Chapter 29: A GM's Dark Plot
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015
"Hermes Santiago's POV"
[Real World]
Walang dapat makaalam ng mga binabalak namin ng aking matalik na kaibigan at co-league na pag-sabotage sa Online Game system ng EOPH server. Isa kami sa mga GM ng laro kaya walang maghihinala na kami ang sumisira sa Data Sequencing at Field Builder Technology ng game.
Hindi lang ito sa pera o kung ano pamang makukuha namin sa game. Marami pang mga bagay ang maaari naming gawin sa oras na hawak na namin ang control sa game world.
"Handa na ba ang Helm na yan?" tanong ko sa isang binatang computer genius na binabayaran namin. Tinutukoy ko ay ang gadget na ginagawa niya para makagawa ng isang modified chatacter na walang emosyon.
Isa itong helmet na magsisilbing remote control sa modified character na lilikhain namin sa mismong game dimension. Si Max ang nagbabantay ng aparatus na gagawa ng mga ganoong uri ng character sa second map na kakabukas pa lang kanina. Siya ngayon ay kasalukuyang online.
"It's almost finished sir. All I need is to run the data sequencing ng game para mag-synchronize ang helm sa program ng laro." sagot nito sa akin.
Napangiti ako sa aking nalaman.
"Paano naman ang apat na players na gagamit nyan, handa na ba sila? Wala ba yang negative effect sa mga neurons nila?" muli kong pagtatanong ko sa kanya.
"They are ready! And to your second question sir, safe po itong Chrome Helm. Para lang silang maglalaro ng Virtual Reality Game. And to this technology ay makakagawa tayo ng perpektong player. A pure cloned avatar that has no human limitations. Like pain and stamina, they'll be invincible."
Magaling at malapit nang matapos ang mga yan. We'll start as soon as magawa na ang cloned avatars nila.
"Nobody can stop us now!"
.
..
.
[In Game]
"Shion's POV"
Kitang-kita ko ang pagtama ng skill ng boss kay Slicer. Ang bilis agad ng pagbaba ng HP niya habang tumatalsik sa malayo. Ang mga ganitong boss ay hindi kaya ng isang party lang dahil sa sobrang lakas nito. Ngayon ay tatlo na lang kami nila Zaphro at ng party leader namin na si Verillion. Nakita ko si Zaphro na tinitignan ang hindi na gumagalaw na avatar ni slicer. Nawalan pa yata ng malay ang kaibigan namin dahil nakapikit ito.
Inilayo muna namin si Zaphro sa range ng boss at hinayaang si Gwydox muna ang sumalakay. After a while ay naglaho na si Slicer sa kinahihigaan nitong bato.
"Kailangan na nating makaisip ng paraan para matalo tong boss. Zaphro ang demon form mo magagamit mo na ba ulit?" tinanong ko siya.
"20% pa ang kulang para mapuno. Pero kailangan kong magbato ng maraming skill para punuin ang natitirang rage points." sagot ni Zaphro sa akin.
"Gawin mo, kami na ang bahalang protektahan ka. Mas may chance tayong ma-kill ang boss sa demon form mo." seryosong sabi ni Verillion.
At ganon nga ang ginawa namin. Ina-agitate namin ang boss para madivert ang atensyon ng boss. Tumitira si Zaphro ng mga skills niya. Napapagyelo niya ang ilang bahagi ng boss gamit ng field skill na Frost Field at ng kanyang cold fire. Nasusunog naman nito ang halimaw gamit ng mga fire element skills.
Tumatama naman sa amin ang ilan sa mga skills ng boss na may AOE. Pero hindi pa ulit nauulit ang skill na nakadale kay Slicer. Malamang matagal ang cooldown nito o di kaya pang one time use lang ito.
"Angelic Wrath!" sigaw ni Zaphro na nagcast ng isang malakas na skill.
Ito ang skill na tumalo sa akin noon.
Sinabayan ko ito ng magic sword skill ko. "Hell Strike!" hinawi ko ang mga galamay na nakaharang sa daan ni Zaphro at agad akong nag shift sa king of lightning form ko para hindi ako matamaan ni Zaphro.
"Ayos!" masayang sabi ni Verillion dahil natamaan din namin sa wakas ang weak spot nito.
Malaki ang bawas nito sa HP ng boss. Ngayon ay nasa 54% na lang..
"Verillion ikaw naman!" nagmadaling lumayo ito sa range ng boss. Ganon din si Gwydox ngunit nag-iwan ito ng malakas na pagsabog ng skill sa mata ng boss.
