment dahil sa dito ginaganap ang larong enigma. Sobrang galing talaga ng mga makabagong scientist sa era na ito dahil nakagawa sila ng kakaibang mundo using technology.
.
Sobrang dami kong natutunan ngayon ah. Grabe... buti di nag overload ang utak ko.?
.
Nasabi din sa akin ni GM Aero na may system upgrade na magaganap next week. Bagong game patch kung saan bubuksan ang EOPH for converted player accounts.. Kadalasan sa mga ito ay ang mga sikat na VRMMORPG games noon. Gaya na lang ng Another World Online(AWO), Gray Burst Online (GBO), Eurpodiux Online, Cyber World Online (CWO), Chaos World Online, Heroes Quest Online at marami pang virtual online games.
.
Inaasahang maraming mga malalakas na players ang magpapakita sa EOPH after the new patch. Expected na dito ang mga max leveled players na may mga unique skills. At mga the best of the best sa mga larong pinanggalingan nila.
.
Bigla akong kinabahan dun ah. Di pa kaya kami umaabot sa maximum level na level 200. Sa ngayon ay nasa level 104 palang ako. Hindi naman sa nag-aalala akong masapawan kaya lang ang level kasi ang nagdidikta kung maipagtatanggol mo ang iyong sarili sa game. Sa monsters man o sa mga PK players. Ganito naman talaga sa mga ganitong laro, palakasan at pataasan ng level.
.
Kapag mataas ang level mo you will gain respect and honor. Marami din ang makikipagkaibigan sayo. Kaso nga lang maaari ka ring maging target ng ibang mga players dahil sa mga malalakas mong item na maaaring ma-drop kapag na-pk ka kung hindi ito character bound.
.
Before 10 pm ay natulog na ako mahirap nang mapuyat baka malate ako sa school bukas...
******†††******
Kinabukasan ay nakausap ko ang iba kasama si Zeke. Lahat naman sila ay mga enthusiastic naman sa nalaman. Pwera nga lang doon sa RainMaker. Ito yung tinawag sa anomaly na nagaganap sa loob ng game. Sabi pa ni Daniel (Verillion) ay ginagawan na daw ito ng sulusyon ng game administrators. Sabi din ni Jenson (Xavier) na nagiging busy daw ang Dad niya dahil sa balitang ito, late na ngang nakakauwi galing sa GEASS Technological Corp.
.
Sabay na kaming nag lunch sa mess hall bago bumalik sa aming mga klase. Marami parin kaming mga proyekto at sila Mia(Ayana), Zeke(Zaphro), at Daniel(Verillion) ay may mga club activities pa. Kaya hindi sila makakasama sa amin sa game mamaya. Kasama ko lang ay si Accel kasi si Jenson may date daw mamaya.. Sila Manuel(Aryus) naman at ang iba ay busy sa bar ngayong gabi...
******------******
By six in the evening ay nakauwi na ako sa bahay. Kumain lang ako ng kaunti kasabay nila mama, papa at ng bunso kong kapatid tapos umakyat na ako sa kwarto. Tinawagan ko muna si Accel para magsabay na kaming mag log in.
.
In game......
Nag appear ako sa last area na kung saan kami nag log out nung nakaraan. Dun yun sa village kung saan nakaharap namin yung special AI. Natakot naman ako bigla dahil baka nag respawn na uli ito. Buti na lang pala at naalala ko na hindi na nga pala nagre-respawn ang mga AI mobs. Haayyy! buti na lang... Kumabog dibdib ko dun ah.
.
Dumating naman si Accel na ikinakampante ko. Malakas din kaya ito, same class ni Zaphro na fallen angel. Astigin din!
"Kuya san tayo ngayon?" biglang tanong nito sa akin.
"Ewan, dito na lang tayo." di ko alam kung saan puounta eh.
"Abnoy! Wala namang monsters sa area na ito." napaisip bigla si Accel. "Aha! Doon na lang tayo sa cave malapit dito. Diba subdivided ang village na ito sa tatlong sector."
"Oo, p-pero..." maang kong sagot. Kainis naman kasi eh bakit sa kweba na naman. Last time na pumasok ako ng isang kweba hinabol kami ng isang boss.
Nakita kong nauna nang maglakad si Accel. Iwanan ba ako? Nilabas ko si Arcanus ko at dito na sumakay. Mabilis kaming nakasabay kay Accel.
"Sa tingin mo may mobs ba dun?" tanong ko.
"Siguro..." ito lang ang sagot nito.
Malayo pa lang ay tanaw na namin ang entrada ng kweba. Medyo malaki ito at mayroon pang dalawang torch na nakasindi. May mga kakaibang markings ang mga nakaukit sa gilid ng pasukan. Hindi ko mabasa.. Hindi kami nag-atubiling pumasok sa loob.. Nakailang metro pa lang kami ay may mga monsters na agad na sumalubong sa amin. Mga level 100 Ancient Caveman. Mga melee monsters lang sila na walang hawak na anumang weapon. Kaso makunat at mataas ang dodge rate. Mabilis din mag regenerate ang mga ito pero mabagal.
"Sword Explosion!" tinamaan agad nito ang apat na nakaharang sa daan ko. Si Accel naman ay kinakalaban ang limang monsters.
