Chapter 12 (The Game Masters)
Pasado alas-diyes na ng makapag logout si Zeke dahil nalibang ito sa loob ng laro. Bago matulog ay naisipan niyang tawagan ang numerong binigay ng mga GM ng larong Enigma Online. Agad namang may sumagot sa kabilang linya. Nagpakilala agad si Zeke sa kausap niya. Isang lalaki ang kausap niya, malamang ito iyong Kaizen ang ipinakilalang pangalan sa talk show kanina. Hindi ito katandaan dahil sa boses nito ay parang nasa 30-35 lang ang edad niya. Sabi nito na mas makabubuti na sa game na lamang daw sila magkita kasama ng ilang GM ng laro. Nagbigay ito ng oras at location kung saan at kailan sila magkikita. Buti na lang at 10AM ang usapan dahil may usapan pa sila ng mga kaibigan.
Natulog na kaagad si Zeke pagkatapos ng usapang iyon. Mukhang wala naman sigurong dapat ikabahala sa pagkikita nila ng mga GM.
tuloggggg. ZZzzzzz......
Mga 7:30am na nagising si Zeke. Nagluto agad siya ng makakain at naligo. Nang matapos sa ginagawa ay tinignan nito ang cell phone. May mga miss calls galing kay Dan. Nag-iwan din ito ng mensahe.
"pre napanood mo ba sa TV kagabi si GM Kaizen?"
Nagreply din siya.
"oo tol."
yun lang ang reply niya.
Pagkatapos magligpit ay nag login na ito sa game.
In Game......
Napaaga siya ng isa at kalahating oras kaya naglibot muna siya. Sa isang templo sila magkikita. Ang templong ito ay nasa isang liblib na parte ng Meldivar. Ito ay nasa Death Forest banda na mararating lang kung lilipad ka. Ito kasi ay sa kadahilanang mga high level mobs ang nananahan sa paligid. Level 100-150 ang mga monsters dito kaya mahirap kung dadaan ka sa baba. Buti nalang at may wing item na si Zaphro kaya malaya niya natatawid ang mga delikadong map location.
Nasa himpapawid siya ngayon patungo sa kinaroroonan ng templo. Habang nasa ere ay may natanaw siyang lumilipad.
" Ibon ba yun?" sabi niya sa sarili.
May nakita kasi siyang lumilipad sa di kalayuan. Isang dambuhalang ibon, iyon ang sapantaha ni Zaphro. Parang bulalakaw sa bilis kung itoy lumipad. Nagliliyab ito ngunit kulay puting apoy. Mukhang boss monster, at hindi lang basta-bastang boss kundi Epic boss ito. Skyllar Fire Bird ito ang pangalan ng boss na iyon. "Maha-hunt karin namin, humanda ka sa amin Skyllar Bird." sabi nito at nagpatuloy sa paglipad.
Ilang sandali pa ay narating na niya ang lugar. May kalahating oras pa bago ang nakatakdang usapan. Hindi paman siya nakakababa ay naramdaman agad nito na hindi siya nag-iisa. Lumapag siya sa di kalayuan sa templong yari sa mga pinagpatong na mga bato. Nasa gitna ito ng gubat at napalilibutan ng mga punong kahoy. Saktong walang mobs sa paligid kaya naglakad siya ng mabagal. Patuloy parin siyang nakikiramdam. 'nandito lang sila, sigurado ako.' sabi niya
"Maaga ka yata bata?" biglang may nagsalita mula sa likuran niya.
Dahil sa gulat at nahugot niya ang kanyang espada at nag dash sa harapan gamit ng pambihira niyang bilis at biglang humarap sa pinanggalingan ng boses. Naka fighting pose pa siya. Wala siyang nakitang tao kaya muli siyang nakiramdam. "Lumabas kayo diyan. Alam kong nandiyan kayo sa likod ng isa sa mga punog ito." sabi niya ng pasigaw.
