"You died."
Ito ang mga salitang bumungad kay Eros matapos niyang madulas sa banyo at mabagok ang ulo.
Masyadong mabilis ang pangyayari, one second he slipped on the floor and when he opened his eyes, isang lalaking may pakpak na naka-business suit ang bumungad sa kanya.
Nakita niya ang walang buhay niyang katawan na nakahandusay sa sahig ng banyo na walang saplot.
Sa una ay hindi pa siya makapaniwala sa nangyari.
"Sino ka? This is a fucking joke right?! I died like this? This is embarrassing! Buhayin mo ako! Anong kailangan mo? Money? Women? Fame? I can give you anything!"
Ang dami pa niyang kailangang gawin. He's supposed to meet this hot Italian model today. Tomorrow, he has a date with his side chick. Hindi pa niya nauubos ang naiwang mana ng mga magulang sa kanya. And fuck! Iyong search history niya sa browser hindi pa niya nade-delete!
Napabuntong hininga nalang iyong lalaki. "Why don't they just automatically throw people like this in the underworld," bulong nito.
"What?"
"Nothing. If you want a second chance, you need to complete a mission-- "
"Mission?" he interrupted.
"Psyche Devilla, she's your mission. Guide her towards her fated person. If you succeed, you'll live, if you fail, you die. Due to the weight of your sins, you are only given three days to complete your mission."
"Are you kidding me?! How am I supposed to know where to find the son of a bitch?"
"Just follow the red string. Goodluck," matabang na tugon sa kanya nito.
Magsasalita pa sana siya nang may namuong lagusan sa harap niya. Bago pa man siya makahuma ay agad siyang itinulak ng lalaki papasok dito.
Napapikit nalang siya ng maramdamang bumagsak.
He opened his eyes and came face to face with a woman lying on a bed. Sa sobrang lapit ng mukha nila ay naririnig niya ang paghinga nito.
Nagkatitigan sila at agad siyang naakit sa mga mata nito. Kahit nakasuot ito ng salamin ay tila nalulunod siya sa tsokolate nitong mga mata at mahabang pilik mata. He dated hundreds of woman before, but never had he felt more attracted to those pair of brown orbs.
Suddenly he noticed her eyes widened followed by an ear piercing scream. "Aaaaaaaaaaahhhhhh!"
"Shit!" He quickly got off of her.
"Maaaaaa! May manyak dito! Tulong!" pagsisigaw ng babae.
"Teka! Hindi ako manyak. Sa gwapo kong to? Ako pa ba mangmamanyak?!"
Pinagbabato siya nito ng unan. That's when he noticed that he was in a pink bedroom. Fortunately, when he was transported, may suot na siyang saplot, kung hindi ay hindi niya na talaga maipagtatanggol ang sarili na hindi siya manyak.
Bumukas ang pinto at pumasok ang nanay niya. "Saan ang manyak!?" May dala pa itong palayok.
"Miss! I'm not a pervert," pagtatanggi niya.
"Ayan yung manyak ma! Bigla nalang sumulpot sa kwarto ko!" turo nito sa kanya.
Lumingon naman ang mama niya sa direksyon ni Eros. Akala niya ay susugurin siya nito pero sa halip ay binatukan lang nito iyong babae.
"Tigil-tigilan mo ako sa mga trip mo Psyche ha! Wala namang tao eh!"
Nagulat si Psyche. He's standing right there pero paano nito nasabing walang tao. Pati si Eros ay nagtaka rin.
" Hindi mo ba nakikita? Ayan ma oh, nakatayo!" turo nito muli sakanya.
"Haynaku! Kakaselpon mo yan eh, kung ano-anong pumapasok sa utak mo," sabi nito at lumabas na.
Pilit iniintindi ni Eros ang sitwasyon. Nandito siya para sa isang misyon. Kailangan niyang tanggapin na ito lang ang tanging paraan para muli siyang mabuhay.
"You're Psyche Devilla, right?" kalma niyang tanong dito.
Natakot naman ito. "Wag kang lalapit! Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
"I'm your....uhmm... love guardian angel!" imbento niya. Yun lang kasi ang tanging pumasok sa isip niya na dahilan.
"My what?"
"Love guardian angel," ulit niya. "I'm your designated love matchmaker angel. I can help you find your true lov---"
Hindi pa natatapos ni Eros ang sinasabi nang batuhin siya nito ng unan sa mukha.
..