"Shadow Grip!" isang binding skill ito using shadow ngunit may damage na 1,500 HP per second.
Nag-normal lang si Accel gamit ng long range card ability niya. Dahil sa mataas ang accuracy ratw niya at aiming ay na 1Hit ang limang caveman nang tamaan ng mga baraha sa noo. Napalundag pa si Accel pagkatapos.
"Vanishing Strike!" tinapos ko narin sa skill na iyon ang mga mobs na kaharap ko.
Umusad kami papasok. This time ay ibang monsters na naman ang sumalubong sa amin. Nasa isang malaking dome like area kami ngayon kaharap ang mobs na Malevolent Spirits Level 110. May mist-like body ang mga ito at parang hawig sa killer ng pelikulang SCREAM! Yung may maskarang nakakatakot with black hood toga.
Sinalakay ko kaagad ang pinakamalapit sa akin gamit ng espada ko. Pero laking gulat ko nang tumagos lang ang espada ko sa katawan nito.
"Ha, how did that happened?!" sabi ko at mabilis na umatras.
Naging aggressive naman ang pet kong si Arcanus at nagpakawala ng mahinang ungol. Bigla ay lumundag ang dalawa sa mga mobs patungo sa amin. Nagbitaw si Accel ng skill pero tumagos lang din ito at tumama sa pader ng kweba.
May mga hawak itong sibat at ito ang ginamit nila upang salakayin kami. Mabilis naming inilagan ang dalawang yun at muling nag-counter attack pero kagaya lang din ng kanina ay hindi kami tumatama.
"Ano ba naman?!" naiinis na wika ni Accel.
"Ewan ko, passive yata yun." sagot ko.
Sumalakay ang pet kong si Arcanus, gumamit ito ng flame vortex sa pinakamalapit na malevolent spirit. And I thought hindi tatama pero tinamaan nito ang target at tumalsik sa malayo.
Tumira naman si Accel ng isa pang skill. "Dark Void"
Pero ganon ulit ang nangyari, walang epekto sa mga mobs. Kaya nung umatake ulit sila ay umilag na lang kami. Nalilito ako, passive skill yun pero kailangan naming malaman ang limitations nito. Dumaan ang ilang minuto at parang nag trial and error lang kami ni Accel.
.
Salamat na lang at naintindihan din namin ang passive skill ng mga ito. "Accel ngayon na!" sabi ko sa kanya.
"Sigeh ba!" nagbato siya ng limang cards patungo sa limang natitirang monsters at gaya ng theory namin ay tatagos lang ito. Huli kayo! napangiti ako sa naisaisip.
"Vanishing Strike!" agad akong naghyper speed at sabay-sabay silang pinatamaan ng skill na iyon. Tama ang aming analysis... May gap kung saan nagiging vulnerable ang body nila. Three seconds pa uli sila magiging invulnerable after ng unang attack. Decoy lang ang mga cards ni Accel para gumana ang passive nila at magkaroon ako ng chance to strike.
"Yeah!" napahiyaw ako matapos kong ma-kill ang mga mobs.
Nag hi-five pa kami ng pinsan ko sa tuwa. Buti na lang matalino kami!
Ang drops ng mga ito ay mga map scrolls, mga common weapons and armors. At 150,000 g kada isa... May xp din kaming nakukuha kaso kaunti lang kasi nga nasa party kami ni Accel.
Pinasok namin ang isang maliit na yungib sa unahan at nang marating namin ang dulo ay tumambad sa amin ang isa pang malawak na espasyo. But this time walang monsters dito, at kapansin-pansin na may maliit na lawa sa gitna nito.
"Hala! Ano naman yun?!" bigla kong tanong sa pinsan ko.
Nakakita kasi ako ng isang maliit na platform kung saan may umiilaw na magic circle at tatlong nakausling poste. Parang hawig sa portal patungong Helliopolis map. Pero iba lang ang kulay nito. Kulay blue ito samantalang medyo dark yung sa Helliopolis.
"Portal yata kuya!" napalingon sa akin si Accel.
"Portal para saan?" mahina kong sabi.
"Hindi natin malalaman kung tatayo lang tayo dito." at kasabay nito ay hinila ako ni Accel patungo doon sa platform.
"Uy teka lang...." sabi ko. "Baka dalhin tayo niyan sa lugar na may malalakas na boss!" pero hindi nakinig sa akin si Accel.
Nakatapak na kami sa platform at sa iilang saglit ay nag-uumpisa na kaming malipat sa ibang lugar...
Hay naku bahala na nga!
Bumalot ang nakakasilaw na liwanag dahilan para mapapikit kaming dalawa. Nang nawala ang nakakasilaw na liwanag ay unti-unti na naming naaaninag ang paligid. Ano to? Bakit nandito kami sa lugar na'to?
I-isang...... i-iisannng----
.
.
End of Chapter.....
CliffHanger ba talaga? hahaha...
Ano bang nakita nung dalawa?
Saan sila dinala ng portal na yun?!
Sa ngayon di pa pwedeng malaman eh.
Secret pa muna namin yun nila Slicer at Accel.
Abangan ang nalalapit na ending ng SEASON 1.....
Happy Reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top