Chapter 2: Zaphro
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014
EDITED CHAPTER.....
Nang pindutin ni Zeke ang login button ay agad siyang naitransmit papunta sa game or shall we say naipadala sa ibang dimension. Para siyang nahuhulog sa kawalan, purong kadiliman lamang ang kanyang nakikita. But after several minutes ay may pulang ilaw siyang nakita na parang kahalintulad sa isang scanning machine.
"Welcome to Enigma Online!" pagbati ng isang NPC (Non-Player Characters) isang AI (Artificial Intelligence). Isang lalaking AI na balot sa isang Black Armor.
"To start, choose a character type." dagdag pa nito.
Kaagad na may isang virtual screen ang lumitaw sa harapan niya displaying all the character types that the game have. Ang mga pagpipilian niya ay HUMANS, ELVES, at ANGELS.
"Uy! Mukhang astig to ah! " sabi pa ni Zeke.
Inisa-isa niya ang mga categories. Sa humans ay may talong classes. Warriors, Mage/caster, at Archer.
Sa Elves naman ay may apat na classes. Warriors, Wizards, Archers, at Specialist. Pero sa mga Angels siya nagka-interes. Apat din ang sub classes nito. Ang mga ito ay Warriors, Musicians/Casters, Archers, at ang huli sa lahat ay ang Unknown.
"Unknown? Anong description ng class na'to?" tinanong niya ang NPC.
"Unknown, angel class that possess high-damaging attacks. Can learn both melee and range skills. Also a force user. Recommended only for veteran players.
"Okay. I choose to be an Angel, sub-class Unknown." nakapili na si Zeke.
"Good job. Next step, create your game avatar." sabi ng NPC.
May lumitaw ulit sa VS (Virtual Screen) niya. Ang kanyang avatar. Nag-umpisa agad siya sa hair style. Normal hair style lang ito, parang naka gel lang at patayo ang buhok. Medyo golden yellow ang napili niyang kulay. Naka T-shirt na white at black leather jacket na terno lang sa black pants and shoes nito. Mayroon ding benda ang kanang kamao niya. Ang sunod nito ay namili siya ng primary weapon. Wala masyadong choices sa weapon kaya napili niya ang isang beam sword. Para lang itong laser sword sa movie na star wars.
"Well done. You can now name your Avatar."
"Zaphro" iyon ang napiling name ni Zeke sa Avatar niya.
"Creating your avatar. Please wait for two minutes. You will be then teleported to the starting area. And by the way... Good luck!" matapos sabihin iyon ng NPC ay nawala na ito at naiwan si Zeke sa madilim na lugar na kinalalagyan niya.
Hinintay ni Zeke ang two ninutes. May lumabas agad sa VS niya. Avatar Finished!
Game Loading »»»»
Nandoon na naman ang pakiramdam na nahuhulog siya. Parang maduduwal na siya, pero unti-unting lumiwanag ang paligid. Nakita ni Zeke na gamit na niya ang kanyang game avatar.
"Wow. cool!" sabi niya.
Nasa loob siya ng bilog na mayroong liwanag na umiilaw. Ito na siguro ang respawn area. The starting point. Tinignan niya ang kanyang VS at nakita ang pangalan ng lugar kung nasaan siya ngayon. Village of Light.
Naglakadlakad siya sa buong paligid para makapagtanong sa ibang mga players.
Ngunit nabigla siya dahil walang ibang players sa area kung nasaan siya ngayon. Bigla niyang sinilip ulit ang kanyang map sa VS niya at nag scan.
»»scanning for players««
No players were detected ayon pa dito. Tinignan niya ang kanyang manual, nagbasa siya ng patungkol sa Village of light. Ito ang main village ng mga Angel type na characters. Kaya kataka-taka na wala siyang makitang ibang mga players. May isang bulettin board ang nakita niya sa di kalayuan. Dito yata nakapaskil ang mga nasa ranks sa mga kapareho niyang angel types. Nang silipin niya ito ay laking pagkagulat niya nang anim lamang sila sa listahan at kabilang na siya dito.
Biglang may lumabas ulit sa kanyang VS.
Congratulations you recieved a gift box!
Isang Congratulation notice mula sa system! Isang Ultra rare gift box na naglalaman ng mga items. Agad itong binuksan ni Zaphro, nakita niya rito ang mga nilalaman. Isang legendary set ng armor at 1 Epic type weapon (Ancient Reaper Sword).
