Chapter 14 (Full Power)
(Requiem: Death Melody)
"Verillion's POV"
Hi there! Ako nga pala si Verillion. Isang human class player at ang sub-class ko naman ay magic user. Isa ako sa mga Elementalist o Hybrid magician characters ng Enigma Online. Marahil nagtataka kayo kung bakit ito ang napili kong sub-class gayong support type lang ito. Hehehe,,, Walang basagan ng TRIP! Naisipan ko lang. Joke lang... Kaya ito ang napili ko kasi advantage ang lawak ng range na kaya kong maabot. At kung iniisip ninyo na pang support lang ang character ko puwes nagkakamali kayo. I can also tank! Oo at mababa ang HP o strength ng isang mystic kaya doon ko nilalagay ang halos one half ng Stat Points ko per level. Siyempre ay binabalance ko rin ito sa Intelligence ko para naman sa high-damaging skills ko. I don't need to improve my Dexterity dahil may mga buffs ako na alternative for movement speed,attack speed,accuracy at evassion. Kaya ako ngayon malakas dahil sa alam ko kung saang stats ako dapat mag-focus.
Kalaban namin ngayon ang isang grupo ng mga Player Killer na pinamumunuan ni Flick. Isa rin siyang Angel Class player at malakas siya. Gaya ko ay sa unang tingin ay support type siya pero kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya. Nakakatakot siya. Ngayon ay mukhang dehado siya dahil nahiwalay namin siya sa kanyang mga kasamahan. Pero we can't let our guard down dahil baka ikapahamak namin iyon.
Back to Present tayo....
Nabasag ang chrono sphere ko ng tumama dito si Flick. Ito ay dahil sa cold fire na skill ng kaibigan kong si Zaphro. Ang skill na ito ay combination ng fire at ice element. Isang hybrid magic skill ang cold fire at gaya ng normal na apoy ay nakakapaso ito ngunit sa sobrang lamig. It can turn everything it touches to ice and burn it at the same time! Kakaiba talaga ang mga Angel class dahil they can both use weapon skill and high-class magic. Oh, also here in Enigma PH skills will depend on what weapon you are using. Also kung anong elements ang meron ito. Kaya ni Zaphro na gumamit ng fire and ice dahil ito ang elements na meron sa weapon niya. S class skill ang ginamit niya at tiyak kong nagtamo ng malaking damage si Flick. Nang mabasag ang field ay napalingon ang ilan sa mga kaibigan ko na nakikipaglaban sa mga ķasamahan ni Flick. Ngayon ay wala ng harang na naghihiwalay sa mga kalaban namin kina Zaphro. Hindi rin biro ang pakikipaglaban namin sa apat pang kasama ni Flick dahil gaya niya ay malalakas din ang mga ito.
"Aryus POV"
Nahati sa dalawa ang labanan. Sila Zaphro vs. Flick at kami nila Shion, Erik at Erenir vs. Jack_frost and three little pigs! Haha peace! (^__^) (Kain, Ryos at Raven)
flashback.......
Hinarap nila Ayana, Zaphro, Slicer at Jin si Flick. Kinulong agad ng PL namin sila sa loob ng isang harang para hindi makisali ang ibang mga kasamahan ni Flick. Kami nila Erenir at Shion ay kumilos din at hinarangan ang mga kasamahan ni Flick na makialam.
"Kami makakalaban niyo pre!" Sabi ni Shion.
"Ang sinumang gustong makialam sa laban sa loob ay may paglalagyan!" sigaw ni Erik sa likuran namin.
"Aba at nagsalita ang mga mahihina! Ni hindi nga kami nagtamo ng pinsala sa Combo Skills niyo kanina." nagsalita si Kain.
Lrvel 120 Kain: Elf (Dark Force User)
"Kahit pa humarang kayo madali lang namin kayong matatalo. Walang panama mga levels niyo sa amin!" sabat naman ni Jack_Frost.
Level 110 Jack_Frost: Elf (Ice Elemental)
"Wag niyo kaming minamaliit baka pagsisihan ninyo!" Sagot ni Verillion na lumapit sa kinaroroonan ni Erik.
Sa mga oras na ito ay full buff pa kami kaya malaki ang boost ng stats namin.
Ang dalawa pa nilang kasama ay di nagsasalita at nakatayo lang ng matuwid at parang nababagot na.
