Chapter 6

Chapter 6

It's just an accident.

"Hey, Kaye! Bakit parang nag-iinit ka diyan?" Tanong sa akin ni Marc. Napairap naman akong napalingon sa kanya. Hindi naman sa naiinis pero kasi si Cent, hindi na ako tinigilan. Akalain mo ba naman na pagtrip-an ako! Gawin daw ba kasi akong aso! Sinigaw niya pa kanina na 'sit!' 'play dead!' leche! Kung hindi ko lang talaga siya gusto, nasapok ko na siya dati pa.

            I smiled, "Better if you wont know, Marc." Sagot ko na lamang sa kanya.

            Napakibit balikat na lang din naman sa akin si Marc. Uwian na rin naman kasi at dahil naalala ko naman na makikipagkita ako kay Xamantha kaya nagmadali rin akong mag-ayos ng gamit ko. Nagpahuli rin akong lumabas ng room para hindi ko makasabay si Cent. Alam mo ba 'yung feeling na sa likod ka pa talaga pinaupo? Nasa'n ang gentleness doon? Kaya ako na lang din ang nagparaya na umupo sa likod kahit na medyo hindi ako komportable sa pwesto ko.

            "Oo nga pala, Marc! Hindi ako sasabay ha?" sabi ko naman sa kanya.

            "Oh! Bakit naman?"

            "Basta!" ngiti ko pa. "Mauuna na ako sayo!" saka ako umiba ng daan sa kanya. Kinawaya niya rin naman ako at kumaway din ako.

            Pumunta naman ako sa meeting place namin ni Xamantha. Nang makarating naman ako doon ay nakita ko si Cent na papunta sa kinatatayuan ko. Oo mismong sa direksyon ko rin. Nakangisi itong palapit sa akin, at oo sa akin talaga siya papunta. Lilipat sana ako ng pwesto baka sakaling sa iba nga siya pumunta pero parang may magnet naman na humila sa kanya para sa akin parin mapunta.

            Aaminin ko kinilig ako.

            "Hey, doggy! Come here!" napatingin naman ako sa paligid ko pero wala naman akong nakitang aso sa paligid ko. Napaturo naman ako sa sarili ko, "Yes, you are!" ngisi pa nito sa akin.

            Halos ma-offend naman ako sa sinabi niya sa akin, "Grabe ka naman sa akin!"

            "Yeah, because you're a stupid brat!" hindi ko alam kung anong ire-react ko sa kanya. Parang bigla na lang din ako nanggigigil. Nakapasok sa bulsa ang dalawang kamay niya at para siyang model kung tumayo. Iba ang tindig niya.

            Aalis na sana ako pero naalala ko si Xamantha. Nakaka-ewan din naman kasi 'to si Cent! Hindi naman kasi ako aso, ang ganda ganda ko kaya! Pinagmukha pa talaga akong aso. Anong oras naman kaya darating 'yun si Xam at mukhang paghihintayin pa ata ako ng ilang oras dito. Nagsimula na rin naman akong maglakad dahil mukhang mamaya pa 'yun darating.

            "Hey, where do you think you're going?" pagpatigil niya sa akin.

            Napaharap naman ako sa kanya na may pa-sway pa ng buhok, syempre para flawless at kaakit-akit ang dating ko diba! "Why? Miss mo agad ako?"

            He smirked, "Missed your faced!" napanguso din naman agad ako sa biglang bawi niya. Maya maya lang ay bigla siyang lumapit sa akin at hinigit bigla ang kamay ko. Bigla ba naman akong hilain na parang hindi babae ang hawak hawak niya. Masyado siyang marahas!

            "Hey, stopped it! Masakit sa kamay." Pero hindi niya ako pinakinggan kundi nagpatuloy lang siya sa paglalakad at nang may dumaan na taxi ay pinahinto niya at pinara. "Pasok." Utos nito sa akin.

            "Ayoko nga!" angal ko naman sa kanya.

            "I said, go inside." Mahinahon niya pang sabi pero ang mata parang akala mo mamamatay tao na ang dating.

            "Kayong dalawa! Paghihintayin niyo lang ba ako dito?!" eksena ni Manong taxi driver.

            Tatakas na sana ako sa kanya pero mabilis niya akong nahabol at pinasok sa loob ng taxi. Akala mo may kidnapping na nangyayari sa aming dalawa. May sinabing lugar si Prince Charming ko na parang subdivision ng mayayaman ang dating.

            "Ibaba mo na ako." Sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinapansin. Kaya nagkaroon agad ako ng  maganda idea na kilitiin siya! At hindi naman ako nagkamali dahil may kiliti pala siya sa tagiliran niya. Ang dami kong halakhak dahil hindi rin siya napipigil sa kakatawa niya dahil sa sobrang kiliti ko sa kanya. "You'll never win with me!"

