Chapter 20 (All Out Battle!)

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014

"United As One"

Zaphro's POV

    Nagulat kaming lahat dahil biglang lumabas ang isang Epic boss. Mabuti na lang at mabilis kaming nakalabas sa cave. Nang nilingon namin ang kweba ay gumuho na ito at nakalabas na ang halos kalahati ng katawan ng Boss.

   Oo tama, ganon kahigante ang boss. Halos five times ang laki nito kumpara sa mga boss na nakalaban namin.

"Bat ganyan kalaki yan?!" gulat na sabi ni Jin.
.

"Aba, malay ko ano.!" sagot ko sa kanya.


"We should hurry up! Bumalik tayo sa entrance ng forest." Verillion said with finality. Kaya naman nagmadali kami sa pagtakbo. Kapansin-pansin na nawala ang mga mobs sa paligid ng forest. Ang mga monsters na dapat ay makakasalubong sana namin ay nahlaho na. Ang wierd ano?

   Hindi na namin iyon napansin dahil mas importante ang makalayo kami sa epic boss. Ngayon ay nakalantad na ang buong laki nito. Halos inukupa nito ang malaking espasyo sa gitna ng forest na halos kasong lawak ng isang football field.

"Wahhh! Ang laki talaga dre!" sigaw ni Slicer ng makalabas kami ng gubat.

.
"Imposible yatang mapatay yan!" sabi ni Aryus. "Kahit full party pa tayo malabong matalo natin iyan."


"Tama ka dun bata.!" bigla ay sagot ng isang lalaki sa may entrance ng gubat. .

.
"Sino ka?" tanong ni Ayana dito.

.
"Siya si GM Akil!" ako na ang sumagot sa tanong niya.


"GMmmmm?" bigla ay nagulat si Jin.


"Tama yun!" sabi ni GM Akil sabay ngiti sa amin. "Isang super rare boss yan at kailangan ng maraming party para mapabagsak ang isang iyan. Makunat yan at mabilis mag-regenerate. Hindi rin basta-basta ang skill niyan, halos lahat ay nakaka one hit." sabi nito.

"Ha? eh pano namin iyan tatalunin?" tanong ni Shion. "Hindi ko pa nakita iyan noong beta test."


"Kung ga'non isa ka sa mga beta tester ng laro? Ang cool!" sagot ni GM Akil. Ilang saglit lang ang biglang nagsidatingan ang iba pang GMs ng laro.


"Teka, bakit kayo nanditong lahat?" tinanong ko si GM Kaizen.


"Para tumulong, darating ang ibang mga players dito sa entrance ng gubat maya-maya. Isa itong panibagong system event Zaphro. Nandito kami para umalalay at magbantay sa mga PK players. Bawal ang PK ngayon sa event na ito." salaysay niya.


"Lahat ba darating?" tanong ni Eriner.

"Lahat, mafo-force TP sila dito after five minutes. Kahit low levels ay kasali at kung mapatay ninyo ang boss, lahat kayo ay makakatangap ng rewards." sagot ni GM Rowan.


"WOW! REWARDS!" biglang kumislap ang mga mata ni Erik.

"Tama." tipid na sagot ni GM Aero.

"Mukhang kayo ang naka clear ng cave ah. Better give the item to the NPC for your reward gold and item." paalala ni GM Kaizen.


"Oo nga, muntik pa naming malimutan." sinenyasan ko si Ayana na ibigay na kay Calix ang scepter.


Nag-usap muna kami ng mga GM kasama nila Verillion at ni Shion. Ang iba naman ay umupo sa nga malaking bato na nagkalat sa paligid.

"Guys!" biglang sabi ni Ayana.


"Oy, ano yun?" tanong ko sa kanya ng makalapit ako.

"Ang item reward, isang upgraded item. Max upgrade agad!" hindi maipinta angmukha niya sa sobrang gulat.

Arcana Scepter + 10 (Max)

Force Damage: 8,500-13,550
150% increase all attack

30% additional movement speed
Lifestealer effect: 45% damage converted to HP

Cast: Nature Element

+50 all stats

"Wow naman! Ang lakas ng item na ito!" sabi ni jin.

"Oo nga dude!" sabat ni Erik.

"Pwede bang akin na lang ito! Sigeh na please! please!, please!" pagmamakaawa ni Ayana.


"Well sayang naman kung ibibenta yan. Tsaka tatlo lang kayo ditong gumagamit ng staff at scepter. Kayo ba Erik at Verillion ayos lang ba sa inyo?" tinanong ko sila para malaman ang kanilang nais.


"Ok lang." tipid na sagot ni Verillion.


"Hhmmmm.... sa akin ok lang din. Hindi kasi bagay sa akin ang itsura ng scepter. Mas bagay kang Ayana." sagot ni Erik.


"Ok! Ayos!..." masayang masayang nagtatalon si Ayana sa naging pasiya nila Verillion.

    Nga pala may bagong level na kami. Ikaw ba naman ang tumalo ng limang boss. Sobrang laki ng XP na bigay nun sa amin kaya ito ang new character stats namin.


Verillion: Level 104
Shion_rio: Level 99
Ayana: Level 98
Slicer_DM: Level 96
Jin: Level 94
Erenir: Level 93
Aryus: Level 92
Erik_Hertz: Level 92
Zaphro: Level 82

Mabagal ang leveling ko kaya nalampasan nila ako sa mga levels. So ngayon ay nasa ultimate na kami.

Verillion: Elementor
Zaphro: Demonic Angel
Slicer_DM: Holy Blader
Ayana: Celestial Mage
Erik_Hertz: Druidic Wizard
Aryus: God Slayer
Jin: Gladiator
Erenir: Occultist
Shion_rio: Armorer/Shifter

............................Itutuloy.......

Half muna ng chapter ah....

Mamaya tatapusin ko na ito...Hintay lang kayo ok!     :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top