Chapter 3 (Field Boss Sandman Lvl 90)

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014

EDITED CHAPTER...

"Zeke's POV"

Maagang natapos ang second subject namin ni Dan ngayong araw. Magkasama kami ngayon ni Dan at kinukulit niya ako na magkwento ng mga ginawa ko sa loob ng game. Isang oras lang ang pagitan ng next subject namin kaya pinili ko na lang na magkwento sa kaibigan.

Lahat ay naikwento ko kay Dan maliban sa pagkakapanalo ko sa isang system event.

"Zaphro ang IGN ko sa game. Add mo agad ako sa oras na makapag log in ka." pag-iiba pa ko ng topic.

"Sige ba. Siya nga pala anong level mo na?" tanong ni Dan sa akin.

"Level 15 Class Angel. Hanggang doon lang nakayanan ko. Gahol kasi sa oras." sagot ko.

"Ah, ganon ba? Eh kamusta naman ang 60% pain sensation?" tanong ni Dan.

"Parang totoo ang mga kagat ng mga vipers at mga damage ng mga monsters sa game. Talagang masakit. Pero alam ko ang explanation kung paano iyong nangyayari. Through nerve impulses, nagpapadala ng mga nerve impulses ang bawat attacks ng mga mobs direkta sa utak natin. Kaya tayo agad nakakaramdam ng sakit. Idagdag mo pa ang realistic images and figures na nakikita mo sa game. Nahahawakan mo na parang totoong-totoo!." paliwanag ko .

"Really? awesome! mukhang masaya pre." reaksiyon ni Dan.

"Tama! Pm mo'ko agad kapag nakapaglaro ka na. Siya nga pala if I were you 'di ko pipiliin ang angel Class. Wala masyadong players ang class na napili ko. Mahirap magpalevel tol." suggestion ko dito.

"Di ko trip ang Angel class tol. Mas gusto ko Human at swordsman type." sagot naman ni Dan.

Tinapos na namin ang pagkain sa canteen at naghandang pumasok sa susunod na klase.

  Kinahapunan mga bandang 3PM ay natapos na ang klase. Umuwi agad kami ni Dan. Balak ko kasi na maglaro muna bago matulog. Habang nasa daan ay napansin ko na parang nagmamadali ang kaibigan ko. I wondered why?

'Di ko nalang iyon pinansin. Pagkatapos kong kumain at maghugas ng pinggan ay diretso na agad ako sa sala.

Nag log in agad ako.

In Game.....

Nasa respawn area ulit ako at gaya ng dati ay wala parin ang ibang mga ka-race kong players.

"Nasaan na kaya ang mga yun?" tinutukoy ko ang mga Angel Class players. Ang iba sa kanila ay mga high levels na.

Level 73 Andomeda13
Level 58 Flick
Level 64 Gregory
Level 56 Kris_hunter
Level 55 Jinx.

Inisip ko na lang na nasa mas malalakas na maps ang mga ito at nagpapalevel.

Nagbasa muna ako ng game manual for about thirtt minutes bago tumayo. Tinungo ko ang isang vendor ng Teleportation Scrolls (TP Scrolls). Bumili ako ng mga high level maps gamit ng game golds na meron ako. Dalawang TP scrolls lang ang nabili ko, pulubi pa ako eh. Meron din akong 10pcs Recall scroll kung gusto kong makabalik ulit sa village.

TP Scroll Scorpion Desert. Ito ay mayroong difficulty level 25-35. Dito ko planong pumunta to level up fast. Ang mga mobs dito ay ang mga Desert Scorpions Level 25, Desert Wolf Level 30, Demented Cactus Level 35. Field Boss SandMan Level 90.

Agad kong ginamit ang scroll at nag teleport papuntang Scorpion Desert. Nateleport ako sa entrance ng desert kung saan mayroong outpost na may apat na bantay. Mga NPC AI ang mga ito. Mga holly knight na may puting armors.

Agad muna akong tumingin sa aking inventory. To my surprice ay napansin ko na may nakaligtaan pala akong item. Ang Wings of the Frost Angel enhanced speed (+15%) and agility (+10%) ang additional effects nito maliban sa Flight na skill. Mayroon din itong 5% HP regeneration. Agad ko itong ginamit at sinimulang pasukin ang disyerto.

