Chapter 9
Chapter 9
True Love Kiss?
Hindi imposibleng nanaginip lang ako kanina, dahil totoo 'yung paghalik niya sa akin. Nagulat ako kahit pangalawang beses na nangyari 'to. First is in the taxi cab tapos itong kakapangyari lang. Hindi ko lubos maisip naman na bakit niya nagawa 'yun? All I just want to prove to myself na hindi nga siya ganun or kung ganun man siya, well that's okay for me. Sayang na lang siya kung ganun, pero hindi ganun 'yung nangyari eh! Pinatuyan niya talaga sa harap ng mga tao! He kissed me for the second time around. 'Yung dating isine-secure kong sexy lips ko for my one and only prince charming na papagisingin ako sa kama ko at for the lifetime na kaming dalawa.
Pero sa ginawa niya kanina, gising ako. Anong meaning ba n'un? True love kiss na ba 'yun? Napailing ako bigla sa kakaisip ko dahil hindi ako mapalagay. Pagkatapos kasi ng mangyari 'yun napatigil ako ng saglit at nagmamadaling lumabas ng school. Marami pang nakakita, even the Jiggly Girls na siguro ay pag-iinitan na naman ako sa nangyari.
Nasa coffee shop ako ngayon malapit sa subdivision namin. Nagpalubag loob lang sa nangyari kanina, hindi ko rin naman alam ang gagawin ko kung mag-stay ako sa kwarto tapos magpapagulong-gulong lang ako doon. It doesn't any make sense, mas lalo lang akong guguluhin ng prince charming kong 'yun.
Hindi ko rin alam kung paano siya ang naging wapak kong prince charming, tutal nung unang kita ko pa lang naman sa kanya ay 'yung nakabunggo ko siya. Do ibigsabihin ba n'un may iba pang nakalaan sa aking prince charming?
I hope so.
"Hey!" napalingon naman agad ako sa boses na narinig ko. "Kaye?!" gulat na tawag nito sa pangalan na parang hindi pa makapaniwala. Nginitian ko naman siya at tumango.
"Oo, Xam!" Oh diba, I remember her name pero ako kailangan pang tanungin.
"Can I seat?" tanong niya sa akin na agad ko namang tinanguan. Umupo naman siya at nagpangalumbabang nakatingin sa akin.
Napakunot noo naman ako sa kanya dahil ang weird niya. "Anong meron?" tanong ko.
"I heard the news." She grinned.
Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako. "Xam, it was all accident. Walang kami! Kung tatanungin mo pa ng paulit-ulit! Wala talagang kami!"
"Huh?" Kahit ako ay napa-huh rin sa sinabi niya. "All I know is magkakaroon dawn g bagong transfer ang school! Ano bang pinagsasabi mo diyan?"
Napangiwi naman ako sa kanya, "Hehe, sabi ko nga wala 'yun!"
Natawa naman siya sa akin, "Di bale! Sino nga pala 'yung tinutukoy mo?"
Nagkibit balikat naman siya sa akin, "Hindi ko alam ang pangalan pero sa pagkakaalam ko, lalaki daw at ang kumakalat na chismis daw ay gwapo at kapag tumitingin ka sa kanya ay hindi pwedeng malaglag panty mo!" aniya. Natawa naman ako doon sa malalaglag na panty na sabi niya. "Pero I heard kasi na pumunta na daw sa school 'yun kaya ayun, kalat na agad." Tapos kibit balikat niya pa ulit.
"Ah!" tango ko.
Umorder din naman si Xamantha ng coffee jelly niya at usap-usap lang kaming dalawa na lagi lang din nauuwi sa tawanan. Inaya niya pa nga ako pumunta sa bahay niya dahil malapit lang naman daw sila dito, sa kabilang subdivision daw sila. Sabi ko next time na lang dahil marami akong ginagawa, syempre palusot lang 'yun ang gusto ko lag mapag-isa pero mukhang hindi na niya ako iiwanan dito.
"Ano ba para sayo ang true love kiss?" tanong ko naman sa kanya na bigla kasi kaming dalawa na natahimik na parang may anghel na pumagitan sa amin.
"Ha? Bakit mo naman natanong 'yan?" aniya.
I shrugged, "Wala lang! Pero sayo, ano nga?" pagpupumilit ko pa sa kanya.
Umayos siya ng pagkakaupo niya. "True love kiss, ayon sa nasagap ko ito 'yung halik na hindi mo inaasahan. Its just something na kapag alam mo na, na para sa kanya lang 'yung kiss na 'yun or sample for you. It means, you'll feel something na wow! Ito na 'yun! Eh sayo, ano ba ang true love kiss?"
