Chapter 11 The Hunt Begins 2

(Accel's POV)

"The Second Fallen!"

"Hello, ako nga pala si Accel Mendoza isang VMMORPG (Virtual Massively Multi-player Role Playing Game) player. Magaling akong player at naging Beta Tester narin ako ng ibang mga games. Excited ako nung lumabas at naimbento ang Enigma Online PH. Sikat ito sa ibang bansa kaya naman gusto kong maglaro nito. Buti nalang ay nakabili ang Pilipinas ng rights para magbukas ng PH server para sa mga pinoy players."

"Naku masubukan nga itong game nato." masiglang sabi ni Accel habang kinukuha ang Dimension Spliter ng game.

"Grabe talaga ang inventor nitong si Armand Voieghn, astig super advance ng isip. Biruin niyo pwede tayong mateleport sa mismong game!" sabi niya sa kanyang kuya at nakababatang kapatid. Kasama niya ang mga ito nang bumili ng Console at sa pag setup ng laro.

"Sayang bunso, hindi ka pa pwedeng maglaro nito. Habol ka nalang next year." Sabi ng kuya Jenson ni Accel sa lil sis nilang si Cindy.

"Well, I can wait naman kuya." sagot nito. Kahit babae si Cindy ay mahilig din ito sa mga ganitong laro dahil narin sa impluwensiya ng dalawang kapatid na lalaki. And besides maging ang papa nila na isang mayamang business icon ay adik din sa mga Online Games. Naging investor pa nga ito ng mismong larong EOP. Meaning isa na ito sa owner ng PH server.

Si Accel ay bago lang nag-celebrate ng kaarawan niya at ito ang regalo ng kanyang papa sa kanya. Isang mamahaling console ng Enigma Online PH. Ito ang mga consoles na gamit ng mga Beta testers noong nasa beta test palang ito. Kaya ang mga characters na magagawa gamit nito ay may kaunting beta test privillages. Gaya na dito ang mga boosted stats at iba pa. Pero hindi fully activated ang ibang pribilehiyo dahil sa bawal ang beta tester characters. Pinagawa pa talaga ito ng papa ni Accel sa mga game programers para lang sa mga anak.

"Ayos to! O pano kuya, lil sis alis nako." pagkasabi nito ni Accel ay pinindot na niya ang login botton. Parang magic siyang naglaho sa harapan nila Jenson at Cindy.

Pagkatapos nun ay isa-isa nang lumabas ng kwarto ni Accell ang dalawang kapatid.

In Game....

Nasilaw si Accel sa sobrang liwanag. Ngunit saglit lang ito dahil nakapag adjust na ang mata niya. Isang black plated armor na NPC ang sumalubong sa kanya upang ipaliwanag ang character creation proccess. Pinapili siya nito ng class at sub-class. Siyempre dahil sa marami narin siyang alam sa larong ito ay Angel Class ang kinuha niya at UNKNOWN ang sub-class. Feeling veteran player kasi si Accel.

Accel lang din ang pinangalan niya sa kanyang game avatar. Ayos naman daw pakinggan ang pangalan niya.

After character creation ay nateleport na siya sa main village ng mga angel type players. Gabi na nun ng mag login siya kaya gabi narin sa loob ng game. Agad niyang napansin na medyo wala yatang ka-tao tao sa lugar. Isa lang ang napansin niya at mukhang masungit pa yata. Dahil nakaupo lang ito sa isang bench malapit sa respawn area. Medyo madilim sa part na iyon kaya di niya maaninag ang mukha. Medyo may glowing spark lang o aura ang set nitong kulay blue. Maya-maya ay tumayo ito at akmang lalapit sa kanya.

"Hello," sabi nito ng nakangiti.

"H-hi po!" di niya alam ang isasagot.

Hindi naman pala ito nakakatakot bagkus friendly naman pala. Sa tingin ni Accel ay nasa 25-28 na ang edad nito. Siguro kaedad lang ng kuya niya.

"Bata gabi na ah. Bat ngayon mo lang naisipan na gumawa ng character?" tanong nito.

"Ah., eh kasi po excited lang ako maglaro kaya di ko na pinagpabukas pa." sagot niya.

Nataw pa ito na parang tuwang-tuwa at muling nagsalita.

"Ako nga pala si Zaphro. Nice to meet you Accel." sabi nito sabay lahad ng kanang kamay.

"Ako din po, nice to meet you.!" at tinanggap nito ang kamay ni Zaphro.

"Naku pasensiya ka na at walang ka player player dito. Kaunti lang kasi ang mga ka class natin. Pang walo ka pa lang Accel." sabi nito habang napakamot ng ulo.

"Ganon po ba. Ayos lang yun dahil malakas naman ang mga angel type. For those skilled players lang ang class nato." nangiti niyang sabi. Tumango lanf ang kausap.

