Chapter 31: Rumors Of a Game Anomaly
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015
[2 days later]
"Zaphro's POV"
Balik first map kami ulit after namin mag-usap sa Hell Village. Mahirap kasi magpalevel sa second map at masyadong risky dahil sa mga AI category mobs. Mga two hours din kami dun bago napagpasyahang mag log out.
Hindi na muna kami nag log n sa EOPH sa sumunod na araw sa kadahilanang may biglaang pagsusulit sa aming paaralan and as graduating student we need to set an example. After the test ay nagkita-kita kami sa school mess hall para mag lunch. Kinuha ko ang mga number nila sa phone right after namin mag out sa game. So that I can contact them kaagad.
After ng lunch ay napagpasyahan naming pumunta sa bar ni Aryus sa District 10 ng Nexus Area. Dinaanan muna namin sila Accel at Jenson (Xavier) sa bahay nila.
Kasi si Jenson di pumasok, ewan ko ba pero nakagawian na daw niya iyon ayon pa kay Dan (Slicer). And speaking of Dan, well nagulat lang naman siya nang makita si Ayana sa personal. Siya pala si Mia Diaz isang third year student ng SPC. Maganda, matangkad, maputi, long hair, sexy in short ay Type ni Dan.
Nganga and bestfriend ko, tulo laway pa nga eh. Kung maka mini-skirt kasi si Mia parang wala sa loob ng school. Bawal kaya yun dito... Ewan ko kung bakit nakalusot tong isang ito...
"Hoy bibig mo, baka pasukan ng langaw!" makabasag trip na sabi ni Mia.
"Ah.. ehh.. Assuming ka ha." eto naman ang banat ni Dan na ang laki ng ngiti.
"Che!... mukha mo."
Si Whilmer (Shion_rio) naman ay medyo may pagkakatulad sa akin. Studious ang dating pero hindi yung tipong nerd ha. May eyeglasses siya pero fashionable naman at bumagay sa suot nito. Naka navy blue polo-shirt na pinatungan ng white hoody na may stripe of black, naka unzip ito. Tinernohan naman ng cream colored pants at black leather shoes.
Ako naman ay naka shiny grey vest na pinatungan ng sang hoody na apple green naka half unzip ito. I don't wear glasses, contacs ang gamit ko ngayon to make me more like my avatar. May mga nakakilala na nga sa akin na mga mag-aaral dito...
"So, I presume that this is Ayana, you are Zaphro and this guy here is Slicer tama?" sabi nito sabay turo sa amin.
"That's right Shion." si Mia ang sumagot.
"You know what, mas maganda ka pala sa personal Ayana." with smile pa na sabi ni Whilmer.
Aba magaling din pala bumanat tong isang 'to? Ano ka ngayon Dan?
"Thanks for the compliment Whilmer. Teka lang maiba ako..." biglang naging seryoso ang mukha ni Mia.
Then she continued, Nasabi niya sa amin na may mga kumakalat na balita about an anomaly sa game. May mga mysterious player disappearance. Parang narinig ko narin yun though hindi ko sineryoso. Diumano ay may isang Dark Matter Cloud na nagpapakita sa ibat ibang map location both in first and second map. Naghahatid daw ito ng kakaibang bagyo sa area kung saan ito nagpapakita. At ang mga player na minamalas na mahagip ng bagyo ay automatic na nalalog-out sa game. At ang wierd pa nito ay di na sila nakitang online ulit. Pero as I said, rumors lang ito. It's not yet confirmed by the game administrators.
Ito ang naging topic namin hanggang sa bahay nila Accel. On our way there ay di kami gumamit ng transport station kasi may mga aero dynamic hover craft kaming dala. Pinakain muna kami ng mama nila Accel at nagstay pa doon ng mga half hour. Wala lang kwentuhan, asaran, biruan just like close friends do.
We left the house using our hovers at WOW as in WOW! Latest model ang gamit ng magkapatid na Accel at Jenson Mendoza. It was HK-AH32, mas mahal, mas mabilis at may mga added functionalities compare to the old models. HK-AH28 lang yung sa amin, kainggit naman... huhu...
Para lang kaming mga skaters na nag-uunahan sa may sidewalk at daan. Each of us performed some tricks at may mga taong napapatingin pa nga. Kung saan saan pa kami dumaan, sa iskinita, sa pader at yung magkapatid pabida masyado. Sa bubong ng mga establishments dumaan. Madaya lang talaga kasi merong added booster function ang hovers nila that allows them to jump higher compare sa normal nitong jump. Meron din itong glide functions na masyadong astig. Nasasakyan nila ang mga air currents na parang nasu-surfing lang sa dagat.
Papunta kami sa isang transport station sa District 6 ng Sierra Area para makapunta sa Nexus. It took us thirty minute to reach the place nasa District 2 pa kasi ang bahay nila Accel dito sa Sierra Area. Si Jenson na ang nagbayad ng transport fee naming lahat. Dapat lang, sila ang mayaman eh.. haha... adik sa libre!?
Mga 7,550 pesos din doble kasi ang presyo dito kasi it's not a public transport station. Ang transport station na ito ay for VIP use only. Sa public stations kasi masyadong siksikan at mahaba ang pila. After Jenson paid the fee ay pumili na kami ng transport tubes at makalipas ng limang segundo ay viola nasa Nexus na kami. O diba ang bilis lang.