Nakabusangot si Eros habang papasok sa city library kasama si Psyche.
Sinundan lang nila kung saan nakaturo iyong pulang sinulid na nakikita niya sa palasingsingan ni Psyche at dito sila dinala nito.
Dalawang araw ang nasayang niya bago makumbinsi ang dalaga na hanapin ang kapares niya. Isang araw nalang ang natitira upang kumpletuhin ang misyon niya.
"This is a bad idea, let's go back. I suck at talking to men." kinakabahang wika ni Psyche.
Napabuntong-hininga siya. Kailangan niyang taasan ang pasensya sa babaeng ito dahil hawak nito ang buhay niya.
"You're talking perfectly to me. Bakla ba ako sa paningin mo? Sa gwapo kong to?" Inilapit niya ang mukha dito.
Tinitigan niya ang mga mata nito at ilang segundo palang ay nakalimutan niya na ang pinag-uusapan nila.
'PAK!'
Agad naman siyang natauhan nang may dumamping palad sa pisngi niya. "D...did you just slap me?" gulat na untag ni Eros.
"Sorry! Nabigla lang ako. Don't do that next time." Pansin niyang namumula ang pisngi ni Psyche. "Masakit ba?"
Hinawakan nito ang pisngi niya at sinuri. Nagsimulang namang magwala ang puso ni Eros. What's happening? Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari sa kanya.
"Shit!" Sa gulat ay lumayo siya kay Psyche at tumikhim.
"Why don't we just practice first." Tinuro ni Eros ang isang lalaking nasa dulo ng hagdan. "Approach that guy, and start a conversation," pagbabaling niya ng atensyon sa kabila ng kumakabog niyang puso.
"But I'm terrible at conversations!" reklamo nito.
"It'll be fine. Subukan mo lang," kumbinsi niya.
"Fine." Nag-umpisa silang maglakad paakyat sa hagdan pero sa kalagitnaan ng hagdan ay biglang natisod si Psyche.
Hindi siya agad nakareact. He tried to hold Psyche's hand pero hindi niya naabutan. Halos lumabas ang puso ni Eros sa takot.
Sa kabutihang-palad, may lalaking nakasalo sa kanya mula sa likod.
Eros suddenly saw the red thread on Psyche's ring finger, kumonekta iyon sa kamay nung lalaking nakasalo sa kanya.
"S..salamat," sambit ni Psyche dito.
Hindi matukoy ni Eros ang emosyong namumuo sa loob niya habang tinitignan ang dalawa. Parang gusto niyang suntukin ang lalaki sa mukha
" You're welcome. I'm Isaac, by the way," lahad nito ng kamay kay Psyche na agad naman nitong tinanggap.
Umayos ng tayo si Psyche. "Uhmm...I..I'm Isaac...I mean... I'm Psyche, you're Isaac--crap! Why am I telling you your name, you already know that! Oh god this is embarrassing." Psyche murmured as she covered her face in embarrasment.
Hindi mapigilang mapangiti at mapatawa ni Eros dahil sa ka-cute-an nito. The other guy chuckled too. Agad nagdilim ang mukha niya. He doesn't want it when others see her laugh---
'Damn it! Snap out of it, Eros,' isip niya.
"I'm creeping you out aren't I? If I were guy, I would totally think I was a weirdo--"
"No! You're not creepy, I swear. You're cute-- I mean it's cute. You're beautiful! Shit, now I'm creeping you out." nahihiyang sambit ng lalaki.
Parehong namula ang mukha nila at nang muling magkatinginan ay nagtawanan nalang.
Hindi mapigilang abangan ni Eros and bawat ekspresyon ni Psyche. Bawat ngiti, tawa at pamumula ng pisngi ay tila kumikiliti sa puso niya.
'100% Love Matched'
Congratulations!
Mission Completed.
Biglang may sumulpot na mga letra sa pagitan ng dalawa at nang mabasa niya ito ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
Muli siyang napatitig kay Psyche. His feelings suddenly becomes clear to him. Nang mapagtanto niya ang nararamdaman ay wala siyang ibang nagawa kundi mapamura nalang.
"Damn it."
Never in his life has he felt this pathetic before. How did the great Eros Montefalcon end up falling for a girl in just three days?
Eros felt lost in the background as the two enjoyed each other's company .
Unti-unting bumibigat ang puso niya.
He completed his mission. He's gonna live...
But why does he feel like dying?
-END-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top