Chapter 34: Goddess vs. Demons Part 1

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015

†††

"Battle in the Ice"

[Zaphro's POV]

       Ikinagulat naming lahat ang mga pangyayari. Akalain mo ba namang may Special AI na naman kaming makakaharap. Now it's the ice goddess one of the five Special AI. Fallen Seraphine, Dark Angel, Legion, Ice Goddess at yung player killer.

"Guys!" napasigaw ako para alarmahin na sila. Mukha kasing nasa state of shock pa kasi eh. "Hindi to magiging madali."

     Right away without me telling them what to do ay gumalaw na sila. Agad na pumuwesto sila Ayana, Erik, Erenir at Xavier sa likod along with Aryus and Jin acting as rare guards.

"Accel, Shion, and Slicer get ready!" lumapit sila sa tabi ko sa front line, kami ang main hitter and decoy.

"Verillion, Gwydox assist kayo ok!" tumango ang dalawa sa akin.

We have no time to plan a strategy dahil gahol sa oras kaya bahala na. Sinenyasan ko si Accel para magsabay kami sa pagsalakay. Kaming dalawa ang may pinakamabilis na movement sa lahat. Nagbato si Accel ng apat na cards at naging life size ito para magkaroon ng diversion at lituhin si Amana.

      Ito ang unang tinira ni Amana ng kanyang ice beam. Ginamit namin ang pagkakataon na makalapit sa kanya. "Dark Rotation!" dalawang dark cards ulit ang binato ni Accel. Nagkaroon ng rapid rotation ang nga ito at pinuntirya si Amana. Mabilis ito pero sadya lang talagang mas mabilis ang AI na ito.

       Parang nag-blink ito at agad napunta sa ibaba making Accel's skill missed. Anak ng Blinker naman oh.! "Engulfing Flame!" bumato ako ng skill sa direksyon nya but she just parry the attack by simple jumping backwards.

Nanonood lang sila Slicer sa di kalayuan. I waved my hand para humingi ng backup. Umalis si Slicer sa likod ni Arcanus at inactivate ang flight mode niya. Si Shion_rio naman ay nagbuffs na gayon narin ang iba. Madilim kaya kailangang mailawan ang paligid so I used burning essence buff sa aming lahat. "Lumina!"

      Erik blasted a skill creating an orb of shining bright light. Pinalutang nya ito sa himpapawid. Wala paring ginagawang counter meassure ang AI kaya ok lang.

"You'll never gonna get out of this town!" nagsalita si Amana. Kasabay nito ang pagpapalabas niya ng ice spikes sa lupa. Patungo ito sa gawi nila Ayana. Mukhang sila talaga ang pinuntirya ng skill nito at the first place. Humanda naman sila Ayana at Erenir upang tapatan ang skill nito.

"Dark Bloom!" Ayana
"Violent Ray!" Erenir

       Dalawang beem skill ang pinakawalan nilang dalawa at sinalubong nito ang ice skill ni Amana. Yumanig ng kaunti ng magtama ang dalawang opposite forces at nabalot ng puting usok ang pakigid.

Out of nowhere ay bumulaga sa kanila ang isang ice beam. It was just miliseconds before it struck them. Mabuti na lang at sinalo ng dalawang shielder namin ang halos 50% na damage ng skill na iyon. Sa lakas ng impact ay tumalsik sila Aryus, jin at si Erenir at tumama sa boundery barrier ang mga katawan. Sila Ayana, Erik at Xavier naman ay mabilis na naka sidestep.

"Guys!" sigaw ni Verillion.

       Bagsak agad sila Aryus at Jin sa lupa having half of their HP drained. May 30% HP na nabawas naman kay Erenir dahil sa pagtama nito sa barrier. Nanginging na pinulot ni Aryus ang nalaglag nitong shield. Samantalang hindi makatayo ng maigi si Jin. Dito talaga namin nasusubukan ang pagiging realidad ng larong ito. Ibang iba sa virtual reality game, malayong malayo doon. Gumalaw na ulit kami ni Accel, this time ay kasama si Shion at Slicer.

