Chapter 13 (Player Killers)

"Dan's POV"

     Hello mga dre! Ako nga pala si Dan Mendoza. SlicerDM ang IGN ko sa loob ng Enigma PH. Matalik kong kaibigan si Zeke o si Zaphro at pareho kami ng school na pinapasukan. Tatlong linggo pa lang akong naglalaro ng EOP. Mas nauna kasi siyang maglaro kasi nga na-excite daw siya. Kainis! (~__~)

     Anyway, ngayon ay magkasangga kami sa larong ito. Galing nga ng tanden namin eh. Naging legend agad kami at binansagang Dark Shadow at Blue Lightning. Ang daming nangyari mula nun. Naranasan narin naming ma-PK ng isang mobs. Wala man lang kaming kalaban-laban. (*^*)

Kasalukuyan akong naghihintay ngayon sa ibang mga kasamahan. Si Zaphro na lang at si Jin ang kulang sa grupo. Nang mag OL ako ay nadatnan ko na sila Ayana, Shion, Aryus, Erenir at si Erik. Si Verillion naman ay halos kasabay kong nag OL. Online si Zaphro kaso Unknonwn status naman ito. Kung ano ang dahilan? hindi namin alam. Dahilan tuloy para mag-alala kami.

"Napanood ko iyong talkshow kagabi. Alam naman nating si Zaphro yung tinutukoy nila. Baka i-delete o ma-reset ang character niya." sabi ni Ayana.

"Don't worry! Hindi naman siguro iyon gagawin ng mga admins. Besides it's not Zaphro's fault na naging ganon ang character niya." sabi naman ni Verillion para di na mag-alala si Ayana.

     Tama ang lahat ng mga nasabi niya na walang may gustong mangyari iyon sa avatar ni Zaphro.

"Sana nga. Let's just hope for the best." sabi ko.

"Hindi ko siya makontak through PM. Sinubukan ko rin na mag teleport sa kinaroroonan niya pero may system error akong natatanggap." sabi ni Shion na nag-aalala rin. Kaya pala hindi mapirme sa isang lugar. Kahit bago lang namin siya nakilala at naging kaibigan ay alam kong mapagkakatiwalaan siya. Medyo mahangin nga lang sa umpisa pero ayos naman pala siya.  Para malimutan muna ang mga problema ay niyaya ko silang kumain sa isang shop na malapit sa meeting place namin. Pumayag naman sila at naging ok naman ang nangyari at masaya kaming nagkukwentuhan.

Mga kalahating oras pa ay nag PM sa akin si Zaphro. Parating na raw siya. At mga ilang sandali lang ay nag TP na ito sa amin. Sakto din na nag online si Jin kaya nakumpleto na kaming lahat.

"Sorry kung natagalan ako. May inasikaso lang ako kaya natagalan" sabi ni Zaphro sa amin. May hindi siya sinasabi sa amin. Pero aalamin ko yun! (^__^)

Nag-form kami ng party para simulan na ang pag ha-hunting namin ng Boss.

EOP 101 (party rules)

Party should only be consisting seven(7) players. Though it can be extended using Party Charm (item).

Since siyam kami ay kinailangan naming bumili ng dalawang party charm. Which is 40M kada piraso, pero ayos naman kasi nag ambag-ambag naman kami. 3 days lang ang itatagal ng item na iyon sa inventory ibig sabihin ay kusang mababasag iyon kapag umabot sa time limit.

Si Verillion ang Party Leader namin dahil sa siya ang may pinakamataas na level at siya narin ang magtatago ng charms. Nang matapos namin gawin iyon ay bumili muna si Zaphro ng dalawa pang charm item. Ang Heaven's Blessing at Percieve. Those are both passive buff charm item na maaaring mai-share sa lahat ng mga ka-party. Kailangan lang at i-store ito sa inventory ng isa sa kanila para automatic itong gumana. Si Zaphro na ang nagtago nito, isang araw lang ang charm na ito kaya di dapat sayangin.

     First stop namin ay sa Cyther Outpost. Isang deserted canyon na may difficulty level na Level 70-80. Common mobs: Level 70 Dragna (Earth Dragons), Level 75 Giant Tarantula, at Level 80 Metalic Lions.