Natauhan naman ako bigla, "Ang true love kiss para sa akin, ay galing kay Prince Charming." Ngiti ko pa pero ilang saglit lang ay humalagapak na sa kakatawa si Xam sa akin. "Teka, ano bang masama sa sinabi ko?" tanong ko.
"That prince charming thingy! Look Kaye, they didn't even exist in our life. Kung meron man 'yun siguro sila Prince Charles, Prince Harry ng London pero its impossible naman na katulad sila ng fairytale. Yes, they are prince but they're not the one you think in those fairytale books. I'm not against with your opinion, but I guess Kaye. You should stop, believing them."
Ouch.
Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ang sinabi niya o tatango na lang dahil totoo naman talaga ang sinabi niya. Prince Charming like in Cinderella, Sleeping Beauty, Snow White... they are all fictions. Walang hahalik sayo habang tulog ka para mapagising ka lang at viola! May lovelife ka na agad?!
"But it could be possible if we believe, right?" I said hoping she'd agreed.
She sighed, "It wouldn't." she looked away and point something. Inikot niya ang ulo ko para makita kung sino ang tinuturo niya. "That guy! He's not even kind of prince charming, kahit na magkalat pa diyan ang gusto mo."
Hindi niya ba ako ma-gets?
"Siguro Xamantha, hindi mo alam ang nararamdaman ko. I'm a fairytale romance lover, and I'd love how prince charming saving their princesses and after all, they will get happily every after." I smiled.
Pansin ko naman na umiling iling siya sa akin, "Bahala ka nga diyan. But I guess, hindi kita mapipilit diyan." Aniya sabay inom sa kape niya.
Ilang saglit ay nagpaalam na kami sa isa't isa at umuwi na. Hindi ko alam kung ano nang gagawin ko ngayon, kung anong mangyayari bukas kapag nakita ko na naman si Cent. Alam mo ang awkward nga kanina dahil bigla na lang din akong lumabas, dapat siya 'yung mahihiya kasi may hawak siyang lipstick pero ako pa 'yung napahiya. Hindi ko alam pero bumibigay na rin talaga ako sa kanya.
But please Kaye, remember that. He's not the kind of prince charming you finding! AJA!
--ENDLESSLY—
Hingang malalim. Isipin mo lang Kaye na walang nangyari sa inyo ni Vincent, na i-wash out mo na siya bilang prince charming mo. He's not worth fighting and loving for. Iisipin ko na lang din na hindi na siya nage-exist ngayon sa buhay ko. I even forget what happened yesterday and that's too shame on me. Hindi ko naman maikakaila na, oo medyo kinilig ako that time pero nandun pa rin 'yun, bakit niya ginawa 'yun?
'Yung sa taxi cab naman, kasalanan naman 'yun ng driver ay hindi pala—sinadya pala talagang i-preno ng bongga para maging ganun ang nangyari. Ngayon na nasa hallway na ako papunta sa room ko, maaga pa rin ngayon dahil gusto ko rin makaiwas sa mga chismosang forg na nagkalat sa paligid. Alam mo na, kapag kumalat 'yan sira na ako.
"Hey you!" napatigil naman ako sa paglalakad ng may tumawag sa akin at mukhang naghahamon pa ng away sa akin. Lumingon naman ako sa kanya at nakita ang grupong Jiggly Girls. "B*tch ka!" agad akong sinugod ni Leah at hinablot ang buhok ko at dahil palaban din naman akong babae ay hindi ako nagpaawat at itinumba siya sa sahig at panandaliang nabitawan ang buhok ko.
"Ano bang ginawa ko sayo?!" sigaw ko naman sa kanya.
Tinulungan naman siyang makatayo ng iba pa niyang kasama, "You stole the virgin lips of our KING!" diin pa nito sa word na king at sinugod na naman ulit ako.
"Anong ninakaw?! For your information siya ang humalik sa akin, inggit kayo?" pang-aasar ko pa habang nagsasabunutan kaming dalawa na nakahalumpasay na sa sahig. Nakatingin lang ang Jiggly Girls at ang iba naman ay dinadaan-daanan lang kami.
"B*tch ka pa rin!" sinuntok ako nito sa bandang pisngi ko dahil para dumugo rin ang ilong ko.
Nag-init naman ako bigla sa sinabi niya at bonggang ginantihan siya ng sabunot na ako ngayon ang pumaibabaw sa kanya. "Hindi ako B*tch Leah! Baka nga ikaw 'yun dahil tin-raydor niyo ako! I don't believe that I call you friends when actually all of you were f*ckers! Saka isa pa, hindi lang isang beses nangyari ang kiss namin."
