Chapter 47

Chapter 47

Doubts 

Abala ako ngayon, kay aga-aga dahil kailangan na palang asikasuhin ang preparation for graduation ball. Yes, and the theme was masquerade ball at may naisipan naman kaming dalawa ni Donie na magkakaroon din nang King and Queen of the night kasi nga, graduation ball na 'yun so kailangan may bongga rin. Syempre kasama rin kami doon sa magiging participants. Hindi ako umaasa dahil nabigyan na ako nang title pero hindi rin masama mangarap.

            "Seniors!" nahinto naman kaming dalawa ni Donie sa ginagawa namin nang istorbohin kami ni Juliet, joke lang hindi talaga. Nilingon namin siya at iba pang nandito sa loob anng student council room. "Lahat ng seniors pumunta na daw gymnasium. Graduation Practice!"

            Agad naman kaming napa-ayos lahat at naiwan naman ang ibang student councils na freshmans, sophomores at juniors. Sabay sabay naman kaming lumabas at tinungo ang daan sa gym. Hindi ako tumuloy sa room kanina kasi doon na ako pinapapunta, excuse na nga daw ako sabi ni Juliet na president ng SC. Hindi ko rin alam kung pumasok si Cent, pero sana oo kasi nagpa-practice na eh. Actually, third day na 'tong practice namin at 1 week na lang. Graduation na namin, so wala nang klase ang lahat nang seniors.

            Nang makapasok na kami sa gym ay nabalot kaagad nang ingay nang mga estudyante ang narinig ko. Maraming seniors ang nakapaligid na halos pinupuno na ang gymnasium. Humiwalay na rin naman ako sa mga kasama ko at hinanap ang section ko.

            "Excuse me..." pahintulot ko pero mukhang hindi ako narinig at nabunggo ako. Masakit sa dibdib. Nang mapalingon naman ang lalaki ay sinimangutan ko na lang siya. "Leche ka! Masakit 'yun Skye!" palo ko pa sa kanya.

            Ginagamit naman niyang pang-salag ang braso niya sa pagpapalo ko, "Pasensya na! Natulak lang ako!" aniya. Natatawa tawa pa siya. Naku naku! Mabuti na lang talaga kababata ko 'to kundi naupakan ko na 'to. Maliit na nga bubungguin pa. Sakit. Sobra sobra, masyadong bumaba ang pagkatao ko. Tss, just kidding.

            "Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko dahil wala ka nun, Skye."

            Tiningnan niya lang ako nang may pagtataka at napatingin-tingin sa gilid niya at sa huli napakamot na lamang siya nang batok niya. "Kaye, nakainom ka ba nang gamot mo?"

            Agad siyang nakatanggap nang batok mula sa akin saka ko siya iniwan. Nang-asar pa. Leche!

            Hinalughog ko pa ang paligid at sa wakas ay nakita ko na rin naman ang mga kaklase ko pero agad na hinanap nang mata ko ang lalaking magbibigay nang ngiti sa buong araw ko. Inikot ko pang muli ang paningin ko pero hindi ko matanaw ni tindig niya, sinubukan kong titigan lahat sila pero namamalikmata lang ako. Hindi ko makita si Cent. Dapat nandito lang siya sa group ng section namin, kung pumasok man siya.

            "Nakita mo si Cent?" tanong ko babae kong kaklase.

            Inilingan naman niya ako, "Hindi pa."

            "Anong hindi pa?"

            Kinibit-balikat naman niya ako, "As in hindi pa."

            Napabuntong hininga naman ako sa kanya at tinanong ako lalaki kong kaklase. Kung wala ka ngayon, humabol ka please. Hindi mo nga nabawasan 'yung tatlong natitira sayo pero ngayon pa ba? 'Wag naman kasi diba gusto mong grumaduate tapos magstay dito kasama ako. Ayaw mong lumayo sa akin diba, pumasok ka.

            Masyado na akong obsessed but not in that way.

            "Pumasok ba si Cent?" mariin kong tanong sa kaklase ko.

