Chapter 18 (The Dark Cave Part 1)

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014

"Serpent's Abode"

Zaphro's POV

     Nagtagumpay kaming matalo ang mga mini-boss. Sa dami ba naman ng mga binitawan naming skill. Advantage talaga kapag may party.

Nang sumabog ang mga mini-boss ay nakita namin ang mga drops nito. Nagda-drop pala ito ng mga crystals at 30M gold bawat isa. May mga rare items din itong drops.

Item drops:

Gladiator Armor (rare)

Wizards Vestments (rare)

Hood of Clairvoyance (rare)

Sacred Mace (Epic)

Back items:

Red cape (rare)

Horus cape Purple (rare)

archangel wings (rare)

Crystals:

Amethyst: 25pcs.

Ruby: 25pcs.

Emerald: 25pcs.

Jade: 26pcs.

Diamond: 20pcs.

Total gold: 120,000,000 M

Pinaghati-hatian namin ang mga drops ng Boss. Hiningi ko na ang wing item para ibigay kay Accel. Ang wizards vestments ay napunta kay Erik. Samantalang ang gladiator atmor at red cape ay binigay namin kay Jin para magkaroon siya ng malakas na set. Si Jin nalang kasi ang gumagamit ng common armor sa amin. Ang Sacred mace naman ay napunta kay Aryus dahil ito ang mga type of weapon na ginagamit niya. Ang hood of clairevoyance ay napunta kay Verillion at ang Horus cape ay kay Ayana.

     Ang gold naman ay pantay na nahati sa aming party. At ang mga crystals naman ay si Verillion ang nagtago. Malaking XP din ang nakuha namin kaya naman naglevel up ako ng isang level (level 76).

New levels

Verillion: Level 85

Slicer: Level 76

Ayana: Level 78

Shion: Level 79

Aryus: Level 72

Jin: Level 74

Erenir: Level 73

Erik: Level 72

Sa aming lahat ay si Verillion pa lang at ako ang nasa ultimate na sub-class. Ang tawag sa class na meron siya ngayon ay Elementor. Ako naman ay Infernal Duke at isa sa mga new skill ko ay ang demonic transformation.

Mabilis kaming pumasok sa looban at ang location namin sa virtual map ay nasa banddang sentro ng gubat. Dito kasi sinabi ni Calix maaaring makita ang entrada ng kweba.. Malalago ang mga punong kahoy na aming nadadaanan ngayon.  May mga normal mobs na nasa paligid pero mas pinili namin na dumaan sa gilid ng mga puno para hindi nila kami mapansin. Mini-boss ang target namin dahil mas maganda ang drops at may mataas na XP na bigay. Ganoon lang ang game plan namin habang hindi pa nakikita ang kweba. Sa dami ng mga mini-boss na hinarap namin hindi ko na natandaan ang kanilang pangalan. May mga malalaking ahas, warewolves at mga gargoyle like monsters. Mga apat na grupo din iyon na natalo namin at ang panghuli ang ang grupo ng mga forest dragons na Galinos Serpentine na mas mukhang ahas dahil sa katawan nito. Ang kaibahan lang ay may mga kamay at paa ito at maliit na pares ng pakpak. Mabilis lang namin itong natalo dahil sa aming pinagsama-samang lakas. Marami narin kaming mga loots na items at kadalasan ay mga rare one. Balak naming ibenta ang ilan sa mga ito kapag nakabalik na sa village ng Herion. Si Shion ay balak bumili ng Legendary armor sa isang NPC stall. Ito ay ang Dragon Killer Armor na may mataasa na stat atributes. Full plate din ito at lubhang napaka astig tignan! Si Ayana naman ay may isang armor set na nakuha. Dahil in effect parin ang ring of faith ko ay nag drop ng legendary set na pang mage ang huling grupo ng mini boss na tinalo namin. Hecate's Armor Set ang nakuha niya.

Nasa gitna kami ng pag-uusap nang biglang may napansin akong presensiya ng isang mobs. Naramdaman din ito ng iba kong mga kasamahan. Biglang napatitig sa akin si Slicer dahil pamilyar din sa kanya ang energy signature na nararamdaman namin.

"Magtago tayo bilis!" bigla kong sigaw dahil ang nararamdaman ko ay ang parehong pakiramdam nang ma-PK kami ng mga walang level na mobs. Ang Hellbound Seraphine

na may hindi masukat na lakas.

     Nagtago kami sa mga halamanan malapit sa isang malaking puno. Gumamit kami ng spy potion para itago ang aming presensiya sa mga monsters. Ilang sandali pa ay may isang winged creature na dumating. Kung ilalarawan ko ito sa isang madaling maintindihang salita masasabi kong para siyang si kamatayan. Naka itim na hooded armor at may mga pakpak na itim. May hawak itong karit na sa tingin ko ay sobrang talas.

"Shh.....Dito lang tayo.. Ito yung mga klase ng mobs na dapat nating iwasan dahil nakaka-one Hit." bulong ko sa mga kasamahan.

"Hindi ba natin kaya iyan kahit pagtulungan natin?" tanong ni Jin.

"Hindi Jin! Umaabot sa 1M ang mga HP niyan. Sa pagkakaalam ko lang tsaka masyadong mataas ang boost ng stats nila na mas humihigit pa sa isang GM." sagot ni Shion kay Jin.

"Ganon ba? Imba pala iyang mga halimaw na iyan!" tanging sagot ni Jin.

"Shhhhh...... baka marinig tayo.!" sita ko ulit sa kanila. Tumahimik na sila at naghintay na lang kami na umalis ang mob na iyon.

Di rin naman nagtagal ay umalis din ito at nawala sa lugar na kinaroroonan namin. At suwerte din kami dahil nandoon lang pala ang entrance ng kweba sa di kalayuan.

"I think this is the cave's entrance." sabi ni Ayana na tinuturo ang isang hugis bunganga ng ahas na pasukan ng kweba.

"Ito na nga siguro iyon!"  sabi ko at tumayo sa entrada ng kweba. "Ready yourselves guys! Mapapalaban tayo dito sa loob. Kung tama ang iniisip ko ang mga ganitong kweba ay may Boss na nakatira." sabi ko sa kanila.

"Tiyak nasa dulo lang ng kwebang ito ang boss at ang item na hinahanap natin." sabi ni Slicer.

Gamit ng apoy na nagmumula sa burning essence na buff namin ay madali naming nakikita ang paligid. Tapos si Ayana ay may pinalabas na isang maliit na creature na umaapoy ang ulo. Nag-iiwan ito ng white flame sa lupa kada sampung metro ang distansiya. Ang pet naman ni Slicer ay nagliliwanag din ang buntot kaya tanaw na tanaw namin na wala namang mga monsters sa daanan. Pero ito ang mas lalong mapanganib dahil baka may isang malakas na halimaw na sa amin ay nag-aabang....



Itutuloy.......

Puputulin ko muna..... iniisip ko pang mabuti ang mga twist sa loob ng cave.

Abangan ninyo ang mangyayari..... hehehe...

@TheoMamites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top