Chapter 45
Chapter 45
Why now?
After what I just received from him yesterday, ginambala na ako at hindi matahimik kakaisip non. I never find something that can make me feel busy para hindi ko ulit maisip 'yung tulad dati kasi ngayon alang-ala ako. Siya na lang kasi 'yung wala sa klase, siya na lang 'yung hinihintay kundi mamamarkahan siyang absent.
I crossed my fingers, just not today Cent.
"Okay, lets start our lesson." And after what Ma'am Amandy said. I just closed my eyes and said. Yes, I feel so worried that may Vincent couldn't graduate 'cause he got dropped by not attending school. For about some month, ga-graduate na kami—kaming mga seniors. Ayoko naman kasing ako magka-college na tapos siya, balik senior o di kaya magtake up ng summer.
"Sorry! Ma'am Amandy!" I just opened my eyes and saw my princes in front of the door, "I'm late."
Ewan ko pero bigla na namang nabuhayan ang puso ko. Tila 'yung mga pag-aalala ko kanina, mabilis na nawala. Sa pagdating niya hindi siya mamamarkahan nang absent. Ano ka ba Kaye! Tiwala lang kay Cent!
Tiningnan lang siya ni Ma'am Amandy na nakataas pa ang kilay, sinunod naman niya ito nang papuntahin na siya sa silya niya. Nang tingnan ko si Cent na papalapit sa akin, sa silya niya ay nagtama ang mata namin—na agad niyang iniwas. Ang lamig nang tingin niyang 'yun, tila parang may ayaw akong malaman. Parang gusto kong umiwas na lang din sa kanya. Feel ko masasaktan ako sa mga titig pa lang niya.
Kinalabit ko naman siya nang tumalikod si Ma'am Amandy para magsulat sa whiteboard. Nilingon ako ni Cent pero mabilis niyang binalik ang tingin niya sa harap. Nakakapagtaka. Umayos na lang din naman ako nang pagkakaupo at nakinig kay Ma'am Amandy sa discussion niya. Alam kong mabilis na lang lumipas ang araw at papatong na ang araw na lalabi pero nandun pa rin 'yung takot? Takot kasi kapag hindi niya 'yun, sira din ang happy ending ko.
Napatitig na lang ako sa pagtayo ni Cent. Sinundan ko lang siya nang mata hanggang sa lumabas nang room. Nagpaalam siya na iihi lang pero bakit pakiramdam ko may iniiwasan siya. Sige, kahit ngayong araw lang din, pipilitin ko na hindi muna siya makasama, isipin at kulitin dahil baka badtrip siya at baka isa ako doon. Imposible pa rin.
Nakinig. Nabored. Nagquiz. Nakatulog. Ano pa ba ang magagawa ko? Sinenyasan ko si Marc na sasabay ako sa kanya mamayang lunch at okay naman daw sa kanya at syempre kasama ulit si Xamantha. Iniisip ko na sana wala lang 'to.
Pero ano nga ba kasi 'yung text niya sa akin kahapon na dapat daw sinama niya ako para hindi na siya umalis? O masyado ko lang binibigyan nang meaning kaya ganito ako ngayon. Tinawag ako sa student council dahil bilang Princess of the campus ika nga daw at kasama ang Prince of the campus na nasa higher section ay kailangan daw namin ayusin ang preparation for the graduation ball.
"Ano bang magandang theme?" tanong ko kay Donie—ang Prince of the campus title holder.
Nagkibit balikat naman siya sa akin, "Babae ka, mas marami kanga lam 'don."
Tinaasan ko naman siya nang kilay, "It doesn't need that the girls only be responsible for all the things that we needed as much as possible, boys can contribute as much as a smallest thing, it could be appreciated more than enough."
Siningkitan naman niya ako nang mata. Hindi ka gwapo. Hindi ka chinito, kaya wag na wag mo akong sisingkitan, hindi bagay... para kang tirador sa kanto. Kung pwede lang sabihin sigruo umatras ka na bilang title holder for the Prince of the campus, "Ah, actually we talk about the theme... what are you saying?" iiling-iling niyang sabi sa akin.
