Chapter 49

Chapter 49

Feeling Incomplete

~Cent's POV

"Vincent, she said she love you." Mom straight said to me.

            I smirk, "I always know that, Mom but you're the one keep pushing me away from her."

            A sudden moment, Mom hugged but I just insist not to feel what happening here at us, "I don't know who I am for you, what I'm a mother for you. I don't know that you're already tighted up in my rules, but for now... I'm losing you to those rules." Mom holds my cheeks and stared at me.

            "Mom, you don't need to break those rules. All I just want is to be free to choose where I want supposed to be and choose who can I love."

            Mom released me, "I know, I know. And for now, you may back for you princess."

            I just wondered what happen, but I'm happy there's a change between it.

            Just stay, princess... again, I'll be back.

~Kaye's POV

No practices. No school. Free time. Boring. It means that the graduation is tomorrow. Yes, the time flies fast that one of us being crazy when we think that we will step out for being an high school student. I will miss this four years for being a freshman, sophomore, junior and of course senior that may I say the half of sad and happy moments but anyway, I'm still incomplete.

            No reason, just Vincent.

            I sighed everytime when I see Princessy, the heart flower vase, this ring that he gave to me. I don't know what happen but still I'm looking forward that he can't forget what my graduation gift is. Alam naman niya 'yun dahil matagal na niyang hinihintay pero I just insisted na soon pero kung kailan malapit na wala ka pa.

            "Kaye!" bumulabog sa buong bahay ang boses ni Mama kaya dali dali naman akong napababa sa sala. Akala mo kung ano nang nangyari, akala mo nasunugan na dahil makasigaw nang bongga. Nang makita ko naman si Mama na may dala dalang malaking white box, parang kahon nang pizza pero syempre hindi. "Dumating na siya!" tuwang tuwa na sabi ni Mama.

            "Perfect na ba 'yan sa akin?" paninigurado kong tanong kay Mama.

            "Ooh! Dumating na siya!" excited namang sabi ni Ate Roma nang makita ang rectangular white box na nilalapag ni Mama. I just wonder, ang mga ganyang box ay sa pangkasal. Hindi kaya? No. Hindi naman 'no. "Sukatin mo na, Kaye!" tuwang tuwa naman si Ate Roma.

            Hindi ko alam ire-react ko sa kanilang dalawa. Hindi ko rin mapigilan ang pagpipigil ko nang tawa dahil mas mukha pa silang excited sa akin, eh sa ako naman ang magsusuot. Yes, pati ang gown na susuotin ko sa graduation ball ay sila pa rin ang pumili gaya nung sa contest. Ako na rin naman ang nagbukas nang white box at bumungad sa mata ko ang napakagandang gown na aking susuotin.

            Nang iangat ko ang gown ko ay kulay aqua. Puno siya nang kumikintab nang detalye sa paligid ng gown at halos maging Cinderella naman ako sa magiging suot ko kung tutuusin. Simple pero ang gara kung titingnan.

            "Suotin mo na!" excited na sabi ni Roma.

            Tinulak-tulak naman nila akong dalawa sa kwarto sa baba. Bago ko naman suotin ang damit ko, tinapat ko naman ito sa salamin at nakita ko ang sarili ko. Hindi ko nasabi kay Vincent kung anong kulay nang damit ko, sinabi ko pa naman sa kanya na terno kami para walang makagaaw pero nawala siya eh kaya wala, hindi ko rin nasabi sa kanya.

            Dahan dahan ko rin naman sinuot ang gown. Sleeveless siya pero maganda. Nilakad ko naman at maganda siya kahit sumasayad sa sahig. Makinang dahil sa mga palamuti. Sana lang hindi maging katulad ko ang pangyayari kay Cinderella. Kung si Cinderella tumakbo dahil sa alas-dose na, sa sitwasyon ko ang prince charming ang lumalayo.

            Dahan dahan naman akong lumabas nang kwarto ko at nabigla ako nang bumungad silang dalawa sa akin. Niyakap ako ni Mama at napunta ako kay Ate Roma at halos magpasa-pasahan na ako sa kanilang dalawa. Pinarampa pa nila akong dalawa.

            "Saglit lang! 'Yung bracelets tapos maskara mo pa!" ani Ate Roma at kinuha naman niya 'yun sa white box at dali dali namang sinuot sa akin ang bracelets at pinahawak sa akin ang maskara na may stick at tinapat sa mata ko.

            "Wait lang! Nasaan na si Kaye?" nabigla naman ako sa tanong ni Mama kaya tinanggal ko ang maskara ko.

            "Ma! Ako kaya 'to!" nguso ko pa.