            "Hindi." Naintimidate naman siya sa pagtaas ko ng kilay ko dahil pansin ko ang lunok niya nang laway niya. "Hindi kasi siya pumasok. H-hindi ko alam, baka nalate lang."        

            I slowly nodded, "Sige salamat."

            Mukhang mag-gigive up na naman ba ako sa kakahintay sa kanya then sudden bigla siyang dadating. Lagi ko namang iniisip 'yun, tapos saka siya darating. Sana nga, ngayon pa lang iniisip ko na dumating ka.

            Nung isang araw lang binalita mo sa akin na nakapasa ka sa Nacional de Unibersidad tapos sabi mo doon ka na papasok, alam mo ba 'yung unang pumasok sa isip at puso ko noon na tutungtong nga talaga tayo sa happy ending natin. Kasi kahit magkaiba tayo nang papasukang university, okay lang sa akin dahil pwede naman tayong magkita unline you'll study in Italy, mahihirapan ako.

            Sabi nga nila, I'm so lucky but they don't know that I'm crying when they don't see me. I can cry when someone left me behind. Mabilis bumagsak ang luhang traydor kaya kahit anong gawin, hindi mo mapipigilan pero ngayon iniisip ko muna na may dalawa ka pang natitira.

            I need to erase the feeling na hindi mo makukuha ang graduation gift mo mula sa akin.

            Pinapila. Umayos at nakinig sa mga gurong gumagabay sa practice namin nang graduation. Ang init at naging kulob ang loob ng gymnasium dahil sa mga pagod at pawis nang estudyante. Binigyan kami nang five minutes break at nakapagpahinga naman kami sa bleachers doon.

            And sudden a moment, someone handed over a bottle of water just right in time. When I look at and when I saw him, hindi ko pinakelamanan ang boteng hawak niya kundi agad ko siyang nayakap. Hindi ko alam pero namiss ko siya bigla. I lose my tight hug from him at dahil naging agaw eksena kami sa mga kaklase ko ay naupo na kaming dalawa.

            "Take this," aniya saka ko naman kinuha ang bote ng tubig sa kanya. Malambing at naging mahinhin ako sa kanya, ewan ko pero naging akward ang datingan sa aming dalawa.

            "Salamat..." aniko at ininom ang tubig pero muntik ko nang maibuga ang tubig sa bibig ko nang pansin ko sa bawat paglunok ko naiirita ako sa titig niya. Pinunasan ko naman ang bibig ko at humarap sa kanya, "Hindi mo naman ata malulusaw niyan." Hagikgik ko sa pa sa kanya.

            Tinapik niya ang balikat ko, "Akala mo aabsent ako 'no." ngisi pa niya.

            Mabilis naman akong umiling sa kanya na parang bata. "Bakit ko naman iisipin 'yun?" pag-aakila ko pa. Pero ang totoo naman 'yun talaga ang point ko, alam na naman niya 'yung nasa sitwasyon niya eh kaya nagiging maingat na rin siya.

            "Kasi alam kong mamimiss mo ako." Pisil pa niya sa pisngi ko. "Pero seryoso, gusto ko kasing makuha ang graduation gift ko mula sayo."

            I smiled, "Bakit naman?"

            "Kasi alam ko kung para saan ang lahat nang ginagawa mo sa akin, and even me for you. I don't know how to say this gaysh*t but I was born to make you happy and to be love like me."

            I'm shy.

            Siguro namumula na ako sa kamatis ngayon. Siguro tinatago ko na ang sarili ko mula sa kanya ngayon pero hindi ko rin magawa dahil nasa harapan ko siya at walang ibang ginawa kundi pakiligin ako. Sa totoo lang kahit wala pa man kaming tinatawag na official, ramdam na ramdam ko na 'yung pagiging kami kahit wala pa.

            "Para kanino ka ba gumigising?" nasambit ko na lamang. Hindi ko alam kung saan nanggaling pero naalala ko lang bigla 'yung isang commercial sa tv.

