Chapter 21: All Out Battle Part Two
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014
"Zaphro's POV"
Mabilis na lumipas ang limang minuto at biglang nagsilitawan ang ibang mga online players gaya ng nasabi nila GM Kaizen. Lahat ng races ay nandito kahit ang grupo ni Flick ay napunta rin dito..
"Wow! Ang dami na natin dito!" bigla ay sabi ni Slicer.
"Check that chick dre!" sabi naman ni Jin ng makakita ng isang seksing Angel Type player.
It was Andromeda19, siya yung nakalagay dun sa listahan sa village namin na isa sa mga high level. Kung titignan eh simple lang ang suot nitong damit. Yep, mas mukha itong dress kaysa armor dahil masyadong manipis. Kulay violet at pink ito, and her weapon is a Fan. Pamaypay na may mga patalim sa dulo. Isang warrior angel yata siya. Bakit kaya hindi ito naka full plated armor? Ganun ba siya kalakas para isantabi ang armor defense para sa additional speed? Wow lang!
"O, natulala ka diyan?" siniko ako ni Slicer.
"Ah.. wala.!" sabi ko.
"Ang sabihin mo, type mo yung Andromeda." at ngumiti ito ng nakakaloko.
"Tss! ewan ko sayo." muli kong tinuon ang paningin sa pagsuri sa paligid. Mukhang nakarating na ang lahat ng mga online players. Nasa mahigit limangdaan kami ngayon dito. Medyo kaunti lang kumpara sa actual number ng mga players na naglalaro. Maraming offline, baka busy lang sa real world. Pero 500+ players is enough to participate in this event. Mukhang exciting to ah..
"All right, listen up!" biglang umalingawngaw ang boses ni GM Kaizen sa paligid na parang naka megaphone. "This is a system event! All of the informations regarding this will be now accessible using your virtual screen. Basahin ninyo at intindihin, dahil hindi ko gusto ang mga matitigas ang ulo." sabi nito.
.
Nagsimula na kaming kumumpas sa ere para tignan ang rules and info ng event. Medyo mahaba kaya natagalan kaming basahin ito. But the main objective is to defeat the boss in any way posible. Bawal ang PK at bawal ang solo-play kaya dapat ay bumuo ng party.
"Whenever you're ready maaari na ninyong simulan. But remember, teamwork is the key. Dapat magtulungan, di lang sa sariling party kundi pati rin sa ibang mga parties. Walang magkakaaway ngayon, kung may di kayo pagkakaunawaan ng ibang party ay isantabi niyo muna. Once your PK'd by the boss you can't move back in this area until the event is finished." paliwanag ni GM Rowan.
"One shot! Kaya wag kayong maging pabaya." dagdag ni GM Aero.
Saglit na katahimikan ang naghari bago biglang sumabog ang hiyawan ng maraming players. Nagsimula na silang lumusob sa kinaroroonan ng boss. Parang giyera sa sinaunang panahon ang scenery kaso halimaw na ahas nga lang ang kalaban namin. May siyam itong ulo na parang sa dragon na bumubuga ng mga elemento.
Ang party namin ay hindi pa muna gumalaw. Yun din ang sabi ni Verillion sa amin. It's very reckless kung susugod agad kami not knowing the ability of the target. Ganun din ang ibang grupo, nakatayo lang din sila at pinagmamasdan ang ibang party na nakikipaglaban sa epic boss.
"Mukhang marami din tayo ditong nag-iisip ah." sabi ni Ayana.
"Oo, at tiyak kong malalakas din sila." sagot ni Verillion.
"Mukhang malakas din yung crush mo Zaphro!" sabi ni Shion.
"Ano, sinong crush?" loko tong Slicer na to. Kung anu-ano ang sinasabi sa kanila. Nakangisi pa talaga...
"Pitong party. Not that many pero pwede na!" biglang sabi ni GM Akil.
.
Tama pitong party na lang ang naiwan kabilang na ang grupo ni Flick at grupo ni Andromeda. Ang mga naunang teams na sumalakay sa Boss ay parang mga pawns lang sa larong chess. Sacrificial lamb kumbaga dahil sila ang naunang makatikim ng bagsik ng boss.
Agad kong napansin na lumapit ang mga ito sa amin.
.
"Hi!" bati ni Andromeda. "Mukhang kaunti na lang tayo ditong magtutulungan. Kaya we need to plan things out. Nga pala nice to meet you all.!" dagdag niti. Ang cute niya!
.
"GM's we should be getting ready on our post." sabi ni GM Kaizen. After that ay mabilis silang nawala. Mabilis pa sa ipis!
