Chapter 48

Chapter 48

It's Kaye Ramirez

 

Tamlay na tamlay ako habang naglalakad sa gitna for our graduation practice. Hindi ko alam siguro magkakasakit ako dahilan sa pagpapaulan ko kahapon. Wala naman akong sinisisi kundi ang sarili ko lang din pero hindi ako magpapatalo, kaya kong labanan kung sa pag-alis pa nga niya nang walang paalam natitiis ko. Ngayon pang susumpungin ako nang sakit ko.

            Ewan ko rin kung bakit ako pumasok eh, alam ko na nga na hindi maganda ang pakiramdam ko pero keri lang. Kaya 'ko 'to. Napabuntong hininga naman ako nang maupo ako sa silya ko habang ang iba ay tinatawag pa ang according sa last name.

            "Kaye, may sakit ka ba?" napatingin naman ako sa kaklase kong nag-aalala sa kondisyon ko. Nginitian ko naman siya at tinanguan pero nilapit nito ng ibabaw nang kanyang kamay at nilapat sa leeg ko. "Mainit ka, sigurado ka bang wala kang sakit?" aniya.

            I shook my head, "Wala 'to. 'Wag ka nang mag-aalala."

            "O-okay." Saka siya bumalik ang atensyon niya sa pag-papractice namin.

            Napangalumbaba na lang ako. Hindi rin naman kasi ako pwedeng umabsent dahil kailangan ko na ring asikusahin 'yung magiging ganap sa graduation ball namin. Actually, kinukuha lang naman talaga sa amin ang ideas namin saka ang student council officers na ang mag-aasikado. Nakahanap na rin naman kami ng perfect venue dahil gabi gaganapin 'yun. Naaasar lang din ako kay Donie dahil puro salita lang siya. Iba talaga pag matalino, laging nagmamataas.

            Tumayo kaming lahat for the national anthem at pagkatapos ay ang panunumpa, alma mater song at naupo kami. Nakakapagod kasi paulit-ulit namin ginagawa pero alam ko naman worth it naman 'to dahil isa siyang goal for us na makagraduate. Kanina pa rin akong walang imik din kasi simula kaninang umaga nang magsimula kami, hindi ko pa siya nakikita.

            If you can't attend school today, please I beg for tomorrow.

            Break time for about twenty minutes. Pumunta akong canteen dahil kumakalam na ang sikmura ko. Ewan ko, lately o kagabi lang nawalan talaga ako nang gana after kong makita si Cent sa ulan na pinapayungan ako at ang nakakatawa pa dun, hindi na siya nakauniform. Naka civilian na siya, medyo formal nga lang at nahalata ko doon na, iniwan niya nga ako pero I washed out all from it yesterday kasi binalikan niya pa rin ako.

            Nang makabili ako nang pagkain ko ay naghanap naman ako nang table ko dahil nagkakapunuan na rin gawa nang break nang practice namin. Naupo ako kung saan kami dati ring naupo, 'yung malapit sa aircon. Mag-isa ako ngayon, malamig pati ang kinakain kong chips at sandwich nagiging yelo na.

            Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong soda nang may gumulat sa akin at hawak-hawak pa ang balikat ko. Nang ilingon ko naman ay nakita ko si Skye kasama si Casey. Inirapan ko na lang siya at naupo naman silang dalawa sa harapan ko.

            "Nag-iisa ka?" ngisi pa ni Skye saka kumuha sa chips ko pero pinalo ko. Tinawanan lang siya ni Casey. Alam ni Casey na magkababata kami at alam ni Casey na may gusto sa akin 'tong si Skye pero alam ko naman na hindi niya na isiipin 'yun dahil siya na ngayon ang gusto ng kababata ko. "Nasaan nga pala si Cent? Bakit 'di kayo magkasama?"

            Napabuntong hininga ako, "'Hindi ako ang lost and found center, Skye."

            "Pero Kaye, 'diba kayong dalawa? Medyo bitter?" singit ni Casey.