"Lika, tour kita sa buong village para makabisado mo ang lugar. Tsaka palevel ka sa labas sasamahan kita." pag aalok nito ng tulong.

"Naku baka nakakaistorbo po ako sa inyo?" nahihiyang sabi ni Accel.

"Naku wala yun, ayos lang sa akin. Tsaka level 75 na ako makapaghihintay ang pagpapalevel." sagot ni Zaphro.

"Salamat po kuya."

     Ayun at naglibot sila sa mga NPC area. Marami din itong info na sinabi sa kanya patungkol sa game kaya madami siyang natutunang bago. Ngayon ay nasa tapat sila ng isang NPC vendor. Weapons ang binibenta nito. Hindi napigilan ni Accel na tumingin sa mga panindang items. Napansin siguro ito ng kasama niya kaya nagsalita ulit ito.

"May gusto ka ba sa mga yan. Sagot ko, pili ka lang ng isa." sabi nito.

Tatanggi pa sana siya pero mukhang hindi yata tumatanggap ng 'Hindi' ang isang ito kaya namili na lang siya.

     Tinuro niya ang isang Card Deck na isa sa mga high class weapon na tinda ng NPC vendor.

"Nice choice Accel! So balak mong maging range type fighter?" tanong nito at binili agad ang pinakamahal na deck. "Crimson Deck" isang common weapon lang na may malakas na damage wala nga lang elems.

"Pansamantala muna iyan, kasi ang malalakas na weapons na tulad nitong weapon ko ay nakukuha sa mga drops ng boss at high level mobs." paliwanag niya. Pagkatapos nun ay binilhan pa niya ako ng normal armor para daw di ako ginawin sa lamig ng gabi. Tama nga siya maginaw nga at madilim sa labas ng town. Konti lang ang nakikita ko dahil mababa pa ang stats ng clear vision ability ko.

"Subukan mo na. Dito lang ako't babantayan ka." biglang sabi nito habang pumupuwesto para umupo sa damuhan. Akala ko tutulungan niya ako sa pagpapalevel kaso manonood lang pala. Mabuti narin iyon para matuto akong magpalevel ng walang tulong ng ibang player.

     Umupo lang si kuya Zaphro sa damuhan di malayo sa akin tila nanonood lang ng pelikula sa sine. May inilabas pa itong makakain at nakatingin lang sa gawi ko. Hindi ko nalang siya pinansin at nag-concentrate sa mobs. Wala ako masyadong maaninag sa dilim pero malakas ang pandama ko at alam kong may mobs sa malapit. May kaluskos akong narinig sa bandang kanan. Agad kong tinignan at nagbaka sakali na at tinapon ko ang isang card sa gawing iyon. Sakto may nakita akong life bar. Isang level 5 Viper Snake at kalahati na lang ang HP niya. Medyo mabilis itong kumilos kaya umatras ako para dumistansiya at muli nagbitaw ng isang card. Tinamaan uli ito at nangisay hanggang sa sumabog na lang. May xp akong nakuha at halos kalahati yun ng XP bar na nasa  VS ko. Muli akong nakiramdam sa paligid at maya-maya ay meron ulit isang viper. Inulit ko lang ang diskarte ko sa sumunod na mobs. Halos puno na ang XP bar ko at meron din akong nakuhang venum sap na drops mula dito at mga gold coins.
"Malapit na akong maglevel up." sabi ko kay kuya Zaphro. Nag thumbs up lang siya at ngumiti.
"Wag kang lalayo dito malapit sa akin. May mga higher level monsters ang pagala-gala sa grassland pag ganitong gabi na." paalala niya sa akin. 'para namang aalis ako eh nakakatakot kaya ang kadiliman' sabi ko sa aking isipan. Mabuti na lang talaga na kasama ko si kuya Zaphro ngayon at may bantay ako.  At nagpatuloy ako sa aking pagpapalevel. Isang wild pig naman ngayon ang nakita ko, mabilis ang straight attack nito at tinamaan ako ng sungagin ako. Masakit pala talaga ang mga hit ng mobs sa larong ito hindi tulad ng ibang mga laro na nasalihan ko. Virtual reality lang at wala kang sakit na mararamdaman. Dito sa Enigma Online ay will power talaga ang kailangan para ma-endure mo ang sakit na iyong mararamdaman. Muli akong tumayo at nagbitaw ng sunod-sunod na cards. Sapul ang wild pig pero di parin namatay. Siguro makapal ang armor o defense niya kaya ginawa ko ay tumakbo patungo dito at gamit ng isang card na hawak ko sa kanan kong palad ay hiniwa ko ang leeg nito. Matalas ang bawat gilid ng mga cards kaya  para din itong patalim. Bagsak ito at sumabog.