"Ano 'to? Weapons na may mataas na attributes? Pamigay lang?" tanong niya.
Binasa niya ang nakalagay sa notice. Nagkataon lang na may reward ang makakapag log in sa eksaktong oras na nakapasok siya. Isang player lang ang bibigyan ng ganitong reward at siya ang pinalad. Hindi ito inanunsiyo sa buong game. Personal notice lamang ang ginawa ng game admins at siya lang ang nakakaalam sa items na ito...
Walang level restrictions ang mga items na ito at maaari niya agad itong isuot. Swerte niya at malakas agad ang items niya. Mayroong 1800-2500 damage ang sword at ang Armor of Frozen Angel naman ay mayrong +250 armor agad kada isa kaya may 1250+ armor na kaagad sa stats niya. Meron din itong 1000 HP kada isa kaya ngayon ay nasa 5200 ang HP niya kahit level 1 pa lamang. 200 HP lang sana siya kung wala ang mga items na ito.
Tinignan niya ang kanyang character stats by simply waving his right hand upward. Lumabas ang VS options sa upper right corner. After clicking character stats ay ito ang lumabas.
Level 1 Zaphro
Race: Angel
Sub-class: none
Hp: 200 +5000
Def: 10 +750
Mp: 300
Sp: 250
Str: 30
Dex: 25
Int: 25
Vit: 30
Dodge rate: 30 +25%
Movement Speed: 100 +25%
Tapos lahat ng elemental ressistance niya ay 10.
"Ayos din ng timing ko ah! Madali akong makakapag pa level nito." sabi pa niya at nagsimulang lumabas na sa safe area ng town. Dun siya sa labas ng south gate.
Napunta siya sa isang grass land ang Ulmir. Maraming mga level 1-15 mobs dito. Isa na dito ay ang mga "Lvl1 Grass Snake" Spit lang ang kayang gawin nitong skill kung saan dudura sila ng venom. 5HP lang ang damage nito kaya ipinagsa-walang bahala na lang ito ni Zaphro. One hit lang niya ang mga ito kaya madali siyang nakakakuha ng XP. Limang minuto pa lang ay nag Level 5 na siya kasi sinusugod niya ang halos lahat ng mga mobs sa paligid. Wild Dogs Lvl 5, Small Pig Lvl 3, at Green Viper Lvl 10. Lahat naman ng mga drops ay pinulot niya. Venom Sap, Viper Fangs, Pig Tails, at ilang mga Potions na na drop sa mga ito (HP,MP,SP).
Nanatili siya dito ng isang oras pa at patuloy lang sa ginagawang pagpapa-level. Buti na lang at mayroong mga drops ng mga MP (mana potion) at SP (Stamina Potion) ang mga mobs at nagagamit niya ito dahil unti-unti din kasing nababawasan ang SP at MP niya. May Character Skill kasi siyang nakuha pagkaabot niya sa level 5 ang Frost Field. Character skill ito ng weapon item niya, ito ay nakakagawa ng nagye-yelong field (AoE) na nagde-drain sa HP (Health Points) ng sinumang monster na nasa loob ng field. -100 HP per second ang effect nito dahil level 1 pa lang ito. Pero kapag upgraded na ang skill na ito sa maximum capacity ay -1000 HP per second na ang magiging epekto nito.
Nang matapos ang isa at kalahating oras ay naging level 15 na si Zaphro. Puno na rin ang inventory niya sa mga items na na-drop sa mga monsters. Bumalik siya sa Village at nagpunta sa isang Merchant NPC, binenta niya ang mga walang kwentang gamit na mga loots kapalit ng game golds. 457G agad lahat ng mga iyon. Mura lang ang benta kasi low level items lang ang mga iyon. Itinira niya ang mga potions sa inventory dahil magagamit niya ito during PVE. Nagpasiya narin siya na mag log out kasi thirty minutes na lang at next subject na niya. Kapag ikaw ay mag la-logout sa game ay may choices ka na mga location. Papipiliin ka kung saang lugar mo gustong bumalik. Syempre pinili ni Zeke ang school niya kaysa sa second option which is his pad.
Logging Out»»»
30 seconds remaining.....
End of chapter 1
Vote po kayo at comment sa bagong story na ito at lubos ko po itong ikakatuwa.. Enjoy reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top