     Naunang magteleport sa amin dun si Zaphro dahil siya ang may TP scroll ng map na iyon. Nag-buddy TP na lang kami para makasunod sa kanya. Isang lambak ang nasabing outpost at sobrang tirik pa ang araw kaya mainit.  Panay tulo ng pawis ko sa sobrang init. Di naman tinatablan si Zaphro dahil mas mataas ang resistance niya sa init dahil sa may frost aura ang armor niya.

"Hoooo... Grabe ang init!" reklamo ni Jin.

"Puro ka reklamo diyan, akala mo ba ikaw lang ang naiinitan?" saway ni Aryus na gaya rin ni Jin na balot ng plated armor sa katawan.

Di nalang din ako nag reklamo pero parang napansin ito ng PL namin kaya nag-cast ito ng frost aura sa amin. Isang party buff at iyon nga at nawala ang mainit na pakiramdam. Akala ko puro for fighting puposes lang ang mga buffs, pati rin pala sa mga ganitong sitwasiyon pwede.

Isang gubat talaga ang pupuntahan namin at ang outpost na ito lang ang pinakamalapit na daan. Hindi pa kasi pwedeng mag TP sa area na iyon kasi hindi pa yun napuntahan ng mga players.  Mabuti narin daw iyon para makapagpalevel kami sa daan. Nilalakad lang namin kasi hindi naman lahat sa amin nakakalipad. Flying back item kasi ang kailangan para makalipad dito sa EOP. Habang naglalakad kami ay biglang may inactivate si Zaphro.

"PET system Activate: Sky Dragon Freyla" lumabas ang isang maliit na box item sa palad niya at tinapon niya ito sa ere. May lumabas na baby blue dragon na sobrang cute. Mga kasing laki ito ng isang pony at may kulay gold na mga mata.

"Wow!" yun lang ang nasabi ng mga kasama ko sa pet item ni Zaphro.

Lumapag ang dragon sa lupa katabi ni Zaphro. Pinat nito ang ulo ng dragon sabay sabing, 'Mukhang kailangan pa kitang palakihin ah.

So iyan pala ang itsura ng pet item na nakuha niya. Sa hatchery kasi hindi mo makikita kung anong itsura ng pet maliban na lang kung i-summon mo ito agad. Dahil dun ay pinalabas ko rin ang aking pet na isang wolf. Grey haired with a blue gem stone on its forehead. May apoy na nakasindi sa buntot nito na nagbabago ng kulay from time to time. Halos magkasinglaki lang sila ng Freyla ni Zaphro. Arcanus naman ang pangalan nitong pet ko. Manghang-mangha ang aming mga kasa dahil first time nilang makakita ng PET sa EOP. Kaunti pa lang kasi ang mga players na may ganito dahil sa sobrang rare ang pet item na ma-drop sa mga mobs. 500M kung bibili ka nito sa isang NPC merchant.  Makakapaglevel ang pets namin dito sa mga mobs na malakasalubong namin. Habang ginagamit kasi ang pet at nagkaka XP din ito at lumalaki at nadadagdagan ang lakas.

Nagsimula na kaming pumasok sa lambak patungo sa direksiyon ng gubat na pupuntahan namin. Sa unahan ay natanaw na namin ang grupo ng mga mobs na makakasalubong namin.

Level  70 Dragna (Earth Dragons)

HP: 15,000/15,000

Def: 2500

Skills:

ground drill

rock fall

tremor (AOE)

Gold Drops: 180,000

Randon items will be drop

Hindi sila kalakihan, siguro mga kasinglaki lang ng kotse. (^__^)

Ang unang ginawa namin ay paunahin ang mga tankers. At kami iyon ni Verillion, ako at ni Zaphro. Nag-lure kami at sinubukan kung malambot lang ba ang mga ito. Nang matest na namin ay saka na nakisali ang iba. Normal skills lang muna kasi mabagal kumilos ang mga ito kaso kailanan paring mag-ingat kasi malakas ang damage ng mga skills nila. Gumamit ng isang skill ang isang Dragna. Rock Fall kaya may mga umuulang naglalakihang bato mula sa itaas. Agad kaming nag dodge at gumanti ng skill. Si Ayana ang nagpakawala ng skill. 'Summon Lightning Remnant! isang summoner si Ayana kaya kaya niyang magpalabas ng creatures.