Level 125 Ryos: Human (Dual Blader)
Level 130 Raven: Elf (Light Elemental)
EOP 101 (Elf Class)
A class of characters that are inclined to magic. Kaya nilang gumamit ng magic kahit walang weapon na hawak. Natural sa kanilang class ang magic skills kahit sa mga warrior type elves. They uses Talisman or Magic Medalion para makagamit ng force. They can also equip themselves with a weapon appropriate with there magic nature. In other words ang weapon na maaari nilang magamit ay iyong may tamang element nature base sa ability nila.
"Too much talking dude!" biglang nagsalita si Raven. Lumina Ray!
Bigla na lang siyang nag-cast ng skill. Isang light beam na may malalas na puwersa. Patungo ito sa amin ni Shion at Erenir.
Mabilis na gmalaw si Erenir at humarang sa amin. Gamit ng kanyang violet force orb sa kanang kamay ay nag-charge siya ng skill. "Destruction Spell! Crimson Apocalypse!" lumutang siya sa ere at nagpalabas ng dark red aura gamit ng kanang kamay ay tumira siya ng red energy na nakipagsalpukan sa skill ni Raven. Sumisigaw silang pareho at ayaw magpatalo habang patuloy na nagtutulakan ang skill nila. Ang mga ganitong uri ng skill ay maaaring maging 1HIT skill kapag full power kang tumira. Ito rin ay madaling nakaka-drain ng mana habang hindi dinidispell ng caster. Ngayon ay inuubos nito ang mana nilang dalawa.
"Erenir itigil mo na iyan mauubusan ka ng mana at pag nagkataon ang HP mo ang made-drain.!" sigaw ko sa kanya.
"Wag kang hangal! Pag tinigil ko ito tiyak 1HIT tayo!" sagot niya sa akin.
Whhhat?!......... nagulat ako sa sinabi niya.
"Erenir's POV"
"Hay naku!!! Buwis buhay na talaga to. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatagal. Tiyak mas mataas ang mana points ng isang ito. Samantalang ako na low level eh, kakarampot lang. Mabuti na lang at may mga boost akong stats ngayon sa mga buff na ginagamit namin. Hindi masyadong nalalabanan ng regeneration buff ko ang mabilis na pagkaubos ng MP ko. Naloko na talaga to!
Patuloy ako sa pagpapalabas ng skill ko pero habang tumatagal natutulak niya ito. Di hamak na nasa mas mataas na antas ang gamit niyang kapangyarihan pero it doesn't mean na magpapatalo na ako.
"Kaya mo pa bang ungas ka?!" dinaan ko nalang sa pang-aasar.
"Ikaw ang dapat tinatanong ko niyan bata!" sagot nito sa akin habang nakakunot ang noo. Matapos nun ay may party message na lumabas sa VS ko. "Tsk!" may plano si Verillion.
After that ay gumalaw sila Aryus at Shion aktong susugod kay Raven. Nagpatuloy lang ako at sinagad ko ang lakas ko sa skill ko. Naitulak ko muli ang atake niya kaya muli ay naalerto siya. Tumatakbo parin sila Shion sa direksiyon niya ng humarang ang dalawang kasama nito na si Ryos at Jack.
"Tsk! Not so fast kittens!" sabi ni Jack.
"Makapagpapawis nga." sabi ni Ryos.
"Fatal Strike"
"Ice blade!"
Nag-cast ng skill ang dalawa patungo kina Shion. Sinalubong nila ito, si Shion ang tumapat kay Jack at si Aryus ang kay Ryos.
"Raging Thrust!"
"Hammer Spin Strike!"
Ang Ice blade skill ay may kakayanang magpalabas ng ice na korteng espada at pinapaulanan nito ang target. Sinalubong ito ng raging thrust ni Shion na naglalabas ng illusion swords sa bilis ng speed nito. Na-dispell nito ang skill ni Jack.
Samantalang si Aryus maman ay gumamit ng skill na Hammer spin kung saan ay umiikot siya ng sobrang bilis. Sinalubung niya ang skill ni Ryos na Fatal Strike. Isa itong dual blade stance kung saan ay nakatutok ang mga blade ng caster sa kalaban at gamit ng isang napakabilis na forward dash ay patatamaan ang target.
Nagkasalubong nga ang skill nila at malaking ikinagulat ko dahil hindi tinamaan si Aryus. Dahil ito sa may shield siyang hawak sa kaliwang kamay. Dito tumama ang strike ni Ryos. Samantalang ang kalaban niya ay nagtamo ng burn effect dahil narin sa buff namin at sa lava na nasa palakol ni Aryus. Wow!