I sighed. Okay. Nasa higher section nga pala siya, wala silang humor sa katawan, seryoso sila lahat. Mudmod sa pag-aaral, walang pakialam sa pakiramdam ng iba dahil kahit mismong kaibigan nila kinakalaban just for a rank. Ganyan ang mundo nila, kaya minsan hindi na ako nagbalak na pumasok sa kanila. Alam ko kasi kilala ko si Xam, hindi man siya ganun pero may mood siyang mapagmataas.
Sorry, that's just my point of view.
"Okay, suggestion?" tanong ko muli sa kanya.
Abala kasi ang student council kaya kaming dalawa muna ang pinaghandle dito, tahimik at kulob ang SC room kaya medyo mainit, may hangin naman gawa na rin nang vintelation fan.
He thinks, "Why should we try... cocktail ball."
Napa-huh na lang ako sa kanya. Suggestion ba tawag dun. Naglolokohan lang ata kaming dalawa dito eh kaya nag-isip na ako bago pa niya masira ang mood ko.
"Masquerade Ball... yes!" tugon ko sa kanya.
"Yes!" mabilis na pag-sang ayon nito sa akin. "That's what I've been thinking the all time."
"O-okay." Saka ko na lang sinulat sa memo ang mga kailangan kapag sa Masquerade ball. Syempre ang tema maskara, so ibigsabihin lahat nang students naka-masakara at their comfort and elegant dahil magkakaroon din nang awardings. 'Yun ang naisip ko at pak na pak naman sa mga student councils ang naging suggestion ko kaya nang matapos kaming dalawa ay dumiretsyo na ako sa canteen dahil lunch na rin naman at kasama ko si Marc.
"Kaye! Dito!" nabaling ang atensyon ko sa tumawag nang pangalan ko na si Xam. Mabilis naman akong napatungo sa kanilang dalawa at naupo sa silya katabi ni Xam. "How are you?" bungad sa akin ni Xam nang makaupo ako sa tabi niya.
I shrugged, "Okay naman ako! Kayo? Kumusta kayong dalawa?" sa pagtatanong kong 'yun ay hindi ko maiwasan na hindi kiligin dahil nagtitigan pa ang dalawa bago sumagot sa akin.
Nang ibaling naman ni Xam sa akin ang mga malalapad niayng ngiti ay naweird-uhan naman ako sa kanya. May iba kasi akong nase-sense sa mga ngiti niya pero alam ko na hindi pa niya sinasagot si Marc kasi sa right age na daw pero why not baka 'yun na nga diba?
"Pasado kaming dalawa sa Dela Preville University!" at halos maghumerementado si Xam sa binalita niya sa akin. Napangiwi na lang ako habang tinitingnan siya, weird pero atleast maganda. "Ikaw?" tanong nito sa akin.
I nodded, "Pasado rin ako."
Bigla naman niya akong niyakap na parang nanalo sa lotto. Napatingin naman ako kay Marc tapos tinawanan niya lang ako. Siguro kapag magkasama silang dalawa, parang ako lang din si Xam dahil kalog din siya, wang weird niya talaga. Inalis naman niya ang pagkakayakap sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Eh si Vincent?" sa pagkabanggit niya nang pangalan ni Cent ay nalungkot ako bigla. Ang cold ni Cent kanina nang dumating siya, late din siya. Minsan nauunahan niya pa si Ma'am Amandy pero bakit ngayon, nag-iiba siya. Ayoko man bigyan nang kahulugan ang mga kinikilos niya pero mismong pagkausap sa akin, sobrang lamig. Pwede na akong magkumot nang sangkaterbang makakapal dahil sa kanya.
I shook my head for answering her question, "Hindi 'ko alam, Xam." Nalungkot din naman siya bigla sa sinabi ko. Oo, close kami ni Cent pero hindi naman all the time nagkakausap kami doo kasi kapag kasama ko siya lagi, ang laman lang nang utak ko siya at ang graduation. Kapag natapos ang graduation, siya na lang ang gugulo nang utak ko.