"Relax ka lang bata." tinig mula sa isang lalaking lumabas sa isa sa mga punong kahoy. Naka-cloak ito ng kulay pula. Kulay violet ang IGN nito at may malaking GM bago ang pangalan.
"Ako nga pala si GM Kaizen." pakilala ng lalaki. Hinawi nito ang hood ng kanyang cloak at nakita niya ang mukha nito. Siya nga ang lalaki sa talkshow. Isa-isa naring lumantad ang tatlo pa nitong kasama.
GM Rowan, GM Aero at GM Akil.
Napanatag naman si Zaphro dahil mukhang ok naman ang mga ito.
"Tara doon tayo sa templo mag-usap." paanyaya ni Kaizen sa kanya.
Sumunod na lamang siya ng simulang lumakad ni Kaizen. Mabilis silang maglakad na di gaya ng normal at tiyak mabilis din ang mga galaw ng mga ito. Kanina lang ay hindi niya naramdaman agad ang pagsulpot ng mga ito sa likuran niya.
Nang marating nila ang templo ay nakita ni Zaphro na mayroong malawak na space sa loob nito na parang arena.
"Una sa lahat Zaphro humihingi kami ng dispensa sa nangyari sa character mo. Lalo na sa mabagal mong paglevel. Pero anyway corrupted naman ang stats mo so bawi lang din." nangi-ngiti wika ni Kaizen.
"To be direct to the point Zaphro, were here to see how far the corruption is.?" sabat naman ni Aero
"Ha, anong ibig sabihin nun?" tanong ni Zaphro.
"Hay naku! Meaning we need to test it ourselves. You need to fight us kid."
inis na sagot ni Rowan. Tumango naman sila Kaizen at Akil.
"What?" tanging bulalas niya.
"You heard the man right." sabi ni Akil. "O pa'no? Shall we start.?" dagdag pa nito.
Tumabi namang ang tatlo at naiwan sila Zaphro at Akil sa gitna. Wala ng choice talaga kundi labanan ang bawat GM.
"Zapro's POV"
Naloko na ito na nga ba ang sinasabi ko. Labo labo na to. Bahala na si batman! Nababaliw na yata ang mga GMs na ito.
"Ganito ang rules bata. Magso-summon ako ng mga mobs from level 60 pataas ok." sabi pa ng nagngangalang Akil. "Tapos hanggang level 100 lang at pag kinaya mo ay ako ang makakaharap mo. Wag kang mag-alala, kung matalo ka man dito ka rin naman mare-respawn. Special kasi ang arenang ito." dagdag pa nito.
"So wala talaga akong takas dito ganon." tanong ko. Malikot ang kamay ko sa pagpindot sa ere kasi hindi ko na mahanap ang logout sa Vertual Screen ko.
"Wag mong tangkaing mag logout dahil disabled ang logout mo pansamantala bata." sumingit naman itong si Aero. Shit, kaya pala di ko mahanap. Wala na akong kawala sa mga ito.
"Umpisahan na natin bata." sabi ni Akill at kasabay nito ay ang biglang paglitaw ng mga Chimera mobs o yung mga monsters na may pinaghalo-halong hayop sa iisang katawan. Tatlo ang lumabas pero madali ko lang itong napatay kasi level 60 lang. Ganun ulit ang sumunod pero ngayon ay level 70 na. Inilagan ko lang ang mga attacks nila at nag buff na ako ng burning essence at angelic aura gumamit narin ako ng Cold Fire sa weapon ko. Tinalo ko ulit ang mga ito hanggang sa level 80 na ang mga kaharap ko. Mas mabilis at makapal na ang armors. Ginamitan ko na ng AOE kong Frost Field na ngayon ay level 3 na. Freeze ang mga ito at normal skill nalang ang ginamit ko dahil meron naman akong burning aura na dagdag damage. Natalo ko ulit ito ng hindi masyadong nagtamo ng damage. Madali namang tumataas ang MP at SP ko dahil sa buffs at sa normal recovery rate ng stats ko. Nasa level 90 na mobs na ang mga lumitaw. Mga Metalic Warewolves nahihirapan na ako dahil masyado nang mataas ang dodge rate ng mga ito at mabibilis pa. Kailangang ko pang gamitin ang mga reserve skills ko. Ang Cold Touch, ice wall, at ang isa ko pang AOE skill na Inferno na hindi ko pa nagahamit. Buti nalang at mabilis mag regen ng HP ko. Nang humantong sa level 100 ay gumamit na ako ng Berzerk na buff para palakasin pa ang attack damage ko at streangth. Gumamit agad ako ng inferno para magkaroon agad ng burning field na tutupok sa sinumang tumapak.