Nang matapos mangyari iyon ay nakarinig nalang sko ng ingay na parang may ipo-ipo. Nang lingunin ko ay si Erik pala ang may gawa nun.
"Wind Tornado!" sigaw niya. Mabilis at sobrang tulin nitong bumulusok sa direksiyon ni Raven.
"Dark Flame!" hinarang ito ni Kain gamit ng darkness element niya.
Tinamaan nito ang tornado kaso humalo lang ito sa skill ni Erik.
"Anong?!" sabi ni Kain.
"Hangal ka! Akala mo ba ordinaryong hangin lang iyan? Wala kang alam na may absorbing effect iyan." sabi ni Erik. "Sorry ka na lang!" dagdag pa niya.
Nagtuloy-tuloy ito at tinamaan si Raven dahilan para ma-cancel ang skill niya. Ayos!
Itinigil ko din ang skill ko dahil nasaid na ang MP ko at nabawasan ako ng 30% HP. Nasa 70% ang HP ko kaya napaluhod ako ng lumapag sa lupa. Hingal...... Hingal...... Nakakapahod.... Pakiramdam ko umiikot ang paligid.
Tinamaan nun si Raven at nagtamo ng malalang damage at nasa 45% ang HP dahil pati skill ni Kain ay tinupok siya. Nahirapan itong bumangon kaya agad nag back step ang mga kasama niya para tulungan siyang itayo.
"Ang bobo niyo talaga!" pasigaw niyang sabi sa mga ito.
Kasalukuyang nakikipagtalo si Raven sa mga kasama nang biglang nabasag ang Chrono Field ni Verillion kung nasaan sila Zaphro at ang iba pa. Nasa tabi ako nila Shion at umiinom ng Potions. Kitang-kita ko, walang kalaban-laban ang pinuno nila Raven kina Zaphro. Nagyeyelo ito ngayon pero parang nasusunog siya at the same time. Nakita ko si Zaphro na parang nababalot ng kakaibang energy na pinaghalong blue-flame, ice element at DARK AURA? Ang apoy na lumiliyab sa kaliwang palad niya ay parang nagiging itim. At ang mas kapansin- pansin ay ang pakpak niya nagbabago ito ng anyo.
"Ano yan! Nakakatakot ang enery signature na inilalabas niya. Parang hindi na siya si Zaphro.! yun ang naibulalas ko sa aking nakita.
.
.
.
.
.
.
"Dan's POV"
Hindi ako makapaniwala sa nangyari dahil biglaan na lang ang mga ito. Ngayon ay parang nakakita ako ng demonyo sa katauhan ni Zaphro. Nag-iba ang enegy na nilalabas niya ngayon isang malakas na negative energy. Nakakatakot. That's how I can describe it.
Flash back......
Nagtanong si Ayana sa player na nagngangalang Flick.
Level 130 Flick: Angel (Master Musician)
"Bulag ka ba? You can see my IGN on top of my head right?" tumawa ito. "What's the point of asking, stupid!" dagdag ni Flick.
"Aba't pilosopo ka ah!" di na napigilan ni Ayana na magalit. Bigla ay nag-blink siya at napunta sa likod ni Flick. Marahas niyang ipinamalo ang hawak na staff. Mabilis na nakakilos si Flick at nasalag ang staff gamit ng isang Flute. Teka Flute? Ano bang sub-class niya?
Nginitian lang ni Flick si Ayana at biglang bumulong.
"Vibra..." isang super sonic soundwave ang lumalabas mula sa plawta niya. Isang invisible destructive force ito kung saan ay nahihiwa ang sinu mang tamaan. Agad nakalayo si Ayana gamit ng blink niya kaso patungo parin sa kanya ang skill ni Flick.
"Ayana!" sigaw ni Zaphro.
Mabilis ang pangyayari at nakita namin na ok lang si Ayana matapos ang atakeng iyon. Humarang kasi ang Water God na summon niya at gumawa ng barrier at sinakay naman ng fire godess si Ayana sa balikat nito. Nag-counter attack ang cute na summon niya at nagpaulan ng kidlat. Muli ay nakita kong bumulong ulit si Flick at pagkatapos nun ay hindi niya inilagan ang atake ng creature ni Ayana. Parang hinihigop lang niya ang mga ito. Hindi man lang natinag ang HP nito.
"It's pointless to attack me. I'm invincible, lady!" at humalakhak ito.
Tama ito, pointless nga kung ipagpatuloy ito ni Ayana dahil kitang-kita naman na wala itong epekto sa kanya.