Seryoso? Eh sa DOTA kaya yung Lightning Remnant (Razor). (^_^)

May lumabas na magic circle sa lupa malapit sa kanya. Doon lumabas ang summon niya. Isang batang babae na may puting kasuotan na mahabang kulay puting buhok. Naka-levitate ito at may sparking aura sa paligid. 'Ang cute!'

     Agad itong sumugod sa mga mobs at pinapaulanan niya ito ng mga kidlat. Mabilis ito at accurate ang bawat tira, mabilis nitong na-clear ang area in less than two minute. Madali kaming umusad sa unahan patungo sa mabatong area ng map na iyon. Malayo pa lang may nakita na akong sapot ng gagamba at mga cocoons. Ito yata ang pugad ng mga Giant Tarantula. Nahati kami sa tatlong gupo. Si Zaphro, Ayana, at Erik. Ako, si Verillion at Jin at sina Shion, Aryus,at si Erenir ang magkakasama. We quickly approached the area and we saw dozens of them lurking around. Ang iba ay nasa itaas at ang iba ay may binabantayang cocoons. Ang lalaki nila at nakakatakot ang itsura. Naglalaway pa na parang nababaliw na aso.

Level 75 Giant Tarantula

HP: 25,000/25,000

Def: 2000

Skills:

Net Shooter

Venom Blast (AOE)

Poison Needles

Gold drops: 200,000

Random items drop

Aggressive ang mga ito at naunang umatake. Tinira kaagad kami ng mga sapot mabuti na lang at nakailag kami. Nag buff si Zaphro para may panlaban kami sa sapot sakaling mahuli kami. burning essence iyon ang bulong niya at bigla nalang nagkaroon kaming lahat ng blue flame aura. Susunugin nun ang sapot para makawala kami at may burn effect to sakaling lumapit sa amin ang mga mobs. Pinagana ko naman ang aking Guardian's Blessing passive skill sa party kaya nadagdagan ang aming defense and regeneration (HP/MP/SP).

Groung Spikes! sigaw ni Verillion sa tabi ko at itinuro ang dulo ng kanyang elemental staff sa lupa. Umangat ang lupa at nakabuo ng mga matutulis na tipak na bahagi. Tinamaan nito ang apat na tarantula pero hindi pa ito namatay kaya si Jin kasama ng aking pet na si Arcanos ang sumalakay sa mga ito. Pinagtataga ni Jin ang mga ito sa likod at si Arcanos naman ay kinakalmot ang mga ito gamit ng matatalas na kuko. Humahaba pala ang buntot ng pet ko at nagagawa niyang mahampas ang mga monster at sunugin ito gamit ng apoy sa buntot niya. "That's my Pet!" bigla kong naibulalas. (^__^) hehe. Agad itong bumalik sa direksiyon ko at umupo lang sa tabi ko. 

'Earth Blockage!'  nag-cast ulit si Verllion ng skill dahil na respawn na agad ang mga monsters. Kinulong niya ito sa mga bloke ng lupa at na-trap sila doon. Kaya ako naman ang gumalaw. Mabilis kong tinungo ang mga tarantula at gumawa ng isang attack. 'Vanishing Strike' sapul ko ang mga ito sa weak points nila sa ilalim ng tiyan. 35% agad ang HP nila kaya lumipad na ako sa itaas at nag charge ng final blow. Sinenyasan ko naman sila Jin na lumayo ng kaunti.

" Guardian Push!" nawasak ko pati ang mga blokeng gawa ni Verillion at nakaroon ng pagsabog.

Sa kabilang panig........

Zaphro's POV

     Kasama ko si Ayana at Erik na parehong range attakers kaya madali naming napapatumba ang mga tarantula. Idagdag mo pa ang sky dragon kong si Freyla na may glacial element.

"Freyla Freezing Breath!" utos ko dito. Agad itong bumuga ng malamig at nagyeyelong hangin isa-isa sa mga tarantula at pinagyelo ang mga ito. Tinitira naman ng summon ni Ayana ng kidlat ang mga nagyelong mobs. Ganon din sila Ayana at Erik tumitira sila ng magic orbs sa mga mobs.

"Oceanic Wave!" tumira si Erik ng skill kasi dumadami ang mga nagsisilabasang mobs sa paligid. Sapul nito ang halos isang dosenang mobs at nagkaroon ng stun at slow effect sa kanila.