Agad kong tinawagan si Aryus para ipaalam sa kanya na nakarating na kami. Nga pala si Verillion o si Daniel Bly ay hayun nauna na daw sa bar ni Aryus or Manuel Watson. Manuel sent me a file, isang preloaded map ng Nexus Area indicating the location ng place niya. Dali dali ko itong inupload sa mga chrome watch namin for us to have a guide.
"Establish fastest route." I used voice command sa chrome watch ko.
"Calculating data...... establishing route.." boses babae na system response with matching mechanical beeping.
"Completed.." agad nitong pinakita via hologram screen ang route na may red line.
"Tara na, unahan ulit tayo!" masiglang sabi ni Accel.
Ang Nexus area ay ang parteng visayas ng Pilipinas at ito ay ang may pinakamaraming bodies of water sa buong kapuluan. Nagkataon pa na nasa tabing dagat lang ang Bar and resto ni Manuel. Ang ganda ng view grabe, bihira na lang akong makakita nito eh. Saktong medyo cloudy kaya hindi mainit sa daan kaya naman naisipan kong sa dalampasigan dumaan.
"Dun tayo tol!" sabi ko kay Dan.
Saktong may hagdan kaya dun kami bumaba ng kaibigan ko.
"Ang ganda ng dagat dito ano Zeke?" sabi ni Dan.
"Sinabi mo pa!"
Sobrang sariwa ng hangin at presko sa pakiramdan kaso nga lang medyo artificially made ang parteng ito ng dagat. The sea was long before poisoned by us humans. Pulusyon ang pangunahing naging dahilan sa kamuntikan nang pagkasira ng mundo. Isa na dito ang mga nuclear waste na naiwan ng mga digmaan na wala naman kinahantungang mabuti.
We managed to cheat the apocalypse and survive. The world was then slowly heald. Nagtulong tulong ang mga bansa upang i-restore ang mundo sa dati. Kaya naman sa era na ito ay mahigpit na ipinagbabawal na ang mga nuclear power products and the likes. Naging mas ecofriendly ang mga tao.
As of now ay Hydro Power at Solar Power ang gamit ng mga tao to there machines. Though meron pang isa... Ang Zeus Stone , ito ay isang radioactive mineral na nabuo sa pinagsanib na limang elements. It was senthysized to a useful and non-radioactive form na napagkukunan ng enery. Ito ngayon ang ipinalit sa mga battery cells ng halos lahat ng mga airial at lang craft sa buong mundo. Pati narin sa hover craft namin ay mayroon nito.
After a while ay nakarating narin kami sa lugar nila Manuel. Sa backdoor na kami sinalubong ni Daniel (Verillion) dahil sa doon na sumunod ang iba sa dinaanan namin ni Dan.
"Ang bilis nyo naman yata." bungad sa amin ni Daniel. He is wearing a green t-shirt na may OBSCURE na nakaprint sa harapan. Naka faded brown pants ito at outdoor sandals at may bitbit pa itong baso sa kanan nitong kamay.
Bar nga pala ito so malamang alak yan. Ang aga-aga pa alak na agad... alcoholic lang?
Medyo mahaba ang buhok ni Daniel yung tipong may rock star effect not like his game avatar na clean cut. Kasama niyang sumalubong sa amin si Manuel (Aryus). Naka white long-sleeve ito na pinatungan ng blue long-sleeved polo-shirt na nakataas ng kaunti ang mangas up to the ankle. Naka unbutton din ang dalawan botones at tinernohan ng isang biege pants at grey slipp-on shoes. Siya nga naman ang may-ari ng buong place na ito.
"Welcome sa MANY'S HAVEN!" bati nito sa amin.
"Ganda ng place mo dude!" si Whilmer.
"Pasok kayo at dun na tayo sa loob mag-usap." nakangiti nitong paanyaya.
Pumasok na kami sa loob at namangha sa ganda ng interior nito. Medyo dim pero sophisticated ang loob. May mga mini tables sa paligid at may mini stage na may mga nakahandang band instruments. At hindi mawawala ang mini bar na puno ng mga alak at similar beverages. Katapat daw ng bar and resto ang bahay ni Manuel at sila Erenir, Jin at Erik naman ay nasa mini bar naka bartender outfit ang mga ito. There real identity was Maxwell Bracey (Erenir), Julian Buckley (Jin) at Dylan Cooper (Erik). Mga pinsan pala ito ni Manuel di nga lang halata dahil sa pagkakaiba ng mga last name nila. Loko akala ko nagtatrabaho lang sila dito, yun pala business partner pala sila ni Manuel. Iba din trip ng mga ito Hanep.
This is somehow parang break namin sa sobrang stressful na mga araw na ginugol namin sa laro. At least we can bond a little before logging in sa EOPH. Kasi sa pakiramdam ko eh parang hindi magiging madali ang mga susunod na araw namin sa game. Ramdam ko lang talaga...
End of Chapter..
oh etong chapter na ito is somehow puno ng explainations. Not much action though may mga clarifications na nasali.. SumaSciFi tayo eh.. kaya may mga nakakanosebleed na terms na sinali ang loko loko nyong author... hehehe...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top