"Ayana, patigilin mo ang summon mo. May mali sa nangyayari.!" sabi ni Zaphro. Bigla itong binulungan si Verillion at naghanda na umatake. Nilingon niya ako at parang sinasabi niya na maghanda rin ako. Bigla ay ginamit niya ang flight ability niya at pumantay sa lipad ni Flick. Sumunod din ako sa ginawa niya.
"Oh, what do we have here?" sabi ni Flick.
"We don't want any trouble. But if you will insist then we'll fight you." seryosong banta ni Zaphro.
"Pa'no kung magpumilit ako, ano namang magagawa mo?" tanong ni Flick na nakakaloko parin ang ngiti.
"Ah, kwan, ano,,,," kumakamot-kamot ng ulo si Zaphro na nangingiti tapos biglang naging seryoso ang mukha. "Ililibing lang naman kita ng buhay dito!" banta niya at nagpalabas ng isang fighting aura.
"Make up your mind bro," nakisali narin ako sa usapan. Inangasan ko ang boses ko para effective. Tumingin ako sa kanang wrist ko na parang may relo akong suot. "May appointment pa kami ng kaibigan ko. And we are kinda late!" at ngumiti ako. Hahaha.... Gotcha! nagbago anf expression ng mukha niya. Nainis yata sa amin. Dahil dun ay na out of focus siya at nagkaroon ng opening si Verillion para ma-debuff siya. 'Magic Jammer' sapul siya sa spell na iyon.
"Zaphro, Slicer ngayon na! Wala na ang buff niya at pwede na siyang tablan ng attack.!" utos nito sa amin.
Mabilis namin siyang sinugod at natural naunahan ako nitong kaibigan ko dahil mas mabilis siya sa akin kahit sa paglipad. Nagsalubong ang kanilang mga sandata. Sa tingin ko halos kasing bilis lang sila. Nang makarating ako ay sabay naming inatake si Flick puro normal attack lang kami pero nahihirapan siyang salagin lahat iyon dahil sa mga passive buffs na meron kami. Nagkaka burn effect siya pero mabilis ang regeneration niya kaya parang wala lang din. Siya naman ay may passive ability na nakaka-slow kaya kapag hinihit namin siya sa area na abot ng passive skill niya ay bumabagal ang movement namin. Ganun din siya sa amin, hindi rin agad maka tama dahil sa isang defensive buff namin na helping handkasi dini-deflectnito ang ibang mga attacks niya. Kailangan naming makaisip ng paraan para makatama sa kanya. Kahit papano ay nakakasabay ako sa bilis nilang dalawa, kailangan ko lang talagang maka-skill sa kanya. Hinayaan ko muna si Zaphro na gumawa ng opening para sa akin. Buma-back up din pareho ang mga pets namin. Bumabato si Freyla ng ice spikes kapag may opening at ang pet ko naman ay pinapahaba ang buntot at umaatake din. Hanggang na magkasabay silang umatake. Hinanda ko ang sarili ko para umatake. Kung sakto ang calculations ko ay tiyak sapul siya.
"Frost Slash!" sigaw ni Zaphro. Tumira siya ng isang freezing skill. Ganun ding ang mga pet namin ay umatake. Di alam ng kalaban na decoy lang sila para makakita ako ng pagkakataon. Inilagan ito ni Flick at hindi nito namalayan na nasa range of attack ko na siya.
"Vanishing Strike!" tinamaan ko siya ng skill ko sa mga weak spots ng katawan niya. "mantra shockwave!"
ginamit ko pa ang isa kong new learned skill na kayang patalsikin ang aking target gamit lang ng aking palad. Tinamaan din siya nun at bumagsak sa ibaba.
Agad na lumapit sina Ayana at Jin di kalayuan sa pinagbagsakan nito at binalot kami ni Verillion ng Chrono Field. Ngayon alam ko na ang plano nila. Ito yun, ang ma-corner ang isang ito at talunin. Ang iba naming mga kasamahan ay hinarangan ang apat na kasamahan ni Flick. Mukhang mapapalaban din sila doon sa labas ng field.
Balik tayo kang Flick. Kakabangon lang nito at halatang galit na. 20% lang ang naibawas ko sa kanyang HP. Ayos lang basta tumama ang skill ko! .......evil smile!....... hehehe..
"Nebula!" si Ayana ang naunang sumugod sa kanya matapos bumangon. Mabilis niya itong nailagan. Tumalon lang siya sa may kanan para di tamaan ng skill na iyon.
