Chapter 30: Hell Village
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015
"Zaphro's POV"
Pinagmasdan ko ang boss habang tinutupok siya ng itim na apoy hanggang sa sumabog ito at nawala.
System Announcement: Level 200 Baal (Boss) has been slain by party.
Nagkaroon agad ng congratulation sign sa himpapawid at nagpa fireworks pa.
Nakakapagod talaga ang nangyaring laban at halos ubos ang mga potions ko. Hingal kaming lumapag sa lupa upang kumuha ng mga loots.
Drops:
Amethyst Crystal: 40pcs.
Jade Crystal: 40pcs.
Ruby Crystal: 40pcs.
Saphire Crystal: 40pcs.
Emerald Crystal: 40pcs.
Diamond Crystal: 20pcs.
Gold: 200,000,000M
Item:
Dark Box: Baal Set (Epic)
Dark Box: Baal Sword (Unique)
Light Box: Baal Rings 4pcs. Baal Necklace 4pcs.
Baal Wings (Unique)
Cry Of Death Scroll
Eggs:
Red Molten Egg (rare)
Silver Spirit Egg (epic)
Brown Sand Egg (Common)
Not bad for a reward! Sulit din naman pala ang buwis buhay na ginawa namin.
"Mamaya na natin ito paghatian. Hanapin muna natin ang village." sabi ko sa kanila.
"Sige pero pano sila Aryus?" nagtanong si Ayana.
"Buddy TP na lang sila para madali. But we need to find the village first."
Payag naman sila sa suggestion ko. Agad na kaming lumakad, but this time ay pa-north ang tinatahak namin.
**1 message from Andromeda**
Lumabas sa virtual screen ko. Pinindot ko ang open button at binasa ang mensahe.
**"We have located the village. TP now."**
Ito lang ang nakasaad sa mensahe.
"Sino yun?" tanong ni Erenir.
"Si Andromeda, nakita na nila ang village. I'll teleport there then buddy TP kayo sa akin." sagot ko at muling pumindot sa aking VS. Nang makita ko na ang pangalan ni Andromeda ay nag teleport ako.
After 5 seconds ay nakarating ako sa kinaroroonan ni Andromeda at ng mga kasamahan niya. Agad akong nag party chat para masabihan sila na nakarating na ako.
"Kuya Zaphro! Kamusta naman kayo doon sa location nyo?" lumapit sa akin si Accel.
May kasama itong isang elven player. At pamilyar sa akin ang mukha nito. "Je-jenson?"
"Zeke? Grabe tol di kita halos makilala ah." sabi ng Elf type player na may IGN na Xavier.
Kilala ko siya dahil pinsan siya ni Dan. So that means na si Accel ay kapatid nito. "Pointy ear you have there!" pagbibiro ko.
"Haha, kakatawa ka talaga."
"Nga pala Accel, hindi masyadong maganda eh. Kalahati sa amin ay na-PK ng isang Boss. Kasali na dun si Dan, pero we managed to kill it." sagot ko.
"Grabe naman pala ang pinagdaanan nyo kuya." Accel.
"Patungo na sila dito any moment from now."
"Ganon ba? That's good ng makapag usap usap tayo saglit diba." sabi naman ni Xavier habang lumalakad patungo sa isang NPC.
Makalipas ng ilang sandali ay nag apparate na sila Slicer sa location namin sa Hell Village.
The village looked strange, dahil nakakatakot ang theme ng lugar na ito. Hell Village ang pangalan, madaming mga NPC houses at meron narin ditong Fountain na nagsisilbing respawn at restoration area. Red at orange yata ang dominant color dito at hindi nawawala ang presensya ng apoy sa bawat mga torch na nakatayo sa ibat-ibang parte ng village.
Pansin mo rin na iba ang suot ng mga NPC dito, bumagay lang sa anyo ng lugar.
"Maiwan muna namin kayo dito. We need to log out." nagsalita si Andromeda.
"Talaga, bakit naman. Sayang balak pa sana naming mag-explore ng kaunti sa map." si Aryus.
Humingi ng paumanhin sila Andrimeda, Gregory, Jinx at Kris_Hunter sa alok namin dahil may importante daw silang gagawin sa labas ng game. Magkakakilala daw ang mga ito sa real world. Wala na silang iba pang sinabi at nag log out na.
"Ang wierd naman ng mga yun!?" Jin.
"Sinabi mo pa!" sang-ayon naman ni Xavier. "Kanina pa ako nahihiwagaan sa mga yun. Kung wala lang si Accel ay hindi ako sasama sa grupo nila." dagdag nito.
"Ganon ba? Pero teka lang, maiba ako. Saan ba kayo nakatira sa labas ng game? Baka pwede tayong magkita-kita sometimes diba." masiglang tanong ni Slicer.
"Sierra Area District 5, sa SPC ako nag-aaral. 3rd year na ako." unang sumagot si Ayana.