"Bwisit ka! Girls tulong!" At doon na ako pinagsisipa ng mga DATI kong kaibigan.
Hindi na ako makagalaw at puro piglas na lang ang nagagawa ko dahil sa makapit na hawak nila sa magkabilang braso ko.
"Stop that!"
"OMG! Si King!" ani ng isang Jiggly.
"Takbo!" sigaw ni Leah at nagsunudan naman silang lahat at naiwan akong natumba sa lupa. May napansin akong tumakbo palapit sa akin at nagkaroon na rin ng kumusyon sa paligid dahil umiingay na.
Ang blurred na ng paningin ko.
"Kaye! Hey! What happen?!"
"Prince Char—" then I black out.
--ENDLESSLY—
I opened my eyes and my head feels ache.
"Prince Charming..." I closed my eyes. "Kiss me..." I muttered. "Prince... where's the kiss?"
"Ah, Kaye?" bigla naman akong napadilat nang marinig ko ang boses niya at napabangon naman bigla sa kinahihigaan ko at napahawak din kaagad ako sa ulo ko dahil medyo sumakit ito. "Glad you're awake! Are you okay?" tanong niya sa akin.
I nodded, "Yeah, but I feel so unperfect." Ani ko.
"Bakit?"
"Hindi ko ginising ng halik ni Prince Charming."
"Tss... you have it yesterday." Ngisi pa nito.
Naalala ko naman bigla ang scernario kahapon kaya nadilat na lang bigla ang mata ko dahil kasama ko siya ngayon, dito mismo sa kwartong ito specifically sa clinic sa school namin. Bwisit kasing Leah 'yun, nagawa pa akong sabunutan at wala palang laban kay King na kung tawagin nila.
Kainis!
"Ano nga palang ginagawa mo dito?!" taranta kong tanong sa kanya.
"Hinintay kang magising?" sagot niya sa akin.
"Bwisit! Anong ginawa mo sa akin?"
He chuckled, "As if I'll do something in your nasty body. Wake up, Kaye!" aniya saka niya kinuha ang bag niya at nilagay sa likod. "You're now okay, so I'll back to the room. And wait—we have a new classmate."
"Wait!" tawag ko sa kanya bago siya lumabas ng pinto.
"Anong pangalan niya?"
"You must find out." Ngisi niya pa at tuluyan na siyang lumabas ng pinto.
Napanguso na lang din naman ako dahil hindi niya man lang sinabi sa akin ang pangalan. So ibigsabihin 'yung tinutukoy din ni Xam kahapon na transferee, eh ibigsabihin pala ay kaklase namin? Who's lucky here? Baka siya pa ang maging prince charming ko at sana hindi na ako magkamali this time, kasi 'yung kay Cent isang malaking pagkakamali na pinagtagpo an gaming landas. Napakalaking harang niya sa buhay ko.
Bwisit din.
Naghintay pa ako ng ilang minute upang lumabas na rin at bumalik na rin sa room. At nang makapunta naman ako doon ay wala akong nadatnan kahit ni isa naming mga kaklase.
"Nasaan na sila?" kamot ulo ko pang tanong sa sarili ko. "Absent lahat?"
Pumasok na lang din naman ako sa loob at umupo sa silya ko pero nagulat ako ng may kasama pala ako dito at halos mapatalon ako sa sobrang takot dahil nakadukmo lang ito sa upuan niya. Tao naman siya at mukhang tulog nga lang, nang sinubukan kong lapitan.
Dahan dahan lang Kaye, sabi nga sa kanta ni Maja Salvador.
"Ah, h-hello!" kalabit ko pa sa kanya.
At nang iniangat niya ang ulo niya, "Hey, why you disturb me?' nagsalubong din agad ang kilay ko na siya lang pala ang madadatnan ko dito sa room. "Don't wake me up again, or I'll kiss you one more time." Napalunok laway naman akong bumalik sa upuan ko.
"Echosero naman 'to!" saka ako umupo. Muli naman akong humarap sa kanya, "Oo nga pala—"
"As I said, don't say a word." Napalunok laway na lang muli ako ng hindi nga siya nagbibiro sa sinabi niya. Bakit ba ang hilig niya manghalik? Naku ang puri ng labi ko, wala na!
"Nice." At napalingon ako sa lalaking nagsalita. Halos malaglag ang panga ko sa kanya.
Shet! Ang gwapo!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top