"Hyper Dash!" si Jin naman ay nag dash ng mabilis papunta sa kanya. "Death Blow!" buong lakas niyang winasiwas pababa ang espadang hawak pero naiwasan ito ni Flick. Ang tanging tinamaan ni Jin ay ang matigas na lupa. Nawasak pati ang kinatatayuan ni Jin sa lakas ng impact.
"Hyaaah!" biglang sumulpot si Zaphro sa tabi ni Flick at kamuntik na siyang tamaan ng espada nito. Ginamit na naman ni Zaphro ang super speed niya na mapagkakamalan mong blink skill. Ginamit ko narin ang lahat ng bilis ko para makalapit kaya dalawa ulit kami ni Zaphro na nakikipaglaban sa kanya. Muli ay napunta sa ere ang laban.
Bigla ay hinipan ni Flick ang flute niya at naitulak kami ng isang malakas na puwersa. "Sound Repell!" iyon ang skill na ginamit niya. Soundwave magic ang mga skills niya, which is natural sa mga musician sub-class. Mahirap silang kalaban dahil sa hindi makita ang mga skill nila. Ano ba naman ang anyo ng tunog? haha.... diba invisible!
"Death Assault!" nagkaroon ng pagkakataon si Jin na umatake. Isang direct forward attack gamit ng espada. "Hyaaaahhh!" sigaw ni Jin. Nag back-step lang si Flick ng sobrang bilis.
"Death Melody!" mabilis itong nag-counter attack. Isang high level skill ang pinakawalan niya. Di naman sa wala akong kumpiyansa kay Jin pero di ko maiwasang mag-alala. "Jin ilag!" sigaw ko sa kanya.
"Kung sa tingin mo mahina ako nagkakamali ka!" sigaw niya kay Flick. "Sword of Divinity!" at itinaas ni Jin ang espada niya sa langit at nagkaroon ng isang malaking sword illusion. Walang kakurap-kurap na hiniwa ni Jin ang skill na pinakawalan ni Flick. Mabilis ang ginawa niyang pag wasiwas. Nahiwa ang matigas na batong tinatapakan ni Flick at gumuho ito dahil sa lalim ng pagkabaon ng skill ni Jin. Split seconds lang at nagawa ni Flick na mailagan iyon. Sa tingin ko ito ang pinakamalakas na skill ni Jin. Isang 1HIT skill ito at tapos sana si Flick kung tinamaan nito. Kaso may kabagalan ang stance ni Jin kaya nailagan agad ni Flick.
"One last chance sumuko kana at pabayaan na kami!" sigaw ni Zaphro.
"No way! Nagsisimula pa lang tayo!" ganting sagot nito.
"Silent Whisper!" nagbitiw ulit ng skill si Flick. This time kami naman ang puntirya niya.
"Ice Wall!" hinarangan ito ni Zaphro ng skill niya. Inasahan na naming mababasag agad iyon kaya nakahanda na ako.
"Guardian Push!" ako naman ang lumusob gamit ng skill ko. Tabla lang ang skill naming dalawa dahil parehong na-dispell iyon nang magsalubong.
Ginamit ni Zaphro ang maraming usok para maglaho sa paningin ni Flick. "Sumuko ka na kasi!" sigaw ni Zaphro mula sa ibaba. "Ice Pillars!" isa na namang ice magic galing kay Zaphro. Na-corner namin si Flick sa mga ice pillars na parang kulungan. Nasa itaas lang niya ako at sa baba naman si Zaphro. Nag-fake ako na gagawa kunwari ng skill kaya wala siyang choice but to defend himself.
"Mas lalo aki nanggigigil na ma-PK kayo!" Tumawa si Flick na parang baliw.
"Nasisiraan ka na!" sigaw ni Jin.
"Oo, daig pa ang nakatira ng katol!" sang-ayon ni Ayana.
"Silent Cry!" bigla ay nag buff siya.
"Vibration Magic! Sound Scream!" isang malakas na skill ulit ang ginawa niya. Malawak ang AOE nito kaya tiyak matamaan kami. Gumawa si Zaphro ng Ice Wall at ako naman ay Seismic Barrier. Sila Ayana at Jin naman ay nagtago sa likod ng mga summon ni Ayana.
"Mamatay kayo!" sigaw ni Flick.