********
"Ok, kuha na namin ang plano." sabi ni Erenir na sumama sa ibang mga long range players na kasama namin. They will be incharge of the long distance damaging attacks. Kami nila Jin, Aryus, Shion, at Slicer ay sa frontline, kami ang melee attackers at tank. Swerte at kasama namin si Andromeda.
Meron pang isang team na nabuo.. Ito ay kinabibilangan ni Ayana at Verillion. Sila naman ang sa mid-field. Debuffing and buffing ang role nila at dagdag damage na rin dahil pwede silang umatake at tumulong sa pagdefense sa amin.
.
"Ok! Let the battle begin!" sabi ko at hindi na kami nagdalawang isip pa. Tumakbo na kami para lumaban sa boss.
"Armour Shift! Draconian Set!" Shion has shifted to a much offensive plated armor na may dual blade as primary weapon. Kakaiba to, ganito pala ang ultimate niya. Kayang magpalit ng armor type.
.
"Strengthen!" nag buff si Andromeda at biglang umilaw ang set niya ng rainbow. Nag buff din ang iba pang mga kasama namin. Maging si Slicer ay may gamit na bagong buff ng ultimate niya. Ang holly aura.
"Zaphro, Slicer..." tawag ni Andromeda. "Sa taas tayo umatake." sabi nito at lumipad gamit ng maganda nitong pakpak.
.
"Tara tol, sumunod tayo!" sabi ko at nag buff ng burning essense.
Lumipad kami sa himpapawid at nakasunod sa kasama naming si Andromeda. . .
Wala itong takot na umatake gamit ng pambihirang bilis. "Animal Rage!" bigla niyang hiniwa ng mga pamaypay ang isang ulo ng hydra. At agad na lumayo para iwasan ang isa pang ulo nito.
"Bilis ah!" sabi ni Slicer.
"Tutunganga na lang ba kayo?" tanong ni Andromeda sa amin.
.
"Of course not. Sa katunayan may susubukan ako." sabi ni Slicer. Agad siyang pumuwesto upang magpakawala ng long range skill.
.
"Regolus impact!" nag-ipon siya ng enerhiya sa kanang kamao at iyon ang tinira niya sa isang ulo ng boss. Iba ito sa guardian push niya. Dahil mas focus ito at mas malakas. Nabutas ang ulo ng boss dahil dun.
"Not bad!" puri ni Andromeda.
.
Dahil dun ay umatake narin ako sa boss. Sinalubong ako ng dalawang ulo nito at tumira ng skill ang bawat isa sa mga ito. Kaya naman ginamit ko ang Hex para maging invulnerable. Hindi ako tinablan ng skill at nagtuloy sa ulo ng boss.
.
"Cold Fire!" "Burning Stab!" nagpakawala ako ng combo skills. Napagyelo ko ang isang ulo ng hydra at nasunog ang isa pang ulo ng blue flame ko.. Ang pet ko naman ay tumitira ng ice spikes at kidlat sa katawan ng boss.
.
Halos kumonti ang bilang ng mga players. Na-PK yata ng boss ang karamihan. Mataas parin ang HP ng boss. Nasa 87% ito at mabagal mabawasan, muli lang din tumutubo ang mga nasunog o naputol nitong ulo kaya mas lalong mahirap ang sitwasyon.
.
Umikot sa bandang likuran ang grupo nila Erenir at doon tinitira ang boss ng mga long destructive skills. Sa pamamagitan nun ay nadagdagan ang bawas sa life ng boss ng 3%.
"Kaya natin ito! Ipagpatuloy lang natin." sigaw ko..
.
"Grand Summon! Isis!" isang skill mula kay Ayana. Isang monster ang tinawag niya ang Goddess na si Isis. Pumatong ito sa katawan ng hydra at sinaksak ito ng isang spear. Naglalabas din ito ng kakaibang aura na nagdudulot ng mumunting pagsabog. Mas lalong nabawasan ang HP ng hydra pero naging mas mabangis ito.
Series of teams got wiped out dahil sa shockwave skill nito. Buti na lang ay may barrier na nagawa ang mga support teamates namin.
The unfortunate ones got PK'd..
Ang hirap ng laban na ito! Kakayanin ba namin? Wala kaming panama sa higanteng ito.. Mabilis itong nakapag regen sa loob ng 3 seconds after ng skill niya.
Ngayon ay back to zero ulit kami. .
Matatapos pa ba to?....
.
End of Chapter....
.
Ayan po... medyo natagalan ang update.. pero I'm back na!...
Prepare your self for an action pack chapters!
Vote and comments are highly appreciated.
Till next update!
@TheoMamites
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top