            Per napahinto lang ako ng biglang prumeno ng malakas at napasubsob ako sa kanya at ang malala pa. Ang labi ko ay sumakto sa labi niya. Mabilis naman akong umayos ng pagkakaupo ko at nang mapatingin ako sa rear view ni manong driver ay nakangisi ito. Siguro sinadya niyang prumeno ng napaka lakas para maging awkward ang atmosphere naming dalawa. Hindi ko alam kung ano nang nangyari sa kanya pero bakit ang bilis naman ng fairytale kiss ko?

            Ang awkward! 'Yun lang talaga ang masasabi ko ngayon lalo na't hindi naman namin sinasadya 'yung pangyayari. Ilang saglit din naman ay huminto na ang taxi.

            "Were here." Aniya na parang ilang taon hindi nagsalita. Bumaba naman ako sa side ko at parang makahiya dito na hiyang hiya na sa nangyari. Ito lang ba ang magpapataob sa akin at grabe ang epekto sa akin. Umalis din naman ang taxi at nang suriin ko ang paligid ay nasa isang magarang subdivision nga ang narating namin.

            "Nasaan tayo?" tanong ko kay Cent.

            Naglakad siya sa isang bahay na kulay puti na may halo ng kulay light blue at light pink. "Sa bahay ko." aniya at nagdoorbell.

            Nang suriin ko naman ay hindi na ako nagtataka kung bakit medyo walang puso ang isang 'to kasi mayaman pala. May maid na bumukas ng gate nila at muli, hinawakan ni Cent ang kamay ko at dali dali kaming pumasok sa loob ng bahay niya.

            Dumating kaya si Xamantha? Naku! Sayang naman 'yung time namin na magkakilala pa more, ang epal naman kasi ni Cent eh! Pero okay lang, sa ngayon siya muna ang kikilalanin ko. Ang Prince Charming ko, na nakatira sa mala-mansiong bahay na nag-aaral sa isang semi-private school. Nang makapasok naman ako sa bahay nila.

            Natapilok ako bigla at ang malas pa, kundi hindi sa labi ni Cent mapupunta ang labi ko kundi sa sahig namin! Bwisit naman! Narinig ko naman siyang tumawa dahil sa nangyari sa akin. Hindi na lang ako tulungan, tinawanan pa ako.

            "Why you kiss the floor? So crazy!" tapos tumawa pa ulit siya na hawak hawak na ngayon ang tiyan niya. Wow ha! Naging entertainment pa niya ako. Pero dahil nga sa kalampahan ko, hindi ko masyadong maitayo ang kaliwa kong paa. Grabe naman ang kalampahan ko, napilay pa ata ako.

            "Ano ba kasing gagawin ko dito at dinala mo pa ako ha?" pagmamataray ko sa kanya pero gustong gusto naman dahil nakarating ako ng walang hirap sa bahay niya, pwera na lang 'yung halik na hindi naman talaga namin ginusto.

            "Diba, may homeworks tayo?" Tumango naman ako sa kanya. "You'll answer those shits! If you don't, you surely miss your family." Banta pa nito sa akin. Napalunok naman ako ng laway ko pero alam ko naman hindi niya magagawa 'yun. Hindi siya ang kontrabida sa love story kong ito, siya ang tinakdang prince charming ng buhay ko.

            Pero may mga nagsabi na, minsan ang mga tinakdang prince charming sa atin. Minsan sila pa ang naging dahilan kung bakit tayo umasa na magkakaroon tayo ng isang happy ending pero they were just some guy na inakala lang natin, na hanggang doon lang talaga sila. Walang kayang patunayan.

            "So, better to start." Aniya at hinagis sa akin ang bag niya. Ewan ko ba kung manggigigil ako o sasaya dahil nandito ako sa bahay niya pero wala akong magagawa dahil may atraso rin ako sa kanya.

            Paika-ika naman akong naglakad na sinusundan siya paakyat sa hagdan. Hindi ko kayang mailakad ang paa ko dahil sa kaninang pagkakatapilok ko. 'Wag naman sana mafracture 'tong paa ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Mawawala na ang poise ko sa tuwing lalakad ako. Kasalanan 'to ni Joseph Vincent.

            Pero maya maya lang ay nakaramdam naman  ng may bumuhat sa akin, tiningnan ko ang mukha nito at hindi ko alam kung nananaginip ba ako. Binuhat ako ni Cent. Hindi siya kumikibo kundi nagpatuloy lang siya sa paglalakad habang ako titig na titig sa mukha niya. Hindi nga ako nagkamali ng piniling prince charming, kung sino pa 'yung taong nilaan sa akin siya ba talaga 'yun? I hope destiny didn't change it mind na si Cent ay para sa akin.

