Chapter 16 (Demonic Transformation)
"Zaphro's POV"
Sobrang galit ako ngayon habang nakikipaglaban kay Flick. Laro lang naman ito pero hindi ko talaga mapigilan ang damdamin ko. Ayoko sa mga kagaya niyang natutuwa kapag nakikita ang iba na nasasaktan. Sadista siya!
Isang combination attack ang ginawa ko nang tamaan ito ng curse ni Ayana. Inferno, Heaven's Judgement, at cold fire. Pero during those times na pinapakawalan ko ang mga skills na iyon ay may isa akong napansin sa Virtual Screen ko. May isang bar ang nadagdag sa stats. HP Bar(green), MP bar(blue), SP bar(orange) at may bago....
Rage Bar....
At pagkatapos kong mai-cast ang combo ko ay napuno bigla ito. Mayroon itong color black indicator. After that....
New skill is availabe (Demonic Transformation)
activation: automatic
Ito ang mga lumabas sa VS ko. Napansin kong nagbabago ang itsura ng gamit kong avatar. Kakaiba ang pakiramdam habang unti-unti akong nagpapalit. Naging itim ang apoy na gamit ko at ang aking pakpak ay naging kulay itim. Pati armor ko ay nagbago din at nagkaroon ako ng mga matatalas na kuko....
Naging...... Diablo ang itsura ko.! Whaaat?!"" ang cool ng new skill ko!
Nabasag ang chrono field ni Verillion dahil sa lakas ng aking Cold fire skill. Mukhang napuruhan ko ang kalaban sa combo skills na binitiwan ko. At ngayong nasa Demonic form ako ay tiyak pupulbusin ko sila!
Napansin ko na medyo nagulat ang mga kaibigan ko sa aking transformation kaya pinakalma ko sila.
"Chill! Ako parin ito guys!" sabi ko with smiling face. Pati pala boses ko nagbago at medyo nakakatakot pero kahit na ganito ay naniwala naman ang mga kaibigan ko.
"Akala ko kung ano na pre!" wika ni Slicer.
"Pinakakaba mo naman kami eh!" sabat ni Aryus mula sa ibaba.
"Biglaan eh. Pasensiya na!" sagot ko.
Pinagmasdan ko ang aking kalaban na nasa ibaba. Nahihirapan siyang tumayo dahil sa lubha ng pinsala na natamo niya. 10% ang HP na natitira sa kanya ngayon pero tumataas ito dahil malakas ang regeneration niya. Siguro mga 3% per second ang regen niya.
"Sumuko ka na Flick! Hindi kita gustong ma-PK kaya give it up!" sabi ko sa kanya para bigyan siya ng final warning!
"Sabihin mo, ano ka ba?" bigla ay tanong niya nang makabangon.
"Kung ang sub-class ko ang tinutukoy mo well I'm a Fallen Angel. In other word I'm a Demonic Angel!" matapat kong sagot.
"Kung ganon ikaw yung napapabalitang may anomally sa character stats. Isang sub-class na naka Lock pa dapat at hindi pa sana available hanggat di pa nabubuksan ang second map." sabi ni Flick.
"Looks like marami kang alam! So ano na ngayon? Itutuloy natin ito o aalis at lulubayan niyo na kami?" pinapili ko siya.
Matagal itong napaisip bago muling sumagot.
"I'll take the second option." sabi niya. "Pero hindi ibig sabihin nito na sumusuko na ako. Maghaharap pa uli tayo tandaan mo iyan!" dagdag niya.
Pagkasabi nito sa mga katagang iyon ay bumalik siya sa kanyang mga kasama at sinabihan ang mga ito na imatras na muna. Sumang-ayon naman ang mga ito at isa-isa nang naglaho.
Haayy naku, sa wakas ay natapos din! Buti naman ay natakot ko ang mokong. Hindi niya alam isang minuto lang ang form ko na ito. Hahaha... buti na lang magaling akong magpanggap. Artistahin lang... (^__^)
Lumapag ako at kinamusta sina Ayana at Jin.
"Ayos lang ba kayo?" tanong ko kay Ayana.
"Ayos lang, medyo nahihilo lang ng kaunti." nakangiting sagot ni Ayana.
Hay naku ewan ko ba... Kapag naka smile siyang ganya napapanatag na ang kalooban ko. Sumunod kong kinamusta ay sila Erenir.
"Ok pa naman kami tol. Yakang-yaka namin sila kanina!" pagmamayabang ni Erenir. "Diba Shion?" tapos siniko pa niya si Shion.
Napailing lang si Shion sa ginawa niya.
"Muntik ka na kayang mahimatay kanina. Ikaw talaga... kayang kaya ha...?" sabat ni Aryus.
At natawa na lang kaming lahat.
"Nga pala, anong nangyari sayo?" biglang natanong ni Slicer.
"Ah, ito ba? New skill ko. Demon Form." sagot ko.
"New skill? At your level?" bulalas ni Erik.
"Yes, sana sa level 80 ko pa ito makukuha kaso napaaga lang. Nasa ultimate na ako ngayon Demonic Angel." paliwanag ko sa kanila.
"Wow!" sabi ni Jin. "Gusto ko narin makuha ang ultimate ko!" dagdag niya.
"So ganyan pala ka-cool ang pagiging bug ng sub-class mo!?" si Verillion mula sa likuran ko.
"Medyo,," sagot ko.
"So what now? Tuloy ba ang plano natin?" pagpapaalaa ni Shion sa totoong pakay namin.
"Oo naman!" sabi ko. "O ano, ready na ba ulit kayo?" tanong ko sa kanila.
"Naman!" sagot ni Slicer.
"Ready na, kanina pa tol!" si Shion.
Inakbayan ko ang dalawa kasi magkatabi lang naman sila.
"Eh di, tara na!" at nagsimula akong maglakad habang akbay ko silang dalawa.
At muli ay umusad kami. Ang lugar na pupuntahan namin ay ilang hakbang na lang sa aming harapan.
New area has been discovered!
Extinction Forrest
Level Difficulty 90-120
(Mini-Boss Lair!)
Ito ang game announcement na biglang lumabas sa aming VS nang tumapak kami sa area na iyon.
End of Chapter
Short chapter lang po ito I hope you liked it..
Anong naghihintay sa kanila sa new map na iyon?
Abangan sa mga susunod na kabanata.......
next chapter (Extinction Forrest)
Don't forget to vote and leave your comments!
@TheoMamites
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top