            He smirk, I love to see his half-smile mas nakakapogi sa kanya 'yun. "I woke up for a cup of coffee."

            Para akong lumutang sa kawalan nang sabihin niya 'yun. Tumawa siya bigla. Hindi ko na-gets kaya para akong tanga na pina-process sa utak ko ang sinabi niya. Nagtanong ako na para kanino siya gumising, ang sagot sa isang tasa ng kape.

            "Ahh!" mas lalo akong naging slow nang maalala ko. Connected pala ang sagot niya sa tanong ko. That was a coffee product commercial. Nakakaasar lang, hindi naman 'yun yung gusto kong sagot mula sa kanya eh.

            "You?" balik na tanong niya sa akin.

            I place my point finger down to my chin and think what could be the answer right to his question. I quickly find some words to answered him and its, "For God, Family and Prince."

            "Why me is on the last?" taka niyang tanong sa akin.

            I giggled, landi. "Because save the best for last. I put you on the last side because when I got finished among them, they will support how my journey begins with a Prince. You know that, Mr. Hughes."

            He laughed, "Do you imagine that soon you'll having my last name, you'll be a Hughes."

            I chuckled, "Yeah! Ngayon pa nga lang, may signature na ako." Saka niya ako kinulong sa yakap niya. nagkantiyawan naman ang mga kaklase ko sa likod pero hindi naagpaawat at pinansin ni Cent 'yun kundi kung sinong katabi niya 'yun lang ang papakelaman niya.

            Bumalik kami sa practice. Rumampa sa stage at pakuha nang diploma. Natapos sa isang araw ang practice naman kaya nang matapos ang practice, lahat nang seniors ay pagod na pagod na. Naiwan naman kaming dalawa ni Cent na nakaupo sa bleachers habang ang iba ay papalabas na para umuwi.

            "Sa tingin mo ba Cent, worthy ako para sayo?"

            Ngisi niya, "Naman! Sinong nagsabing hindi?"

            He holds tightly my hand, "Wala lang, natanong ko lang."

            "Tara na sa baba." Yaya niya sa akin.

            "Teka lang! Punta tayo sa Student Council room nandoon kasi 'yung bag ko." tinanguan naman niya ako at napunta na kaming dalawa palabas nang gym. "Oo nga pala, Cent. Magkakaroon nang masquerade ball or so called, graduation ball. Gusto ko terno tayo nang damit."

            Tiningnan niya lang ako saka hinawi ang buhok na humaharang sa mukha ko saka niya binalik ang tingin sa daan.

            "Cent, sumama ka." Pagsusumamo ko sa kanya.

            Nginisihan niya ako. Napanguso naman ako sa kanya dahil mukhang ayaw niya kaya hinigit ko pabalik ang kamay ko sa kanya at tumakbo ako mag-isa papunta sa student council room. Iniwan ko siya dahil mukhang ayaw naman niya pero sa kasaamang palad, napadapa ako.

            "Kaye!" and the prince will come to save me.

            Pero pagkatingin ko si Renzo ang nakita ko, "Renzo?" pagtataka ko nang makita ko siya.

            "Bakit? Akala mo kung sino?" taka nitong tanong sa akin habang tinatayo ako. "Hindi mo kasama si Vincent?"

            Akala ko nga ikaw siya eh.

            Umiling naman ako bilang sagot sa kanya.

            "Sana ka ba pupunta?"

            "Sa student council, sige mauna na ako!" saka ko muling tumakbo papunta sa room. Mabuti na lang at naabutan ko pa si Juliet na isasara na sana ang pinto at nakuha ko naman ang bag ko at panandaliang naghintay. Syempre si Cent, nauna ako sa kanya eh. Siguro iniisip nun, nagtatampo ako.

            Naghintay ako.

            Naghintay.

            Tumingin sa orasan at lagpas na isang oras sa paghihintay ko sa kanya. Nagsi-uwian na rin ang mga lower years pero ako, nandito pa rin sa tapat nang student council, hinihintay ka pa rin. Pabalik-balik ang tingin ko sa orasan hanggat sa nainis na ako at nawalan nang pasensya.