Isang invisible soundwave explosion ang nangyarisa loob ng field. Walang nagawa ang mga depensa namin laban doon. Naglaho ang mga summon ni Ayana mabuti nalang at mabilis nakagawa si Jin ng paraan. "Vanguard defense" iniharang niya ang kanyang shield upang protektahan sila. Pero kahit nagawa niya iyon ay tumalsik parin sila at tumama sa barrier ni Verillion. Nasa kalahati ang mga HP nila ngayon. Ganon din sa amin ni Zaphro. Wasak din ang defense namin. Humarang si Zaphro upang di ako direktang tamaan ng skill ni Flick. "Wing Guard!" pinulupot niya ang mahabang pakpak ang sarili kaya hindi siya gaanong nagtamo ng damage ng tumalsik kami. Nasa 80% ang HP niya samantalang ako ay sa 70%. Nabugbog ang katawan ko sa pagtama ko sa matigas na barrier ni Verillion. Puro galos narin kaming apat dahil sa nangyari. At masakit talaga ng sobra.!
"Sumusobra ka na Flick! Wala ka ng pag-asa. I'll end this now!" galit na bulyaw ni Zaphro. "Nagkamali ka ng kinanti!"
Nagbago ang bilis ni Zaphro at ikinagulat iyon ni Flick. Tumira ulit di Flick ng skill. "Vibra!"
Nakita kong may binulong si Zaphro at sinalubong lang ang skill ng kalaban.
"HoY pre! Umilag ka!" sigaw ko pero parang wala siyang narinig. Nagpatuloy lang siya at nag-charge ng skill. Hindi siya aabot kung balak niyang salubungin iyon ng skill niya. Hinanda ko na ang sarili ko na i-back up siya pero walang skill na tumama sa kanya at nakarating siya sa harap ni Flick unharmed! Anyaree!!!!???
"Engulfing Flame!" ginamit na naman niya ang skill na iyon. Kaso nailagan na naman ni Flick. "Gotcha!' sabi ni Ayana na nag-blink sa likod ni Flick. "Petrify!"
Dahil sa petrify ni Ayana ay hindi maigalaw ni Flick ang katawan. Nahulog ito sa ibaba at nagpatuloy si Zaphro. "Heavens Judgement!" kulong ito sa isang binding ray ni Zaphro.
"Inferno!" gumamit siya ng skill na ngayon ko lang nakita. Nagliyab ang paligid at pati kami ay kamuntikan pang masunog. His in total CHAOS!
"Wag kang gumalaw diyan dahil tatapusin na kita!" sigaw ni Zaphro.
Mabilis ang skip step niya at agad na nasa harap na siya ni Flick na hindi na makalaban. "Cold fire!" another skill na hindi ko alam na meron siya. Isang blue flame ang lumabas sa kaliwang palad niya. Hinawakan lang niya ang katawan ni Flick at tinupok ito ng apoy at bigla ay unti-unting nagyeyelo. Nagyeyelo ang katawan niya.? I'm totally lost here!
Tumalsik ang nagyeyelong katawan niya sa malayo. Tumama ito sa chrono field ni Verillion. Till that moment ay tila may puwersang tumutulak kay Fkick at iniipit siya sa barrier. Napansin ko na lang na unti-unting kumakalat ang yelo sa field. Nabasag ito after 5 seconds. Tumilapon si Flick sa labas ng Field.
Ngayon ay wala na ang field na kaninay himihiwalay sa amin sa iba. Pero hindi iyon ang ikinagulat at ikinabahala ko kundi si Zaphro. Unti-unti siyang nagbabago..... Nakakatakot ang aura niya ngayon.
anong nangyari sa kanya? skill pa ba ang may gawa nito. Nagmukha siyang isang.................... DIABLO. ?
..
..
..
..
End of Chapter 14
Hayy... Natapos din ito.... Anong nangyari kay Zaphro!? Anong kahihinatnan ng grupo ni Flick?
Marami bang gumugulo sa isip ninyo?
Mabuti pa ay abangan nalang ninyo ang mga susunod na kabanata!
Next Chapter:
Chapter 15 (Shions Reason)
It's a totally different chapter. Bibitinin ko muna kayo sa mga in-game scenes. Shion's POV muna tayo.
@Theo
Hello EOP readers! Thank you for supporting this story. I'll just make a quick announcement guys. I'm also starting to do updates on my APOCALYPSE series stories. Starting now I'm continuing Book 1 Haplos ng Kadiliman. It is now a totally different book compare to those that was published before and was sold locally. It's a remake of them so for those individual that have the read original hard copy book please read this new version here in wattpad as well. It will be as great as the original. Plus there are added twist on the story line and new characters to be added.
sincerely yours @Theo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top