Pero pwede niya rin piliin ang pag-aaral sa Europe dahil mas malaking opportunity 'yun for him.
Nag-lunch naman kaming tatlo at habang kinakain ko ang libreng sandwich ni Marc natanaw ko si Cent na kumakain mag-isa. Nagtama ang mata namin at gaya nang kaninang pangyayari ay iniwas niya ang tingin niya sa akin at umalis. Sinundan siya nang tingin hanggat sa maglaho na lang sa paningin ko. Napabuntong hininga ako. May nagawa ba akong kasalanan sa kanya? Actually sa kanya nga dapat ako magalit kasi hindi niya ako binalikan kahapon tapos 'yung text niya na gumugulo pa sa akin.
Marami akong gustong tanungin pero natatakot ako kasi ngayon pa lang, sa pangalawang pagkakataon, ramdam ko na lalayo na naman siya sa akin.
"Mauna na ako." Sabi ko sa dalawa nang mainom ko ang tubig ko. They nodded to me and I walk out from their sweetness.
Naglakad naman ako. Naglakad hanggat sa mauntog sa poste. Napahawak naman ako sa nook o at unti-unting dumilim ang paningin ko.
"K-kaye?" a voice I heard coming at me.
--ENDLESSLY—
As I open my eyes, my head strikes ache. Masakit at nang hawakan ko ito ay may bukol sa noo ko. Malakas ba ang pagkakauntog ko kanina sa poste? Mas malala pa dahil bato 'yung nauntugan ko. Masyado akong tanga para hindi mapansin 'yun. Sana kasi siya na lang nabunggo ko atleast hindi pa ako masasaktan at hindi mahuhulog sa lupa dahil nandiyan siya para sumalo. Pero ngayon? Malamig at wala kang pakealam sa akin.
Nang ipiling ko sa gilid ko ang ulo ko ay nakita ko si Cent na nakapapikit ang mga mata habang nakahalukipkip. Tulog siya habang binabantayan ako. Siya rin ba 'yung narinig ko kanina na tumawag nang pangalan ko? Paano niya ako nakita? Sinusundan niya ba ako? Ewan ko, hindi ko alam.
Kinuha ko ang kamay niya. Manly pero malambot, hinaplos ko naman ito dahilan para magising siya. Binawi niya ang kamay niya at tiningnan niya lang ako. Nginitian ko siya pero sa mukha walang bakas ni isang expression kundi blanko lang siyang nakatingin sa akin kaya biglang naglaho ang ngiti ko sa mukha ko. Napailing ako. Ano ba nagawa kong mali?
"Cent..."
Sa pagkabigkas ko nang pangalan niya saka siya tumayo at pansin ko ang pagbuntong hininga niya. Tatayo rin sana ako pero naramdam ko ang pagbigat nang ulo ko kaya nanatili akong humiga. Nakatingin lang siya sa akin, hindi ka ba nag-aalala sa akin? Hindi mo ba ako tatanungin na okay na ako?
"I think you're okay, I'll go." Saka niya ako tinalikuran at dahan dahan siyang naglakad. Dahan dahan. Parang sinasabi niya, dahan dahan din siyang mawawala sa buhay ko. Iniisip ko pa lang, kailangan ko na ulit bitawan ang paniniwala sa fairytales.
"Joseph..." bigkas ko nang pangalan niya dahilan para mahinto siya. First time ko atang tinawag siya Joseph at medyo nakakapanibago. Hindi pa rin siya lumingon sa akin, hindi talaga kundi naglakad siya palabas nang clinic.
I feel like I'm wasted.
Pinikit ko na lang ang mga mata ko at tumulo ang luha ko. Kailangan kong itulog na lang 'to. Masyado lang talaga akong nag-aalala sa kanya. Siya na lang lagi ang iniisip ko. Siya na lang lagi ang laman nang puso at isip ko. Hindi na siya mawala sa akin. Para kasing sinabi niya na 'wag na akong umasa.
Fairytales pero bakit patungo sa tragic ending? Dapat ang evil's ang mamamatay pero bakit ang happy ending ko ang mamamatay.