"Regolus Impact!" Slicer
"Savage Spin!" Shion_rio

Miss parin talaga ang mga tira nila.. Naiinis na ako talaga... Nag dash ako para malapitan sya at nagawa ko nga... Hinataw ko sya ng aking espada ngunit sinalag niya ito using her staff. I know that I have burn effect pero parang wala lang sa kanya. "inferno" I casted a field skill creating a field of burning flame. Tinamaan sya nito dahil mahirap itong iwasan. I was able to inflict 2% damage sa life bar niya. Langya naman talaga masyadong makunat at mataas ang defence stats nya.

Sinubukan ko rin ng ice skill ko pero no effect sa kanya. Ice Goddess nga naman.

"Kuya Zaphro, jump now!" biglang sigaw ni Accel. I followed him and jump up.

"Way of binding, Soul Chains!" isang card ang tumama sa field at mula dito ay lumabas ang mga itim na kadena. Nagawa nitong igapos si Amana...

       Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Slicer at tumira na ng skill.

"Holy Stab!" it was a very accurate move and almost perfect timing. Direct hit sa katawan ang tumama kay Amana. Knowing Slicer alam kong first move pa lang yun.
"Vanishing Strike!" sinundan pa nya ito ng isang skill. Hiting every vital point of the targets body!

Matapos gawin ang atake ay nag back step si Slicer at muling sumakay kay Arcanus. Nanghina din si Slicer dahil sa halos inubos niya ang kanyang MP at SP sa combo na ginawa niya. Napaluhod si Amana at nabawasan ang life bar ng 7%... 91% pa ang total HP nya...

Milyon yata ang HP nito kaya pahirapan kaming makabawas. Samantala kasalukuyang hini-heal nila Ayana sila Jin sa mga damage nila. Pinabalik ko na si Freyla dahil wala din siyang maitutulong laban sa kalaban.

       Biglang tumayo ang AI at isa-isa kaming hinambalos ng staff niya with her tremendous speed. Unang tinamaan si Slicer, tapos si Shion, then Accel, Verillion was able to create a shield bago sya tamaan. At nasalag ko ang tira niya sa akin. I am imune to ice attack dahil sa effect ng set ko kaya I have the edge.

"Burning Slash!" ito ang iginanti ko sa kanya. I'm now sure na natatamaan ko na sya.. Mukhang umipekto na ang critical chance bonus ng set ko. While nasa ere pa kami ay nagcast ulit ako ng isa pang skill. "Angelic Wrath!" bago kami bumagsak sa lupa ay tumama ulit ang skill ko sa kanya dealing critical damage... Yes! Huli ka...

"Accel!" sigaw ko.

"Superior Dark Void!" isang mas malakas na black hole skill ang humihigop sa kanya pababa.

"Comet Blast!" Xavier

Nalaglag mula sa langit ang isang nakakasilaw na nagbabagang bato.

"Rainbow Blast!" sinundan naman ng ultimate skill ni Verillion.

      Halos sirain na namin ang buong village sa dami ng pinapaulan naming AOE skills sa kinaroroonan niya. Malapit narin akong magkaroon ng demonic form.

"Glacial Wave!" bigla ay sabi ni Amana.

"Papa, AOE skill!" sabi ni Gwydox.

But it was too late... Hindi pa man nakakabawi sa damage na natamo ay tinamaan ulit sila Shion, Slicer, Verillion at si Accel ng isa pang skill. At ako naman ay di na tinablan... the rest of them war frozen. As in naging crystalized ice. Sinundan pa ng isang malakas na shockwave na nagpatalsik sa amin at nagpabiyak ng nga yelong bumabalot sa kanila.

"Hinde!!!!!!!" nag-aalala kong sigaw bago ako tumama sa boundery barrier.

Ang sakit ng pagkakatama ko, nabalian yata ako ng tadyang.. Tinignan ko ang mga kasamahan ko sa ibaba...

Am I just imagining o totoo na ito? Are they unconcious? Tanging si Accel lang ang medyo mabuti ang lagat. Shetness! Naloko na...

.

End of Chapter.....

Bibitinin ko ng kaunti... I'm so sleepy na po.. Need to rest guys...

Ano ba to, kinakawawa ang ating mga bida ah.... Sa tingin nyo may laban ba sila?

Abangan!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top