Chapter 19 (The Dark Cave : Part 2)

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014

"Serpents Abode: Retreive the Scepter!"

"Author's POV (may POV ako, bakit meh angal kayo? (^__^)"

    Habang papasok sila sa loob ay pansin nila na lumalaki ang space sa loob. Mayroong malawak na parang dome sa looban.

"Is it just me or what?" biglang sabi ni Ayana. "Mini-Boss ba iyan or Boss na. Eh halos katulad lang nung nakalaban natin na Cerberus ah." dagdag niya.

"Nope, take a closer look. Ibang-iba ang itsura at laki." biglang sagot ni Shion.

"Tama, pero bakit limang ganyan?" si Jin naman ang nagsalita.

"Hindi ko rin alam. At sa tingin ko dapat mag-ingat tayo." sabi ni Zaphro.

Level 150 Meta Cerberus (Boss)

HP: 200,000/200,000
Defense: 20,000

Skills:

Paralyzing Stare: (Meta cerberus skill that can restrict any character from dodging it's attack by merely staring into its eyes.)

Rebound (Passive): (A passive skill that deflects any form of magic or spell attack. Meta Cerberus is imune to magic.)

Mirror Image: (The ability to split into two when hit by an attack. Skill only last for 30 seconds.)

Reaping: (A damaging skill that can cause critical damage by. Cerberus will gain amazing speed and attack a player with it sharp claws with tremendous damage inflicted.)

Cyclone: (Cerberus calls out to the wind element creating a powerful air current that can wipe out enemy.)

Death Pulse (AOE): (A dark skill that can cause massive destruction. A formation of dark aura that will devour anything it touches.)

Blindness: (Another eye skill that can temporarily blind opponent for 10 seconds.)

Acid Spit: (A normal range attack of Cerberus wherin it spits acidic fluids.)

Gold reward: 100,000,000g

Drops: All random rare to epic items

Ito lang naman ang stats ng kanilang makakalaban. And take note, lima ang mga ito. Nakakatakot naman.
"Seryoso ba ito?" tanong ni Slicer.

"Malamang!" tipid na sagot ni Zaphro.

"So, let's get started, nang matapos na to. Di pa natin nakikita ang scepter." sabat naman ni Erik.

Sa lawak ng espasiyo sa loob ay may mga designated area ang mga Boss. Kapansin-pansin din na wala itong mga minions. Naiilawan din ang buong lugar ng isang lumulutang na bola ng liwanag na makikita sa pinakagitna nito. ano naman kaya iyon?

Inuna nilang puntiryahin ang pinakamalapit na Boss. Dahil sa nasa loob sila ng kweba ay hindi sila maaaring gumamit ng mga destuctive skills dahil baka gumuho ito. Pili lang ang mga skills na magagamit nila. Bawal ang malakas na explosion.

"Mag-ingat lang tayo sa pagbitaw ng skills ok. Dapat precise at walang mintis." instruction ni Zaphro sa kanila.

"Terra Blockage!" inumpisahan ni Verillion at na-trap ang ang Boss sa tipak ng bato.

Mabilis na sumugod sila Zaphro at Slicer sa boss at gumamit ng normal slash. Pagkakataon din ito para makita ni Slicer ang weak spot nito.
Kahit malakas na ang mga weapon damages nila ay 2% lang ang binawas ng HP ng boss. Sa kunat nito tiyak mahihirapan sila. Sumunod na tumira ay ang mga range players na sila Erik, Ayana, Erenir, at Verillion. May nagpakawala ng apoy, kuryente, at mga energy wave. Maya-maya ay bumuwelo si Erik.

"Poseidon's Trident!" isang malaking trident ang lumabas sa harapan niya at agad niya itong kinuha upang ibato sa na-trap na Boss.  May kasabay itong malakas na pwersa kaya ng tumama ito sa rock pillars ay nawasak ito at tinamaan ang Boss sa tagiliran. Tumalsik ito ng limang metro at nagtamo ng 5% damage. Nasa 93% na lang ang HP nito, buti na lang at wala itong regen.

"Wind Deflect!" nag-cast si Verillion ng skill sa sarili at biglang sinugod ang boss ng walang pagdadalawang isip.

Hindi niya naiwasang maapektohan ng Paralizing Stare kaya hindi siya makagalaw. Bigla ay nilabas ng boss ang mga matatalas nitong kuko at dinakma siya ng ubod bilis. Halos hindi na makita ang paggalaw ng boss. Ginamit ng boss ang reaping na skill. Pero wala iyong nagawang damage kay Verillion dahil sa wind deflect ability niya.

"Tundra Blast!" marahas niyang ihinambalos ang dalang Staff sa ulo ng boss. Tinamaan ito at napasubsob sa mabatong sahig. " Ground Spikes!" muli ay bumato siya ng skill. Isang matulis na bato ang sumulpot sa ilalim ng boss dahilan kaya tumalsik pataas ang cerberus. Tinangka pa nitong dumura ng acid kaso hindi naman tumama.