            Nasamid naman ako sa sinabi niya at nginitian siya pero pilit.  "Excuse me? Yes, you may see Cent and I na magkasama pero does it mean na kaming dalawa. Like what? Wala nga siya dito, kung kailan malapit na ang graduation saka pa siya nawala."

            "Kaye..." tiningnan ko si Skye, "Ayokong ibalik ang dating Kaye na nang-aapi. Ayoko lang pakelaman ang buhay ko."

            Napansin ko naman na napabuntong hininga si Casey, "Pasensya na, pansin ko lang kasi sobrang tamlay mo."

            Tinaasan ko lang naman siya nang kilay at binaling muli kay Skye na nilalamutak na ang chips ko. Hindi ko na naman siya napigilan dahil naramdam ko ang paggalaw nang paligid ko. Umiling naman ako.

            "Kaye, bakit?" marahang tanong sa akin ni Skye pero inilingan ko lang siya at nag-sign na okay. "Hindi eh, ano nga?" hindi ko siya sinagot kundi nilapat niya ang kanyang kamay sa leeg ko at pinakiramdaman akong mabuti. "Mainit ka! Hindi ka nagsasabi! Dapat hindi ka na pumasok!"

            I took a deep sighed, "Okay lang ako, Skye."

            Mabilis naman siyang umiling sa akin at saka siya tumayo, "Dalhin ka namin sa clinic?" inilingan ko naman siya. "Gamot? Ikukuha na lang kita nang gamot."

            Saka ko siya tinanguan. Nagsama naman silang dalawa para kuhaan nila ako nang gamot. Hihintayin ko daw sila dito pero nilalamig na ako sa lamig nang aircon. Tumayo naman ako at naghanap nang medyo mainit na lugar at nahanap ko naman ang lugar sa likod nang building. Hindi gaanong malamig kundi tumatagaktak pa ang pawis ko. May narinig naman akong tumawag nang pangalan ko at nakita ko si Skye at Casey na palapit sa akin. Binigay nito ang tubig at ininom ko naman ang gamot.

            "Iwan niyo na ako." Utos ko sa kanilang dalawa. Gusto kong mapag-isa.

            "May sakit ka eh, sasamahan ka na lang namin." Dagdag pa ni Skye.

            "Oo nga, baka kung mapaano ka pa lalo." Segunda ni Casey.

            Natahimik naman ako sa kanilang dalawa at nang maramdam nila na ayoko nang kasama, sila na mismo ang nagboluntary na umalis sa tabi ko. Napabuntong hininga na lamang ako, san tumalab ang gamot ko. May naramdaman naman akong kumalabit sa akin. Tiningala ko naman siya pero malabo pa nang silayan ko siya hanggat sa nagsalita siya doon ko lamang siya nakilala.

            "Anong ginagawa mo diyan?"

            "Manong guard, nagpapahinga lang ako."

            Tumawa si manong guard. Nakakaasar din ano! Akala ko si ano—oo, akala ko si Cent. Nag-assume lang pala ako. "Nagbabalikan na ang mga estudyante doon! Bumalik ka na sa practice niyo!"

            Suminghap naman ako saka tumayo, "Ano po bang pakiramdam nang maiwan?"

            Nabigla naman sa akin si manong guard na siya's sumita rin sa akin kahapon. "Masakit dahil iniwan ka pero may pag-asa naman na bumalik siya dahil iniwan ka lang naman niya. Wala namang litanyang hindi na kita babalikan."

            "Sana nga ganun po kadali 'yun."

            "Sige na, Princess... bumalik ka na doon." Napangiti na lang ako sa binigkas ni manong guard. Naalala niya siguro 'yung contest dahil syempre guard siya hindi imposibleng mawalan ng bantay. "Hoy! Bawal cutting! Sige maiwan na kita!" agad na nagtatakbo si Manong guard sa likod nang building at sinaway ang mga nagka-cutting na estudyante.

