Chapter 2: Sitting Arrangement
I thought we're heading home but the car drifted towards the opposite direction. Means we're heading further. I tore my gaze off the billboards, they're fading in my sight as we drove further. I prodded my lips and looked at my brother in the driver's seat. He's seriously driving, his left elbow is resting in the open window where wind blew in to dance his hair. His sideview profile gave him off, he really is a Sariego heir.
"Kuya?"
"Hmm?" He glanced at me.
"I'm sorry, I ruined your outing. Sana hindi na ako sumama."
Kumunot ang nuo niya at dinilaan niya ang labi.
"Ruined what? It's alright, that was nothing. Melly is really a freak and I don't want anyone like her around my baby girl."
Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ko, akala ko galit siya at nagtatampo. Inaliw ko ang sarili sa paglalaro ng mobile games sa cellphone niya hanggang huminto kami sa labas ng isang Café. Sinilip ko ang paligid at namangha nang makakita ng dagat. Malapit kami sa dalampasigan at maraming naliligong torista. Mayroong naka-bikini lang at naglalaro ng volleyball.
The setting sun radiates a bright ember to the sea and white sands. The cold and salty wind clung in my face when I jerk my head out of the window. It's so serene.
Lumabas kami ng kotse at pumasok sa Café na may disenyong alon at barko sa pader. Maluwag ang loob ng Café, tanaw sa bintana ang magandang tanawin sa labas at gawa sa kahoy ang mga lamesa't upuan. Buhangin din ang sahig.
"Find a table, I'll order for us," my brother halted me with his instruction.
Sinunod ko siya at agad lumapit sa mesa malapit sa bintana. Umupo ako at tumanaw sa labas, sobrang ganda talaga rito. Tahimik akong naghintay at kinuhanan ng picture ang ibang parte ng Café nang biglang may dumaan na lalaki. Nahagip siya ng camera, dalawang beses siyang nakunan dahil lumingon siya sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko at agad kong binaba ang cellphone. Nagkatinginan kami at kinabahan ako na baka nainis siya, kasi naman ang lamig ng titig niya.
He radiates a boyish aura because of his piercing eyes and knotted thick eyebrows. Plus that he's wearing all black clothes and a black back pack is hanging in his right shoulder. I gulped, his gaze feels so intense and heavy that my nerves slightly trembled. Or was it just my imagination and overreaction?
"I'm sorry, I'm sorry!"
Hingi ko ng tawad at yumuko ng ilang ulit. Nakagawian ko ng gawin 'yon kapag humihingi ng tawad kahit na wala naman sa tradisyon ng pamilya namin 'yon. Pakiramdam ko kasi mas sincere ako kapag may kasamang pagyuko.
"I was just taking pictures, hindi ko po sinasadya."
Pinisil ko ang kamay nang hindi siya gumalaw sa kinatatayuan at tinitigan lang ako. I felt my cheeks warmed under his intense gaze, his brows slightly raised and he looked at my phone. Oh, I forgot, he must be wondering why I wasn't deleting his pictures yet.
"I'll delete them, mister. Right away," sabi ko at tinignan ang cellphone.
Hindi pa nae-exit ang camera kaya ni-delete ko agad ang dalawang kuha at hinarap sa kaniya ang cellphone ko, kinakagat ang labi sa hiya. Bakit ako pa ang nahihiya e hindi ko naman sinasadya? Bahala na nga.
But he didn't even glance at my phone and just stared at me, I hid a frown. Why is he staring? Hindi siya nagsalita at marahang nagpakawala ng buntong-hininga. Nag-iwas siya at pinalibot ang paningin sa kabuuan ng Café. May tinanguan siyang lalaki sa kabilang mesa at bago lumapit do'n ay mabilis niya akong sinipat. Ngumuso ako, wala man lang siyang sinabi.
"Oh, bakit nakatayo ka?"
Napakurap ako nang marinig ang boses ni kuya, saka ko lang na-realize na nakatayo pala ako. Ngumiti lang ako at umupo ulit, nilapag niya ang order sa mesa at binalik ang malaking tray sa counter. Habang kumakain ay napapatingin ako sa kabilang mesa, parang kusang hinahanap ng mga mata ko ang lalaki kanina.
He was there, sitting across a man and a woman maybe about his age. In my calculation, they're college students except to the man obviously in his 40s. Nag-uusap lang naman sila, hindi nga kumakain kahit maraming pagkain sa mesa nila. Nakaharap sa kaniya ang babae at nakangiti kahit na katabi niya 'to.