            "Ang laki talagang pinagbabago kapag natatakpan ang mukha!" nagtawanan naman silang dalawa. Naasar naman ako sa sabi ni Mama pero hindi ko na lang pinansin nang makita ko si Skye na pinapanood ako. Nilapitan naman siya ni Mama at pinasuri sa akin, "Ano sa tingin mo Skye? Gwapa ba?"

            Skye place his thumb under his chin. Nag-isip pa, hindi bagay.

            "Sisipain kita kapag inasar mo ko!" pagbabanta ko sa kanya.

            He smirk, "Oo na, maganda ka na. Nadala nang damit!" tumawa si Skye. Nagtitigan naman si Ate Roma at Mama sabay naghalakhakan bago ma-gets ang joke ni Skye. I rolled my eyes to them and took a sighed, bumalik naman ako sa kwarto at sinara ang pinto nang medyo malakas.

            Ano na bang gagawin ko? Bored na bored ako.

            Lumabas naman ako nang kwarto at binigay kay Mama ang gown ko. Ngpaalam naman ako sa kanila na lalabas lang ako para medyo malibang-libang dahil wala akong magawa sa bahay. Nasa pagawaan pa rin kasi ang phone ko dahil nabasa nga ng ulan kaya no text ang peg ko ngayon.

            Napadako ako sa bandang coffee shop. Pumasok ako sa loob at nang maamoy ko ang napakabangong kape na bumabalot sa loob ng shop ay mas lalo akong naenganyo at umorder naman ako at naupo. Isang frappe lang naman ang binili ko, pampapawi boredom. Nang mabilis na naiserve ang frappe ko, nagpalipas ako nang ilang oras.

            Pansin ko lang sa loob ng shop na 'to, walang gaanong couples but most if mga naka business attires dahil minsan mas prefer na pagmeetingan ang isang lugar na peaceful kagaya nito. Nabalot na nga siguro nang kape ang utak ko kaya pinili kong lumabas na lang habang naglalakad. Hindi ko pa rin nauubos ang iniinom ko, nawiwili kasi ako sa kakatingin sa mga kotseng dumadaan.

            Napabuntong hininga na lang nang hindi ko sadya na sa park na pala ako napunta. Hindi na naman ako nag-hesitate na pumunta sa tree house doon. Mabuti nga na hindi pa nila sinisira dahil noong napag-usapan nila 'yun nang pinsan niya nandoon ako sa eksena na nagtatago. Pumanik ako sa itaas nang walang nakakapansin sa akin, tago kumbaga.

            Tinanaw ko naman ang labas. Wala boring din pala ako dito. Walang bago. Pinili ko na lang na humiga at matulog. Mabilis lumipas ang araw, oras pa kaya? Iidlip muna ako para hindi ako mainip dahil bukas graduation na.

            Pero ipipikit ko pa nga lang ang mata ko na nabulabog ako, napasilip naman kaagad ako sa bintana nang tree house at nakita ko ang mga abalang tao. Mas sinuri ko pa ang paligid nang maya-maya lang ay nagtayo sila nang tent house. Mas lalong nagkaroon nang kuryusidad sa akin, mas lalong namuo nang magtayo sila nang mga lights and such doon.

            "Anong meron?" tanong ko sa sarili ko.

            Maya-maya lang ay may nararamdaman ko kaya natahimik ako mag-isa. Bumukas ang pintuan ng tree house. Halos maluwa ang mata ko sa nakita ko. Hindi ako namamalikmata dahil isa sa mga staffs ang umakyat at nakapasok na sa private property namin ni Cent. Napakurap-kurap ako nang iikot nang baklang staff ang paningin niya sa loob ng tree house.

            "Ineng, bumaba ka na diyan." Utos nito sa akin.

            Iling naman agad ang naging tugon ko, "Bakit naman po? Natutulog ako eh." Sagot ko.

            Tuluyan na siyang pumasok sa tree house at kinuha ang kamay ko. Ano bang nangyayari dito at may nakakakaalam na nang tree house namin dito? Sa pagkakaalam ko, hindi naman ito halata dahil natatabunan siya nang makakapal na dahon kaya labis talaga ang pagtataka ko.

            "Ano po bang ginagawa niyo?" taka kong pagtatanong sa baklang staff habang inaalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

            Hindi niya ako nilingon pero sinagot na lang niya ako, "Magshu-shooting dito sa tree house, ano pa ba Ineng? Kitang kita mo naman ang production set namin sa baba diba?" napakunot noo na lamang ako sa sinabi niya. Pagshu-shooting-an ang tree house namin? Private 'to, paano nalaman?

            "Pero private place po kasi 'to! Bakit po ba?" angal ko sa kanya hanggat mai-alis ko na ang kamay niya sa kamay ko.

            Tinawanan naman ako anng loka-lokang baklang staff. Hindi ko talaga maintindihan. "Anong private place? Nasa public property ang tree house ineng, kaya hindi mo masasabing private place mo 'to. Saka anong sinasabi mo, eh sa araw araw na dumadaan ako dito ang daming bata ang nagbabahay-bahayan dito."