            "Stop staring like that, para kang asong ulol!" Sabi niya sa akin. Binigyan ko naman siya ng batok dahil kung makaasar talaga ay akala mo hindi ako nasasaktan. 'Yan tuloy sa kakagawan niya sa akin, napilay pa ata ako. Ilang saglit lang na huminto kami sa tapat ng isang pinto, dahan dahan naman niya akong binaba. "So, go inside and finished my homeworks."

            Napabuntong hininga na lang ako sa kanya, "Oo nap o! Prince—este Master!"

            Tumuloy naman ako loob ng kwarto niya at halos malaglag ang panga ko dahil sa bumungad sa akin. Halos ayaw na rin kumurap ng mata ko. Narinig ko naman ngumisi si Cent sa gilid ko at tinulak tulak ako papunta sa study table niya sa gilid ng napakalaki niyang picture na half naked na pinapaulanan ng six packed abs! Hindi ko naman hiniling na bigyan ako ng ganitong prince charming pero sige na, hindi ko na babawiin 'to!

            Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung ang bumungad sayo ay isang malaking litrato niya na nakahalf naked tapos medyo pawis pa tapos nakabalandra pa ang abs niya! Kung pwede lang iuwi itong portrait ni Cent at ilagay sa kwarto ko, ipapalit ko lang sa mga walang mukha na prince charming ko sa kisame ko atleast kapag gumising ako siya na agad ang bubungad!

            "Stops staring, mas nagmumukha ka talagang aso." Saka pa siya tumawa.

            "Leche!" sigaw ko saka umupo sa study table niya at nilabas ang lahat ng may homeworks kami. Syempre habang ginagawa ko ang kanya, syempre gagawin ko rin ang akin. Sinimulan ko na rin naman gawin ang mga homeworks. Ang iba ay alam ko naman ang iba ay kailangan ko pang maghanap ng reference o kaya formulas dahil sa trigo namin.

            Ilang oras na ang nakalipas pero ang kupad ko pa rin dahil ang tagal ko matapos, kailangan ko pa humugot ng lakas sa portrait na nasa tabi ko. Nang marinig ko naman na bumukas ang pinto at lingunin ko ay nakita ko si Cent na palapit sa akin.

            "Hindi ka pa rin tapos diyan? How stupid brat!" ay kung maka-angal naman 'to!

            "Kung sana kasi binibigyan mo ako ng pagkain, matatapos ko agad 'to!" I said without even looking at him. Nakakagutom rin kayang gumawa ng assignment lalo na kapag gutom na gutom ka na sa portrait na nasa tabi ko, ang yummy naman kasi!

            Hindi ko napansin na wala na pala siya sa tabi ko at lumabas na ng kwarto at ako naman ay pinagpatuloy lang ang pagsagot sa mga katanungan.

            Ilang saglit lang ay may binagsak siyang mga pagkain sa harapan ko. Sari sari, akala mo naman kakatayin ako sa sobrang dami! Okay lang naman din kasi kung siya diba?

            "Ano, ayos ba?" ngisi pa niya.

            "Kung ikaw sana! Oo!" saka ako nagsimulang kumain.

            "You like me, don't you?" halos mabilaukan naman ako sa sinabi niya sa akin at nakangisi lang siyang nakatingin sa akin. Paano niya nalaman? Oh no!

            "At sino naman nagsabi sayong gusto kita?!" pagkakaila ko sa kanya.

            Nagkibit balikat naman siya sa akin, "Well, ramdam ko." aniya.

            "Kung ganun, mali ka nang nararamdaman mo!" tumayo na rin ako sa kinauupuan ko. "Uuwi na ako!" kinuha ko naman 'yung bag ko at dali dali naman akong lumabas ng kwarto niya kahit iika ika ako. Masakit kasi parang may pilay ako, pero siguro hilot lang 'yan gagaling na siya.

            "Hey! Hindi mo pa nga tapos 'yung homework ko! Aalis ka na?!" sigaw nito sa akin.

            Hinarap ko siya, "Well, kaya mo na naman siguro mag plus and minus diba?" pag-irap ko pa sa kanya. Sa totoo lang, iniiwasan ko lang 'yung tanong niya kanina at baka kung saan pa humantong 'yun at mabuking talaga ako na may gusto ako sa kanya. Mawala pa ang happily ever after ko.

            Pero hindi na ako aasa na sa kanya 'yun mapupunta kasi ang imposible tingnan.

            "Hey! Who are you?!" napatigil ako sa paglalakad ko ng may umagawa ng atensyon ko at ng tignan ko siya ay magandang babae, sa physical appearance naman ay mukhang bata pa. At mukhang katropa ko lang din!

            "Hi girl!" kaway ko pa sa kanya.

            Tinaasaan lang niya ako ng kilay, "Hey Mom!" nakaramdam ako ng balikat sa leeg ko. "She's my girl."

            At doon ako nanigas sa kinatatayuan ko? Ano daw? Mom? At my girl? Naku ano ba 'to!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top