"Elemental Fusion (Micro-Blast!" sa lakas ng skill ay nawasak ang malaking bahagi ng terrain. Nabaon pa ang boss sa batohan matapos tamaan ng skill.
At dahil sa vulnerable ito sa magic ay bagsak agad sa 46% ang nalalabing HP ng Baal Boss. Pero sa pangyayaring ito ay nabulabog ang ibang mobs sa malapit sa area.
"Napasobra ka naman yata dre!" puna ko kay Verillion.
"Sorry lang, na carried away ako eh." sagot nito matapos humugot ng hininga. Lumaklak ito ng maraming potion bottles at ganon din si Zaphro.
"Nagsisimula na akong magtransform. Kayo na ang sa mobs at kami na ni Gwydox sa boss." ito ang plano namin pero bigla na lang may pamilyar na boses ang narinig kong nagsalita.
"Pa'no naman kami!" pasigaw na sabi ni Ayana.
"Wait! Paano kayo nakabalik?" gulat kong tanong.
"Yow! gumamit ako ng transport spell. Isa lang ang kaya kong isama kaya kami lang ni Ayana ang nandito." si Erenir ang nagpaliwanag.
"Ayos lang tol, malapit narin naman itong matapos. So, pa'no let's finish this monster!" matapos kong sabihin yun ay nagkanya kanya kami.
Two teams ang nabuo, kami ni Ayana ang magkasama, silang tatlo naman ni Zaphro, Erenir at Verillion kasama ni Gwydox ang nag-team up.
Gamit ng summoning ability ni Ayana ay nadagdagan ang bilang namin na humarap sa mga ibang mga mobs. While sila Zaphro ang kumakalaban sa boss.
"Zaphro's POV"
"Demons Talon!" gamit ng demonic form ko ay sinalakay ko ang boss.
Isang physical attack ang ginamit ko sa kanya. Gamit ang mga matutulis na kuko sa mga paa ko na sinaksak ko sa likod ng Baal boss. Walang sinabi ang defensive skin nito sa sobrang talas ng mga ito. Nasugatan ko agad ito at napatalsik.
Sinundan pa ito ng combo skill nila Erenir at Verillion.
"Papa, uulitin na naman nito ang skill niya kanina!" nagwarning si Gwydox.
Nagmadali ako gamit ng doubled movement ko para makalapit sa bibig ng boss. Putol na ang mga galamay nito kaya wala na itong depensa.
"Hell Scream!" gumamit pa ako ng skill. Para itong vibration attack gamit ang bibig. Para akong sumigaw at naglabas ng focused vibration beam.
Naitira ko ito sa ilalim ng bibig nito dahilan para hindi nito maibuka ang bunganga para sa one hit skill niya. Mabilis ding umatake si Gwydox mula sa ilalim.
"Gravity Defy!" sa di ko maipaliwanag na dahilan ay napaangat sa itaas ang Baal boss ng skill nito.
"Ngayon na papa. Finishing blow!" sabi ni Gwydox.
"Sabay-sabay lahat guys!" malakas kong sigaw.
"Dark Bloom!" Ayana.
"Twin Snake Blade!" Shion.
"Way of Destruction #45 Asteroid!" Erenir.
"Ice Phoinix!" Verillion.
"Sword of Devouring Flame!" Ako.
Almost synchronize ang pagkakasunod-sunod ng skills namin sa pagtama sa boss. Bigay todo na ito dahil ubos na ang mga MP namin. Win or lose!
Ako ang huling nagpatama ng skill sa boss dahil nag-chagre pa ako ng ampat na mana. Itinarak ko sa dibdib ng Baal ang aking sandata at nagliyab ng nangangalit na itim na alab ang katawan nito.
.
.
.
End of Chapter...
Ayun naman pala... nakasurvive din sila. But with a great cause.
Cliff hanger na naman ba?
Alam nyo na ako, mahilig sa suspense. Bitin factor...
NGA PALA GUYS! THANK YOU SA SUPPORT NINYO SA STORY KO. PASOK PO ANG ENIGMA SA TOP 30 HOT STORIES SA SCIENCE FICTION CATEGORY. KAHAPON february 22 NASA #12 TAYO...
NGAYON february 23 AY #14...
HINDI AABOT SA GANITO ANG ENIGMA KUNG WALA ANG SUPPORT NINYO, KAYA MARAMING SALAMAT!
CAPLOCK PARA DAMANG-DAMA.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top