Bumaba ako sa kung saan maraming Desert Scorpions. Agad kong ginamit ang weapon skill ko Frost Field. Dahil sa AOE (Area of Effect) skill ito ay malaking space ang covered nito. Drained agad ang HP ng mga Desert scorpions at ang mga Desert Wolves naman na aggressive monsters ay na-lure sa attack na iyon kaya drained din ang HP nila sa oras na pagkatapak nila sa field.

Limang minuto lang ang dumaan at naging level 20 na ako. Nanatili pa ako ng ilang minuto sa area at nagpatuloy sa pag-normal hit sa mga mobs. Sa laki ng attack damage ko ay one hit ko na lamang ang mga ito. After twenty minutes ay naging Level 25 na ako at may natanggap akong karagdagang status points.

Upgraded narin ang aking Frost Field and level 2 na ito. Ngayon ay mayroon na itong 500 HP damage per second. Ngayon ay balak kong pasukin pa ang looban ng desert para sa mga Demented Cactus.

Level 25 Zaphro (Unknown)

Stats

HP: 1400+ 5000

Def: 58+ 750

MP: 1600

SP: 1000

Evasion: 30+ 55 +15%

Speed: 100+40%

Accuracy: 40%

Stat Points: 240 (udistributed)

Str: 30
Dex: 25
Int: 25
Vit: 30

Pumasok na ako sa looban gamit ang Flight para makalipad. Sa 'di kalayuan ay may natanaw akong mga players na tila nagpapa-level. Mukhang nasa party-mode ang mga ito. Lumapit ako ng kaunti sa spot nila hoping na pasalihin nila ako sa kanilang party. Nang makalapag na ako ay agad natigilan ang apat na players at nakatitig lang sila sa akin ng medyo matagal-tagal. Mga level 30-35 lang yata ang mga ito. Erik Hertz Lvl 32, napatingin lang ito sa akin at nakalimutan na may mga mobs pa na kinakalaban. Ang mga Demented Cactus ay may 100-180 damage at mayroong skill na Spike Bullets with critical damage of 350. Nagwarning ang VS ko ng ma-detect na gagamit ng skill ang monster at ito ay papunta sa Level 32 na player na si Erik. Nagmadali ako na humakbang para unahan ang mobs na mai-cast ang skill niya. Dahil sa bilis ko ay madali ko itong napatay bago pa man ito nakapagbitaw ng attack skill niya. Agad kong ginamit ang Frost Field attack para narin mahinto ang paglapit ng mga mobs sa area naming lima.

"Mag-concentrate kayo may mga aggressive mobs sa paligid." sabi ko pa sa kanila na tulala parin sa mga ginawa ko.. Siguro ay nagulat ang mga ito sa armor set na gamit ko at sa lakas ng aking attack damage at accuracy.

"Ah, salamat nga pala sir." sabi ni Erik sa akin.

"Your welcome!" sagot ko rito na may kalakip na ngiti. Uhmm.. Pwede bang sumali sa party ninyo?" tanong ko sa kanya?

Level 34 Aryus Class Human, Sub-class Dragonknight.

"Sige ba, sali ka. Ako ang party leader dito.. Invite kita ha, accept mo nalang." Nagpadala agad ito ng party invitation sa akin. Agad ko naman itong tinaggap. Nag scan agad si ako ng manual upang tignan ang sub-class ni Aryus.

Dragonknight: These skillful masters-at-arms use the ancient Akaviri martial arts tradition of battle-spirit, and wield fearsome magic that pounds, shatters and physically alters the world around them.

"Anong sub-class mo Zaphro hindi ko makita ang character classification mo kahit naka-party mode tayo." sabat naman ni Erenir Lvl 33 Sub-class Sorcerer.

"Unknown ang sub-class ko." tipid kong sagot.

     Nagkatinginan naman ang apat sa sinabi ko. Ang ika-apat sa kanila ay isang babaeng player. Ayana Lvl 40 sub-class Summoner Mage. Mahaba ang buhok nitong kulay itim at maganda siya ito ang higit kong napansin.