"Ako naman!" sabi ni Slicer.
"Blade Erruption!" nagsilabasan naman ang mga blades sa lupa at sapul ulit ang boss habang nasa ere pa ito. Nagtamo ito ng sugat sa dibdib nang bumagsak sa lupa. Bigla itong naging dalawa bago pa nakasugod sila Shion at Jin. Ang ginawa nila ay inatake ang bawat isa sa mga ito. Nakapag chagre na si Shion ng skill at kahit hindi tumitingin sa kaaway ay kaya niya itong i-cast.

"Twin Slash!"  tinamaan niya ang ginang ulo ng isa sa mirror image ng Boss.

"Focus Stab!" si Jin naman any gumamit ng direct attack habang iniiwasang mapatingin sa mata ng boss. Dahil sa hindi ito nakatingin sa boss ay dumaplis lang ang skill niya sa may balikat ng cerberus.

Samantala naman ay pinapatamaan nila Ayana at Erenir ang mga mata ng boss para ma-destract ito at di magamit ang eye skills niya.

Nang muli itong mabuo ay biglaang nagpakawala ng malakas na hangin. Isang cyclone skill.  Agad silang nag re-group at gumawa ng harang si Verillion.

"Chrono Shield!"  sigaw ni Verillion.

Nasalag nila ang skill nito kaya walang tinamaan sa kanila. Nasa 80% pa ang HP ng Boss. Muli ay inulit nila ang mga ginawa kanina. Patuloy na dini-destract nila Ayana at Erenir ang Boss at ang iba ay salit-salitan sa pag hit dito. Hindi rin maiwasan na may matamaan sa kanila Zaphro ng mga atake ng boss. Buti na lang at maagap na sumusupport ang mga kasama.

    Hanggang sa naging 15% na lang ang HP ng boss. Mga kalahating oras din iyon.

"Frost Field!" nag AOE na si Zaphro para pigilan ang boss na makagalaw. Minsan na kasing tumama ang Death Pulse skill nito sa kanila kanina at muntik pang mapahamak si Erik at Aryus. Naninigurado lang siya.

"Binding Array!" si Erenir gamit ng purple enegy wave niya.

"Vine Grip!" upang hindi tumalsik sa malayo ang boss ay pinuluputan ito ng vines ni Ayana sa mga paa. Habang patuloy lang si Erenir sa pagpapakawala ng skill.
At after a few seconds ay....

"Meta Cerberus has been slain by party!" ito ang lumabas sa kanilang Virtual Screen.

Pero teka.... May apat pang natitira..

"Ayos!" sigaw ni Aryus. May mga back item kasing na drop. Cavalier Cape at armor set. Siya ang nakapulot nito at agad pinalitan ang titanium alloy armor niya.

"Looter lang? hahaha... " sabi ni Slicer sabay tawa ng malakas.

"Nauna lang makapulot." tipid nitong sagot. Ngayon ay mukha na siyang knight na may silver at golden armor with helmet pa. Bumagay pa ang Sacred Mace na gamit niya sa set..

Kaunti lang ang drops ng boss at kailangan nilang talunin pa ang iba. Nang biglang medyo dumilim ang paligid. Nabawasan ng liwanag ang  bola ng liwanag sa gitna kaya nakita nila ang Scepter. Ito pala ang lumulutang doon?

Amazing right?! haha....

Agad na minadali nila ang pagtapos sa mga natitirang Boss. Alam na nila ang mga skills nito kaya madali na lang nilang natatalo ang mga Cerberus. Umabot ng dalawang oras bago nila na-clear ang buong cave sa mga Boss.

Unti-unting nawalan ng liwanag ang scepter at bumagsak sa batuhan.

Pinulot ito ni Ayana at nilagay sa inventory nito. Nagmadali na silang lumabas ng kweba nang biglang.....

Yumanig ang paligid at nagkaroon ng magic circle sa gitna ng kweba. Makaraan ng ilang sandali ay parang may lumalabas na kung ano sa umiilaw na magic circle.

"Legendary Ferullian Hydra Arrived"

Bigla itong lumabas sa mga VS nilang lahat.

"A-ano y-yan...? Isang Epic B-boss?" nauutal na sabi ni Jin.

"Level 150 Ferullian Hydra (Epic Boss)

HP: 400,000/400,000
Defense: 30,000



End of Chapter 19

Oh ngayon ko lang na-post kasi nabusy si Author eh..

Epic Boss na naman! Ano ba?

Abangan ang next chapter!


Next Chapter: Chapter 20: (All out battle!)



Enjoy reading!

Don't forget to leave your vote and comments.

@TheoMamites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top