            Hindi na natanggal ang kunot noo ko at tiningnan na lang siya na may halong pagtataka.

            "Ineng, bumaba ka na dahil magsisimula na kami."

            Wala akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanya. Tama nga naman siya dahil nasa public property ang lugar na 'to pero sa tinagal minahal ko ang tree house na 'yun. Bumaba ako hanggat sa makita ko ang mga artista na sila naman ang pumasok sa loob.

            Sh*t! Naiwan ko ang frappe ko doon pero nakakahiya naman kung babalikan ko pa dahil kakaunti na lang din. Napasinghap na lang ako habang pinapanood sila, magtake. Akala ko, private pa sa akin ang lugar. Bakit hindi ko alam?

            Umalis ako na hindi tatak sa isip ko ang mga happy moments ko doon sa tree house. Oo nga masasabi nating nandiyan pa siya pero not like the old days na, wala pang nakakaalam. Tagong-tago na nga may nakaalaam pa, pero sino naman o paano nila nalaman?

            Sinisipa ko ang bato na bawat madadaanan ko at sa tuwing lilihis nang daan, sinusundan ko hanggat sa mapunta sa gitna nang kalsada. Titigil ako at kukuha muli ng panibagong bato. Sinisipa ko ang bato hanggat sa tumama ito sa isang sapatos. Napatingin lang ako doon sa sapatos, vans ang tatak at mukhang branded. Sayang, natamaan ko pa nang bato.

            Ngumisi ang taong natamaan ko nang bato at nang iangat ko ang ulo ko. Biglang sumigla ang matamlay kong sistema kanina. Napayakap na lang ako kay Kevin na muli siyang masilayan. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi para masigurado kong siya nag ito at nang siya nga ay muntik na nito akong sunggaban nang halik pero mabilis akong nakaiwas at pinisil ang kanyang pisngi.

            "Hindi ka nagsabi na uuwi ka!" tuwang-tuwa ako kasi nakita ko ulit siya after nung Christmas.

            Ngumisi siya sa akin, "Bukas pa sana ako magpapakita sayo eh, inunahan mo naman ako." Kamot pa niya sa batok niya.

            "Ah! So ibigsabihin, isusurprise mo pala ako! Salamat Kevin!" muli na naman akong nakayakap sa kanya. Its been a long time. Kahit sa kabila nang lungkot at doubts na nararamdaman ko hindi pa rin ako sumusuko kasi alam kong may mga taong handa akong pasayahin, just like Kevin.

            Tinanguan niya lang ako, "You've guess it right. At dahil magkasama na naman tayo... ililibre mo ako!"

            Nabangag naman ako sa sinabi niya, "Ikaw 'tong galing sa states eh! Libre mo na ako!"

            He smiled, "Sige, just for my friend."

            Ewan ko pero mas nagiging magaan ang loob ko kay Kevin. Dahil ba pareho kaming single ngayon? Ako, sooner or later, hindi na pero masaya akong kasama ko si Kevin. Nauwi ang masaya naming kwentuhan at yayaan kung saan-saan pero 'yun nga limited lang talaga ang araw ni Kevin dito dahil magiging citizen na daw siya sa US kaya minsan magiging madalang na rin daw siya dito. Biniro ko pa na kami na lang ang dadalaw sa kanya and that was a great idea daw dahil hindi na siya gagatos sa ticket, pang-enroll na lang daw niya. I find it so happy, mas pursigido talaga siyang makapagtapos.

            "Paano bukas ha? Pumunta ka!" pagpapaalala ko sa kanya. As usual, hinatid niya ako sa bahay. Ginabi na rin kasi kaming dalawa kaya alam niya nab aka mapahamak ako kapag mag-isa lang ako. Kaya ko naman mag-isa, iniiwan nga ako sa ere eh.

            "Oo naman! It was your time eh, kaya pupunta talaga 'ko! Ah, let me rephrase that, 'yun talaga ang pinunta ko dito! Ang graduation mo!" ngiti pa niya sa akin.

            Muli ko naman siyang niyakap at binulungan, "Thanks for everything Kevin since the start we knew each other. I never know that we could be in this situation but I know you could find your princess as well. Thank you."

            As I lose him from my hug, namula naman siya at napakamot sa batok. "Ang drama mo naman, Kaye! So, bukas na lang! See you!"

            "Bye!" saka siya tumakbo paalis.

            Pumasok naman ako sa bahay at tumuloy ng kwarto ko. Bukas na ang araw na itinakda, bukas na ang graduation then at the evening, masquerade... I hope you came as I told to your Mom.

            I'm waiting for my Prince Charming 'till the end.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top