"The Fallen Angel." sabi nito habang papalapit sa amin.
"Bakit ka may high level armor? Saan mo nakuha?" biglang tanong nito.

"Ah, ah,.. secret.. huwag niyo nang pansinin tong armor ko magpalevel na lang tayo. Level 25 pa lang ako eh." pag-iiba ko ng topic. Masama naman ang tingin ni Ayana sa akin.

"If you are thinking na cheater ako nagkakamali ka. Kaka-release lang ng game na ito, mahigpit at masyadong mataas na security ang gamit sa game. 'Di rin ako Beta Tester kasi inanunsiyo na before i-launch ang game na disabled na ang lahat ng mga beta tester accounts. Normal player lang ako at isang newbie." paliwanag ko kasi mukhang nagdududa si Ayana sa akin..

"Ok fine! Di na ako mangungulit." sagot naman nito.

Sumali ako sa party ng mga ito at nagtagal pa kami dito ng isang oras.. Nag level 35 na sila Aryus, Erik at si Erenir at ako naman ay level 33. Saglit kaming nagpahinga sa walang monster na parte ng Desert nang biglang yumanig ang paligid. May lumabas bigla sa mga VS namin.

Field Boss Arrived.

"Ay naku! Ang Sandman na yan!" sabi ni Ayana sa amin.

Lumabas ito mula sa ilalim ng buhangin, korteng tao ito pero parang higante sa laki.

Field Boss Sand Man Level 90

HP: 23,000
Def: 3000

AOE Skill: Quick Sand

Normal Skill: Punch, Sand Storm, and Stamp

"Field Boss! Lagot na, low levels pa tayo!" sabi ni Erenir na takot na takot. Sinong hindi matatakot eh Field Boss nga?

"5 vs 1 kaya natin to mahigit 6k na ang HP ko at Level 2 na ang AOE skill ko. Malapit narin sa 3000 ang weapon damage ko magtiwala kayo. I will also tank kaya wag kayong mag-alala. Ayrus, may stun effect ang weapon skill mong Destruction diba? Gamitin mo iyon mamaya. Ayana, Erenir gumamit kayo ng mga long range destructive spells at bigyan moko ng Metalic skin na buff Ayana. Kaya natin to guys!. " sabi ko sa mga ito.

"Sige, may stunning effect din ang weapon skill kong Oceanic Wave, may slowing effect din ito na tatagal ng 10 seconds." sabi naman ni Erik na may Wizard sub-class.

At nag-umpisa na nga ang laban.

"Erik ngayon na!" sigaw ni ko.

"Oceanic Wave!" nagbitaw ng weapon skill si Erik. Ang Oceanic Wave, para itong isang tsunami na isang water element skill. Isang one way strike lamang ang direction ng skill na ito. Ang sinumang target na mahagip ng skill ay nagkakaroon ng negative buff na Current ito ay may slowing effect at ang direktang matatamaan ng skill na ito ay hindi makakagalaw ng limang segundo.

Tinamaan ng direkta ang field boss kaya di ito makagalaw.

Sinugod ko kaagad ang target at pinakawalan ang aking weapon skill.

"Frost Field!" Tamang-tama naman ang tiyempo ko na mai-cast ang Frost Field na siyang AOE skill. Dahil sa hindi makagalaw ang Field boss ay unti-unting nade-drain ang HP nito. Bumaba agad ito sa 90% at patuloy pang bumababa. Mataas ang defense ng Sandman kaya parang 400 HP per 3 seconds lang ang epekto ng skill ko sa kanya.

"Ayana, Erenir kayo naman!" utos ko na lumayo kaagad sa paanan ng Boss.

"Falling Star!" sigaw ni Ayana. Ito ang SS (Special Skill) niya ang falling star. Isa itong fire element skill na may destructive effect sa mga monsters at pati sa physical surroundings na tatamaan nito. Isa itong malaking nagbabagang bato na nahuhulog mula sa kalangitan. May burn effect ito na tumatagal ng twenty seconds sa target. Bumaba agad sa 75% ang HP ng boss at hindi parin ito makagalaw dulot ng stun ni Erik. Dalawang segundo na lang at wala na ang epekto ng stun kaya dapat na kaming maghanda ulit.