"Lightning Storm!" sigaw ni Ayana sabay paglabas ng libo-libong kidlat sa kinaroroonan ng mga mobs. Nakisabay naman ang aking pet at nagpakawala ng isa pang ice magic. Isang Glacial Orb na mas malaki pa sa katawan niya ang kanyang pinakawalan. Habang umuulan ng kidlat ay sumabog ang glacial orb na tumama sa lupa at nagawang mapagyelo ang malawak na parte ng canyon. Nagkaroon ng isang crystalize form na parang namukadkad na rosas. Agad naman itong nabasag at naging maliliit na ice particles. Para tuloy umulan ng nyebe dahil dun. Naubos ang mga mobs na kaharap namin kaso mabilis ang respawn time nila kaya balik ulit sa dati.

Shion's POV

     Nagulat ako at ganon pala kalalakas ng mga kasama ko. Buti nalang nakilala ko sila sa larong ito. Kahit man lang sa laro may maituturing akong kaibigan. :(

Excited tuloy ako at mas lalong ginaganahang maglaro kasama sila.

"Twin Slash!" sinalakay ko ang dalawang gagambang nasa harap ko at pinag putol-putol ko ang mga paa nila. Matapos kong gawin iyon ay bumagsak naman si Aryus mula sa pagkakalundag para sa finishing blow.

"Binding Array" mula sa likod namin ay tumira si Erenir ng skill na binding array. Ito ay dark spell na nakaka imobilize ng kalaban at may malakas na damage. Isang violet ray ito na may one way assault. Nagawa nitong gumawa ng isang straight line marking sa dinaanan nito. 1 hit nito ang mga direktang tinamaan. Damaging attacks ang kayang gawin ng mga magic users dito sa EOP. At dahil sa reality game ay walang range limit ang lahat ng range attack. Kaya kung mag-mimiss ka ng tira ay may tatamaan at tamaan ka kahit sa malayong distansiya pa ito.

    Nag-dash si Aryus sa harap ko at napakawala ng isang destruction skill. "Ground Break!' sigaw niya habang itinutusok ang espada sa lupa. Nagkaroon ng vibration at nag-crack ang lupang kinalalagyang ng mga mobs at nahulog ito sa ilalim at natabunan ng lupa at bato..

"Hyaaaaahhhh" yun ang tanging naririnig ko sa iba ko pang kasamahan. Kanya kanyang labas ng skills at sigaw. Natatalo namin sila pero madali lang silang nagre-respawn. Nagtagal pa kami sa area na iyon kaya ang iba sa amin ay naglevel up. Si Jin ay naging Level 72, Erik Level 70, Erenir Level 71, Aryus Level 73. Ako naman ay nag level 76 na samantalang si Ayana ay Level 75, si Slicer ay level 74 at ang PL namin na si Verillion ay nag Level 83. Walang pagbabago sa level ni Zaphro dahil sa maliit lang daw ang XP na nakukuha niya. Pero kapansin-pansin naman na lumalaki ang kanilang mga pet creatures. Doble na ang laki nito kumpara kanina.

   Paulit ulit lang kami sa ginagawang pakikipaglaban sa mga mobs nang biglang naalarma si Zaphro. Kalaunan ay naalarma narin kami dahil sa prisensiya ng ibang mga players. Malapit lang sila sa location namin.  Nagsimula ng gumawa ng paraan si Zaphro, at gumawa ito ng frost field.

"Dito dali, kailangan nating makalayo." sabi nito sabay turo sa isang daan.

"Teka bakit tayo biglang tumatakbo ha?" tanong ni Jin.

"Kakaiba ang kutob ko sa mga players sa malapit. May mali sa paggalaw nila." sagot ni Zaphro.  "Hinahabol nila tayo ngayon. Pakiramdaman niyo." dagdag nito.

Nakiramdam kami at tama nga ang sinabi niya. Bumilis at parang tumatakbo rin ang mga ito.

Habang palayo kami ay nag full buff kami para maihanda ang sarili. Binigyan ng speed boost ni Verillion sila Jin at Aryus dahil nahuhuli sila sa amin. Nag-cast din ng Metalic Body, vanguard at evade si Ayana at Verillion sa amin para dagdag sa defense at dodge rate. Meron din kamin rejuvinate buff galing kay Erik.