"Ako naman ay sa Ronova Area, district 45, sa SPC din ako nag-aaral. Scholar ako dun, new transfer lang." si Shion.
"Nexus area ako. Hindi na ako nag-aaral, I work at a bar restaurant sa district 10 ng Nexus. I own the place." sagot ni Aryus.
At sumunod na ang iba na nagsalita. Nalaman naming nagtatrabaho pala dila Erik, Erenir at Jin sa bar and resto ni Aryus sa Nexus. Bigaten naman pala itong kaibigan kong si Aryus eh. Well hindi nga lang kasing yaman ng mga magulang nila Accel at Jenson na isa sa mga owners ng PH server ng EOPH.
Nagpadala muna ako ng mga random messages sa mga characters na nasa list ko. Telling them that we are in the village.
"Nga pala Slicer para sayo to!" sabi ko sabay kumuha ng item sa aking inventory.
"Ano to?"
Nagtaka sya nang iabot ko sa kanya ang isang scroll. "Ikaw ang dapat gumamit ng unique skill na ito. Pasasalamat sa pagbubuwis mo ng buhay kanina para iligtas ako." sagot ko.
"Tss, yun ba? Wala yun!" he patted my shoulder. "Alam mo namang talo kami nun kapag na-pk ka. Ace player ka kaya namin!"
That made me laugh.. Haha.. loko to ah...
"Nga pala, may mga Baal rings at necklace. Aryus, Jin, Erenir, at Erik may tig-aapat ng mga ito. Tig isa kayo. It will boost your stats." ako na ang nag-trade sa kanila ng mga items.
"Yung silver spirit egg na lang yung akin. Mukhang maganda yun eh." nagsalita si Verillion.
"Sige ba. Tsaka Ayana sayo yung molten egg at kay Erenir naman yung sand egg." sabi ko.
"Yung sword na lang ang akin tol!" si Shion.
"Nice choice, sige." at nagsimula na kaming magpalitan ng items.
"22M each tayo sa gold drops. Sayo na yung Set at Wings." Verillion.
"Talaga, ayos lang sa inyo na sa akin yung Baal Set at Baal Wings?" tumango naman silang lahat.
"Baal wings? Pwede bang makita Zaphro?" nagtanong si Xavier.
Pansin kong wala pang back item si Xavier. Malamang gusto niya ng isa. Pinakita ko sa kanya ang epic item at mukhang gusto niya talaga.
"Gusto mo ba to? Ibibenta ko sayo, offer ka lang." alok ko sa kanya.
"Hmm... 80M, pwede na ba yun? Nagastos ko kasi ang iba sa pag upgrade ng set ko." nahihiya nitong sabi.
"Deal, madali naman akong kausap eh.." agad ko naman binigay sa kanya item. The item could cost 100M or higher pero dahil sa kaibigan ko sya binigay ko na lang ng 80M.
"Salamat dito."
"Wala yun!"
Nagkwentuhan muna kami ng ilang minuto. Naikwento din namin sa kanila ang isang AI mobs na nakaharap namin. Pati narin ang dagok na dinanas namin kay Baal.
May mangilan-ngilan naring mga players ang nakarating sa village. Ang karamihan sa mga ito ay nasa buddy list ko at mga FC lang.
"Zaphro idol!" and speaking of FC, heto na si Kobi23.
Pasigaw nitong tinawag ang pangalan ko at nagmadaling lumapit. Isa siyang human type na character, dalawang dagger ang main weapon niya. Rogue type sya. Mukha naman siyang malakas dahil may glow effect na ang armor nya at mas napalakas ito dahil sa epekto ng cloak of appearance.
"O, ikaw pala." ako.
"Hehe... Mukhang hindi naging madali ang pagkatuklas nyo ng village na ito ah." nag-umpisa itong magsalita.
"Actually hindi kami ang nakakita ng village na ito. Naligaw pa nga kami eh." sagot ni Jin.
"Talaga eh, sino?"
"Yung rank 1 at 2. Sila ang nauna dito, kaso wala na sila dito. Nag log out na." sagot ko.
'Tsk... Yung mga iyon na naman!" sumama ang timpla ng mukha ni kobi23. "I don't like those guys!" bulong pa niya.
Bigla akong naging curious sa dahilan niya kung bakit ayaw nito sa mga nasa rank 1 to 4.
"Bakit naman?" tanong ni Ayana.
"That info is valluable at hindi ko yan binibigay ng libre!" biglang sagot nito.
"Info breaker..." mahinang salita ni Shion.
"Shush! Sekreto lang natin to."
Kung ganon ay info breaker ito....
May mahalagang impormasyon kaya siya na maaaring makatulong sa amin?....
.
End of chapter......
Medyo lame ba ang chapter?
Pagpasenyahan na muna...
Preparation lang to sa BIG revilation.....
Abangan nyo na lang...
More updates soon!
Vote and comment ha.
Enjoy reading and thanks! ;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top