I found myself curious of them at the moment, I don't even realized I've been vulgarly staring at them. Then suddenly, the guy in black glanced at me. Nanlalaki ang matang agad akong nag-iwas at kumain, naramdaman ko ang pag-init ng mukha. What will he think now? Bakit kasi nakatingin, Hinata? I pouted and sipped on my mocha.
"Mom texted me, she's asking where are we," rinig kong sabi ko kuya.
Napaangat ako ng tingin sa kaniya.
"Ano'ng sinabi mo? Galit ba siya?"
"Hindi naman, sinabi ko lang na nilabas kita dahil bored ka na sa bahay."
"Alam ba niyang lalabas ka kasama ng barkada mo ngayong araw?"
"Yeah."
"And?"
"I told her I skipped the outing and drive you around the city. She knew we're here."
Nakahinga ako ng maluwag, mahigpit kasi talaga si mommy pagdating sa akin. Parang ayaw niyang makita ko ang labas ng mundo, naiintindihan ko naman bakit pero nalulungkot pa rin ako.
I can't get to enjoy the world outside our house, the world is big and I've only seen one-eight of it. Such a waste, right? If I'll die tomorrow, I would wander the whole world today until I get weary. However, I know the people around me want the opposite. If I'll die tomorrow, they will heal me today for a longer life. It make sense, they love me so much.
Nang matapos kumain ay naglakad-lakad kami sa dalampasigan, buti na lang talaga may jacket ako. Umuwi rin kami nang sobrang lamig na, isang oras na biyahe yata bago kami nakarating sa bahay. Sinalubong kami ni mommy sa gate pa lang. Agad niya akong sinuri kung mainit ba o masama ang pakiramdam, tinawanan ko lang siya.
"So, how's the trip, Hinata?" Daddy asked softly.
Matamis akong ngumiti at yumakap sa kaniya, marahan niya akong kinabig.
"It was fun, I enjoyed it so much. Sana sa susunod ulit, dad."
"Sure, we'll find time for that. May klase ka na bukas kaya magpahinga ka na. Inom ka pa pala ng gamot mo."
"Opo."
Masaya akong umakyat sa kwarto at agad nagbihis. Kinabukasan ay excited akong gumising para sa klase. Ako pa nga ang gumising kay kuya kasi tanghali na natutulog pa siya. I forced him out of his bed and he replied me with a groan.
"Hinata, I'm still sleepy."
"But it's Monday, kuya. I'm excited to leave, come on!"
Napilit ko siyang tumayo pero nang binitawan ko bumagsak din ulit sa kama. Sumimangot ako at nangalumbaba sa gilid niya. Lumuhod ako para matitigan siya ng malapitan. Tapos ay ngumisi ako at dahan-dahang inilapit sa tainga niya ang bibig.
"Vince Carter Sariego! Wake up now!!!"
Sa lakas ng sigaw ko napabalikwas siya at nanlalaki ang matang tinignan ako. Kinagat ko ang labi para hindi mapangisi dahil namumula na ang mukha niya sa inis sa'kin.
"Hinata!" He snapped angrily.
I made a face and pouted, he tossed me an angry stare as he jumped off the bed. I stayed on my knees as he clean and clear his bed. He then frowned at me.
"Alright, I'm sorry. Nabigla kasi ako sa'yo," paliwanag niya nang makitang naiiyak na ako.
Hindi pa naman ako naiiyak talaga, siguro mukha lang akong gano'n. Pero nagulat ako sa lakas ng boses niya kanina kaya natulala ako. Bumuntong-hininga siya at hinilot ang bridge ng ilong saka hinila ako patayo.
"H'wag kang maiiyak, hindi sinasadya ni kuya. Sige na, bibilisan ko para makaalis na tayo."
"Hindi naman ako naiiyak," malumanay kong sagot.
Sa hina ng boses ko para nga akong naiiyak, kaya ayaw kong magsalita ng malumanay e kasi iniisip nila naiiyak agad ako. E hindi naman! Sadyang malumanay lang talaga ako magsalita.
"Sige, hindi. Maliligo lang ako tapos kakain at aalis na tayo."
"Pasensiya ka na, kuya. I was just really excited."
"I know alright."
Nakangiti akong lumabas ng kwarto niya, mabilis nga siya kaya agad kaming nakaalis. Sa kotse niya ako sumakay at nakasunod naman ang dalawa kong bodyguards. Wala na akong yaya. Pagdating sa Greenville hinatid ako ni kuya sa magiging classroom ko. Hinanap namin ang name ko sa mga nakapaskil sa labas ng classroom ng grade 9.