Si Erenir naman ang nag cast ng kanyang pambatong AOE skill ang Dark Explosion.

"Dark Explosion!" nakalayo na kami sa field of effect ng skill niya bago niya ito binitawan. Isa itong malaking pagsabog ng maitim na liwanag. Direct hit agad ang field boss sa attack na ito. Nasa 45% na ang HP nito dahil narin sa continuous effect ng skill ni ko na tumatagal ng 2 minutes.

"Ayos!" sigaw pa ni Erik. Wala na ang stun ng Field Boss at malaya na itong nakakagalaw. Agad itong nagpakawala ng AOE skill na Quick Sand. Napasnsin na lamang ni Erik na unti-unti siyang lumulubog sa buhangin at parang di niya maigalaw ang kanyang katawan. May kung anong humihigop ng kanyang lakas. Mabilis na bumaba ang HP niya sa 40%. Nawala rin bigla ang Frost Field ko dahil may negating effect ang skill ng field boss.

"Tulong guys! Nanghihina ako." pilit na sigaw ni Erik.

Dali-dali ko namang ginamit ang Flight ability ko at hinila si Erik pataas sa ere. Dinala ko ito sa kinaroroonan ng iba. Agad ko narin itong pinainom ng HP potions para mareplenish ang HP niya. Nanghihina parin si Erik at 'di pa nakakabawi. Lumipad muli ako at tinataga ko ang boss gamit ang aking Ancient Reaper. Nakatatlong hit pa lang ako ay bumaba agad sa 25% ang HP ng Sandman. Nahinto narin ang AOE skill nito.

"Oceanic Wave!" muling nagbitaw ng skill si Erik.

Tumingin ako kay Aryus tanda na ito na ang tamang panahon sa skill niya.

Tumango naman sa akin si Aryus at nagcast na agad ng weapon skill.

"Zeus's Wrath!" sigaw nito.

Ang skill na ito ay gumagamit ng kuryente. Pinapalibutan nito ang weapon ni Aryus na Stone Hammer. Nag-iipon ito ng energy at kapag napuno na ay maaaring magdulot ng stun effect at pagkasira ng lupa o field na tatamaan nito. Kahit hindi nitong direktang matamaan ang target ay gagana parin ito. Gagapang lamang ang kuryente sa lupa at makukuryente ang sinumang mahagip nito.

Stun ulit ang field boss at may 15% nlang itong HP. Hindi ako tinamaan sa skill ni Aryus dahil naka-Flight mode ako.

"Tapos ka na!" sigaw ko sabay hit sa monster mula sa ulo at dumausdos pababa para mahati ang katawan ng Sandman.

Nahati ang katawan nito at sumabog. Agad lumabas sa mga VS namin ang isang announcement.

Zaphro killed Level 90 SandMan (Category Boss)

May party gold din kaming nakuha mula dito na hindi hihigit sa 2,000,000 kada isa. Mataas na XP points kung saan naglevel up agad si Ayana to Level 45. Level 40 naman sila Aryus, Erenir at Erik. Ako naman ay nasa level 43 dahil ako ang nagkamit ng mas mataas na XP points. May mga drops din ang boss na mga High Class weapons and armors. Hindi na ako nag-atubiling mamulot ng mga drops na iyon. Hinayaan ko na lamang ang iba na makuha ang mga iyon para magamit. Pagkatapos nun ay sinabi ko sa mga kasama na magla-log out muna ako sa game. Pero bago ang lahat ay nag-add friend muna sila sa akin. Para daw sa susunod na mag login ako ay makakapag-PM at makakapag TP sila sa location ko para mag party quest. Masaya akong nagpaalam sa mga bago kong kaibigan sa laro. Bumalik muna ako sa town at doon na nag log out.

End of chapter

...Sanna nagustuhan ninyo.. Vote po kayo at comment.

Anyway... New revised chapter po ito.
The old version was on a third person's POV...

Sa tingin ko this version is better...

@Theo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top