Nag charge na ako ng isang SS skill nagliwanag ang buong katawan ko habang umaangat ako sa ere.
"Angelic Wrath!" sigaw ko. Sumabog ang parte kung saan ako bumagsak. Nagkaroon ng malaking hukay dun at natalo ko ang mga mobs. Lumipad ako sa gilid ng hukay na gawa ng skill ko at tumingin ako kay Akil. Unti-unti namang nanumbalik ang paligid at na-restore na ang mga nawasak na parte ng sahig.
"Wow! Not bad. Bravo!" sigaw naman ni Rowan na tila nage-enjoy sa panonood.
"O pano its my turn!" bigla nalang umihip ang malakas na hangin. Naalerto agad ako sa gagawin ni Akil. Humakbang ito at hinubad ang cloak niya at nalantad ang kulay green niyang armor. Wala siyang weapon o kahit na anong kawak sa kamay. Bigla ay naglaho ito sa kinatatayuan niya. Naramdaman kong nasa likuran ko na pala ito kaya agad akong nag side-step at nag-cast ng AOE kong Inferno. Mabuti nalang at malakas ang pandama at reflex ko. Tinamaan siya dahil gaano man siya kabilis ay di parin siya makakatakas sa field ng ganon kadali. Sobrang liit lang ng damage ko sa HP niya 2% lang. Natural makunat talaga ang mga GM's. Lagot ako pag nag skill to, tiyak malakas ang bibitawan nitong skill.
"Exploding Wind!" at yun na nga isang high level wind spell. Muntik na akong tamaan ng direkta kung di lang dahil sa hinarang kong Ice Wall ay tiyak sapul ako. 25% agad ang bawas sa HP ko kahit daplis lang. Ang sakit pa tuloy ng kanang balikat ko. Nagreregenerate naman ako pero masakit talaga.
"New skill received. Hex buff skill that will last for 60 seconds. Makes the caster invulnerable against skill, spell or normal attack." bigla itong lumabas sa VS ko. Di na ako nagdalawang isip pa, ginamit ko ang bagong skill.
"Hex!"
Agad akong tumakbo sa direksiyon niya at inihanda ko na ang isang skill ko. Kung bilis ang pagbabatayan ay talong-talo ako pero kahit na kailangan ko paring subukan. Hindi pa ako nakakalapit ay naglaho na ito at bigla narinig ko nalang itong sumigaw. Majestic Wind!
isang hugis ibon na yari sa hangin ang pinakawalan nito magmula sa itaas. Hindi na ako nagdalawang isip pa at pinakawalan ko narin ang skill ko para salubungin ang skill niya.