Sa star section pala ako, pinagtitinginan na naman ako ng ibang studyante. Maybe they're wondering why I have bodyguards? Well, I'm a transferee after all. So hindi nila alam na may bodyguards ako. Kaya ako umalis sa dating skwelahan dahil maraming nang-aaway sa'kin do'n kasi nga maarte raw ako. Sana iba rito.
Binuksan ng school guard ang classroom namin, agad kaming pumasok at pumili ng uupuan. I chose the chair in the right center near the board. I want to be in the first row, always. Though maybe the seats will change according to our teacher.
"You can stay outside, I'm fine alone," sabi ko sa bodyguards.
Nagkatinginan ang dalawa at halatang ayaw sumunod pero ngumiti ako sa kanila. I don't need to glare at them, just my sweet smile and they will obey. I wasn't wrong then, they left. Nilabas ko ang mamahaling notebook at fountain pen, nagsulat ako ng pangalan sa unahan ng notebook at pumirma pa.
That was how I distract myself from loneliness, I wish someone will befriend me. I'm kind naman and I'm willing to adjust. The room noised heavily when another student walked inside. I heard whispers from the girls behind me.
"It's Ignacio, my gosh! He looks so handsome in our uniform."
"He trimmed his hair, lalo tuloy gumwapo. Hindi ko nakita ang name niya kanina sa labas kaya akala ko hindi na natin siya magiging classmate."
"I actually thought he won't enroll this year, sayang kung hindi kasi maiiwan na naman siya natin."
"Hindi pwede 'yon dahil may scholarship na siya."
"Sana makatabi ko siya sa sitting arrangement ni prof."
Hindi ko na sila pinansin at patuloy lang na nag-draw ng design sa notebook ko. Ignacio, huh? He seemed to be popular with girls, perhaps he's really handsome for girls to wish those things. I wonder if I'll like him, too? Kapag nakita ko na ang mukha niya?
"Is this seat taken?"
Napahinto ako sa malalim na boses na narinig, nakita ko ang pagtigil ng itim at lumang sapatos sa tapat ng upuan ko. Slowly, I dragged my gaze up to the owner and sucked a breath when I saw the man's face. He is Ignacio?
The room fell silent and I forgot the things I should answer to him when I immediately recognized his face. His tanned, well-defined face and darkly intense gaze. He looked so tall from where I am seating, not just tall, also lean and muscular. He's so formidable while looking down at me. I found myself lost in his gray orbs closing gradually. Then, his face creased, he cleared his throat and our classmates noised.
Doon ako natauhan. Ang gwapo niya, nagulat ako. Pakiramdam ko ilang minuto 'yong tinginan namin kahit ilang segundo lang talaga.
"A-Ahm, oo. I mean, no, walang nakaupo riyan," taranta kong sagot.
Narinig kong nagsinghapan ang mga babaeng nasa likuran ko pero hindi ko sila pinansin. Inusog ko pa ang upuan at sarili palayo sa uupuan niya. Nang mapansin 'yon ay napakunot siya ng nuo at saglit akong tinignan. Nag-iwas agad ako ng tingin at ngumuso.
I can't stand his presence, I feel like my heart will explode any time soon because of the intensity of his gaze. I feel like he's too dark and too intense, too much for me. I didn't dare look at his way even when I can hear him talking to me. Why is he talking to me? Just talk to your friends behind us!
"Ignacio, dito ka na lang sa tabi namin. May libreng upuan pa naman, e," rinig kong suhesyon ng isa.
I could almost nod, I agree so much with them, Ignacio. Why sit beside me? I pouted when he chuckled sexily, it was almost a whisper.
"Ayos lang, dito rin ang bagsak ko mamaya kapag ia-arrange na tayo ni prof."
"Sa bagay, so maaalis din pala ang katabi niya."
"We'll see, what's her name ba?"
"I don't know, but I heard she's Vince Sariego's sister."
"Shh, baka marinig tayo."
"Ano naman? Wala naman akong sinabing masama."
I face-palmed and lazily draw designs at the back of my notebook. Wala na akong narinig mula sa kanila hanggang sa dumating ang professor namin. Matapos namin magpakilala isa-isa ay in-introduced ng professor namin ang magiging topic namin sa buong semester. Kating-kati na akong ma-rearrange ang sitting arrangement namin. Hindi pala magandang nasa unahan palagi.
"Unlike the other classes, I won't rearrange your seats alphabetically. I wanna see who will behave politely despite being around your friends. I want you to discipline yourselves into well-mannered individuals."
And I felt like my mind shut off for a second, what the hell? That's not what I was expecting at all!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top