'Level Up!
'Level 2'

Gold: 58

New Stats
HP: 450+100
Def: 40+20
MP: 400+100
SP: 800+50

Dexterity Stats
Evasion: 35+20
Dodge Rate: 25%+2%
Speed: 25%

Intelligence Stats
Attack: 400+20
Resistance
Fire: 30+20
Water: 30+20
Wind: 30+20
Earth: 30+20
Ice: 30+20
Electric: 30+20
Poison: 30+20

Ito ang bagong stats na nadagdag sa akin, plus 100 sa HP kada level at plus 20 sa lahat ng stats. Cool ito at mas lalo lang akong ginanahang magpalevel.

"Level 2 nako kuya." sabi ko sa kanya at muli itong ngumiti. Parang si kuya Jenson ko lang din.
Nagpatuloy lang ako sa ginagawa, kung anu-anong mobs na nakita ko. May kulisap, may paniki, owl at iba pa. At pansin ko na lumalakas ako habang tumataas ang level. Sabi sa akin ni kuya Zaphro ay may skill daw ako na makukuha kapag level 5 na ako kaya nagmadali akong maging level 5.

    Tama nga ito nang naging level 5 ako ay may notice agad sa VS ko na may mga new skills ako. Oo tama, skills po kasi dalawa ang nakuha ko. Isang AOE skill at isang Offensive skill. Una ang Black Void o isang massive black hole na tumatagal ng 30 seconds ang isa ay ang Pyro Blast isang fire attack din gamit ang cards ko.
"Kuya tignan mo dali!" sibi ko kay kuya Zaphro. Nagmadali naman itong lumapit sa akin.
"Bakit Accel anong meron bat parang ang laki ng ngiti mo?" tanong niya.
"Basta tignan mo na lang." sabi ko. " Dalawang skills ang nakuha ko" dagdag ko.
"Aba dalawa nga!" namamanghang sabi nito. "Nga pala, patingin ng stats mo."

At ipinakita ko sa kanya ang stats ko. Medyo ikinagulat ito ni kuya Zaphro dahil di daw normal ang stat points na nakukuha ko kada level. Sabi pa niya ay doble daw iyon kumpara sa normal na stats ng kalevel ko.
"Ano bang sub-class mo?" bigla niyang tanong.
"UNKNOWN po." tipid kong sagot.
Yun ay ikinagulat niya at ikinaseryoso ng mukha niya. Tapos bigla ay nakabawi siya sa pagkagulat.
"Sabi ko na nga ba." yun lang ang nasabi niya. Tapos marami na siyang mga ipinaliwanag patungkol sa secreto ng sub-class namin. Oo same sub-class kami ni kuya Zaphro. Sabi niya Dark Angel daw talaga ang tawag sa sub-class namin. At abnormal daw ang lahat ng stats namin. Higit daw sa normal sabi pa niya.

     Nagulat ako sa mga nasabi niya akala ko ang console ko lang ang hindi normal pati rin pala ang character class ko. Dagdag pa niya na baka kami lang daw dalawa ang ganito dahil baka ma-fix na ang abnormality ng Dark Angel sub-class bukas o sa susunod na araw.

"Kaya mo naman palang palevel kahit di kita bantayan eh." sabi uli niya. Kaya inaya niya ako sa masukal na parte ng Ulmir kung saan may mga level 10-20 na mobs kasi daw beyond normal daw ang XP na nakukuha ko. So meaning mabilis lang ang paglevel ko kung mataas na level na mobs ang patayin ko. Kahit daw level 20 ay kaya kong ma-kill sa level ko ngayon. 'Wow' tanging nasabi ko.
Ilang sandali ay naglabas ng skill si kuya Zaphro. "Burning Essense" bulong pa nito at nagkaroon siya ng blue flame aura na iniilawan ang paligid.
"Ayan. Ready your self. Attracted ang mga night mobs sa liwanag kaya any moment from now eh darating na sila." sabi nito sa akin.

Buong akala ko tulong niya yun para di ako mahirapang makakita kaso hindi pala. Nakakainis naman talaga oh. At ayon nga sa sinabi nito ay isa-isa nang nagsulputan ang mga volves, hyena at kung anu-ano pang mobs na hindi ko alam. Si kuya naman ay hindi inaatake nito dahil sa fire skill na Burning Essense. Tiyak sunog sila kung lalapit dito kaya ako ang napagdeskitahan ng mga mobs.

