Chapter 26: Helliopolis City Part Two
All Rirghts Resereved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014
"Ayana's POV"
Gosh! Katakot naman tong mob na ito. AI Category ibig sabihin malayang nakakapag-isip ng mga bagay-bagay. Parang player lang din to, PK player. At sobrang IMBA niya. Sinangga ko lang ang attack niya nagkaroon agad ako ng damage na 5%. Ano pa kaya kung direct hit ako, baka critical na ang HP ko nun.
Agad akong ng cast ng healing spell para madagdagan ang regeneration process ko. Hindi dapat makampante sa lagay na ito. Buti na lang talaga at malakas ang weapon ko at mataas ang stats na dagdag.
"Humanda kayo!" sabi ni Zaphro na mukhang maayos na.
"Full buff guys!" sabi ko para mas maging handa kami.
"Sige lang at gawin niyo yan. Di nyo ako kaya!" sabi ni Amaymon.
Pumwesto sila Aryus at Jin sa harapan namin at nilabas ang kanilang shields habang sila Erik at Erenir ay pumunta sa likod at naghanda na. Kami ang attacker kaya naghanda narin kami sa likod nila Aryus.
Naunang lumusob si Zaphro sa isang napakabilis na forward stab. Hindi ito normal na gaya ng dati, oo mamilis siya pero itong ngayon parang mas mabilis pa na parang nadoble ito.
Mabilis din na nakapag-react ang kalaban. Nasangga niya ang espada ni Zaphro gamit ng karit niya. Biglang gumalaw ulit si Zaphro at biglang nalipat sa likod nito. Halos parang blink move narin yun katulad ng skill ko pero mas mabilis pa. Nagbitaw ito ng isa pang taga, pero bigla ring nawala si Amaymon at nalipat sa itaas niya. Umiilaw ang hawak nitong bungo sa kaliwang kamay.
"Soul Burst!" bulong nito.
Isang beam attack ulit pero this time sinabayan ng mga kakaibang ungol. Parang mga hiyaw ng mga kaluluwang di matahimik. Nakakapangilabot...!
"Zaphro!" sigaw ni Shion na biglang nagshift ulit ng battle armor.
"Light Speed Set!" gamit nito ay mas bumilis siya ng kilos kaya nakaabot siya sa kinaroroonan ni Amaymon. Nagawa niyang itabig ang kamay nito dahilan para magbago ng direksyon ang tira ni Amaymon.
"Pangahas!" sigaw ni Amaymon at tinaas ang hawak ng karit at aaktong iwawasiwas ito kay Shion.
Pero biglang may pumigil dito. Isang kristal na harang.
"Crystal Hex!" nanggaling iyon kay Gwydox na ngayon ay lumilipad katabi ni Zaphro.
Parang kuha ko na ang strategy nila.
"Slicer, gumamit ka ng range skill!" sabi ko.
"Ok! Guardian Push!" nang tumama ito kay Amaymon ay hinigop niya ito.
"Ngayon na!" sigaw ni Zaphro.
"Heaven's Judgment!" ayon naman pala. Nahuli rin namin siya...
"Stone Curse!" gumamit ako ng anti-movement skill para di na talaga siya makagalaw.
Nagshift ulit si Shion at umatake kay Amaymon ng kanyang mga sword skills. Mabilis din sila Jin at Aryus na sumugod.
"Crushing Blow!" Aryus.
"Broken Blade!" Jin.
Gamit ng lance ni Aryus ay nakagawa ito ng malakas na shockwave na biglang sumabog ng salagin ni Amaymon. Samantalang ang kay Jin naman ay isang bagong sword skill kung saan naghihiwalay ang talim at hawakan ng espada niya. Ang talim nito ang siyang tatama sa kaaway.
"Grand Summon, Zodiac Spirit Pisces!" nilabas ko na ang dalawang twin summon ko at ito ang humawak sa magkabilang braso ni Amaymon para hindi ito makagalaw o makaiwas pa sa mga atake.
Sandali lang kasi ang epekto ng anti-movement skill sa gaya niya. Mataas siguro ang resistance niya sa magic.
"Peste kayo!" sigaw nito.
"Ngayon na Erik, Erenir!" sabi ni Zaphro.
"Way of Destruction #25: marching death!" Erenir.
"Perfect Storm!" Erik.
Agad na lumayo sila Aryus , Jin at Shion dito at iniwan na ang summon ko. Naghalo ang wind skill ni Erik at black magic force ni Erenir at nakagawa ng isang malakas na tira. Isang unison skill isang bagong combo skill.
Tumama ito ng direkta sa kaaway at pati sa mga summons ko. Mabilis ang pagbulusok nila sa lupa dahil tinutulak sila ng malakas na pwersa ng combination skill nila Erik. Halos nasira ang terrain na dinaanan nila.
"Astig nun ah!" biglang sabi ni Slicer.
"Nasaan na siya?" tanong ni Verillion. Dahil sa pagtingin namin ay wala na ito sa spot kung saan naroon pa ang mga summon ko na critical na ang HP.
"Paanong bigla na lang siyang nawala?" sabi ko. "Kitang-kita ko tinamaan siya at hawak siya ng summons ko."
"Wala na siya. Yun ang natitiyak ko." sabi ni Gwydox.
"Pero paano?" tanong ni Zaphro.
"Dumaan siya sa ilalim ng lupa gamit ng burrow skill. Maraming dungeon dito maaaring merong isa dito sa ilalim. Doon siya dumaan." paliwanag ni Gwydox.
"Eh, duwag naman pala yun eh!" asar na sabi ni Slicer.
"Pasalamat tayo at naisahan natin siya. Dahil kung hindi tiyak talo tayo. Kaya niya tayong ubusin kung naunahan niya tayo. Kahit ako hindi ko siya masabayan sa bilis.!" sabi ni Zaphro sa amin.
"Tara na... Hanapin na natin ang village at doble ingat na tayo." mungkahe ni Verillion.
Tumango na lang kami at muling tinungo ang silangang direksyon ng Helliopolis City..
.
End of Chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top