            Bumalik na lang ako sa gym para magpractice muli. Medyo naging effective naman ang gamot dahil gumagaan na ang pakiramdam ko at pagbigat nang ulo. Mabuti na lang naisip nila na bigyan ako nang gamot hindi 'yung puro care lang.

            Sana nga rin hindi ko marinig mula kay Cent ang salitang, hindi na kita babalikan.

            Nang mapadako naman kami sa gym ay muling nagpratice from the top. As in, nakakapagod na talaga. Paulit-ulit. Kakanta, mapipiyok. Ayoko na. Gusto ko nang sumuko. Bakit ba ako ganito? Kung kailan matatapos na, doon pa ako susuko. Sa wakas, sa isang oras na pagpa-practice ay natapos na. Pinapila rin kami by section for our toga's.

            Nang turn ko naman ay inabot na sa akin ang toga ko at nang paalis na ako ay hinigit naman ako pabalik sa pila. "Boyfriend mo si Vincent diba? Dahil wala siya ngayon. Give this toga to him." Saka niya binigay sa akin ang toga. Aangal pa sana ko pero wala na akong magagawa dahil ibabalik niya rin sa akin.

            Boyfriend? Saan naman nila nakuha 'yun? Soon palang kaya.

            Naupo naman ako sa bleachers habang abala pa ang buong estudyante sa kanilang mga toga. Ngayon, hindi ko alam kung paano ko maibibigay ang toga kay Cent. Hindi naman ako sure kung bukas ko pa ibibigay dahil baka wala na naman siya. Napabuntong hininga ako. Ilang beses na ba akong bumuntong hininga? Nakakasawa minsan.

            So I've made up my mind, ihahatid ko lang sa bahay ni Cent ang toga niya at para malaman ko rin kung bakit hindi siya pumasok ngayon.

            Bumaba na ako nang bleachers at tinawag naman ako Skye.

            "Kaye! Okay ka na ba?" tanong nito sa akin.

            I nodded, "Medyo okay okay na ako." Ngiti ko.

            "Mabuti, tara sabay ka na umuwi! Balita ko kasi nag-bake si Ate ng cake."

            Mabilis naman akong umiling, "Ihahatid ko muna kay Cent ang toga niya." saka ko pinakita ang togang hawak ko.

            "Gusto mo kaming dalawa na lang ni Casey ang maghatid?" aniya.

            Mas lalo akong hindi papaya, "No but thanks. Hindi niyo rin naman alam bahay niya."

            Sa huli naman ay sumuko na silang dalawa. Naiwan naman silang dalawa at ako ay nauna nang lumabas dahil pupuntahan ko pa si Cent sa bahay niya. Hindi ko na kailangan mag taxi kahit na medyo ilang kilometro ang layo, ayos lang naman sa akin. It's just part of being a princess in fairytales, they must be the one who'll find the way leads to their happy ending.

            Ilang saglit, narating ko na ang bahay ni Cent. Hindi ko ramdam ang pagod at layo dahil kapag gusto mo talagang makita ang isang tao walang problema don. Nagdoorbell naman ako at ilang saglit lang ay may lumabas na maid at pinabuksan ako.

            "Sino po sila?"

            "Kay-Kerryl po."

            Agad namang napalinga-linga siya sa paligid, "Bawal na po kayo dito. Ano pong ginagawa niyo?" pabulong nitong sabi sa akin.

            Nagtaka naman ako, "Bakit? Ibibigay ko lang sana ang toga ni Cent dahil hindi siya pumasok.

            Sa sinabi ko siya naman ang nagkaroon nang pagtatakang expression, "Pumasok po siya."

            "Hindi." Sagot ko. Ang gulo naman nitong katulong nito. Sinong lolokohin niya, eh kami ang nandun.

            Ilang saglit lang ay biglang may lumabas mula sa pinto na babaeng noong inakala ko ay kapatid lang ni Cent pero hindi, nanay niya pala ito. Agad namang nagtama ang mata namin at umalis sa pagitan ang katulong. Huminto siya sa kanyang kinatatayuan at ako naman ay pumasok.