No choice ako noh kaya lumaban na ako. "Dark Void" ibinato ko kaagad ang AOE skill ko gamit ng card ko. Sa lupa ang asinta ko malapit sa kumpol ng mga mobs. Siyam agad ang natamaan ng skill ko at patay agad sila. Sinundan naman nito anf paglevel up ko ng level 7. Ganon kabilis, nine mobs lang na level 15 ay dalawang level agad ang tinaas ko. Di na ako nagpatumpik-tumpik pa at sinundan ko agad ng isa pa "pyro blast" sigaw ko sabay bato ng isang card. Nagliyab ang card na tinapon ko at sumabog ng tumama sa monster at natutupok nito ang mobs na tatamaan. Mabilis lang ang cooldown nito na 3 seconds kumpara sa AOE skill ko na 45 seconds kaya nagamit ko ulit. Hindi nauubos ang deck of cards ko dahil bumabalik lang ng kusa ang maga card na tinatapon ko hindi kagaya ng bow na nauubusan ng palaso. Nang natapos ang cooldown ng AOE skil ko ay ginamit ko ulit ito. Paulit-ulit ko lang ginagawa iyon dahil parang nasanay na ang katawan ko sa mga galaw ng mga kalaban.

"Passive skill learned DODGE"
Iyon ang lumabas sa VS ko. Isang passive skill ang natutunan ko. Level 25 narin ako nun at upgraded na to level 2 ang dalawang skills kong pang opensa.

"Wow kuya ang taas na ng stats ko." nakangiti kong binaliyan si kuya Zaphro.
"Sabi ko naman sayo eh na kaya mo." sagot niya.

     Balik kami sa village dahil hanggang level 25 lang ang pwede kong itaas sa lugar na iyon. Sa ibang maps daw ako magpalevel up. So ginawa ko eh ibenta ang mga items na naloot ko sa mga mobs. Mga pots lang ang tinira ko sa inventory ko.

"Level 25 Accel (Dark Angel)

HP: 2,850
Def: 540
MP: 2,800
SP: 1,100
Attack: 400+480=880
Speed: 45%
Evasion: 35+480

Ito ang new stats ko ngayon. Mataas ang evasion rate ko kaya ibig sabihin di ako basta-bastang tatamaan ng mga attack ng mobs. Sinamahan parin ako ni kuya Zaphro sa Desert para mas tumaas pa level ko. Deretso agad kami sa mga Demented Cactus. As usuall ay iniilawan na naman niya ang paligid dahil hindi parin masyadong matalas ang night vision skill ko. Lumilipad lang siya habang pinapanood akong magpalevel. Sabi niya wag daw ako pumunta sa south direction kasi may boss. Mamaya na daw kapag level 35 na ako. 'So ibig sabihin pag level 35 ko ipapasubo niya ako sa boss?' Naku wag naman sana. Tanging naisip ko sa mga sinabi niya.
After 1 hour ay level 35 na ako at kasalukuyang nagpapahinga sa safe area kasama ni kuya Zaphro.
"Ayan. Kainin mo, tiyak gutom ka na." sabi niya sabay bigay sa akin ng isang mamahaling tinapay. Mamahalin iyon kasi may flavor at masarap talaga. Tinapos ko agad ang pagkain dahil sabi niya na papatulan daw namin ang boss.
"Sigurado ka ba kuya. Baka di natin kaya?" sabi ko sa kanya.
"Kaya natin, besides natalo ko na yan dati pa. Level 33 pa lang ako nun." pagyayabang ni kuya.
"Talaga?" tanong ko. Tumango lang siya at itinaas ang kanang kamay sa ere.
"Sige basta support lang ako." sabi ko naman sa tonong natatakot parin.
"Sige bah. Basta sundin mo lang mga sasabihin ko ok?"
"Ok!" tipid kong sagot.

At hayun na nga at nakita mamin ang boss. Grabe ang laki at ang taas ng level. Sand man ang pangalan ng boss at level 90 ito.

Nagparty muna kami ni kuya tsaka binigyan niya ako ng party buffs na Burning Essence at Angelic Aura. Malaki ang dagdag ng mga ito sa attack at defence ko at may regeneration pang bonus sa akin. Si kuya ang tumangke at unang sumugod. Grabe ang bilis niya parang di tumatapak sa lupa ang paa.
"Frost Field!" sigaw niya. Dahil dito ay nagyelo ang boss at di makagalaw. Bumababa rin ang HP nito na parang hinihigop. Dahil dito ay nagkaroon ako ng opening para umatake. Inuna ko ang Dark Void ko.
Walang nagawa ang boss para gumanti kasi matagal pala bago mawala ang effect ng skill ni kuya. Kaya ayun todo normal hit kami sa boss hanggang sa 46% na lang HP nito.
"Heavens Judgement!" biglang sigaw ni kuya Zaphro at may kung anong ray of light ang tumama sa boss. Mabilis nauupos ang HP ng boss sa skill na iyon. "Accel, i-last hit mo na ng AOE mo." sabi ni kuya Zaphro sa akin.
"Dark Void!" buong lakas kong sigaw.
Sapul ang boss ng AOE ko. Sumabog ito at naglaho. I can't fully believe na unang araw ko pa lang ay makakatalo na ako ng boss.




End of chapter

Hope you liked the chapter!
Till next update!


@Theo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top