"Di kaya mga PK players ang simusunod sa atin?" nagsalita si Aryus.

"PK players? Narinig ko narin iyan." sagot ni Verillion

"Balita ko marami na silang nabiktima at kadalasan mga veteran players." paliwanag ni Ayana. "Narinig kong usap-usapan iyan sa town." dagdag niya.

Nagpatuloy kami sa pagtakbo hanggang sa may mga mobs na humarang sa amin.

Level 80 Metalic Lion

HP: 25,000/25,000

Def: 3000

Skills:

Lion Roar

Claw of Fear

High Voltage

Gold Drop: 200,000

Item Drops: Titanium Alloy piece

Low chance of droping rare weapon

Kaasar may mga asungot sa daan tapos may humahabol pa sa amin. Bigla ma lang naming namalayan ma nagpatiuna na si Ayana gamit ng blink niya at nag-cast ng AOE skill niyang Falling Star. Nag blink ulit siya pabalik para hindi madamay sa AOE ni Erenir. "Dark Explosion!'

Dalawang malakas na AOE skill ang binitawan nila Ayana at Erenir kaya na-clear ang area sa mga mobs. Dahilan iyon para makalabas kami sa lambak. Nasa labasan na kami ng bigla naming naramdaman ang isang malakas na enerhiya na papalapit mula sa likuran namin.

Isang skill iyon.  Sobrang bilis ng pangyayari at halos hindi kami makapag react. Buti nalang at mabilis ang naging reaksiyon ni Zaphro, Verillion, Ayana at Slicer.

"Ice Wall!"  kay Zaphro.

"Giant Vines!" Ayana.

"Chrono Shield" Verilion.

'Seismic Barrier!"  Slicer.

"Dan's POV"

     Mabilis ang naging response namin sa kung anong energy na papalapit. Malakas ang puwersang tumama sa mga harang na gawa mamin. Halos masira ang mga harang namin buti nalang at hindi tuluyang bumigay ang barrier ko kundi tapos na kami. Isa iyong focus shot ng isang range type player. Nawalan kami ng balase dahil sa lakas ng shockwave. Nabalot ng usok ang area kung nasaan nanggaling ang skill. Pilit kung pinakiramdaman ang presensiya nila. Lima sila na naramdaman ko at mukha silang malakas.

     Nang makabangon kami sa nangyari ay agad kaming naghanda. Hindi na ako nag dalawang isip pa at ginamit ko ang isa sa long range skill ko. "Guardian Push!" sigaw ko. Saktong nai-cast ko ang skill ko ay sinabayan ni Verillion.

"Rainbow Blast!" ito ang kanyang ultimate skill. Ito ay magkahalong apat na elemento at isa din itong AOE skill. Tumama ang mga skill namin sa lupa sanhi upang magkaroon uli ng pagsabog. Inihanda namin ang aming sarili sa shockwave.

"Ako na ang bahala." si Ayana na pumuwesto sa harap namin. "Grand Summon Goddess of Fire Sol!" "Grand Summon God of Water Aquillis!" nag summon siya ng dalawang S rank creature. Pumunta ito sa harapan at binalutan kami ng harang para hindi tamaan ng shockwave.

Kung may tinamaan ng mga skill na iyon ay tiyak na critical ang kondisiyon.

"Impressive!" isang tinig mula sa itaas. Nagulat kami sa nangyari dahil sobrang bilis nitong napunta dun. Skill ba yun o normal speed? 

"May ibubuga naman pala ang grupo ninyo.!" tinig mula sa isang Angel class character na may IGN na Flick.

"Sino ka? Bakit mo kami sinugod?" pasinghal na tanong ni Ayana.

Ngumisi lang ito sa tanong niya.


Ayan done na..... (This is a Revised Chapter)

May mga binago ako sa story line nito. For those who have read the original chapter don't worry. The clash of Flick's Party and Zaphro will be forwarded to chapter 14 as a flashback.

Also I am announcing that in the next chapters (probably chapter 15) there will be a very different POV. It will be Shion who'll be telling a part of his life and why he played Enigma Online.

Gusto ko kasing ipakilala isa-isa ang ating mga bida. Di lang puro laro ang story na ito. On those type of chapters I'll be showing the other side of them.

Keep on reading guys!

Thank you very much!

@TheoMamites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top