            Tinawagan ko na siya, walang sumasagot.

            Bakit ba minsan Cent, ang hirap mong kausapin. Nawawala ka na lang bigla nang walang paalam. Hindi ko alam kung magician ka ba o ano, sinasalamangka mo lang ata ako eh, hindi ko alam kung nagiging inivisible ka lang o sadya kang umaaalis.

            I leave him a message na maghihintay ako dito sa student council.

            "Anong ginagawa mo diyan? Uwi na!" sita sa akin ni Manong guard.

            "Hindi po. May hinihintay pa po ako." Sagot ko na lang sa kanya.

            Inilingan naman ako ni manong guard at hinablot ang kamay ko, "Ineng, nauwi na lahat nang estudyante dito at nagpapatay na lang ako nang ilaw. Anong hinihintay mo? Sige ka, may nagpaparamdam pa naman dito." Nakuha pang manakot ni manong guard.

            Napabuntong hininga naman, "You leave me with no excuses."

            Palabas na sana ako nang gate nang biglang bumuhos ang napakalas na ulan. Hindi ako nagpatila. Hindi ako sumilong. Sinuong ko ang pagbagsak nang ulan. Basang basa na ako, ni walang natirang tuyo sa katawan ko o uniform. Mabilis nitong binasa ang buhok ko. Mabuti na lang na walang laman ang bag ko at extra shirts lang din.

            Nang kapain ko ang bulsa ko, napailing na lang ako. Basa ang cellphone ko.

            Lumabas ako nang school at naglakad sa gitna nang napakalaas na ulan. Walang tao sa paligid pero may nakakakita sa akin na ilang tao na nasa ilalim nang napakalakas na ulan.     

            Wala akong pake. Iniwan ako eh.

            Naramdaman ko na lang walang pumapatak sa balat kong tubig at nang iangat ko ang ulo ko. May payong sa itaas ko at nang ibaling ko ang may hawak, napatitig na lang ako sa kanya.

            "Anong ginagawa mo?" tanong nito sa akin.

            "Naliligo sa ulan." Walang gana kong sagot sa kanya.

            "Hindi mo ba naiisip na pwede kang magkasakit dahil sa ginawa mo? Kakagaling mo lang sa pagod." Sermon nito sa akin pero nilabas ko na lang ito sa kabilang tenga ko.

            Tinaasan ko naman siya nang kilay, "Ikaw, hindi mo ba naisip na sa loob nang dalawang oras naghintay akong nakatayo sa harap nang student council kasi akala ko pupuntahan mo ako." Ganti ko sa kanya.

            Napayuko na lang siya sa sinabi ko, "Pasensya na..."

            Tinaas ko naman ang ulo niya at napansin ko naman agad ang isang bagay na nagpalambot bigla sa puso ko, "Nagpaulan ka rin ba?" ngiti kong tanong sa kanya.

            Mabilis siyang umiling sa akin na may halong pagtataka, "Hindi bakit?"

            Hindi ko siya sinagot kundi pinunasan ko ang luhang dumaloy sa pisngi niya.

            Niyakap ko siya.

            "Sa susunod, 'wag mo akong iiiwan sa ere. Masakit maghintay sa wala."

            "Hinding hindi na..."

            "Pangako?" tingin ko sa mga mata niya subalit agad niyang iniwas.

            "Iuwi na kita, magkasakit ka pa."

            All the way home, nakangiti akong kasama ko siya kahit basang-basa na ako sa ulan hindi niya inalis ang pagkakapayong sa akin. Pero ang hindi ko lang talaga maintindihan sa kanya bakit hindi niya kayang tumupad sa isang usapan? Ngayon palang, nasasaktan na ako sa mga ginagawa niya. It's painful to see that the end is near then my doubts keep on releasing. In the near future, we still don't know what will gonna happen in the end.

            Still we end up, hoping for a happy ending.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top