Isang oras ang lumipas, pinilit ko na rin bumalik sa klase kahit na medyo hihilo-hilo pa ako. Sakto nang wala kaming guro sa klase namin ngayon pero lumayo na naman sa akin si Cent. Diba nasa harapan ko siya pero ngayon, nakipagpalit siya nang upuan sa isa kong kaklase kaya napwesto siya sa front seat.
"LQ kayo?" napatingin naman ako sa katabi ko na bigla bigla na lang angsasalita.
Kinunutan ko namans siya nang noon, "LQ?"
She rolled her eyes, "Oo! Lover's Quarrel kayo... kayong dalawa ni Vincent."
Mabilis akong umiling, "Hindi. Wala namang kami."
Saka siya napangiwi sa akin.
Dumukmo na lang muli ako sa silya ko. Nakatulog hanggat dumating ang sunod naming guro at sa wakas, natapos ang klase. Nawalan ako nang gana, may bukol pa rin sa noo ko pero umipis na siya di gaya kanina. Lumabas na ako nang classroom pero hindi nga ata mapipigilan, sabay pa kaming dalawa.
I took a deep breath. I get his arm at niyakap, hindi ko namalayan na pati ang luha ko sumunod na rin sa bugso nang damdamin ko.
"Why so cold? Ano bang nangyayari sayo?" tanong ko sa kanya.
Ang sunod na lamang na naramdaman ko ay ang pilit niyang pag-alis sa pagkakayakap ko sa kanya. Hindi na ako nagpapilit at kusang ako na ang umalis. "Wala."
Aalis sana siya pero tinawag ko muli siyang, "Joseph."
He looked at me, "Wala kang kasalanan, Kaye. Wala ka dapat alalahanin. Kasi ngayon kailangan mo nang masanay na wala ako sa tabi mo. Kaye, I don't know what I'm saying but I'm leaving you."
Napailing iling ako sa sinabi niya, hindi ko maintindihan. "Anong ibigmong sabihin?"
Malayo ang agwat namin sa isa't isa. Dalawang dipa.
"I passed the exam in Italy."
Mas lalo akong nalito, "So? Diba sabi mo hindi ka naman mag-aaral doon kasi nagtry ka lang. Cent, nakapasa ako sa Dela Preville alam kong ikaw rin! Mas maganda kung magkakasama pa rin tayo at hindi ka lalayo."
He shook his head and it brokes my heart, "Hindi kasi ganun ang lumabas Kaye."
"Edi ano?" bumibilis ang kabog ng dibdib ko, hindi sa kilig o kung ano man. Sa kaba at takot na umalis siya sa piling ko.
"Hindi ako pumasa sa Dela Preville. Ayaw ng parents ko sa Saint Scholastic ako mag-aral. Nareceive ang letter kahapon at sila ang nakatanggap at doon nila ako gustong pag-aaralin."
Bumigay ang luha ko, bagsak ang balikat sa sinabi niya. Para akong hiniwa sa gitna at naging daing. "Seryoso ka ba? 'Wag mo nga akong binibiro!" mahina kong tawa pero nakatingin lang siya sa akin. "Bakit mo pa kasi kailangang lumayo?" seryoso ko.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at pagyakap. "Kaya mo naman diba?"
Umiling ako at ako naman ang umalis nang yakap sa kanya, "Hindi kasi ganun kadali ang maghintay Cent. Ilang buwan ang hinintay ko sa pagbabalik mo, ilang taon pa kung sa ibang bansa ka mag-aaral. Hindi ko kaya pero sige kung 'yun ang gusto mo." Napalunok ako sa nanunuyo kong lalamunan. "Lalayo na rin ako."
Nakalayo na ako sa kanya pero bigla niyang hinablot ang kamay ko, "I'll try what can I do."
Umiling ako. "Don't say try, say you will." Napatakip na lang ako nang bibig ko habang palayo sa kanya. Ayokong marinig niyang umiiyak ako. Tumakbo na ako palayo sa kanya. Palayo sa prince charming ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top