            "Hanggang diyan ka lang." mataray nitong sabi sa akin kaya napahinto naman ako. "Anong ginagawa mo dito, Kerryl?" taas kilay at mataray nitong sabi sa akin. Nakakulay aquamarine na dress na hapit sa kanyang katawan at lumalabas ang kurbadong pangangatawan. Pinamungadan din ito nang ruffles sa paligid.

            Tiningnan ko naman siya, pinipilit na maging presentable, "'Yung toga po kasi ni Cent. Inihatid ko lang." saka ko iniabot sa kanya ang toga nang anak niya pero nginisihan niya lang ako. "Kay Cent po 'to. Hindi niyo po ba kukunin?" taka kong tanong sa kanya.

            Bumaba ito nang isang hakbang palapit sa akin, "Hindi na kailangan 'yan ni Joseph dahil hindi siya sasama sa graduation. Ngayon ay papunta na siya sa Europe para doon mag-aral." Nagkaroon nang kunot ang mga noo ko sa sinabi niya, imposible. "Kaya kung ako sayo, ibalik mo na lang 'yan."         

            "Pero ang sabi po niya, hindi naman daw po siya mag-aaral doon." Dahil 'yun ang pagkakaalam ko. Hindi siya mag-aaral doon dahil nagtry lang naman siya pero bakit binali niya agad 'yung sinabi niya sa akin?

            Tinawanan lang niya ako, "Ayaw niya pero gusto ko." pinandilatan niya ako nang mata. "Kaya Kerryl, ibalik mo na 'yan."

            Napayuko na lamang ako sa kaya at dahan dahang nabitawan ang togang hawak-hawak ko na para sana kay Cent. Pinikit ko ang mga mata ko at doon bumagsak sa sementong sahig ang mga butil ng luha ko. "Hindi naman po Kerryl ang pangalan." Pag-amin ako saka ko iniangat ang ulo ko.

            "Joseph said you're Kerryl Langot."

            Napangisi ako, "Just read it 100 times tita, you'll read kulangot. Kaye Ramirez po talaga ang pangalan ko, sinabi lang ni Cent 'yun dahil akala mo po girlfriend niya ako that time but it isn't. So, Kaye po ang pangalan ko. Hindi ako aalis kasi si Kerryl ang pinapaalis niyo." Ngiti ko pa sa kanya.

            Pinulot ko naman ang toga ni Cent at dahan-dahang lumapit kay tita na hindi makapaniwala sa sinabi ko. magkasalubong Ang kanyang kilay pero binaliwala ko na lang 'yun.

            I took a deep breath, "Pakisabi po kay Cent na umattend siya nang graduation dahil hindi pa niya nakukuha sa akin ang graduation gift niya. Pakisabi po, si Kaye Ramirez ang nagsabi hindi si Kerryl Langot." I hugged her and in just a seconds, I moved out. "Kayo na lang po magbalik ng toga kapag hindi bumalik ang anak niyo." Saka ako tumalikod at bumaba papunta sa gate.

            "Wait! Ker—Kaye!" napahinto naman ako sa paglalakad ko. First time kong narinig ang pangalan ko sa kanya, madalas kasi ang Kerryl dahil 'yun ang pagkakilala niya sa akin. Hindi ako humarap sa kanya at nanatili langa kong bato sa kinatatayuan ko, "Mahal na mahal mo ba talaga ang anak ko?"

            Tumingala ako dahil tuloy-tuloy na bumagsak ang luha ko. I nodded.

            Saka ako tumakbo palayo.

            Hindi ko na narinig ang sunod niyang sinabi sa akin. Hindi ko rin alam kung anong mangyayari sa akin, papunta nang Italy si Vincent. Napaupo sa gather sa tabi ng kalye at pinunasan ang luha ko, "Mabuti na lang wala kang sinabi na, hindi mo na ako babalikan kaya ngayon, atleast aasa akong sabay tayong ga-graduate."

            

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top