"Engulfing Flame!" nagsalpukan ang mga skill namin. Nagbabanggaan ang mga ito at nagtutulakan. Yumayanig ang buong paligid dahil sa shockwave na dulot ng dalawang skills. Nang tumagal ay kumalat ang apoy ng skill ko at na-disperse. Ganun din ang nangyari sa skill niya. Akala ko ay tapos na siyang tumira pero isang mabilis na attack ang ginawa nito. "Piercing Wind" sa sobrang bilis nito ay hindi ko nagawang umilag. Isang blade na yari sa hangin ang tumama sa akin. Kunektado ito sa kanang kamay niya at tumagos ito sa katawan ko. Malalim din ang pagkabaon nito sa sahig. Sobrang sakit ng nararamdaman ko at napasuka ako ng dugo. Hindi pa siya nakuntento at itinaas pa ang air blade sa ere at binalibag ako saalayo. Nagpagulong-gulong ako sa sahig at bumangga sa pader. Nanlalabo na ang paningin ko at halos wala na akong marinig. Siguro nasa 10% na lang ang HP ko nang mga sandaling iyon. Handa na akong matalo sa lagay na iyon ng biglang bumuti ang pakiramdam ko at nawala ang damage na tinamo ko kanina sa skill ni Akil.
"HP restored. Character status INVULNERABLE!" yun ang biglang lumabas sa VS ko. Gumana na ang bago kong skill. Nagulat sila sa ginawa kong muling pagbangon at pag atake kay Akil.
Mas lalo nilang ikinagulat ang pagsalubong ko sa lahat ng skills na ibinabato nito sa akin. Hindi ako tinatablan nito at nadi-disperse lang ito pag tumama sa akin.
"Heavens Judgement!" nag-cast ako ng S class skill at tinamaan diua. Ang heavens judgement ay may kakayanang ma-paralyze ang target habang nasa loob ng ray nito. Tinatanggalan din ng skill na ito ng 50% defense at armor ang target. Continuous din ang damage nitong 1000 per second.
"Huli na kita!" sabi ko. Umakto akong magka-cast ng SS skill. Balak kong gamitin ang Angelic Wrath da kanya. Nag-umpisa na akong mag full buff at binabalot na ako ng nakakasilaw na liwanag. "Humanda ka na! Angelic Wrath!" bumulusok ako papunta sa direksiyon nito. Di parin ito makawala sa skill ko. BOOMMMMM! Tinamaan ko siya at direct HIT iyon! Kahit hindi ko man siya napuruhan at least tumama ang skill ko, ayos na iyon sa akin.
Mabilis akong lumayo sa malaking hukay at hinintay na mawala ang usok sa paligid. Nang mawala ang usok ak nakita kong nahihirapang bumangon si Akil at nasa 45% na ang HP nito. Madami itong galos sa katawan at sunog ang kanang kamay nito. Matatalim ang mga titig nito sa akin na parang papatay ng tao. Mabilis itong sumugod uli sa akin ng buong lakas dahil batid kong nag-iba ang aurang pinapakawalan niya. Wala ng bisa ang buff ko na HEX at tiyak 1Hit ako nito nang biglang,,,,,
"Devine Barier!" bigang may humarang na malaking kalasag sa harapan ko upang harangan ang atake ni Akil. Sa barier tumama ang skill niya at naglaho ito at hindi natibag ang harang na gawa ni Kaizen.
"Tama na iyan Akil. Nakita na natin ang kaya niyang gawin." biglang ma-awtoridad na boses ni Kaizen.
"Ano? Sayang naman. Panira ka talaga ng mood Kaizen.!" sagot ni Akil na parang nagmamaktol na bata.
"Tama na baka matalo ka pa nakakahiya." sabat ni Aero at ngumiti. Nagtawanan nalang ang mga ito. At si Akil naman ay napakamot ng ulo.
Bumalik sila Kaizen at sina Aero sa gitna ng arena. Muli ay kinausap si Zaphro. Dumaan ang kalahating oras ay natapos din ang usapan nilang lima.
Nagpaalam na si Zaphro sa mga ito. "Salamat nga pala sir. Di ko malilimutan ang araw na ito. Hanggang sa muli sir." kinawayan niya ang mga ito at nagsimulang lumipad palayo.
End of Chapter.
oh ayan ha... may isang action-packed chapter na naman kayong nasaksihan. Keep reading and you'll find more!.
@Theo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top